Lunes, Enero 27, 2014

Dumedexter Doria

Walang komento:

Kung may Celia Rodriguez tayo na pang-altasociedad lang ang peg, bihisan mo man ng basahan ay angat pa rin ang kasushalan; at may Lilia Cuntapay tayo na pangmahirap lang ang peg, damitan mo man ng ginto eh litaw pa rin ang kahirapan; syempre papayag ba tayong mga middle class na walang kakatawan sa atin? Not to diss madam Celia and madam Lilia, love ko sila pareho pero di sila ang kampyon naming pang average at 'pwede na' na mga mamamayan. Nanjan naman si Dexter Doria.

Ayon kay ateng Wanda, laging middle class ang role ni Dexter Doria. Teka sino nga ba si Dexter? Nakakalito ang pangalan nya kasi panglalaki pero babae. Anyway, sya nga daw yung laging middle class ang role. Kasi pag yumaman syas duda ka na yumaman siya dahil sa jueteng, sakla o pagbebenta ng mga pekeng ginto at kung anek-anek na klaseng estafa. Kapag naging mahirap naman eh ganon din. Kaya middle class na lang. Madalas sya yung mamasang sa mga chipanggang beerhouse o massage spa na may extra service. Lead majongera o nagpapatakbo ng illegal gambling. Pyramiding queen o di kaya asawa ng goon na smuggler ng fake iPhones. Pwede rin syang malupit na tiyahin. Kung mabait naman ang role nya eh pwede syang kapitan ng baranggay o kaya kumadrona o chismosang guidance counselor. Sa totoo lang, malaki ang playing field nya kung sa dami ng possible roles lang naman ang pag-uusapan. Dahil napakalaki ng middle class.

Noong taong 2012, naitala ng SWS na nasa 69% ng combined number ng families sa Pilipinas ang Class C at Class D. Masasabing masa ang middle class. Ngunit bakit ang 1% lang na altasociedad ang nagpapatakbo sa bansa natin? Powerless ka kung di ka Ayala, Lopez, Aquino o Romualdez. Asan ang demokrasya jan? Asan ang boses ng masa? Napupunta lang sa mga bobong mambabatas at mapagsamantalang administrasyon. Dahil mas bobo ang masa sa pagluklok nyan sa pwesto nila. Wala ka na magagawa. Ginusto natin yan eh.

Nung pumutok ang Napoles pork barrel scam, halos lahat ng tao may sari sariling konsepto. Lahat may masasabi at gustong sabihin. Pero lahat ba may sense? Natatawa ako dun sa mga nainterview na mga squatter. Galit na galit sila kay Napoles dahil ninanakaw daw ni Napoles ang pera nila. Preno muna. Ang pork barrel na pinag-uusapan eh yung allocation ng mga nakolektang buwis. Di ko naman minamata na lahat ng squatter ay di nagbabayad ng buwis. Marami pa rin, indirectly siguro mula sa mga pinapataw na taxes sa bilihin. O di kaya gaya din ng karamihan sa ating middle class na binabawasan buwan-buwan, taun-taon mula sa compensation natin. Napakasakit kaya na nasa 20-32% ng kinikita mo ay inaawas tapos malalaman mo ginagamit lang ng mga senador para sa pansarili nilang gastos gaya ng pagsali ng isang special effects movie sa MMFF. Tapos ang lakas pa ng loob magdrama sa kamara. Ang mga mayayaman lang ang yumayaman sa Pilipinas. Yung bilyun bilyon nga ang kinikita sa sports eh ieexempt pa sa tax. Tapos yung sumali sa singing contest sa ibang bansa eh itatax nila. Double standard. 

Going back sa mga squatter na nagrereklamo. Mabuti pa nga sila nabibigyan sila ng mga housing kahit pa sa labas ng Maynila. At least may sarili silang bahay. Ang altasociedad naglalakihan ang mga mansyon sa kani kanilang mga hacienda. Pero tayong mga middle class eh karamihan nangungupahan sa mga apartment. Walang pambili ng sarili nilang bahay. Ok lang naman kahit sa barung barong ka lang nakatira basta't kasama mo ang pamilya mo. Pero kung susuportahan sana ng gobyerno na makapagpatayo ng bahay ang malaking bulto ng source ng income nila. Parang give back lang ganyan.

Kung di mo naman ikakayaman ang problema, pagtawanan mo na lang. Sabi nga ni Senyora Santibanez, madami na ang mga hampaslupa sa bansa natin. Paboritong show: Be Careful with my Heart. Paboritong perfume: Aficionado. Paboritong fastfood: KFC at Mang Inasal, for the extra rice and gravehhh! National Anthem: Pusong Bato. Hobby: shopping sa 3-day sale, ukays at CD-R King. Paboritong ulam ng hampaslupa: corned beef with patatas daw. Siguro true yung karamihan jan. Dahil isa lang ang totoo, wais tayong mga middle class. Walang masama sa pagiging praktikal. Viva Lumen! Saka masarap kaya ang corned beef na maraming patatas at sibuyas. Lalo na yung Purefoods. Mejo umay na ang Argentina na di ko na mawari kung karne pa talaga. Gutom na ako.

Kaya rin siguro marami ang nagpapakasocial climber na lang. Para makaangat lang sa kinasadlakang lusak hahah. Sila yung umaastang social. Pero bihisan mo man ng ginto ang isang Lilia Cuntapay mangangamoy pa rin ang baho nya. Hoy hindi social climber si lola Lilia ha. Exagg ko lang. Yung mga tipong pag sweldo makatambay sa Starbucks wagas pero pag pecha de peligro half rice at free soup lang ang tinitira. Wag ganon ha. Wag masyadong tatanga tanga sa paggastos. Wala ka mapapatunayan sa Caramel Macchiato mo hija.

Sa hinaba haba ng rant, eh sa hustisya din ang tuloy. Sigaw ng masa, hustisya para sa middle class. Katarungan para kay Dexter Doria! Say no Pusong Bato! Penge ng corned beef! Katarungan kay Dexter Doria! Katarungan!


____________________
Photo by Busog! Sarap!

Lunes, Enero 13, 2014

Elsa?!

Walang komento:

Linggo, Enero 12, 2014

Yellow Dreams

Walang komento:

May color ba ang mga dream sequences mo?

Usually di ko matandaan ang panaginip ko. Something about sa low zinc sa diet ko or something yata kaya di ko na natatandaan. Imagine sa 4-6 hours araw araw wala ako natatandaan saang Wonderland ako nagtungo.

Anyway kagabi naalala ko ang panaginip ko. Nasa labas daw kami ng kalsada namin at madami akong friends na kasama. Di ko sila kilala personally pero sabi ni direk eh friends ko daw sila. At ang weird lahat kami nakasuot ng yellow. Yes, lakas maka PNoy. Pero iba daw ang purpose namin. Magfaflashmob daw kami. 

Ewan ko pano pa kami makakaflashmob eh sobrang striking ng yellow sa crowd. Imagine may trenta katao na nakayellow sa isang mall, kahit pa watak watak yan eh mapapansin talaga ng mga tao. At eto pa, magkocostume pa daw kami. Dahil reunion episode daw ito ng Power Rangers. Weird I tells yah. Di ko nga maalala na naging power ranger pala ako choz. Pero ang favorite ranger ko naman lagi eh blue pero sa dream sequence na to Yellow Ranger ako. At kaya pala puro babae kasama ko dun. Parang tatatlong lalake lang kami.

Anyway ayun nga magkochoreograph daw muna kami sa isang bakanteng lote. Tapos nagising na ako. Mabuti na lang. Kung magiging Power Ranger ako, paano kaya ang kung kagaya ko yung nasa Bioman na camera ang weapon. Lakas kasi ng physical damage ng shutter ano?! Kalurks na weapon yun. Anong gagawin ko magpiprint muna ako ng piksur tapos ibuboomerang ko?

Yellow daw is the color of cowardice. I knerr, di naman ako matapang. Takot nga ako sa lumilipad na ipis eh hahah. Ikaw ba? Tapang mo ha! At yellow daw is the color of jealousy. San at kanino naman ako magseselos? Wala ako karapatan. Yellow din daw ay symbol ng wealth, nobility, optimism, and ambivalence. Though I don't hate yellow, I'd rather have amber. Urteh.

Ewan ko ba paano ko napanaginipan ito. Dahil siguro sa suot ko na yellow shirt-Chucks ensemble hahah. Sana may makapag-interpret ng panaginip ko.


____________________
Print by TracingHorses from society6

Sabado, Enero 11, 2014

iPhablet

Walang komento:

2014 has just started and rumors have been spreading like wildfire about the new device Apple would be releasing within the year. By September we expect to see the new iPhone6 as scheduled. This has become an annual thing, ain't it? 

But what I'm excited about is the new phablet from Apple, to be released by May, if we believe the rumors to be true. This will be the first time Apple would be venturing in this size of market. They're calling it the iPhone phablet, though I really hate the word phablet, like the worst portmanteau evarrr! IKR! If this would be true, Apple would be calling it other than iPhablet, something they would market as cool. Like iPad Micro, or other.



It reportedly has a 4.9 inch display. It will run using the A7 chip currently used by iPhone5S. I'm not entirely sure of the details, everyone has their concept on the device. Still, take these with a grain of salt.

I really like the Samsung Note 3 but I'm not getting that. I'm not a fan of the whole Android market thingy. I'll just wait until we have an official word from Tim Cook. Until then, I'm shelving this together with unicorns and balrogs category.


____________________
Photos from aboutjailbreak.com and webparx.

Huwebes, Enero 9, 2014

Empathy

Walang komento:

Empathy is a gift, a friend once told me. Many times I feel I channel emotions of people around me. Yet my friend diagnosed me I am not an empath. Might be I am not gifted, nor do I exhibit heightened levels of understanding others' mental state.

But many times I feel I do. Not like a fantastical point of view where I experience their pain or anguish or glee. It's just that I feel I am easily influenced by their emotions. Like some sort of airborne virus.

Yet many times still I hold back on these emotions. Not showing any signs how I feel. I feel the emotions building up inside, about to erupt. And yet I do not show it off. Imagine Kristen Stewart, with an ever constipated look. I pass it off like it would do no harm. Not that I am numb, I feel them, I do. 

How can one appear numb when it is slowly killing him inside?


____________________
Photo by kingkongpong via Flickr.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips