Martes, Hulyo 30, 2013

Trainspamming

Walang komento:

Pangarap ko makasakay ng skipping train. Pramis! Alam mo gaano kaweird yan na inuulit ulit ko sabihin kay Carol sa tuwing nagkakasabay kami pauwi via MRT. Werd! Dahil parang sinabi ko na rin na pangarap ko makasagot ng missed call. By default wrong gramming na sya. Well, not necessarily siguro. Dahil skipping train lang sya kung di sya magsasakay sa station nyo. Otherwise, choosy train lang sya choz.

Bakit ba naimbento ang skipping train? Dahil sa limang milyong tao na nakikipagsiksikan tuwing rush hour kinakailangan maserbisyuhan naman yung mga station na siksik, liglig, umaapaw sa pasahero para naman makamove on na sila pauwi. Like Ayala and Guadalupe na overflowing always forever. Buti pa ang Shaw at Cubao, kahit masikip at least sakayan-babaan. Makakasakay at makakasakay ka basta't manalig kang makakasingit ka paglabas ng mga pasahero.

"Ang paparating po na tren ay skipping train. Guard, pakisabihan ang mga tao na skipping train po ang paparating." ang walang kabuhay buhay na announcement ni ate announcer. Well actually di ko pa narinig yan dahil di pa nga ako nakatsamba makasakay ng skipping train. Puro na lang "Alam nyo ba?" o "Wag po tayo tumapak sa yellow platform edge" o "ang susunod na estasyon ay Beki Go Belmonte!" Ampeyr kasi yung mga di naman nangangarap makasakay non eh nakakatiming. Ako na forever na waiting ng skipping train eh nganga pa rin. Para syang unicorn, o holy Grail, o girlfriend nung malansa mong officemate na nagpipilit magpakamacho. Imaginary.

Bakit ka ba kasi hintay ng hintay dumating ang skipping train. Eh meron namang paparating na tren, masikip nga lang. Eh kung ayaw nga eh. Wag mo ipagsiksikan ang sarili mo sa ayaw. Ayoko sa mabaho, ayoko sa masikip, ayoko sa putik.

Eh papaano kung ang eksena, "Ang paparating po na tren ay skipping train. Ang susunod na istasyon ay North Ave na. Skipping train po di ba?" Sana sumiksik ka na lang sa ordinary tren, nakababa ka pa sa patutunguhan mo.


Martes, Hulyo 23, 2013

Before Twilight

Walang komento:

Alam mo yung twilight? Hindi sya yung book o movie series ha. Twilight. Ayon sa wikipedia, is the illumination that is produced by sunlight scattering in the upper atmosphere, illuminating the lower atmosphere when the Sun itself is not directly visible because it is below the horizon, so that the surface of the Earth is neither completely lit nor completely dark. Mejo high falluting sya pero ang ibig sabihin lang naman nyan eh yung time in between sunrise and dawn or sunset and dusk. Mejo confusing pa rin pero kung mapapansin mo kapag lumubog na ang araw di pa rin naman ganun kadilim, tama? Yan daw ang twilight.

Di naman uso ang twilight sa Pilipinas. Basta ang alam ng mga Pinoy, paglubog ng araw oras na ng telenovela. Sa madlang people di naman ganun ka big deal ang sunsets. Unless may kadate ka siguro bandang Baywalk. May pa-holding hands holding hands pag may time pa kayo, sweet sweetan ang evrathang. Walang gumagamit ng salitang dapithapon o takipsilim sa totoong buhay. Unless makata ka, nagmamaru, adik, o may Filipino thesaurus sa PC mo.

I've been in love with sunsets and twilights since I can't remember. Narinig mo na yung term na Magic Hour? Also known as Golden Hour. Sabi nila, ito daw yung last hour before sunset. Yung mga oras na maghahabol ka ng liwanag para macapture yung beauty ng setting sun. Sa photography napacrucial nito, also known as chasing light. Sabi nila one hour pero actually you have only minutes bago tuluyang magdilim ang langit. Habang dahan dahang humahalik si haring araw sa horizon, nagkakalat sya ng splash of colors: oranges, pinks and purples. Minsan fuchsias din pero for simplicity purposes reds na lang. It depends sa altitude mo siguro, sa weather condition, cloud formations and such, how beautiful you can capture twilight.




Kung gamer ka at nalaro mo na yung Kingdom Hearts na game, malamang familiar ka sa world na Twilight Town. Isa sa mga weird worlds na merong eternal twilight. I know chasing light is romantic and all, pero kung kada minuto na dudungaw ka eh puro kulay orange na lang nakikita mo sa kalangitan, mejo nakakasuya naman to. Ok-ish lang naman kasi sa kaweirduhan ng mundong to eh somehow sanay na ang mga citizens nito. There's something about that world na sad. Like a place of lost memories and trying to remember; what it feels, what is lost. Nakakaemo sya pramis. Ooopps, I forgot magdisplay ng geek alert sa paragraph na to.

Noon, pag naririnig ko yung Twilight, ang naiisip ko lang yung Twilight Zone. Yung horror show noong nineteen kopong kopong. Alam ko bata pa ako para maintindihan yun dati, it's in English pa. Alam mo naman pagpang mababang paaralan ka eh mga Regal Shocker lang ang level dapat ng pinapanood mo. Di makakarelate kahit si Mrs. Villavicencio pramis. Basta tanda ko lang horror series sya in black and white. Kaya ang idea ko ng horror movie dati eh dapat monochrome. Natatakot ako sa maputlang show. Wala kasing glamour choz.

Anyway, dati pag binanggit mo ang Twilight, takot ang mananaig sayo. Ngayon pag binanggit mo ang Twilight, love story kagad ang maririnig mo. Yung mga shining, shimmering splendid vampires ni tyang Stephenie. Ewan ko ba anong ginawa ng babaitang ito pero alam mo yun. Yung magsulat ka ng fantasy-romance-porn mo na pinag-aagawan ka ng anemic na vampire (considering umiinom sya ng dugo ha) at balbon na hubaderong werewolf. Ayyy shett ka teh, pang Precious Romance lang yang level mo teh. Hiyang hiya naman sayo si Bram Stoker, Anne Rice at Buffy the vampire slayer.



~0~



A couple of times ko na rin narinig madrop sa usapan nila Jowein and Yves yung movie na Before Sunrise at Before Sunset. So nagtanong ako what's it about and they suggested I should watch it para maimmerse ako sa level nila ng ka-emohan.

Before Sunrise ay lumang luma na, like 1995 pa sya starring Ethan Hawke as Jesse and Julie Delpy as Celine. Tungkol sa isang American at French na nagmeet sa train at nagdecide na magspend ng whole night together sa Vienna. I don't know about them pero turo ng animated bubuyog sa TV nung bata ako eh don't talk to strangers daw at say no to drugs. Although wala naman talagang drugs involved, naisip ko siguro kaya rin wala akong namimeet na stranger na potentially "the one" eh dahil sa pilosopiyang ito. 

Anyway, going back. So the whole movie nag-uusap lang sila while walking around Vienna. Talking about stuff; life and love. Eto yung type ng movie na you should pay attention ala Yuko Yamashita ganyan kasi may mapupulot kang something na magagamit mo somehow sa life mo. And love if applicable. Eventually, kelangan ni Jesse gumora pasakay ng plane bandang sunrise kaya yah know na yun lang ang timeframe ng whole movie. Bago sila naghiwalay, nagpramis sila na magkitakits ulit after six months.

Before Sunset naman ay pinalabas 2004. Di sila nagkita after nine years after nila magkahiwalay. Yah know pramises are meant to be broken. Si Jesse daw ay bumalik after six months pero si Celine injanerang drawing choz. Actually namatay daw yung lola ni Celine kaya reasonable naman ang alibi nya. Nagsulat si Jesse ng book about sa meeting nila 9 years ago entitled This Time, at nung tinour nya sa Europe umasa sya na mameet nya uli si Celine  It worked like magic, or sinadyang screenplay. Ngayon naman yung plane ni Jesse gogora bago magsunset. Parang nangyari na to? Dumedeja vu ang peg. So ayun another timebound pasyal pasyal pag may time sa Paris. At dahil limited time nga, mejo bibitin nila uli ang audience what happened after the last scene.

A few years past at mukhang wala na ngang continuation sa hanging ending. Hanggang sa nagbulung bulungan na naman na may sequel daw ulit! Mygass excited. Ano namaln ang title? I suggested Before Twilight, wordplay sa timeframe at sa recent connotation ng word na twilight. Much better naman siguro than Before Dawn na slightly synonymous sa first movie, or sa Before Dusk na same sa second. Before Noon naman, parang pang variety show lang ang peg. Hanggang sa lumabas ang official title.

Before Midnight.

Nagstatus si Faye na may kalakip na trailer: "Before Sunrise was nostalgic, Before Sunset was poignant. I haven't seen this but I must!" I would say bravo sa tweetish review ni Faye sa two movies. Nagreply ako, "Before Midnight is enigmatic. #mema lang" Ikinatuwa naman ni Faye ang pagmema ko. 

Ang hindi ko ikinatuwa ay ang biglang pag-enter eksena ang isa sa mga tagged sa post nya: "Ahh... pass ako sa movie Faye..  nde ko masyado type.. based sa trailer.." comment ng friend ni friend. No wonder di nya type. Correct use of ellipsis pa nga lang ligwak na sya choz. Sa totoo lang, mejo confusing nga naman ang trailer ni Before Midnight. Given na perstaym narinig ni ate ang movie na to. Pero para magjudge ka agad based sa trailer? Sya yung mga klase ng tao na nauuto manuod ng mga pelikula ni Bong Revilla tuwing pasko. Nadadala lang sa mga special effects o theme songs eh gogora na agad makipagsiksikan sa pinakamalapit na sinehan. Ate, you failed me! At mag-aral ka ng tamang punctuation ha....

Nine years again after ng last movie, nag-open ang movie sa airport. Nine years again, imagine! Parang nangyari na to. Dumedeja vu choz. Si Jesse hinatid ang anak nya sa airport pauwi. After that makikita natin na kasama pala si Celine naghihintay sa labas. At may anak na sila, not just one, but twins! So the usual na minimalist shots na focused sa usapan nilang dalawa sa small island off Greece. I knerr, you know it wouldn't be Greece without her tragedies. At di exception sa movie na to. Though I know you'll enjoy the conversations more. Funny, romantic, bitter and sad. Parang life and love lang. Sa ending mabibitin ka once again.

I know di ganun kalaki ang following ng series na to compared to big budget fantasy films like Harry Potter or Fast and the Furious. But you'll definitely fall in love with this film when you do get to watch it. I know, I was a cynic and skeptic about  this film before hahah. And once upon a time, there was a beautiful story of love and life written before Twilight.


____________________
Photo by Sahil Gupta via Flickr.

Linggo, Hulyo 14, 2013

Escalator

Walang komento:

Or elevator? Minsan nagkakamali pa rin ako ng tawag jan. Elevator ba o escalator? Di lang naman ako. You, them, and the entire human race. Amininnn! Napagpapalit mo ng tawag. Elevator o escalator. Pero sure ka naman kung alin jan ang tinutukoy mo.

Unless ikaw si Bobita Rose. Elevator yung sumasara na box. Escalator yung gumagalaw na stairs. Ewan ko na lang kung di mo pa rin gets. Bobita Rose.

Isang araw sumakay ng escalator si Bobita Rose. Eh nagkaron ng malfunction at napatigil pasada si escalator. Nagsipaglakaran na lang ang ibang pasahero. Si Bobita Rose naiwan sa gitna. Stuck sa sirang escalator. Baka nga naman maaksidente sya kung kikilos sya. Kung kasama ko sya, baka naaksidente sya sa akin ng malakas na sampal. Isip isip din pag may time teh.

May ilang escalators na sa metro na automatic lang gagalaw pag may sumampa. May sensor or something. Nung una ko nakita yun, akala ko nakaoff na or sira kaya nag-eeffort tlga ako sa stairs. Paglingon ko boom naka-on na sya. Kinain ako ng escalator. Bobita Rose. Excuse me, nag-eexercise kaya ako. Stair climber ang peg hahah.

Ewan ko ba bakit may mga taong hirap na hirap sumakay ng escalator. Parang kelangan pa nila tumiming bago maksampa. Teh di mo naman need ng diploma para sumampa. Parang hahakbang ka lang. You put your right foot in, you put your right foot out, and you shake it all about. Ganyan ako katalented sa escalator. Kaya ko pa magtinikling choz. Isipin mo na lang jump rope to kung di pa rin kaya. I-Love-You-Telebird-Telebird. Mamaya your escalatoring like a pro na.

Sa Singapore may scheme silang ipinatupad sa escalators yung isang side (right side ata, di ko sure pero di naman ako nalilito sa right at left pramis) para sa mga patient maghintay sa pagkilos ng escalator. Yung kabila laging moving. So kung sumampa ka halimbawa sa left side dapat lumakad ka dahil aawayin ka ng mga nasa likod mo. Sabi nila, nag-escalator ka pa eh maglalakad ka rin pala. Walang basagan ng trip. Actually napansin ko, inimplement nila yan sa MRT Ayala station. Pero sadyang bulag lang siguro tayong mga Finoy sa mga alituntunin. Walang basagan ng trip.

Nakakaasar ang escalator sa Ayala underpass. Madalas sira. Actually pataas lang naman ang ginawan ng escalator dun, bilang may stairs naman at gravity para sa pababa. Anyways, so ang problema lang eh kung sira ang escalators eh kasiksikan ng pababa ang mga pataas. 85:15 siguro ang ratio ng pataas sa pababa. Imaginin mo ang pila sa morning rush ng mga paahon sa underpass. Ganito kami sa Makati.

Kung ang escalator ay para sa pataas, di ba dapat ang pababa eh descalator? Since wala namang ganung word, ako na lang ang gagamit nito. Ako nag-imbento ng descalator ha. Walang basagan ng trip choz.

Parang mga issue, di ba kapag may problema kelangan iescalate agad pag di maaksyunan. Gusto mo manggulo ng supervisors at managers para maramdaman nila ang sense mo ng urgency. Dahil ang life parang escalator; minsan pataas, minsan pababa, pero dapat laging umaandar. At kapag tumigil na, move on move on din. Wag Bobita Rose.


____________________
Photo by vpickering via Flickr under Creative Commons. Some rights reserved.

Sabado, Hulyo 6, 2013

Chesscake

Walang komento:


Wala pa talaga akong time magsulat ng something ngayon kaya magseshare na lang muna ako ng isang anecdote. Ibang levelling na ngayon umaanecdote na. Akala mo speaker lang or somethang.

Anyway, noong unang panahon meron isang mahirap na manggagawa. Sa sobrang hirap nya wala sya masyadong outfit. Pano ka ba nga naman makakabili ng outfit eh ang sinesweldo mo eh galing lang sa petty cash. 

So itong si poor boy eh kumakain lang sa canteen nila na pasushal ang peg na maraming branches across the Metro na itatago na lang natin sa pangalang Bells. Si Bells eh nag-ooffer naman ng discount sa mga employees part ng contract nila sa rental chorva sa building ng company. At dahil pasushal ang peg ni Bells, ang mga ulam nila kelangan with proper labelling. Akswali pansin ko lang parang pare parehas ang ulam nila araw araw, naiiba lang ang tawag. Like yung chicken afritada bukas chicken ala monja, or yung adobo magiging pork stew, or yung creamy beef stew magiging beef stroganoff. So on and so forth.

Pero may isang pangarap si poor boy, na mabiling dessert balang araw ang slice ng cheesecake. Bilang di pa sya nakakatikim nito ever. Josko 65 PhP na nga lang at discounted na yan, wala pa rin purchasing power si poor boy. Like eeewww, that's so gross. Don't make usap to me you hampaslupa you. Ganyan.

Pero nagsumikap si poorboy na balang araw makakabili din sya ng cheesecake. Nagreview sya para maging CPA at mejo maiangat ang antas nya sa sociedad. At nung huling araw nya sa company--hindi dahil wala na silang pampasweldo mula sa petty cash kund dahil... well kelangan nya kasi magconcentrate sa review yah know--naglakas loob na sya na mag-all-in sa kanyang allowance at bumili ng slice ng cheesecake. Minsan lang to pramis!

So coffee break gumora sya sa Bells at lumapit ka'y ateng cashier.

PB: Ate, isa nga po nung cheesecake.

ATE: Cheesecake po, wait lang.

PB: Magkano po?

ATE: Fifteen po ser!

PB: Kinse? Ano yan garage sale? Dalawahin mo na ate!

ATE: Eto po *sabay abot*

PB: Lemon Square cheesecake po to ate?!

ATE: Yes po.

PB: Ayyy hindi po yan. Pakivoid na lang po.

Cupcake kinse pesos ano to lokohan?! Najudge na si poor boy ni ate. Akala nya cheese cupcake lang ang afford nito. Sad. At out of stock na rin tlga ang blueberry cheesecake.

Fast forward ng ilang taon. Di na sa petty cash sumesweldo si poor boy. At nakakaafford na rin sya ng pambili ng Planner pag pasko lang. Isa na lang ang kulang sa buhay nya. Ang lablayp. Dahil ang lablayp parang cheesecake. Mejo sweet na mejo sour. At di mo pwedeng bilhin, lalo na kung poor ka. Eeeewww.


____________________
*Based on a true story pramis!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips