Lunes, Hunyo 10, 2013

Review: Juana C

Walang komento:

Sino si Juana Change?

Actually, di ko sya knows. Parang nakilala ko lang sya kanina or kahapon. Dahil sa gapatak na mga status posts ng ilang friends ko sa timeline habang nalulunod ako sa mga tweets about basketball, Superman, at Game of Thrones. Basta may movie daw sya. Comedy.

So dali dalian kong nag-assemble ng friends para manood ng Juana Change sa Glorietta 4 bandang alas siete ng gabi. It's now or never. Di natin kasi alam kelan ito ipupullout sa mga sinehan. Alam mo naman sa panahon ngayon, kung di ka Star Magic, lalangawin ang palabas mo.

So ayun, sex comedy na political ang dating. Mejo sumegue sa religion pero pahapyaw lang. Kumbaga sa chismisan, ang mga topic na dapat iwasan kungdi end-of-friendship na. Pero go lang sila teh. Ang susunod na palabas ay may mga eksenang sekswal at politikal na di angkop sa mga conservative na keber na Pinoy. Pero matapang pa rin sila para talakayin to comically. Sana lang may tumatawa ngayon sa Senado. Oh yes, kasama ka don Nancy choz.

Star studded ang pelikula. Pero di ko tlga knows si teh Mae Paner as Juana Change. Sabi nila mejo patay ang delivery nya ng lines. Pero I think effective naman syang tool paano naitawid ang mensahe. Also starring sila Joel Torre, Candy Pangilinan, Nino Muhlach, Soxie Topacio and meyni more. Sino ba yung majondang sidekick don ni Peachy? Anita Linda? Mary Walter? Basta gusto ko sya dahil skeyri sya kahit wala syang speaking lines hahah.

Madali lang naman sundan ang kwento. Si Juana Change ay promdi na nasilaw sa nightlife ng Maynila at nabaon sa utang, nagpokpok, pinasushal na pokpok, nagkaroon ng koneksyones, may natuklasang sikreto na inferr hindi nasa diary sa ibabaw ng tv, dineath threat, at tinangka pa ring isiwalat ito. And to top it off, dalawa pa ang leading man nya, although yung isa na majubis pwede mo na icount as dalawa choz. Sya na!

Ano bang meron ka Juana Change? Siguro yung drive to make a change. Alam mo naman di mo mababago ang bansa natin ng isang pitik lang. Kahit sa sarili na lang natin, let's find something we wanna change. Kung isang patak lang siguro wala pang impact. Pero kung marami na ang patak siguro naman kakayanin na nating ang sebong sangkatutak. Or kung paano man yan nirephrase ni Sotto kay Kennedy.

Pero ang maganda sa pelikula eh hindi ka naman nila sasalaksakin ng life lessons. Mapupulot mo rin yon habang nakikipagsex, naggagantsilyo, tumatawa or nahuhulog sa building. Pero kids don't try this at home. Pero I suggest panoorin nyo na tong movie na to. Must C.

Linggo, Hunyo 9, 2013

Sahugan mo!

Walang komento:

*Backdated

Another party at Jade's. This time, hindi na sa Chairless Apartment, since December umalis na sila dun. Nung magkapitbahay pa nga kami sa Mandaluyong, madalang akong pumunta. Kung pupunta man, saglit lang. Talo pa si Cinderella cumerfew. Dahil na rin nga ayoko ng masyadong maraming tao. Ayoko ng masikip. Ayoko ng maingay. Eh Jade's always throwing parties like that. Sabi nga nya social experiment nya yun to mix different folks in one room. And it's my social solution to go home early.

Anyway, dumating ako bandang alas siete sa new pad nila Jade at Bern sa Countryside, Pasig. Kelangan mo pa ngayon umeffort para lang makipartey. At dahil umuulan, I think delayed lahat ng byahe ng mga visitors sa barbecue slash post-bday celeb ni Jade. Pink ang color ng outside walls. At may chairs na sila instead of throw pillows as seats. May chair na rin sa mesa. We'll I miss having dinner doon sitting down eating on low tables Japanese style.

Nauna na dun sila Trish and Yves. We promised we'll be there earlier than scheduled. Adjusted plus one hour para sa akin ang earlier schedule. So ayun kami lilima pa lang. Catching up. Two's a company, three's a crowd. Well, siguro five hindi pa crowded masyado yan. That's just right. Hindi pa masyado maingay. Merong one topic lang na lahat pwede makarelate ganyan. Ayon din kay Jade, kung may zombie apocalypse five ang perfect party. More than that dapat mategi or masacrifice.

At dahil kami nila Trish and Yves ay kapwa Team Demure, ang first topic namin eh paano nagkakilala sila Jade and Bern. Makakuha man lang ng tips. Habang naliligo si Bern, mejo hesitant pa magshare si Jade at may mga details na naMTRCB na. Paglabas ni Bern, aysus rated SPG pala ang first meetup nila. Viewers discretion is advised.

Kinamusta ko naman sila Trish and Yves. NBSB pa rin ang Yves daw and yes virgin pa rin. Mejo nakakalurks lang kasi pag nakita mo sya wearing only sando and shorts and bortaness, parang magdududa ka pero Trish can always vouch for authenticity. Si Trish naman mejo confused din ako. Kasi how many months back I thought nagbreak na sila nung guy she's dating. Tapos biglang may posts na dating ulet sila. Di ko na malaman kung flashback ba ito o nasa alternate timeline na ako.

Ayon sa kanya may something daw na nangyari like pagbalik ni guy. Like some kinda of kaliwaan involved and all that bullshit. So may drama si Trish and megaconsult kay mama nya at ang tanging payo lang sa kanya ni mama ay, "napanood mo na ba yung It Takes a Man and a Woman?" Yes baklaan din ang payo ni inay. Kasi naman itong si guy eh mas younger kay Trish. Nameet na rin ni Trish actually yung mother ni guy. Into mowdelling din si mommy at somehow bakla rin. Baka ganun nga, si guy is looking for someone like his mom. Jocasta ang itawag mo sa akin ang peg.

Later nagstart na rin sila mag-ihaw using yung indoor grill. We had marinated chicken, some mixed veggies at bacon. Yameee! Dumating na rin ang ilang guests at nagstart na umingay. Perfect time to ask for a zombie apocalypse to happen any moment. But nothing follows. Well represented ang community. Although minority ang tunay na babae, nag-iisa lang ang lalake, at nag-iisa lang ang tibs. The rest bex na in all shapes and sizes. Mejo namatay nga lang ang conversations nang biglang nagsipagkonekan na ang lahat sa wifi. 

So nagstart na lang ng drinking game si Raf. Category. Sa pag-ikot ng category, you have to give something within the category at pag mali ang sagot mo (or nabigay na) you have to drink a shot ng alcohol. Infer naman di ako napainom. Categories include Pinoy designers, mga kalsada sa Makati, fictional places, gay icons, article of clothing, at mga gulay na wala sa bahay kubo. Nakakaloka lang dahil mejo naiistuck kami sa nag-iisang token male dahil di ganun sya kabakla mag-isip. Like article of clothing: panty-liner? Ayy oo, yung red na LV panty-liner siguro choz. Sa mga gulay sa bahay kubo naman eh kapag di satisfied sa sagot kelangan sahugan mo ng isa pang gulay. Di ba gulay pa yung hilaw na papaya? Sinahugan ko pa ng malunggay. Ewan ko ba bakit napunta sa gulay ang topic namin eh lahat naman kami carnivore. Well except siguro sa isang token tibs in the house but that's beside the point choz.

Bandang alas dose na kami natapos. Kahit magulo at least di nila ako napagCinderella. Well, actually kasi naghintay din ako ng kasabay umuwi. Maybe another round ulit ng drinking. At sana kahit mga 5 na lang na katao weheheh. 




Picture picture muna bago umuwi. Raf x Team Dalisay.


____________________
Papaya photo by rambletamble via Flickr.
Team dalisay photo by snailmailove via Instagram.

Miyerkules, Hunyo 5, 2013

Stimulus and R

Walang komento:


Sheilalyn: Panget!

Nanette: Ka!

S: Rin!

N: Pala!

S: To infinity!

N: Period!

S: No erase!

Alam ko may extended version pa yan yung may susi or something. Nakakatawa lang alalahanin ang mga away ng mga classmates ko nung elementary. Eh ano ngayon kung panget tlga si Nanette, o kung natae si Shielalyn sa panty nya. Basta world war na sila forever and ever. Ang mahalaga sa kanila eh makasagot agad agad sila sa pang-aasar ng bawat isa.

Stimulus and response. Ayon sa psychology, kung walang stimulus walang response. Parang cause and effect. Di ka naman makakaramdam ng galit o lungkot kung walang magbibgay ng rason sayo di ba? Mas madalas pa nga na may stimulus na pero walang response pa rin. Either dedma or manhid lang tlga sya.

Pero di lahat ng response ay nararapat. Merong ibang pabugso bugso ang damdamin lang ang nagdulot ng response. Pwede mo syang matawag na reaction instead na response. Yung tipong walang control. Yung tipong automatic. Pag sinampal ka, ang sagot mo sampal din. An eye for an eye. Pero tama ba? Sa teleserye oo siguro, pero sa tunay na buhay aaray ka muna bago ka sumampal choz.

Ang response ay yung planadong reaction. Kumbaga may pagpipigil muna sayo para iassess ano ba ang tamang sagot sa isang action. Hindi yung sampal agad agad. Stop muna, then dadrama ka at maglilitanya ng, "if you want war, I'll give you war." Parehas na bitchy yes pero classier ka jan. Hindu yung bugbugan agad sa airport. Oh dabah natadyakan ka na naligwak pa ang poise mo. Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Nasaktan ka na, nagpafeeding program ka ba. Ibang level ng social responsibility ito.

Ang problema sa atin ngayon, maraming react ng react kesa rumespond. Respond respond din pag may time. Yung tipong nabasa mo lang isang page na may "gates of hell" eh sumulat ka agad ng reklamo sa author. Teh, isang page lang nabasa mo,  try mo yung first page. Nakasaad don: WORK OF FICTION. Kelangan ng dictionary teh? Table of contents? Glossary?

Nanood lang ng portion ng concert megareact na kasi naoffend daw si boss. Well, sa totoo lang kaya naman lumaki ang issue dahil sa dami ng nag-overreact. Mas grabe pa sa biktima. Kung tutuusin parang si Vice ang nangrape kay Jessica sa paraan ng pag-atake nya. Mabuti nga walang tabloid headline na BAKLA NIRAPE BABOY. Siguro naman wala nang maoffend sa kanilang dalawa jan no. "Never forget what you are, the rest of the world will not. Wear it like armor and it can never be used to hurt you." sey ni kuyang Tyrion. Eh ang problema nga yung di naman targeted ng joke mas affected pa. Sa mga di makaintindi, iintindihin ko na lang kayo. Weh?

Yung iba nagpapublic scandal lang sa LRT Santolan station bugso ng damdamin. Di na inalintana ang kahihiyang maaring dulot nito kung sakaling may isang asshole na napadaan at binibijohan ka na pala. May hiya tayo. Gamitin natin ito. Ito ay gabay lamang. Mabuti pa ang mimosa pudica may hiya. Dahil sa lahat ng halaman sa universe, mimosa pudica lang ang may feelings.


____________________
Photo by Jesslee Cuison via Flickr.

Linggo, Hunyo 2, 2013

Review: Bakit di Ka Crush ng Crush Mo?

Walang komento:

Bakit naimbento ang salitang bandwagon?

Nacurious akong bilhin ang librong ito ni Ramon Bautista. Sa totoo lang limited lang ang pagkakilala ko sa kanya. Pero nasa top 10 sa Philippine publications ang book nya kaya siguro nahikayat na rin akong bumili. Bumili ako ng isa para sa akin at isa pa para panregalo. Oh di ba nandamay pa ako ng iba. Sa bagal ko magbasa, ngayon ko lang napagtuunan ng pansin na basahin ito. After like 5 months pa akswali. Mabilis naman sya basahin dahil manipis lang, at maraming spacing at fillers. 1 day lang ang kailangan mo para sa 136 pages sa totoo lang.

Hango sya sa Formspring profile ni master Ramon Bautista. Parang copy paste lang ng mga tanong at sagot nya. Parang inarrange lang kung saang chapter ba related ang question gaya ng Ayaw Niya Sayo, NBSB, Premarital Sex, Paano Lumandi at kung anu ano pa. May chapter nga paano ganahan sa pag-aaral, na di naman effective na sa akin. Nakamove on na ako dun. That was just a phase. At di naman ako naging taong grasa. Pero all in all, parang Q&A lang sya na book. Mas natuwa pa siguro ako kung nanood ako kay Brod Pete ng Dating Doon o sa Q&A ng miss gay sa barangay.

Aaminin ko nakulangan tlga ako sa librong to. Kasi nga copy paste lang sya. So sa mga followers nya sa Formspring malamang nafeel nilang ripoff ito. Parang twilight zone na "teka nabasa ko na to before I'm sure" ang effect. May additional commentaries lang sa ibang chapters pero di pa rin sapat na one page lang ang ilagay mo para iekpleyn ang chapter na to. Mas mahaba pa nga ang acknowledgment eh.

Naiinis nga lang ako dahil sa dami ng sinagot nyang tanong eh parang di nya naman nasagot ang tanong ko. Marahil dahil nasagot ko na ito sa sarili ko noon pa. Naghanap lang ako ng ibang medium para ipamukha sa akin, di ka crush ng crush mo! Kaya ko rin naman magbigay ng advice sa mga prends ko. Pero imbes na tadyak, sampal ang ibibigay ko para magising sila. Kasi kung sila may love problems, ikaw ang nasa upperhand na nagfifeeling alam ang tama at dapat gawin. Pero pag ikaw na ang nainlove, ay putsa gyera tlga si heart at brain.

Pero di ko rin ipagkakait na may mga aral ka rin mapupulot kay Master Ramon:
  • Bawal mag extra rice sa first date.
  • Hangga't di sya nag aaylabyu, wag bigyan ng malisya.
  • Bigyan ng limit ang pag-iemo. Mga 3 weeks ganyan.
  • Yung mga hindi makabili ng happiness, hindi mahanap kung saang tindahan titingin.
90 percent ng problema mo ay imbento lang. Isolve mo ang sampu, dapat masolove din lahat ng problema mo. Pero kung problema mo pa rin kung bakit di ka crush ng crush mo, at nabali baliktad mo na ang librong to, at wala pa rin sagot, magmove on ka na. Wala ka sa radar nya. Reverse bittering ON! Kung di mo naenjoy ang book na to, walang basagan ng trip. Move on na lang ganyan.


____________________
Photo by justxafantasy via Flickr.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips