Linggo, Mayo 29, 2011

Sisig?!

 
Dinakdakan by Mikiongski via Flickr.
Dinakdakan lang ang may utak.
Saging lang ang may puso.



Originally, I planned to go to Cavite for Bern's birthday but nabago ang scheds ko and I need to go to work for five Saturdays. Far out! (akswali di ko alam yang ekpreshon na yan, naririnig ko lang sa Aussie SME ko at ginaya ko lang lang hahah). So I decided not to go na rin dahil di naman ako nakapagpaconfirm at lowbatt na ako, baka maligaw lang ako kung saan sa Cavite. Machopchop pa ako at maitapon sa isang liblib na damuhan sa gilid ng kalsada. Sorry Bern.

Heypi Birdie Philina Rosario
05.28.11 c.18:00

2 piece Chickenjoy ang lunch provided sa office for the OT para di na kami magfile ng 150 allowance. Di na din kami nagreklamo although sa aming computation (108 yata ang 2 piece meal eh walang drinks tapos nag-add lang ng peach mango pie at extra rice so roughly below the allowance). I've learned na kaya naman pala binabalikbalikan ng mga kiddies ang chix ng Jabee dahil they use REAL BLOOD! Choz! Akswali may isang naubusan pa ng chix, although di naman pala kumain si Dagz ng manok.

After shift hapon nang magwalkathon kami nila Phia, Harold, Jett, Ronald at Dagz to Glorietta 5. First stop sana sa Giligan's pero full ang open area section nila. Muntik na kami makarating ng Skygardens sa SM North kung di pa namin nakita yung Guilly's. It's like Giligans without the gans... at mura pa ang beer, like hundred bucks for 3 piece. Umorder si berdey gurl ng Fettuccine Carbonara at nag-add ng Sisig for pulutan. Syempre may comment ang Biga10 ng Pampanga na si Jett. Masarap kasi ang sisig sa kanila, manyaman daw. Eh itong sisig sa Guilly's although yummy at crunchy naman daw eh just a second rate trying hard copycat pa rin. Nothing beats the original Kapampangan sisig, mekeni!

Ako lang ang nag-iisang nonsmoker sa group na yon. Hindi ko sinasabing nonsmoking will save me or that smoking will eventually kill you, pero I really feel mauuna pa akong mategi sa mga to dahil sa tindi ng second hand smoke. Eto ba ang dahilan bakit naimbento ang gas mask? Inabot kami til 9 yata nang magdatingan sila Vhim, Manel, Ian at Seth. Badtrip ang Phia nang malost ang lighter nya.



We love you and good night Chicago!

05.28.11 c. 23:15

Transfer kami sa Chicago Ortigas para bumijowke. 2500 for 2 hours at 2k worth ng foods, not bad really. Nastress lang ako sa pagtatry kumanta hahah. Infernezz winner talaga ang food dito dahil masasaya silang lahat (sayang nga lang lowbatt na cam ko para ichronicle yah know). We had pizza, mushrooms, pancit guisado, spicy wings, at dinakdakan among others. Yung dinakdakan naman ang Ilocano counterpart ng Sisig, ang difference lang eh may utak or pag in times of kacheapan mayonnaise na lang ang substitute. Spicy sya sa dami ng sili at mejo masabaw. Di masyadong manyaman. Ayaw ni Jett ng ganyan.

Standard na yata sa mga mejo pricey bijowkehan ang supot sa mic, yah know yung parang condom. Syempre tumakbo na naman ang matatabang utak na kulay green. Infernezz konteserang kontesera talaga ang Vhim sa bijowke. Tinitira ba naman mga To Where You Are ni kuya Josh at Hanggang ni kuya Wency. Si Manel naman malamig ang boses at mejo emotera sa pagkanta, josko tinira ba naman Tootsie Guevarra. Kapag rumoRoselle Nava na sya eh ibang levelling na yon, dapat sinasampal na pag ganon choz. At di talaga nagpaawat sa kahit time up na kami. Miss, extend five minutes?



Obar sa Sikip

05.29.11 c. 01:30

Past 1am uwian na sana nang biglang sumama pa ako sa Obar.... yah know I'm not really a bar-going person pero ramdam ko may mangyayari tonight. Mas masikip pa sa MRT ang Obar pag sabado, which I would normally like hahah kung di ka lang napagtutulakan sa dami ng dumadaan. Funny yung mga performance ng mga divas that night. Nakidance dance naman ako... especially to the song If We Ever Meet Again... naisip lang kita kung ano kaya magagawa ko if we ever meet again.

May nagdaanan ulit at natulak na ako sa gilid, thinking god please take me now nabobore na yata ako. Then nagpart ang crowd at andun si Geh. Kinabahan kaagad ako na baka kasama nya ikaw, and yeah andun ka nga, sa kabilang corner. Parang walang nagbago sayo... kasama nyo mga exes mo, naisip ko what would it be like kung kasama ako dun sa list na yun hahah. Would I feel bitterer? hahah. Heniweys, I'm just happy to see you. I'm happier kung magiging friends ulit tayo, close friends (or more hahah asa). Napaso mo pa ako ng cigar, I thought I heard the sound of skin burning sa ingay ng crowd. Parang kagat lang ng langgam, di naman masakit... mas masakit pa ang umasa hahah.


Jabee Soup for the Soul
05.29.11 c. 05:30

Sa kasabikang makahanap ng mainit na sabaw eh inikot yata namin ang buong Ortigas Center. Lomi lang sana ang kakainin pero nagroundtrip kami. Ang ending eh sa Jabee sa may dulo ng Emerald, kung sa Julia Vargas kami dumaan eh mas mabilis ang tambling namin dito. Di na ako nagbreakfast kasi antok na rin ako, sa bahay ko na lang babawiin ang energy ko. Ang Vhim ilang beses nagblackout yata habang nakasandal sa Jabee. Taxi cab home na lang kami, yes nagkasya kaming lima. Tapos parang school bus lang na dinrop off kami kung saan saan: Edsa-Shaw, Acacia Lane, Boni-P.Cruz, at last stop Dela Rosa. Parang nagtour lang si Seth.


~0~

Sabi nga ni Ronald na mabuti pa ang dinakdakan may utak. Ayoko na maging dinakdakan, may utak ka nga mali naman ang gamit mo. Masyadong naoover-analyze ang mga sitwasyon tapos ngayon umeemote. Sana sisig na lang ako. Sana yummy na lang ako. Choz!

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips