Martes, Mayo 17, 2011

Goodbyester

 
Farewell to you my friendster
We'll see each other againster.



Jumoin ako sa Friendster January 2004 pa pala. At that time late na ako sa uso. Halos lahat may account doon pati yung tindera ng mani sa kanto at kaderder ka kung wala kang account. And now yah know damang dama na the end is near, and so I face the final curtain... ayoko na ituloy baka pati ako mategi rin. Bakit kasi niligwak mo si smiley, bakit kasi nagpalit ka ng color scheme, bakit kasi bumitter ka pa kay Mark Zuckerberg.

Isa pala sya sa mga longest running online accounts ko. Second lang sa very ancient na Yahoo! na inabot na ng 9 years daw, siguro early 2002 yon. Batang bata pa naman itong aking Multiply (March 2008), right after makita ko ang multi accounts nila Jade at Jay. Sumunod naman si Facebook (October 2008) na masaya na ako sa dadalawang friendships kong si ateng Celine at Roseann. Lalo naman yung Twitter ko (April 2009). I remember my first tweet very well and it goes a little something like this (chicken!): "See I'm all about them words. Hundreds of pages, pages, pages forwards." Yes naisip ko pa kumanta at magbilang ng characters
sa kasagsagan ng audit season.

Heniweys ngayon eh naghihingalo na si Friendster at kelangan na nya mamahinga... di pa naman sya matetegi, macocoma lang DAW muna. Wehnohngayon?! Wala lang. Di mo ba sya mamimiss? Matagal ka rin nyang pinaligaya yah know. Doon ka unang natutong may It's Complicated pala na status. Doon ka natutong mangharass ng tao para lang sa testimonial. Doon ka nakipag-emotean, nakipagbangayan, nakipagpalandian, at nakipagpayabangan sa mga shoutouts. Doon ka natutong mang-grab ng piksur (at doon din pinanganak ang mga posers).

Pero wag masyado excited, sa katapusan pa ito mangyayari. Hindi sa End of the World noh, sa katapusan ng buwan na to. Akala mo judgment day na ang supermoon at ang alignment ng mga Sailorsoldiers sa kalangitan sa a-bente uno ano?! Pwes nagkakamali ka, sa May 31 na ang Friendster D day! Yes, may oras pa para magtika at magbalik loob. Choz! Akswali wala naman ako masyado na'ng paki. Matagal na ako nakamove on sayo, masaya na ako sa piling ni Twitter at Facebook. Wag ka na malungkot, makakamove on ka rin. Di ba sabi nila baka merong darating na mas OK, na mas mamahalin tayo, yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin, yung nag-iisang website na magtatama ng mali sa buhay naten, nang lahat ng mali sa buhay mo. Urteh!

Ang kinakabother ko lang talaga eh dapat ko pa bang isave yung mga piksurs ko sa Friendster? Grabe sinilip ko at nahindik talaga ako sa aking nagisnan. Shett, parang human hanger pala ako non. Yes, that was before. Before the time na si Kim Chiu ang epitomiya ng pagiging human hanger choz! Well, I suppose... gimme time to think pa. Siguro sa a-trenta ko na lang dadownloadin lahat. Waterga!

Kasunod kong imamigrate siguro tong Multiply. Be skerd! Be veyri veyri skerd!

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips