Sabado, Abril 30, 2011

Ayalero 2

 
Canopy by Christian Bederico via Flickr.
Makati Stock Exchange



Return to Ayala?!

April 2011


So there I was... feeling ko di magandang opening statement yan sa isang kwento pero wala na ako magagawa eh, tinatamad na ako magbackspace. Heniweys ayun nga nasa new work na ako and all the while expecting ko sa Pioneer na ang aking new base but no. Kelangan umepal si destiny at dalhin ako elsewhere. And so I'm back from outer space, back to Ayala, back to my original home. Original home daw oh?! I still remember the days na wishing akong sana sa Philam Tower ako maassign pero no sa UN Avenue ako dinala. I remember the time na nag-apply ako dun sa may bulok na call center sa may Paseo na niligwak ako sa day 2 dahil nalate ako ng five minutes (kasalanan nung elevator kung san san kasi umistop eh di pala aabot sa penthouse... at dahil nakajeans ako). I remember the time na nag-apply ako sa may Rufino at naligaw ako sa Makati Ave. I remember the time na nag-apply ako sa may Corinthian Plaza pero di ako natanggap dahil bad mood yung innerviewer ko sa minicrowave na McDo brekky nya complete with the styro (kasalanan ko bang tanga ang microwave?). And I remember the time na nagwork ako sa isang maliit na auditing firm at natutong magxerox at sumali sa union (with the other officemates yah know parang people of the Philippines versus higher management mehganon?!). Yah know as much as I like to work back in Ayala, lumalangoy pa rin ako sa dagat ng ampalaya.


~0~


Alas sais pa lang ng bumiyahe na ako dahil natakot akong malate sa unang araw. Kapag ganong oras pala eh maluluwang pa ang mga buses to Ayala LRT Leveriza, pwede ka pa chumoosy if yah like it. Di ka pwersadong tumayo sa aisle ng back to back with fellow SRO passengers. Wala ka ring marerape na balikat or any other body part kung ayomo ng balikat. Pagbaba ng Paseo Stn eh more lakad na ako to Rufino. Mejo maraming constructions along Ayala although less ang mga constru. Heniweys ok naman at naggagandahan at naggagwapuhan mga tao dito. Kaya lang mejo nakakababa ng self confidence kung todo bongga ang mga kasabay mo dahil matatalbugan ka ng ganda to the point na malevel down ka to commoner status (that is just a 3 in a scale of 10, mukha lang tao... you're not going to Hollywood dawg!). Well, ok lang naman dahil kung anong ikinaganda ng mga tao dito eh ganun din ang ikinaslow ng paglalakad nila. Stress sa kabagalan, parang naglalakad lang sa buwan. Pet peeve ko pa naman to, wag ka nga'ng paharang harang sa harap ko kung babagal bagal ka! Galet na galet?!

Napaaga ako ng punta sa first day sa Solaris. Hindi na kasi ako sumabay sa ibang kawave ko na nagmeetup pa sa MSE at GT tower since marunong na akong gumooglemap sa ngayon. Sa 12th floor ang lobby nila at apat pa lang kami sa site, yung tatlo mga new faces para sa akin, ni hindi ko man lang nasilayan nung orientation namin last week. Kinabahan ako at nanlamig, paano kung di pala sa Solaris ang office namin?! Pano kung jinojowk time lang ako na may job offer sakin sa company na to?! Paano magluto ng kare kare?! Andaming tanong na dumadaan sa isip ko nang saka dumating ang mga kawave ko, almost thirty minutes pa after ko dumating.

Since Australian company ang client namin of course ang trainer namin eh malamang Swedish. Choz syempre Aussie din. Di ko pa naman bet ang Australian accent, yan na yata ang pinakahate ko marinig na accent, lagi ko pa naman ito naririnig kapag nakakapanood ng mga cooking shows sa cable. Heniweys umintro si ate as Karen Ross, first name basis sila since global company ito. No ma'am, no miss, no madam, no ale, no manang, no ate. Basta Karen lang. Ginagamit lang naman yung miss kapag umoorder ka ng food, or sumali sya sa beaucon, or namimili ng DVD, or kalevel mo si Miss Carmi Martin, pero other than that it's a big no no.

Provided na sa amin ang mga pens at notes at markers. Kulang na lang ng backpack baka isipin ko'ng nasa educational program kami ng gobyerno. May lockers pa kami with 3-digit numeric locks, mejo hi-tech sya para maiwasan ang pagkaburara. Pero wait there's more, sa pagsesetup pa lang ng combos eh marami nang kinain ng locks kaya ang ending yung iba nakishare muna ng locks and lockers.

Heniweys talagang hi-tech ang facilities ni client. Favorite na naming tambayan ang pantry, sobrang lawak nya, parang floor area ng isang branch ng Jabee, kasya ang tatlumpu't pitong food carts siguro, estimate lang. May free pa'ng iced tea at lemonade (surprisingly masarap ang combo ng lemonade at iced tea). Tapos free din pala ang coffee dispenser (di ko nilapitan kasi baka ako naman ang makain) at inadik naman ng mga kawave ko up to the last drop. Simu't sarap, kamusta naman sa pagpalpitate?! Wala kayong highblood ha, mamaya hyper na kayong lahat.

May free lunch pa nung first day, assorted topping pizzas from Yellow Cab. Kaso how can this be lunch kung wala namang rice?! Nakaround two pa ako ng pizzas at nagpanggap na lang na busog para di mapahiya si Karen. Choz! Nung sumunod na mga araw eh KKB na kaya forced na kaming lumabas at maghanap ng makakainan. Maraming restos, food chains at convenience stores pero mahahaltak ka ng pride ng Makati na jollyjeep. Sa tabi lang ng parking lot eh may apat o limang jollyjeeps. Kunwari makakapili ka pa ng ulam pero akswali parang pare parehas lang silang lahat ng luto: mamantika, mataba, at di mawari. Pati yung rice nila pawang pinag-effortang ipinila sa NFA, madilaw at amoy kinulob. Mabuti na lang talaga at kapag gutom ka eh lahat nagiging edible.

More slides, at activities si Karen for two days. May scavenger hunt game pa na pinagpasirko sirko kami sa floors ng client. Kung gusto lang pala nila magpa-impress ang new employees eh di sana pinakitaan ko na lang sila pano kumain ng buhay na manok while nagtitinikling sa bubog. At least naging familiar ako sa egress plan. May mga teamups din kaming ginawa at maswerte ako dahil mga bibo ang group namin. Inintro na rin sa amin yung ibang expats na tumataas ang tindi ang Aussie accent. Yung isang expat na si Sally lang ang pinakamadaling maintindihan dahil British sya, at infernezz kahawig nya si Julie Andrews circa Sound of Music, dapat yata nagrequest ako ng song sa kanya.

Starting day 3 eh si Winnie Zhang na ang trainer namin for accounting systems nila. Kung nastress ako sa Aussie accent ni Karen, mas malala ang Aussie plus Chinese accent ni Winnie. Sya lang ang nagpasimuno ng round of intros sa group namin kaya nagkaalaman na kagad kami ng mga secret talents sa singing and dancing. Di kaya naligaw yung iba sa amin sa audition for American Idol?! Asaness.

Intermission number. Nagkaron ng fire drill at kelangan naming bumaba ng eleven floors plus mezzanine para makalabas at umassemble sa parking area. Dahil sadyang pasaway kami eh sa area assigned for 24/7 kami pumwesto dahil mejo may lilim don. Heniweys kung may totoong sunog siguro di rin aalis ng office ang 24/7 staff dahil  perpetual yata dapat ang ops nila, yes better burnt than absent ang peg. Nasa kabilang side ng parking ang Shell shared at mas pinagpala sila dahil may bubong ang side nila mga buset silang lahat. May actual firetruck pa at functioning hose. May nagpapausok din ng dry ice sa loob para isimulate ang smoke effect. Bothered lang ako kung possible ka bang magsuffocate sa carbon monoxide sa mga ganitong presentation. May nagrarapel pa nga pababa ng building na may iba ibang pamamaraan: may patalikod, paharap, patiwarik, at may dangling pang buntis na damsel in distress. Di lang nila natry yung mala-zipline approach. Sa baba ng building makikita mo ring may dumadramarama sa hapon na mga survivor ng sunog kuno. Question: Saan mo dapat ilibing ang mga survivors? Answer: Ibaon sa limot dahil una survivors sila at ikalawa nakakastress yung acting, costume at props nila.

Day 4 inabot ng whole day kami sa training ng general ledger system nila dahil mejo umislowmo ang system namin sa nakakalurks na transactions, 8000++ chart of accounts, at 11000++ cost centers. May pinakabisa pa sa aming pointers ng preparation ng journal vouchers (nmemonic ko is BUDDRA DEPA ADS V** IKR walang meaning sya). Kaya nung day 5 mejo cramming na kami sa time para matapos lahat ng computer-based trainings namin. Required kasi kaming tumapos ng  six CBTs. Natapos ko naman lahat by 4pm-ish pero marami na'ng fast forward na naganap in between. Akswali dapat bawal magturuan sa assessments pero nagbayanihan na kami sa pagpapasahan ng sagot at techniques. Yung iba nga natapos lahat ng courses within 1 hour lang akalain mo yun Dexter boy genius.

Right now eh balik Pioneer muna ako pero I'll be back. Patikim pa lang sa akin ang Ayala. Next time magkakalat na ulet ako doon. Bwahahahah *thunderbolt and lightning* Kaya be afraid, be very very afraid. Choz! May the force be with you!


____________________
*Check out my chapter 1: Ayalero
**Business unit, date, description, reversing, account, department code, affiliate code, amount, description, stat code, validate

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips