Biyernes, Abril 8, 2011
Aloe Der!
First day jitters
04.08.11
Nakakatakot ang first time. Parang berjin lang, touched for the very perstaym ha. Parang naalala ko pa yung unang araw sa kinder, yung unang araw na mag-uuwi ka ng card na may line of 7 sa Filipino, yung unang araw na magbayo ka, yung unang araw ng board exams, yung unang araw sa work... in any work. Kasi naman may suspense na sino kaya ang makakatrabaho ko, mababait ba sila, may bettable ba, may PC kaya sa station ko, sana hindi nakablock ang Facebook at Twitter, sana mura ang food sa canteen. Mga ganong concerns.
First day ko sa Ashenshur April 8 for the New Joiner Orientation. Ewan ko ba bakit Friday nila inisched. Nagworry talaga ako kasi baka mawala na sa akin ang weekends kong mahal. Apparently naisched lang kami dahil sa squeezed orientation for 1 day dahil sa Monday isasabak na daw kami sa client site.
Infernezz early ako nakarating sa office. Almost full na ang room kaya sa backrow na ako umupo at para hindi rin grand entrance. Iniscan ko ang mga future officemates ko... hmmm... isa lang masasabi ko: walang office romance for me. Choz!
Si Karen Mendilla ang speaker namin na parang female version ni Japoy as in singkit at chubby na lalagyan mo lang ng ponytail at nunal sa right side ng lips. First name basis ang peg kaya go lang sa Karen, nasaan si Gina? More on about the company at policies ang discussion, general topics lang walang work specific. At least alam ko na na accent on the future pala ang etymology nila. As if magagamit ko yan kapag sumasakay ng jeep or namimili sa palengke or sa kung ano mang aspeto ng buhay dabah? Choz!
Hondoming free food para sa NJOs. Nakalagay sa plastic version ng styro food packs (di ko alam ang tawag don eh), at pagbukas mo voila: random foodstuffs. For breakfast merong pandesal and pancakes and sandwiches with raspberry tea kapakner. For lunch merong chix and pork and fish fillets with rootbeer na kapakner. For snack merong carbonara and pancit and ginataan with strawberry aloevera drinks. Parang roleta lang sa pagkuha ng food, at sa sobrang dami eh talagang mabubusog ka! Umover pa nga ako dun, muntik masira ang tyan ko. Napigilan ko lang talaga. Feeling ko yung aloevera yun eh buset na yan.
Natapos kami around 5PM. The good news is may Saturdays and Sundays pa rin ako, the bad thing is wala nang puyatan ng Sundays with my friends na may pangkatulong Sun-Mon off. The good thing is morning shift 8-5 ako, the bad thing is forced na mag-business attire kami everyday. The good news is sa Ayala ako mag-ooffice dahil makikita ko na naman ang beautiful people of Ayala kaway tayo jan! The bad news is malayo sya sa Pioneer na isang sakay lang sana. At hello Jollijeep ulet.
At bawal nga pala ang phone, mp3 players at flash drives sa site at blocked din ang Twitter and Facebook. For nine hours para lang akong bilanggo sa hi-tech na kweba. Ahuhuh. Ipagnonovena ko na lang na sana mareverse ang kautusang ito. Choz!
And did I mention wag kayong magtangkang uminom nung Aloe na juice drink?
Mga etiketa:
Food
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento