Hello Stranger
03.2011
Nagkaron ka na ba ng crazz na stranger? Well, normal lang naman siguro yon. Natitigan mo ba sya nang matagal? Winish mo ba'ng makita sya ng paulet ulet? Finlames mo ba sya? Malamang hindi, di mo pa alam ang full name nya eh. Pero kung alam mo yun I'm sure ginoogle mo na rin ang buong pagkatao nya. Pinopoke mo na sya ngayon at iniistalk hanggang kelan ka nya iaadd.
May mga kwento lang ako ng ilang case na may involved na stranger at pano ito nakasira ng buhay nya. Choz. Roll VTR.
~0~
Krushee#1: Ishogo sa namesung na Brian
Naglalakad na pauwi si Krusher, tumawid sya sa gitna ng kalsada and out of the blue (akswali sa kabilang side ng kalsada) biglang sumulpot si Brian. Nagkadikit sila sa island habang nagbubuhol buhol ang traffic sa dami ng nagje-jaywalk, nagkatinginan, sabay nagka-exorcisan (ekpleyn: head turn). Biglang pumasok muna sa Jabee si Brian para bumili ng food. Hala ang Krusher mega-may-I-follow-you-and-where-you-go-I'll-follow kesehodang kakatapos lang nyang kumain. Tingin sya ng tingin kay Brian na kulang na lang matunaw kung may optic blast lang sya. Bumili pa ng sundae—kahit di naman kasarapan... I mean kailangan—para lang bumili ng oras.
Naunang lumabas ang Brian, nag-abang-abang pa sa labas sa tapat ng takatak boys kahit di naman magyoyosi, lumilingon lingon na parang si Krusher din ang inaabangan. After five or so minutes of awkward habulan tingin eh palakad nang paalis si Brian. Naglakas loob din sa wakas si Krusher at nilapitan si Brian at hiningan ng number. Naghiwalay din sila ng landas after makuha ang inaasam na contact detail. Tinawagan rin ni Krusher ang number after five minutes (excited? nagmamadali? may lakad?) pero eksena ni ateng: "that number is not yet in service." Luhaang umuwi si Krusher pero happy na rin at nagawa nya yung bagay na di pa nya nagawa before.
After a week nawrong sent si Krusher. Dapat isesend nya sa officemate named Brian din pero kay Krushee Brian nya pala nasend. Nagdawho muna sila... tao ba ito? Oo. Foreynjer? Hindi. Lalake? Pwede. Nagpakilala syang kumuha ng number sa may Jabee. Naalala naman ni Brian kaagad, di naman pala sya goldfish. Ininvite nya bigla si Brian na makipag-inuman.
BRIAN: Ano bang mapapala ko jan pag pumunta ako?
KRUSHER: Chillax lang tayo.
BRIAN: Kaya mo ba akong suportahan ang mga gusto ko?
KRUSHER: What do you mean?! Bayad?!
BRIAN: Ayoko naman magsayang ng oras jan. Ano ako callcenter agent at galante?
After nung last statement nya eh hindi ko na talaga kinaya. Ano namang konek ng call center agent at galante?! Heniweys mabuti nang nalaman nang maaga na asshole pala sya at callboy. Nagko-contemplate pa si Krusher kung babayaran nya one time yang si Brian para magpiggery sila yah know.
~0~
Krushee#2: Ishogo sa namesung na Marvin
Sumama si Krusher sa mga friends na umattend ng dog show sa may Alabang Town Center. Second time pa lang nya makarating don pero he's heard many good things about the place: like maganda ang ambiance, shalang tingnan, at maraming cuties na rumarampa dun. Exact opposite ng Metropolis mall sa Alabang na puro chakka ang mga tao, masikip, mabaho at maputek.
Nung morning pa eh bidang bida yung mga cute doggies sa piksuran. Pero nang biglang umappear ang isa sa mga nag-aassist na si Marvin. Cue music: what's somebody like you doin' in a place like this? Hala kuntodo effort na si Krusher na mapiksuran ng candid shots si Marvin. Infernezz naman talaga kay Marvin eh piksurable sya. Cute at mamaskels kahit mejo maliit sya tapos ganda pa ng calves shett and cute at mamaskels yah know. Parang higad yung kilay nya sa kapal pero may hugis na parang inahit dahil perfect ang shape. Ganda pa ng smile at ng eyes, na parang nangungusap na "akin ka na laaahaaang iingatan ko ang puso mohoooo." Choz.
Pero akswali nakikipagtitigan sya na may halong muscovado tapos biglang makikipaghabulan ng tingin. Pag dumadaan si Krusher pakunwaring nag-ooffer si Marvin ng mga doggie treats sa dalang doggies nya kahit alam naman nyang di bet ng doggies yung fake bacon treats. Kahit ako rin, ayoko ng mapagpanggap na smoke ham posin as bacon, pero ibang level yung fake bacon treats in an almost gummy looking kinda way. Heniweys nalost na naman ako sa kwento ko.
Nung matapos na ang event, hinagilip talaga ni Krusher si Marvin. Nasa may stall at namimigay ng freebies. Nahihiya man syang lumapit pero di rin naman sya makauwi dahil babangungutin sya ng lost chance kung papalampasin nya ang pagkakataong mapalapit kay Marvin. After ng sangkatutak na inhale exhale ayun nahila rin nya sa tabi si Marvin at... nagpapiksur lang. Well, happy na si Krusher doon. Cue music: I won't ever be the same if we ever meet again. Kung nakatadhana nga naman kayo eh baka magkabungguan kayo sa kalsada ulet one time. At masasabi na ni Krusher, sana tayo na lang... sana tayo na lang ulet. Choz!
~0~
Krushee#3: Ishogo sa namesung na Clark
Nakilala ni Krusher si Clark sa isang microblogging site. Ka-follow ng finafollow nyang friend si Clark. So two degrees of followship sila... gets? Finollow naman ni Clark si Krusher dahil nakikita nyang mentionan ni Krusher at first degree followship. So nagfollowback naman si Krusher. Pagkalipas ng ilang araw, sa social network naman sya inadd ni Clark. At ayun nga bumungad na sa kanya ang mga yameeeeng piks ni Clark. Hangkyot kyot lang ni Clark, parang batam bata, makinis, at parang cuddly na rin. Pinoke sya ni Clark, pumoke back naman si Krusher. Kinabukasan pumokeback ulet si Clark. Then si Krusher ulet ang pumokeback. Josko poke-poke-an ang dalawa. Parang nasa poking bliss ang Krusher, kung sana mapopoke nya rin si Clark in real life.
Nagpadinner si first degree followship ni Krusher at ininvite din nya si Clark that night. Late na dumating si Krusher sa venue, sayang nga't whole day palang nakitulog si Clark sa house ni followship. Nagluto si followship ng pasta (which is akswali sopas na instead of macaroni eh may paandar na linguini at a can of liverspread to taste oh san ka pa).
While cooking eh pinakilala at pinagtabi ni followship si Clark kay Krusher. Hongloki pala ni Clark, parang 5'10 yata. Parang mga sanga ng kahoy... narra siguro. Galing daw sa pag-eeffort yun, kasama kasi sa dragonboat team si Clark. Shett nabasag ang pangarap na cute boy ng isang vortang kuya. Kahit nahihiya si Krusher eh si Clark naman ang naglead ng conversation, parang tumatango ang mga dila at utak nila sa palitan ng kwento. Sabi ni followship napaka-accommodating naman ni Krusher sa pag-eestima ng mga bisita. Nagkapalagayan ng loob pero hanggang doon lang yun. Pagkatapos ng dinner nagpaalam si Clark dahil may gimik pa sa dancefloor sa may Ortigas. Naiwan si Krusher sa isang sulok na wala man lang ni poke na nagawa sa kutis ni Clark. Tanging si Clark lang pala ang naging accommodating dahil napagbigyan nya ang pangarap ni Krusher na mameet sya. Wala nga lang poke.
~0~
Ashushwal loser na naman ang drama ni Krusher. Sa iba't ibang senaryo iba't ibang uri ng pagkabigo. Mabuti bang di na lang nya nakilala ang mga Krushees? Mabuti bang di nya nakausap si Brian at malaman na mukhang pera sya? Oh mabuti na lang bang nasilayan nya si Marvin pero di man lang nakausap? Oh yung nakausap nga si Clark pero di man lang nahawakan.
Sa bawat aspeto ay di nya nagamit ng husto ang kanyang angking kalandian, I mean kakayanan. Krush lang naman yan eh, marami pang darating. Pwede ka naman magkaron ng sangkatuak na krushes eh basta't nag-iisa lang ang taong mamahalin mo.
May next time pa naman eh. Try again later. Try and try until you succeed. Sa susunod baka hindi lang krushee, baka lurvee na. At sa kanya lang, buong buo, walang kahati o kaagaw. Hindi lang basta poke ang matatanggap kundi yakap. Hindi lang basta follow-back kundi acceptance.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento