Lunes, Marso 22, 2010

Basag

Walang komento:

Photo by Ole Begemann at Flickr.

Out of order
 
March 19, 2010


I hate The Bar na ever. Yep, officially I hate it with all my heart and soul.

Nagyaya si Macoi sa bahay nila bandang Pasig dahil bertdey nya. Kasabay ko si Herson pumunta dahil tamang dumaan pa sya ng Boni. Mejo kinapa lang namin ang papunta don kasi katapat lang daw ng barangay hall ng Rosario. Pagdating sa naturang barangay hall, sumilip na kami sa katapat na tindahan. Parang walang event naman, tahimik. Nasa kabilang side pala kami ng street nag-aabang. Nandoon na rin sila Kuya Noi, Alex at Ian.

Kumain muna kami ng pang-dinner dahil marami pang food. May nirentahan din na videoke machine kaya more song na sila Kuya Noi. Circa 2002 ang latest songs yata at wala ako sa mood mag-emote kaya isang maka-rakrak damdaming Drops of Jupiter sana ang titirahin ko pero wa rin sya sa list. Kinanta na ni Son yung Before I Let You Go kaya di ko na rin kinanta ang version ko. Nawala na lang ang mood ko bumijowke pero go lang sa pagse-second voice.

Biglang inilabas na ni Mac ang bote ng The BaR, not just one or two, but three! Imagine! Or more pa ata. Since di pa kumakain yung iba eh kami na kagad ang isinalang sa nomohan. Dahil walang shot glass, ginamit na alternative ang plastic cup. Imagine mo naman ang diperensya ng radius squared nito sa regular shot glass times pi. At dahil mataas pa tumagay si Alex i-times height mo na yan. Ang resulta more than 250% sa volume ng shina-shot namin normally. Ang chaser lang eh iced tea, at least meron kesa tubig.

Nagdatingan na rin ang ibang FSR guests. Si Angel chumaperone kanila Levi at Seth. Si Ivan dumating with two friends na di pinakilala kasi nag-eat-and-run, baka bubooking. Si JD dumaan din at naggift ng porn cd... err movies daw ata. Yung iba mejo naligaw pa ata at kelangan pa itutorial ng way. Jomz came with Yanyan and Dolph. Solo entry si Efren na gogora na daw ng Baguio. Si Jackie nagtaxi pang dumating kasi may dalang mga delicacies straight from Bicol, mainit init pang laing at kinunot.

Kahit dumami na ang tao eh mabilis pa rin ang ikot ng tagay. Parang pass ng pass ang mga tao habang ako go lang ng go. Di ko na nga namalayan dumating na si Waga at Yuls. Sa sobrang taas ng tama ko wala na akong alam sa mga kaganapan. Ilang beses ako sumuka. Dumating din si Sherwin at ewan kung bakit bigla akong umi-english nung dumating sya. Para lang akong possessed that night. May pumaso pa sa akin ng sigarilyo, I have the scars to show. Sino ka man, pakshett ka! hahah.

Ang masakit pa eh maraming photo evidence, at may pagta-tag pang naganap. Sabi nila, "Biruin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising." Pero sabi ko naman, "Piksuran mo na ang bangag wag mo lang ita-tag." Remove tag is the new don't look at me o dudukutin ko yang eyeballs mo!

Di ko na nga nalaman pano ako nakarating sa sala. Nakipaglaro pa daw ako ng Tekken habang unti unting nag-eevaporate ang aking kamalayan. Nagigising lang ako para sumuka then tumba ulit, then gising, then suka some more, rinse and repeat.

Nung umaga na kahit nakakaramdam na ako ng gutom eh di muna ako kumain. Di pa maganda ang effect ng inom dahil upset pa ang stomach ko. Nagkape lang muna ako, napaso pa dila ko. Later feeling ko umaakyat ang dighay sa esophagus ko, at buti nafeel ko na rin na may gustong bumulwak, thank God nahold ko sya at naitakbo sa malapit na toilet na kahit di kalinisan eh natyaga ko naman. Pag-uwi ko naman eh cup noodles ang tinira ko at nakatulong naman na mainitan ang sikmura ko, yun nga lang napaso uli ang dila ko.
Natulog akong hilung hilo at masakit ang ulo. May paso pa sa dila at sa kamay.

Bangag na bangag talaga ako that time. Sobrang nakakahiya kasi andaming tao. Buti na lang di ako yung nagwawarla kapag lasing. Basag ako alam ko. Nabasag ang aking baluting matagal akong inalagaan, baluting nagtatago ng saloobin at mga gawing di ko maatim sa tamang wisyo. Nawalan ako ng sense or control, I AM SORRY [Gloria style]. Nang dahil sa The BaR na ni minsan ay di ko naman inenjoy ang lasa at amoy thinner pa. Mapait na nga ako, dadagdagan mo pa ng kapaitan (at walang effect ng double negative equals positive jan). At di rin nakukuha sa pagpapakalunod sa juice ang pait.

I am sorry sa lahat, nakakahiya. Di na lang muna ako magpapakita. Babalik muna sa kuweba para magtika. At dahil jan biglang umenter frame ang eksena nila ateng Honey B at GaGa, naway maikonek nyo somehow:

"Trust is like a mirror, you can fix it if it's broken. But you can still see the crack on that mother-f*cker's reflection."

Miyerkules, Marso 17, 2010

Enchanted

Walang komento:
Photo by Ken at Multiply.


P5 Episode 6: EK
December 26, 2009


Pagkatapos na pagkatapos ng pasko eh nag-assemble kagad ang magaling na Ezra ng isang get together ng P5 para sa Episode 6 ng aming monthly installment ng meetup whatever. Si Pau na matagal nang nawalay samin eh ininvite namin sya kahit labag sa aming kalooban. Nagfile pa talaga siya ng leave para sa Sabado. At excited din ang tae kasi first time ever nyang makakaalis sa Cavite after ng ilang buwang pagpapakatulong.

Ang usapan magkikita eh sa MRT Magallanes Stn bandang alas onse. After 11:30 pa dumating ang Ezz at Ken. Ang promotor na si Lee eh
kakagising lang, at kapag tinext mo eh everytime mo nag-iiba ang lokasyon, estimated time of arrival, at traffic updates ha. Nagbus na kami para diretsong Alabang na. Kasama din dapat si Jan kaso nagkaron ng away sa jowa nya sila Ezz days before kaya hindi na sya pinayagang sumama.

Pinag-antay kami ng Lee at Pau sa Metropolis Mall. Wala pa kaming almusal kaya kumain muna kami sa McDo, at sa may tabi ng glass partition kami pumwesto para makasight naman sa labas. Very wrong move, very very wrong! Malay ko bang nasa sentro pala kami ng chakka mall. Azz in, halos lahat ng taong dumadaan aesthetically deficient. Siguro noong panahong nag-announce na si God na mag-eevolve na ang mga tao eh nasa loob sila ng kuweba at natutulog, nanonood ng Wowowee o naghaharvest. Mabibilang mo lang talaga ang cute, akswali isa lang ata at may kasama syang either nanay or matronix lover nya. The rest ng cute eh nasa loob ng McDo looking out choz. Pero in all honesty talaga, kung panget kami, ano na sila? Sana sa Alabang Town Center na lang kami tumambay, rampahan daw don ng mga cute at the rest ng homo sapiens.

Mag-aalas dos na nang dumating ang Lee at kasabay si Pau. Lagi na lang silang sabay dumating, feeling namin eh nag-stop over pa sila sa lahat ng Sogo along EDSA. Sa wakas makakaalis na rin kami sa Metropolis. Crossover kami sa kabilang side sa may sakayan ng mga bus. Tinawag kami ng isang barker manong na may alam daw na ride straight to EK. Sumunod naman kami, pagsilip dun sa mga tao sa loob ng van eh walang tiwala sila Lee sa mga tao, mukha daw silang skeri people. Nagdahilan na lang kami na may susunduin pang isang tao sabay run away. Gusto pala ng Lee na magtaxi kaya sya na ang pinagastos namin ng pangtaxi. Umaarte pa kasi sya eh. Six hundred paysows tuloy ang worth ng kaartehan nya. Pasalamat na lang at natawaran ng menos singkwenta.


Enchanted Kingdom

Bandang alas kwatro kami nakarating ng EK. Pagdating don sobrang haba pa ng pila, dalawa pa at magkabilang direksyon ang patutunguhan. Nag-aadvice na yung mga staff na after mo daw makapasok eh meron pang two hours waiting time sa rides. Dedma. Papasok kami at magrarides go! Before five nakapasok din kami. Five hundred ang entrance, while nakatipid ang Pau dahil sa kapal ng mukhang gumamit ng student ID. Ang difference lang naman eh ang color orange band sa wrist at ang dignidad sa pagsasabi ng katotohanan. See pic above, yung failed attempt naming magvolt in ng perfect star, si Pau lang yung walang orange band. Magtitiwala ka ba ever sa ganyang kamay?!

Trip trip lang eh bumili pa kami ng mga Merlin mage hats. Kulay purple ito na may golden stars design. Nagkataon nga naman eh lahat kami nakasuot ng black shirt plus shorts kaya parang yumu-uniform lang ang get up namin. Kapag nasa mga pilahan lang eh alam na kagad na magkakasama yung limang beki.



First ride naming pinilahan eh yung sa Anchors Aweigh. Maliwanag pa ang kalangitan nung pumila kami. Nakapagmeryenda na kami, di pa rin nakakausad ang pila. Nagkodakan na kami at inistorbo yung nasa harap at likod namin para magshot, di pa rin nakakaandar ng malayo. Dumilim na ang kalangitan wala pa rin. Mejo naexcite kami nung dumating na kami sa may mga railings. Premature pala ang excitement dahil mala-NSO ang pila na zumizigzag sa inner sanctum ng Anchors Aweigh waiting area.

Habang papalapit kami sa front ng line eh tuloy ang landian at kodakan. Bakit kaya ang dami dami ng mga taong pumipila dito. Karamihan naman tili lang nang tili sa takot, eh di sana di na lang sila sumakay di ba?! Nakakadagdag lang sila sa pampasikip sa pila. Nagtimer ako para malaman kung gano katagal ang isasakay mo compared sa ipinila mo: two minutes, more or less, madalas less. Two minutes over two hours ay less than two percent pa sa oras na itinanga mo kakaantay lang. Nung time na namin eh balak sana namin sa may pinakacenter pumwesto pero may nauna nang magjowa dun. Sa back row naman eh may tropa na rin na pumwesto. So dun kami sa second to the last. Pinagkasya kaming lima sa row na yun, although normally four lang ang capacity non. Nagsimula na magswing ng mabagal, unti unting nagpipickup ng speed. Tiningnan ko ang Ezz, shock galore. Makikita mo sana ang takot sa mukha nya pero busy ako ienjoy ang pagsiswing. Masarap nga itaas ang kamay habang pababa ang swing mula sa apex. Di ko na binilang kung ilang swing ang inabot namin pero more than two minutes kami inabot, which is worth it sa taas ng exciteability levelling. Gusto ko pa sana pero di ako pipila ng dalawang oras ulit. Next!

Next ride ang Flying Fiesta. Mas maikli ng dalawang oras ang pila nito. Masarap ang feeling ng nakasabit ka, at gusto ko pa sana higher ang inclination ko kaso baka sumabit na ako sa katabi kaya better play safe na lang. Next na mahabang pila eh ang Rio Grande Rapids, mejo matagal kasi parang the boat is sinking ang bet nila at group yourself into eight maximum. Since five na kami eh di na kami isiniksik sa iba, at wala rin jumoin sa amin. Pinapahubad sa amin yung mga Merlin hats namin pero kami na ang matigas ang ulo. Pinakamalas ang side nila Pau at Lee dahil sila ang nasa harap kaya sinasalpok ng alon. Ako na sana ang maswerte dahil di inaabot ng tubig pero malas nga lang natapat ako sa fountain. Ang ending wet look kaming lahat, ligwak ang uniform at nagchange outfit time na. Dapat hinuli namin ang flying fiesta para magpatuyo.

Another very very long line ang Wheel of Fate. Mala-NSO pa rin ang pila dito pero di masyadong nababantayan kasi maraming sumisingit sa pila.
Sa sobrang haba eh nakapagchikkahan pa kami nila Lee at Pau ng tungkol sa mga SEBs nila. Nung pasakay na kami sa gondola eh nagsplit kami sa dalawa. Kasama ko ang matatakuting si Pau na sa sobrang skerdiness eh pinapaikot nya lagi yung gondola namin. Ang tunay na nakakashock eh nung itinuro nya samin kung ano ang nagkakapit sa amin sa kabuuan ng ferris wheel, glue stick! Pramiss, mukhang nakaglue stick lang or some kind of waxy substance sa bakal yung gondola namin. Iniiwasan ko na nga ang masyadong paggalaw para di umikot ang ride namin pero ang lecheng Pau ikot ng ikot.

Last ride namin as a group supposedly ang rialto, pero ang Lee biglang nakitang kakatapos lang irepair ang Space Shuttle kaya inaya si Ken. Silang dalawa lang ang sumakay kasi ayaw namin nila Ezz bumaligtad ang sikmura, at duwag lang talaga si Pau. Habang pumipila sila doon eh tumakas naman kami para magride sa Rialto. Maikli lang ang pila ng rialto kasi nagcutoff na para sa last batch for the day. Ang showing eh Speed Racer, na ang panget panget ever dahil di naman swak yung animation sa movement. Puro vibrate lang at unexpected twists ang ginawa nila sa upuan. Nanakit lang ang katawan ko sa rialto shett. Dahil mahaba pa ang pila ng space shuttle, inabot pa kami ng thirty to fourty five minutes na waiting time sa kanila. Nagawa pa naming manood dun sa music video maker na may head swap chorva
complete with green wall. Kaloka lang gusto sana nila iendeavour ang 2NE1.


Food
Bandang hapon nakapagmeryenda pa kami ng hotdogs. Malakas talaga maka-attract ang bagong ihaw na hotdog. Ang bango bango... ang laki laki... ang pula pula... ang sarap sarap ng bulak... hotdog pala. Naglalagay sila ng secret ingredient dun pampaadik kaya maraming nahuhook. Di kaya magic sarap?

Nung dinner time eh plano sana naming kumain ng rice in a box. Sa haba ng ipinila namin eh sasabihin din pala na out of stock na sila. Uminit pa tuloy ang ulo ni Ken. Sumugod na lang kami sa may food court area. Habang nagbarjer lang sila Ezz, di ko kinayang walang rice kaya gumora ako sa Karate Kid, na parang cheaper version ng Tokyo Tokyo, na para namang fastfood version ng Japanese cuisine. Hindi ganun kasarap ang food nila dahil hindi tumatak sa tastebud at memory ko, nagkataon lang talaga na gutom ako at andun sila. Sabi nga nila, ang pinakamapaklang, mapait o tasteless na pagkain makakain mo kapag gutom. Kaya naimbento ang skyflakes at vetsin. [Citation Needed]

Nakishare lang kami ng table sa food court, buti na lang mabait si ate at pumayag sya. May nagpeperform na live band sa stage. Since pasko naman eh may pagka-carolling na nagaganap kaso mejo out of tune ata si ate songer. Si kuya songer naman puro pacute lang onstage.



The magic stays with you
Past twelve na kami nakaalis sa EK. Dalawang trike muna palabas sa main road, at isa pang jeep papuntang sakayan ng bus to Manila. Yung bus na nasakyan namin eh ordinary lang pero grabe naman makalipad sa kakalsadahan. Buti na lang di na ako umidlip dahil pasado ala una lang nasa Boni na ako.

Mejo nakakapagod pero masaya. Kung pwede lang ulitin, go ako basta minus the waiting galore. Gusto ko ng isa pang anchors aweigh. I love et, I'm flying, I'm flying, I'm flying... repeat to fade. Habang umeecho pa ang inner Nancy Downs sa akin, wish ko lang nakakapagtime-space warp ako at irereset ko three months back para naman di masyado delayed ang pagkakacompose nitong blog entry na to.

Miyerkules, Marso 10, 2010

Star-crossed

Walang komento:
 Photo by stopglobalwarming at Flickr.



Turning Japanese

February 27, 2010


Biglang nagyaya ang Elvin na gumora kami sa MOA. May Nihongo Festival daw at kelangan umistreet fashion ka, azz in Japan Japan eh pang Quiapo street fashion lang ang kaya ko with the grasa and torn shirt ensemble. Napilit rin ako after mapapayag ko maglibre ng ramen. Pero no naman ako sa pagjajacket ng patong patong. So go na lang ako with fade glasses para kumosplay ng Watanuki pero fail.

Nagbus na lang ako sa EDSA para di nahassle sa transfer ng ride. Ang problema nga lang sira yung aircon dun sa naupuan ko. Full blast ang blizzard dahil sira yung cover. Eh di na ako makalipat kasi may ibang tao na sa ibang seats at di ko bet makichair sa ibang passengers. So tiniis ko na lang for 45 minutes or so. Ang di ko lang matiis eh yung umi-english sa likod ng seat ko na call cenner wannabe ata. Kung nakakanose bleed na eh pwede naman magtagalog, di naman nakakadagdag sa beauty ang masyadong pagpapaimpress kung wala naman to begin with.

Pagdating sa MOA, nag-abang pa ako sa arcade dahil nauna pa ako sa Elvin. Nagtext din 10 minutes later. Kasama na nya ang ex ex-officemates, azz in same na silang nakalaya sa dating pinagsisilbihan. Tapos na pala ang costume-an contest kasi galing na doon ang ex ex-officemates nya at nanalo na yung friend nila ng ticket for one sa Japan. Ang sad lang noh. Naawa ako sa kanya. Sana ibigay na lang nya sakin yung ticket para ako na lang ang magiging sad mag-isa para sa kanya. Concerned ako.


Yoshinoya


As promised, pinilit ko syang ilibre ako ng ramen. Ginalugad namin ang kakalsadahan ng MOA para maghanap ng Rai Rai Ken, pero fail kami dahil nalost na lang sya na parang bula or talagang nirerenovate lang. Kung may palengke lang na malapit eh baka inaya ko na lang si Elvin na mag-mami na lang kami. Pero nakita namin ang Yoshinoya kaya dun na lang kami gumora.

Pagpasok sa loob, first question dun sa kuyang crew kung may ramen ba sila, nagsuggest kagad ng set meals. Either nabibingi si kuya or shunga lang syang tunay. Well pumili na ng maoorder si El ng kung anu-ano pero bugso na rin ng kadahilanang may dugong beki sya eh mejo natagalan din sa pagpili, choisy tayo teh pangatawanan mo yan. Mejo humahaba na pala ang pila sa likod namin kaya nasindak na lang sa multiple choice. Wala na nga kaming ramen pero ok na rin. Parang may two orders kami ng beef something, one order ng tempura, isang miso soup with lumotish seaweeds, red at green tea parang pasko lang, one order ng spicy shumai, tatlong order ng rice, at isang red gelatinous substance. Infernezz okay naman ang presentation at taste, at at least hindi NFA ang rice nila thank God.


Shonen Knife


After noon eh tumambling na kami sa bayside para hanapin ang concert daw. Maraming lumalive bands don pero parang kinakapos ng rasyon ng Enervon sila. Sa may bandang fountain pala ang J-rock band at yun nga ang Shonen Knife. Late 90s to early 00s ko pa sila huling nasilayan via MTV Asia. Yung mga Japanatics nasa gitna ng stage nakapwesto at may harang na railings talaga sila. Kaming mga simpleng tao sa gilid ng stage lang nakatunganga. Maraming nakikiusyosong madlang people pero nagwo-walkout din after a while kasi di na sila makarelate sa mga "Korean" songs daw. Like duh, pampasikip lang ang hindi nakakagets. So desu ne.

Composed ang group ng three girls: Naoko on lead guitar and vocals, Ritsuko on base, at Etsuko on drums. May pagyu-uniform na naganap kasi they were all dressed up in
outfits na Piet Mondrian art style ayon kay El. Remember, meron silang Powerpuff Girls music vid dati? Heniweys, first time lang daw nila sa Pinas dumalaw. At yung mga pinagkakanta nila eh all related sa food: Banana Chips, Barbecue Party, at Sushi Bar among others. Kahit di naman karelate relate yung lyrics, although slightly ginutom uli ako, eh powerful pa rin ang performance dahil na rin sa drum powers ni teh. Clap clap clap! May encore pa sila na nakipagjammingan ang Pedicab na super cool sana, although kinda autistic ang participation ng mga pinoy.

San Miguel at the Bay


After ng japaneseness eh nag-ikot-ikot pa kami sa area. Meron pala dong mini activity for the kiddies, sort of large bubble balls sa pool. Imagine sa hamster lang to ginagawa dati, ngayon pwede ka nang magshopping at magbingo at the same time iiwanan mo ang mga teletubbies nyo to play. Ewan ko lang kung nag-eenjoy talaga sila sa pinaggagawa nila ha. Parang ako ang nahihirapan para sa kanila habang pinapanood na nadadapa sila sa loob ng bubble at tutumba in strange positions. Parang syang experiment, at ang mga batang ito ang test subjects. Ang nakakatakot eh wala akong makitang butas sa bubble, possible ka ba magsuffocate sa carbon dioxide? Tinutulak pa ng mga bantay yung mga bubble kapag nacomatose na ang isang bubble. Sadistic lang masyado noh?

More ikot pa kami sa bayside. May mga dume-dateness na dumadaan daan, or assuming lang ako at wish ko lang di kami mapagkamalang nagdedate ni Elvin. Tinext ko ang Derek na makikipagmeet supposedly sa Malur with JD and Kris pero no text at no show dahil lasheng na pala. May wishing star pa ako nalalaman yun pala iinjanin din ako. Kainis!

Akala ko pa naman may PyroMusical that time pero Sundays lang pala sya at kelangan mo ng tumataginting na 100 paysows para sa general admission lang. Di ko tuloy natesting ang epekto ng fireworks sa buhay at pag-ibig ng Elvin, baka biglang umappear out of the blue ang Manchan o Yohji nya at poof instant jowa why not.
Nagkwentuhang kaemoterohan na lang kami ni El muna. Actually, binalak pa naming i-raid si Yohji sa work nya na di namin ganun kasure saan exactly kasi ayaw nya aminin eh pero balak ko namin sumugod somewhere sa Pioneer para lang mahanap sya. Biglang nagtext si Son at Jomz na gumora kami sa Cubao ng 11pm. Buti na lang at inaantok na rin si Elvin kaya inaya ko na umalis.

MRT ang gustong mode of transpo ni Elvin dahil pinaparanoid sya sa bus. Meron daw syang ex-officemate na naputulan ng isang daliri dahil sumabit daw sa mga railings ng bus. Naconvince ko naman na di mangyayari yun sa amin kung uma-Anlene ka naman ng maayos. Isang ordinary bus lang ang nasakyan namin. Pagdating sa Guadalupe may sumakay na isang lasheng at isang crushie. Di ko tuloy naibuhos ang aking atensyon kay crushie kasi naman si manong lasheng eh kung anu anong stunts ang ginagawa, at may pagharang pa sa pinto. Nakakatense baka mahulog sya sa bus! Bumaba ng Boni si crushie at gusto ko na rin sana sumunod baka nga sya na si Jaiho pero iniwan nya rin akong walang paalam. Ok lang dahil nakamove on na ako after 2 seconds.


Starry Starlet Nite

February 28, 2010


Mag-aalas dose na ako nakarating ng Cubao. Si Elvin eh umuwi na, jan lang naman sya bandang Aurora. Gusto ko sana isama pero mukhang di na nya kaya. Nagkita kami ni Son sa KFC at nagdinner muna sya. Talamak na talaga ang mga beki dito dahil bawat table may representation. Then tambling to Starlites.

Starlites
Nag-abang kami sa labas ng door. Labas masok ang mga beki, akala mo kuma-catwalk. May wafu, maskulado, maganda, ganda gandahan, dilimgenic, at raging diva. May mga pechay din at lulu, mga ligaw na kaluluwa no doubt. May single detached, may duplex, may compound, at may squatter din ang style ng pagrampa ng mga tao. Tinetext na namin si Jomz para sunduin kami sa labas. Wala palang signal kapag pumasok ka sa loob kaya sa labas na lang talaga kami nag-abang. After 10 minutes pa nagreply si Jomz na kumain pala sa Jabee at wala rin daw signal don, parang Bermuda Triangle lang ang Cubao skeyri. Kasama nya si Sherwin lang dahil si Yanyan na akala ko eh gogora doon eh absent dahil nagtitipid na daw.
Jumoin na kami sa GEB ng group ni Jhong. May disclaimer pa nung una na mga bi daw sila doon, so expect kami ng discreetan moments. Pagpasok namin sa room, halos maubo ako sa kapal ng usok sa mga sigarilyo at sa taas ng concentration ng paminta sa atmosphere, pamintang pinung pino, durog na durog. May bumibirit pa ng Alicia Keys. Ten minutes lang ang itinagal namin sa loob ng room. Nagpaalam din kaagad kami kay Jhong.


May nagtext, si Ino nasa Starbucks daw with Luis at Miko. Naexcite naman si Jomz dahil ever present ang GABBY at BINOE ng buhay nya, feeling SHAWIE lang. Jowktime lang pala nya ang Jomz dahil wala si Miko. At ang Ino may karay karay na boylet na nagngangalang Rico. May pag-iinnerview pa si Jomz sa agawerang Rico. Apparently, nagkakilala sila sa gym, nagkatitigan lang daw tapos boom. Ang tagal namin magdecide kung san pupunta. Gusto sana namin ni Son sa may Katips dahil sa inuman na may cheap na bucket ng Tanduay Ice at Kropek. Pero gusto nila Jomz bumijowke kasi magsoshowdown pa sila ni Rico. More than twenty times yata kami nagtatanungan ng "So san tayo?" Dinala ko na lang sila sa fevorit kong tambayan with P5.


Satellite

Satellite ang KTV bar sa tapat lang ng Starlites. Same lang din ang konsepto nito sa katapat, may VIP rooms na kada hora ang charge at bumabrownout pag nag time up, may cheap lang na beer, at may fifteen pesos libreng platito ng mani. Si ateng Aida (na kacloseness ni Lee ng P5) ang nag-assist sa amin, at name nya talaga yan kaya walang dapat ipangamba. Sa may lounge area eh nagkukumpulan sa table ang mga tao habang nag-iinuman at sumising along sa open mic. Masesense mo na sangkabekihan ang crowd.

Enter room kaagad para magsimula na ng song number. Sinimulan ni Rico ng isang makabagbag damdaming Pangarap ko ay Ibigan Ka at ilang konteserang song pieces. Si Herson kumanta ng national anthem nyang Heart of Mine at pati yung anthem kong Before I Let You Go eh pinatulan na din. Ako naman pasweet na pop songs lang ang tinira including my current LSS fave Guilty. Si Jomz ang emotera award of the night sa pag-awit ng I'll be Over You. At may rendition din sya ng Before I Let You Go, labanan ng versions ito at sya ang winner 96 to 90. Si Sher naman eh birit prowess ang ipinamalas with his hit single Survivor.
Si Ino mga pinoy rock ang tinira with special number ng Banyo Queen.

Speaking of banyo queen, hindi masyado jumijingle ang mga kasama ko dahil may shock factor pa sila sa CR. Sa loob ng cubicle
may aurahan, laplapan, at meron ding sukahan blues. Minsan dun mismo sa may urinals nagaganap ang lahat ng yan. Buti na lang praktisado ko na ang breathing through the mouth kaya survivor na ako.
Nakadalawang buckets lang kami, half half ng SanMig at RedHorse. Nakatatlong platito ng mani, sandamakmak na yelo at tissue, at nakatatlong oras sa bijowke. Maya't maya eh magto-toast kami ni Herson at ibottomless ang sarap ang drama. Kaya ayun tinamaan ako ng bongga, ayun ending feeling ko tawa ako nang tawa.


Morning Star

Nagjabee pa kami after ng lahat ng yon. Malakas pa ang tama naming lahat at sa di maipaliwanag na pangyayari eh nag-uusap kaming lahat in English, with accent! British Britishan kami. Nagtatanungan kami ng breakfast ng biglang humirit si Son ng "I think I'll have a bloody cowfee." Ok na sana sumabit lang sa coffee. Di ako kagad nahimasmasan kakatawa jan at kinokorek pa sya ni Sher sa Visayan accent nya. Maya maya ako na ang nakorekted by ni Sher kasi mali na rin ang accent ko. Parang halong Australian or New Zealand yata. Ano ba ang adjective for New Zealand?

Matapos kumain eh nagsplit split na kami. Nauna sila Ino at Rico, malamang checheck-in pa sa motmot, this is Cubao what can you expect. Halos kasabay pa namin natapos yung GEB ng clan ni Jhong, umuwi sila going to Pasig. Sila Jomz naman nagcab going to Katipunan.

Hindi pa kami umuwi ni Son kasi nagbonding pa kami sa boarding house nila sa may bandang PhilCoA. Sayang nga lang at sikat na ang araw kasi nababalitang maraming milagro daw ang nagaganap doon sa spot nila pagkagat ng dilim. Gusto ko rin sana matry yung ganon, turning water into vodka para more nomo ulit choz. Pinakilala nya sakin ang star ng household nila, si Tifa na isang cute doggie. Hindi ko sure kung terrier or shih tzuh sya, pwede naman igoogle dabah.

Umuwi ako bandang alas siete ng umaga. Nagngangalit si haring araw, timeslot na ng bidang kontrabida sa lahat ng bituin. With all the ultraviolet rays plus el niƱo effects, di na ito nakakadagdag ng ganda. Di naman maiibsan ng lycopene ang skin cancer dabah?!




Sabado, Marso 6, 2010

Mahjongg

Walang komento:
Photo by lawrenceleejr at Flickr.






Last Day Feelingan
February 26, 2010


Last day na sa work ni Elvin matapos ang dalawang taon pagpapa-alipin sa imperyalistang demonyo. Naggreet slash wallpost pa nga ako sa profile nya baka maalala nya akong ilibre ng ramen sa last day. And again, "Happy, happy, happy last day sayo ang pulutan, sayo ang inumin, sana'y mabusog mo kami."


Elvin: Manchan* just hugged me! Ambango nya at ako mabaho.

Jeremy: Alam mo yan. Malansa ka teh!



Elvin: Hindi naman, amoy pawis lang. Cheh ka!
 
Jeremy: Tapos ano ginawa nyo?

Elvin: Nakatalikod ako. Biniro lang sya nung officemate ko at ginwa naman nya. Well, lagi naman syang game sa mga biruan eh. Leche!

 Jeremy: Laro nga ng habulan gahasa kayo.
 
Elvin: Pwede rin. Hay nako. Kung alam mo lang kung gano ako naguguluhan.


Jeremy: Focus lang katapat nyan. Sige meditate ka muna. Bibigyan kita ng oras... five, four, three, two, two and a half, two and one fourth, one, one, zero. Ok time's up. Ano naguguluhan ka pa?

Elvin: Cheh! Feeling ko sinasagot nya mga status line ko pota. Feelingera lang ako?!?

Jeremy: Yung, "para kang puzzle na nakakalito" yan di ba? Ano sagot nya jan?
 
Elvin: Wala
 
Jeremy: Kasi pati sya nalito.
 
Elvin: Cheh! Kanina niyaya ko sya mag-nomo sa status. Lumapit dito at tinatanong kelan daw kami mag-iinom.
 
Jeremy: Kasi last day mo kaya tinanong nya. Assuming ka talaga.

Elvin: Eh tapos meron syang, "thanks for the memories." Ayyy, ako kaya yun? Pota.

Jeremy: Meron ba kayong pinagsamahan? Parang wala naman.

Elvin: Well, we call each other 'Boss.'
 
Jeremy: Kelan mo sasabihin, "I love you Boss!"


Elvin: Don't know, cause I won't.

Jeremy: Why not?

Elvin: Hindi naman talaga. Gusto ko lang sya. Dumadrama tuloy buhay ko. Ayoko maging kagaya ni Jude.
 
Jeremy: Korek! Bitter sa buhay.


Elvin: Hindi yun... I mean, bukod dun.
 
Jeremy: Utangero? choz

Elvin: Hindi! Yung, yung... manhid manhidan. Hays

Jeremy: Bakit kelangan mo maging manhid?

Elvin: Hindi ko choice. Pero after nung relationship na yun. Ahays. Alam mo yun?

Jeremy: Ano daw? Ako na ang nalito.
 
Elvin: I mean nadala ako dun sa relasyon na yun, you know. Natakot. Naaligaga. Nachorva. Gumaganun?!

Jeremy: Ang lalim naman ng naaligaga at nachorva. Why not try again? Ibang tao naman this time dabah. Go lang kung go.

Elvin: Yun na nga eh. Ayoko maging kagaya nya. Naisip ko kase, ganun yung nangyare sa kanya mula nung nagbreak sila nung boylet nya dati. Hays

Jeremy: Parehas ba kayo? Nakamove on ka naman di ba?

Elvin: Well, move on kung move on. Pero iba na talaga eh. Iba ako ngayon at nung bago ko sya nakilala. Noong panahon na nag-uumapaw ang pagmamahal sa puso ko.

Jeremy: Eh ngayon? May pagmamahal pa ba sa puso mo?


Elvin: E-W-A-N... syempre meron. Tulog.


Jeremy: Parang mantika lang yan, ilagay mo sa konting init ng magising ang natutulog na puso. Ayyy ewan.
 
Elvin: Ewan ko nga ba, kung kelan maraming apoy... ay apoy nga ba?


Jeremy: Baka naman spark lang yan? Lagyan mo ng kerosene.

Elvin: Spark?! Errr! Don't want to use the word anymore. Kumita na.


Jeremy: Sakin uso pa rin ang spark. Kasi sayo artificial. Pinilit. Ayan tuloy...


Elvin: Artificial?!? Buong langit na nag-umispark!


Jeremy: Kelangan between sa inyong dalawa nanggaling ang spark, hindi sya galing sa fireworks o kidlat.
 
Elvin: Seryoso ampota.
 
Jeremy: Naniniwala ako don. Kung may initial attraction, initial spark or initial whatever, mas madali gumawa ng chemical reaction. Watcha think madlang people?

Elvin: Wait lang, hulaan mo background song namin.

Jeremy: I can name that tune in 46 notes! Di ko marinig eh.


Elvin: This Guys in Love with You Pare


Jeremy: Now's your chance! Suming and dance number ka na sabay tambling split!

Elvin: Umalis na sya sa kalagitnaan ng kanta.

Jeremy: Di nya kinaya... baka in love na kasi sya sayo?! Manchan's in love with you Mare. Choz!
 
Elvin: Pota kase ang kukulit ng officemate ko. Alam mo yun, sakay lang sya ng sakay na hindi ko na alam kung seryoso ba sya o hindi.
 
Jeremy: Eh di sumakay ka rin. Sa SuperPare talagang trip kita! Sakay na!

Elvin: Pwede ring wala lang talaga sa kanya. Playful lang talaga ang pota. Syet! Hirap nya basahin.


Jeremy: Ikaw na ang dyslexic!

Elvin: Dyspepsic?

Jeremy: Kinakabag ka ba?

Elvin: Hindi, sounds alike lang talaga. Para syang mahjongg  na di ko mabasa ang nakasulat.


Jeremy: Baka nahihirapan ka lang talaga basahin sya kasi nga may kabag ka at puro guri guri at piksurs lang ang nakikita mo sa sulat. Di ba sabi ko sayo imotilium mo na yan teh.
 
Elvin: Ayaw! Ayaw ko syang mawala!

Jeremy: Hay nako, wala ka na magagawa kundi iflush ito.

Elvin: Tapos kay Yohji** na lang ako? Mas malinaw dun.


Jeremy: Cheh ka! Ayheychu ebur!


Elvin: Pero iba talaga sila ni Manchan eh.


Jeremy: Eh di go ka kay Manchan akin si Yohji.

Elvin: Eh di go! Di ko naman pinagdadamut ah. Eh pabusilak ka kase.


Jeremy: Cheh. Hindi naman nya ako kilala noh.


Elvin: Pakilala ka.


Jeremy: Baka ma-Hu U pa ako.


__________
__________
*Ang bagong crazz ni Elvin, sa isip, sa salita at sa gawa.
** Ang bagong crazz ko, sa profile lang ha. Somehow nahuhumaling sya kay Elvin.
Siguro naman di ko na kelangan iexplain na ex ni Elvin si Jude kasi ramdam pa ang bitterness ohh.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips