Linggo, Nobyembre 29, 2009
Five
Same same
November 27, 2009
Nagkita kita na naman ang Power of 5 para sa monthly celebration ng kung ano mang walang katuturan sa global economy, syempre para sa videokehan sa Cubao. Kelan pa ba ako naging videoke-whore?! Parang dumadalas ang paglabas upang magbirit biritan. Heniweys ang Power of 5 ay binubuo dati ni Ezz, Ken, Pau, ako at isang standby member, pero simula nang magseason 3 kami eh naging mainstay na si Lee. At simula naman ng season 4 eh naligwak bigla si Pau dahil sa pagjijinarte nyang pumunta galing sa work nya from Cavite. At dahil di pwedeng masira ang circle of five, kinakailangan namin punan ito lagi. So ngayong season 5 nagbeg-off uli ang Pau kaya nagpacontest bigla si Lee (also known as Willian Hung daw) ng Search for the Next Power of 5 Filler. Heniweys si Lee may hirit na kami daw ang 2ne1 featuring Susan Boyle, pero si Ezz na ang nakakaalam kung sino si Susan Boyle di ba? Si Jan ang next candidate at wala nang iba pang dumating kaya by default sya ang filler. So waiting galore kami sa may KFC sa may Shopwise sa palate masyadong si Jan (birthday nya non kaya reasonable ang lateness, di katulad ni Pau na sobrang pa-late effect kasi bawat MRT station yata na may SOGO binabaan, amininnn) nang biglang ask ako:
Athan: Di ba pupunta si MJ?
Ezz: Nag-eemote na naman.
Athan: Emote ever na yan di ba? Akala ko pa naman pupunta sya, nagpractice pa naman sya ng mga songs sa FB, napunuan ako ng tags ha.
Ezz: Si Mj kung anong idinaldal online, sya namang tahimik in person.
Athan: Spooky lang ang saylenz dabah, parang makakapatay ng tao pa tumitig.
Ezz: Di katulad ni Lee.
Lee: Oh ano na naman?
Ezz: Kung anong tahimik mo online, syang daldal mo in person.
Athan: Puro tawa lang ang comments noh.
Lee: Eh ikaw ano ka? Wag mo sabihin...
Ezz: Tseeeee! Ako tama lang, kung ano ako online, ganun din ako in person.
Athan: Pano naman nangyari yon, eh di ka naman pwede kumain online?
Ezz: Pota ka!
Athan: Love you teh!
*Based on a true story. Some words were changed to protect the memory of the one typing this right now.*
Why not mag-ala Muses na lang kami? Parang bagay naman oh. Infernezz I lurve the song "I won't say I'm in Love" sa Hercules. Kaso dapat jan may pumapel na soloistang si ateng Megaera, at syempre si Pau na naman ang papapel jan for sure. hahah
Oh ayan Ezz nagawan ko na ng blog ang group natin, baka naman magreklamo ka na naman na di ko bina-blog ang mga ginagawa natin. Di ka naman kumakanta ever sa videokehan. Pano mo mapapangatawanan ang pagiging Susan Boyle?! Heniweys, habang nagbibiritan kami eh nagdream a dream ka naman eh, azz in borlogz kung borlogz wiz na checking kung may dream sequence. Sabi nga nila, its not over until the fat lady sings. Well, wag ka na nga lang magsong number, ituloy lang ang pagdream ha. Baka mapaaga ang pagkagunaw ng mundo, sayang ang pag-uumeffort ng 2012 kung di naman aabot ang daigdig sa year na yan dabah. Susunod na talaga ang review nyan. Pramiss.
Biyernes, Nobyembre 27, 2009
Bleeding Love
Pain in my heart
November, 2009 - 2012?
I'm scared yah know. Ilang sleep deprived na mga gabi ang nagdaan, una dahil sa Tootsie Guevarra moments (yah know, di makatulog sa gabi sa kaiisip...) at ang ilan eh dahil sa paglalagalag sa mga nomohan with friends sa kalakhang Maynila, from QC to Metrowalk. Maswerte na ang makatatlong oras. Feeling ko rin nagiging mahihiluhin ako lately. At dahil jan nararamdaman ko ang paulit ulit na acid reflux. Well, nung una akala ko nasusuka lang ako sa kakainom. Pero kanina kanina lang pinilit ko ilabas yung nasa dibdib ko. At sa sobrang shock ko, ayun sya. Drops of blood, sa may lababo. Kinabahan ako. Matagal ko na rin nararamdaman na may angina ako, akala ko lang dahil sa kakainom ng carbonated drinks kaya may heart burn. Pero ito mejo seryoso na yata. I'm scared.
Aabot pa ba ako upang makita ang 2012? Hindi yung movie kasi nawatch ko na yun at gagawan ko ng review pramiss. I mean yung year na 2012, kung saan si Ate Glo ay magkakaroon ng sarili nyang talkshow sa NBN 4 titled "Gloprah", at si Charice Pempengco ang itatanghal na American Idol. Nasa hula yan ni Nostradamus, igoogle nyo. Speaking of hula, hinulaan ako ni Bangs sa palm, sabi nya putol daw ang Life line ko, that means di ako pwede mag-ask a friend or ask the audience? Pero ang available lang talaga eh ang 50/50 na sure na sure na! At iconsistent daw sya dahil sa right palm ko eh tumuloy naman ang life line. Nagkaroon lang talaga ng skip sa life line sa left palm, kaya ang interpret sa akin naman ni Jomz eh mabubuhay daw uli ako ohh. That is so Merryweather noh, doncha think? Comatose lang ako for a hundred years hanggang may kumiss sakin why not, goodluck na lang sa morning breath. Pero scared pa rin ako.
Scared ako, nasabi ko na ba? Di ako nag-eemote, serious na to pramiss. I'm scared. At first I was afraid, I was petrified... nung una talaga I'm scared that I'm about to lose one person, but now I'm scared I might lose everyone. I love y'all. (Bumi-Britney mode lang.) Mahaba pa ang 2012, I wanna outlive December 21. I need to change my priorities ata. hahah. Skerd ako talaga.
So much time, and so little to do. Strike that, reverse it.
~Willy Wonka, Charlie and the Chocolate Factory
~Willy Wonka, Charlie and the Chocolate Factory
Mga etiketa:
Void
Lunes, Nobyembre 23, 2009
Fold
Is this your Card?
November, 2009
Babe: Teh sa story naunahan ng pagong ang kuneho. Unfortunately, di kuneho kinalaban mo, si Piglet... hindi ako. wahahah
Shakira: Dalawa na kayo.
Babe: Si Pooh din pala majubabs. hahah
Shakira: Tatlo na. hahah
Babe: ahaha
Shakira: Three Little Pigs
Babe: Pota ka!!!!
Shakira: Anobeh! I'll huff, and puff, and blow your house down!
Babe: Ikaw ang big bad wolf kaseee. hahah. At least tapos ka na sa Three Li'l Pigs. Move on na daw. Punta ka na kay Li'l Red Riding Hood. Ayy nakuha na din pala.
Shakira: Lunurin kita sa kanal nang makita mo eh.
Babe: Puro ka pagbabanta, wala ka namang nagagawa. I'm not even close to being scared. bwahahaha
Shakira: Kasi ganun kita kamahal di kita kayang saktan. Choz.
Babe: Asus! Sabihin mo, takot lang talaga ang kuneho sa baboy. ahaha
Shakira: Hindi noh. Di mo ba knows ang balat ng baboy eh nababalot ng cholesterol. Ang balat ng rabbit nababalot sa melamine. San ka pa?!
Babe: At di mo ba alam na talo pa rin ang kuneho sa karera? hahaha
Shakira: Ayyy sorry look at Gloria Rabbit with her teeth, nanalo sya sa karera. Of course may pa-Hello hello na involved.
Babe: ahaha. Akala mo nanalo talaga ang Gloria Rabbit? Look at her Piggy husband na kumokontrol sa kanya. hahah.
Shakira: Ayyy wa na ako masesey jan. hahah.
Babe: See laging talo ang kuneho. haha. Kaya kung ako sa yo mag transform ka na teh. haha
Shakira: San naman?
Babe: Anong saan?
Shakira: I mean, into what yah know! Pano ba sa tagalog yun, 'saang o anong bagay ako magbabagong anyo?' Sori ha tres ako sa com arts filipino.
Babe: ahaha nagtatagalog pa kasi eh! Mag transform ka into an Easter bunny or the Playgirl bunny. Hindi lang farm bunny, puro ka putek! haha
Shakira: Ang Easter bunny pang kids lang sya at seasonal pa ang drama.
Babe: Ayy gusto mo matanda? euck
Shakira: Well gusto ko mas matured pero di yang Playgirl bunny. Di ako pang-tibolism noh.
Babe: Masyado kang choosy ha
*Based on a true story. Choz*
Sabi ni Ateng Britney, "1, 2, 3 / Not only you and me / Got one eighty degrees / And I’m caught in between" ewan ko kung ano ang konek. Basta marunong sya magbilang doncha like it. Three's a charm daw.
We play the hands we are dealt. Pero kung lost na talaga ayy go fold na. Wag na antayin pang umabot na mag-all in. Sayang ang chips.
November, 2009
Babe: Teh sa story naunahan ng pagong ang kuneho. Unfortunately, di kuneho kinalaban mo, si Piglet... hindi ako. wahahah
Shakira: Dalawa na kayo.
Babe: Si Pooh din pala majubabs. hahah
Shakira: Tatlo na. hahah
Babe: ahaha
Shakira: Three Little Pigs
Babe: Pota ka!!!!
Shakira: Anobeh! I'll huff, and puff, and blow your house down!
Babe: Ikaw ang big bad wolf kaseee. hahah. At least tapos ka na sa Three Li'l Pigs. Move on na daw. Punta ka na kay Li'l Red Riding Hood. Ayy nakuha na din pala.
Shakira: Lunurin kita sa kanal nang makita mo eh.
Babe: Puro ka pagbabanta, wala ka namang nagagawa. I'm not even close to being scared. bwahahaha
Shakira: Kasi ganun kita kamahal di kita kayang saktan. Choz.
Babe: Asus! Sabihin mo, takot lang talaga ang kuneho sa baboy. ahaha
Shakira: Hindi noh. Di mo ba knows ang balat ng baboy eh nababalot ng cholesterol. Ang balat ng rabbit nababalot sa melamine. San ka pa?!
Babe: At di mo ba alam na talo pa rin ang kuneho sa karera? hahaha
Shakira: Ayyy sorry look at Gloria Rabbit with her teeth, nanalo sya sa karera. Of course may pa-Hello hello na involved.
Babe: ahaha. Akala mo nanalo talaga ang Gloria Rabbit? Look at her Piggy husband na kumokontrol sa kanya. hahah.
Shakira: Ayyy wa na ako masesey jan. hahah.
Babe: See laging talo ang kuneho. haha. Kaya kung ako sa yo mag transform ka na teh. haha
Shakira: San naman?
Babe: Anong saan?
Shakira: I mean, into what yah know! Pano ba sa tagalog yun, 'saang o anong bagay ako magbabagong anyo?' Sori ha tres ako sa com arts filipino.
Babe: ahaha nagtatagalog pa kasi eh! Mag transform ka into an Easter bunny or the Playgirl bunny. Hindi lang farm bunny, puro ka putek! haha
Shakira: Ang Easter bunny pang kids lang sya at seasonal pa ang drama.
Babe: Ayy gusto mo matanda? euck
Shakira: Well gusto ko mas matured pero di yang Playgirl bunny. Di ako pang-tibolism noh.
Babe: Masyado kang choosy ha
*Based on a true story. Choz*
~0~
Sabi ni Ateng Britney, "1, 2, 3 / Not only you and me / Got one eighty degrees / And I’m caught in between" ewan ko kung ano ang konek. Basta marunong sya magbilang doncha like it. Three's a charm daw.
We play the hands we are dealt. Pero kung lost na talaga ayy go fold na. Wag na antayin pang umabot na mag-all in. Sayang ang chips.
Sabado, Nobyembre 21, 2009
Hallow
October 23, 2009
Locations:
Greenbelt Fountain Area
Landmark Foodcourt
Glorietta Timezone
Starbucks
Nagbonding bonding together uli kami nila Lei, Fitz at DM. Ito yung isa sa mga hindi drawing moment ng kitakitz namin. Meet up kami sa fountain area. Nagkagutuman kaya gora kami sa KFC at itry ang halloween bucket meal nila. Nung magkapilian ng tumbler eh ako ang last straw. Good luck naman di ba? Sakin yung orange, and it's sooooooooo not my color. Orange is so unflattering. ahahah. Buti kung purple sana. Well anyways, orange is symbol for Halloween naman eh yah know, with all the kalabasa and all.
Heniweys, nagtransfer bigla kami sa Time Zone para magsong number. At dahil isa ako sa mas mashupal ang fezz magsing sa kanila eh sinimulan ko na, Alone kaagad. Eh ang topak ng mic, walang battery. Transfer uli kami sa smaller booth. Swipe uli ng Alone. Pansin ko lang di pala magandang pangfirst number yon, its so anticlimatic. Dapat sya kinakanta kapag bangag na sa beer preferrably Red Horse why not di ba. Nagpatuloy ang aming rotation ng songs, sila Lei kumakanta ng mga pasweet na songs, si Fitz pang emote, at si DM parandom random lang. Ako lang ang bumibirit daw, although nasabihan na ako na crooner ako. Walang basagan ng trip ha, belt kung belt go!
Last stop eh chikkahan sa Starbux. At dahil parang adik lang na maremember namin tong moment na to eh nagpiksur taking pa kami with our blended drinks. Para lang kaming mga virgin sa starbux, that so jologs nga daw pero carebear namin don. I had the Strawberry and Cream again, sweet sya pero maasim. Like me, pasweet pero nagmamaasim. Nyahahah
Ang ending hatinggabi na pero gusto pa nila tumambay sa may Greenbelt. Eh di na ako sumama kasi ano naman makikita ko dun kundi mga pokpoks lurking around?! hahah. Saka may lakad pa ako para sa bonding moments with FSR ng madaling araw, for the sake of chikkahan din at pa-emohan.
Mga etiketa:
Bliss
Martes, Nobyembre 17, 2009
Lost...
...In Translation
October 24, 2009
Alas dos ng tanghali nakatanggap ako ng text mula kay Herson na nagyayaya pumunta sa bahay ni Red (somewhere in Djose) para daw sa Movie Marathon slash Pre-birthday celeb at alas siete hanggang alas ocho ang assembly sa may Gateway. Mejo alangan ako kasi plano ko sana pumunta ng Market Market para panoorin yung "Dinig ko Sana" na film with Noi kaso di ko naman knows pano pumunta don, saka di pa magconfirm sila Macoi at Ian kung kasama ba sila. So ang ending napasama ako sa Djose. Muntik pa ako malate dating kasi naman nalampasan ko na pala sila Herson eh di rin pala ako nakitang dumaan sa fez nila. Ang ending alas ocho rin kami nakaalis ng Gateway, ETA sa Djose alas nueve. Pagdating doon, more lakad kami then tambling paakyat sa house ni Red.
Sinimulan ang gabi sa kainan, syempre may pasta at two types ng sauce. May garlic toast bread din. Meron din adobong pusit ata at bopis, akswali di ko na maalala yung food basta lamon lang ako dito at doon. After nun, binuksan na ang TV at sinimulan ang movie marathon. Showing sa HBO ang "The Sweetest Thing" ni ateng Cameron Diaz na favorite scene ko eh yung "I Don't Wanna Miss a Thing" concert with Selma Blair. Palipat lipat ng channel si Jomz at napuntahan namin bigla ang "The Eye" ni ateng Jessica Alba. Lumipat uli. At isa pa. Hanggang sa nahilo na kami at nanood na lang ng DVD. First round ang "Ratatouille," surprisingly eh di pa sya napanood ng karamihan sa group. Napanood ko na sya pero nahook ako kasi binabasa ko yung subtitles. Pagkatapos noon sinimulan ang "Hero" ni Jet Lee, special participation pa dun si Vicky Belo, oo pramiss hanapin nyo! Nahirapan naman ako sundan nito kasi in Chinese sya so kelangan ko talaga basahin yung subtitles, eh ang kaso ambilis ng mga martial arts so struggle ito. Di namin natapos yun biglang sinalang na namin ang midnight film na "Pink Flamingos" ni John Waters. Sa sobrang powerful ng film eh kelangan ko sya gawan ng separate blog entry. Tumatatak sya sa totoo lang.
Later eh napagtripan naming maglaro ng charades. Ang talo sa bawat turn eh magshashot ng tequila. Ang first round theme eh Movies. Nanalo kami dito kasi winner si Jomz mag-act out, at maswerte naman akong nakakahula kaagad. Winner yung charade charadean school of acting nya ng versus sa Kramer vs Kramer. Round two theme eh "mga bagay na nakikita sa loob ng bahay." Nalost kami kasi ba naman may di kami nahulaang bagay, at iyon ang Filipino-Arabic-English Dictionary. Well fine nakikita sya sa loob ng bahay, if and only if binili sya at ginagamit sya di ba, pero kahit magpasurvey ka sa milyon milyong Pilipino eh super mega minority for all seasons malamang ang nagmamay-ari nito. Heniweys, ang closest hula namin doon eh Personal Islamic Diary, why not di ba? Sa round three Movies uli at nalost na talaga kami. Inact out uli ni Jomz yung same action nya sa word na versus, yun pala Spartacus yun cheh.
Mag-uumaga na at napansin namin ang dalang Tarot Cards ni Jade. Kinumbinsi naming magpahula sa kanya. Step 1, magbigay ng isang tanong sa kung anong aspeto ng buhay ang nais mabasa ang kapalaran. Step 2, ibalasa ang deck ng apat na beses, patok sa mga sugarol to pramis. Step 3, bumunot ng tatlong baraha. Step 4, hipan ang baraha at itanong sa audience, "Is this your card?" Choz. Scratch that. Step 4, hintayin si Jade para magtranslate. Step 5, maari kang humingi kay Jomz nang literal hula mula sa pictures ng Tarot, mas amuzing to infernezz. Nauna si Herson na isa daw La Traidora. Sumunod si Macoi na dapat daw mag-Medical course kesa Theater. Si Jomz naman eh dapat igrab ang Career chance pero lost sa Romance for one year. Si Red eh napaka-complicated ng case, parang madaming crossroads, at every choice may sacrifice. Parang isang real life Jumanji board lang minus the magic at excessive drum beats. Si Jon ang bukod tanging di nagpahula. Para sa akin naman mejo ok naman ang basa. Para sa Career aspect, nagmamaganda daw ako. Meaning, nagpapahabol ako sa career offers kasi daw feeling ko ako ang mas pipiliin. Hmm... slightly true. Sa Romance aspect naman, nabunot ko King of Swords ata, The Sun, at The Heirophant tapos may Five of Swords pa. Maganda sana ang takbo relationship-wise kung di lang daw ako masyadong protective at nag-ooveranalyze kung pano ito magwowork. Parang sa umpisa pa lang daw nasukat ko na kung paano ito tatakbo at magtatapos. Kaya ang ending Luz Valdez ako.
...In Space
November 3, 2009
Late na naman sa isang meeting ng FSR, humahangos akong patakbo patungong Cubao. Well di ko tinakbo mula Boni hanggang Cubao haller, syempre nagMRT ako pero late pa rin. Ayoko naman matinik nang malalim. Konek?! Heniweys, ang kitakits eh sa Coffee Bean Gateway. Pagdating ko doon nakaupo na sila. Greetingan portion muna at mabuti di ako ang pinakalate. Playing sa background ang songs ni Sarah Geronimo care of Araneta, na di ko malaman kung rehearsal ng concert na or super mega fan of all seasons yung DJ nila doon. Heniweys uli, busy busyhan ang mga tao na nagkukumpara ng kanilang reading sa zodiac. Ask ko san naman nila napulot yun ay meron daw palang nakaloop na vid sa monitor. No thanks kay ateng Zenaida Seva, ang basa sakin "Grab the opportunity when it present itself." Mejo lurkey pa ako kung anong opportunity naman to. Knock, knock hello?! Ayy baka naman namiss ko na kagad, di kaya? Siguro nung kumatok si opportunity wala ako, siguro tulog ako, siguro umalis ako, siguro naghaharvest ako sa FarmVille. Ayon nga kay Madam Zeny, "ang mga bituin ay nagsisilbing gabay lamang, wag masyadong seryosohin at wag mong gawing basehan sa pagtaya mo sa lotto please lang, eh di sana matagal na akong mayaman. Think about it?" Taray ni Madam noh?
Anyways, nagpatuloy ang meeting namin. May points of transferee all across Cubao pero nairaos naman kahit maraming moments ng kodakan, yosihan, landian, jowk jowkan, dramahan, debatehan, pati nosebleedan. Oo, aminin mo yan Herson, yung tax ay iba sa taxi, bangag ka na masyado sa Q&A portion.
Natapos ang meeting mag-aalas diyes. Since parehas naman kaming Mandaluyong ang uuwian ni Ian eh sumabay na ako sa kanya sa taxi. Bumaba kami sa may Edsa Central. Pinagwait pa nya ako kasi darating daw si Atho para makipagmeet sa kanya. Around 11:30 dumating si Atho at more kwento sya sa kanyang encounter sa supposed Christian group na sinalihan nyang based sa province nila. Parang inexorcize daw sya ng mga manang sa group nila, feeling nila eh parang may demonyong sumapi kay Atho kay daw sya naging beki. Full production ang mga lola, may good cop bad cop approach daw. Merong nagbabasag ng bote. Merong inuumpog ang ulo sa sahig. And ending binuhat sya sa ere daw, yung tipong napapanood mo sa Walang Tulugan with the Master Showman kumbaga. And ending don eh di na sya bumalik sa group na yon. Yung mga manang yata ang may sapi, ramdam ko lang.
At dahil paalis na si Ian para sa shift nya sa work, iniwan nya ako with Atho. Chika chika muna kami ni Atho. He's happy daw with his love life, ilang years na sila nung labidabs nyang 22 year old wafu at summa cum laude. Sabi nya sakin di daw nya type yon nung una. Kinda intimidating nga naman ang dating ni kuya kung iisipin. At first kasi eh naisip nya yung range ng age nila. He didn't even consider na itong jowa ngayon ang syang nagbibigay sa kanya ng wisdom sa mga advice na kaylangan nya. Parang natutunan lang daw nya mahalin. Tinanong nya ako kumusta ang lablayp ko at ako naman ayun coke pa rin. Sinabi tuloy nya sa akin na I shouldn't wait for someone that I love kung meron naman taong nagmamahal sayo. Should I grab the opportunity to love by being with someone that loves me? Parang di ko yata gusto yung ganun, yung pinipilit sakin yung isang bagay na di ko naman gusto ng buong buo. Siguro I need more power from God, sana mag Divine Intervention sya why not. Not really. Pag nagpepray ako, oo marunong ako nyan minsan, hinihiling ko lang clarity in my judgment para di masyadong mag-Spartacus si heart at mind.
...And Found
October 17, 2009
Naalala ko tuloy noong sale sa Mega, balak kong bumili ng pair ng white shoes. May nakita ako dati sa Salvatorre Mann na gusto kong pair pero out of stock na sya. May nag-iisang pair na white doon na slightly gusto ko lang dahil sa color pero yung style di ko masyadong gusto. Naisipan ko tuloy iwan muna at mag-ikot ikot para mabigyan ng time pag-isipang mabuti kung bibilhin ko talaga yun. Natatakot kasi akong mafrustrate na di ko nakuha yung gusto ko at nagsettle lang sa second choice. Pagbalik ko sa stand nya after one hour yata, wala na yung white pair. It's not meant to be naisip ko. So ang love parang sapatos? If it fits, wear it? Maaring oo, maaring hindi. Hindi naman tayong lahat pinanganak na Cinderella na swak ang shoesize lagi why not di ba? May ibang nagsusuot ng sapatos na pinapagkasya na lang, kahit masakit dahil sa sikip or kahit halos tumapon na dahil sa luwang. Kung sakaling makita mo man ang perfect pair mo, alagaan mo ito at ingatan at wag na wag mo hahayaang mabasag, if applicable lang ha, or masira.
~0~
Ayon pa sa pag-uusap namin ni Atho, wala naman taong perpekto, at wala ring perfect love. Minsan kasi sa pagkachoosy daw natin, nagseset tayo ng standards at nahihirapan na tayong makahanap ng taong aabot dito. At sa kadalasang ay ang taong hinahanap natin ay taong katulad ng sarili natin mismo. Siguro sa paghahanap sa bagay na ninanais natin ay tayo mismo ang naliligaw ng landas. Magsimula muna tayong hanapin ang ating sarili at sure akong makikita mo ang hinahanap mo. Kapag di mo makita, makikita mo! Parang nanay lang na may kasamang panlilisik ng mata yan why not.
Mga etiketa:
Void
Gumamela
Soapy en Bubbly
November 17, 2009
November 17, 2009
Becky: Bet mo ba si Coco Martin?
Shen: Kay lang teh. Why? Random question ba ito?
Becky: Wala lang. Ngayon ko lang nakita yung junjun nyang mapula. hahah
Shen: Ayyy!!!
Becky: Ikaw nakita mo na?
Shen: Hindi pa. Nalulurkey ako sayo.
Becky: Sa pelikulang Serbis pinakita. ahahha
Shen: Ano naman masasabi mo sa kulay ng gumamela?
Becky: PWEDE! haha
Shen: Toinks. Random question yan. hahah
Becky: hihihi
Shen: Sumagot ka! Kasingpula ba ni Coco Martin? hahah. Ikonek daw ba?
Becky: Oo nga. Anoba! hahahaha. Wet and red.
Shen: Ayyy dikdikin na at lagyan ng Tide ang junjun ni Coco why not.
Becky: Blowing bubbles?
Shen: Ano gusto mo? Blowing lang? Alam ko naman gusto mo yan eh. hahah
Becky: hahaha. Kahit ano with Coco Martin
Shen: Paputukin ko kaya yang bubble mo? Ano?! Bet mo? hahah
Becky: Echosera ka kahit kelan.
Shen & Becky
*Based on a true story. Choz*
Miyerkules, Nobyembre 11, 2009
Let it B
Byahe
October 17 10:00 PM
Sunday na naman at as usual walang pasok ang Warren na as of now eh pangkatulong pa rin ang day off. Nagyaya sya biglang gumora para magnomo at magvideoke. Ang multiple choice eh sa Maru sa Jupiter o sa P1 sa Cubao. At dahil wala syang tiwalang mahahanap ko yung Maru eh sa Cubao na lang kami magkikita. Alas onse ang call time, mega-invite ko pa si Jay na malapit lang naman ng ilang tambling sa Cubao dahil Pasig lang naman sya pero wa reply, may booking ata.
So sakay na ako ng jeep mula sa amin, feeling ko naman maaga pa ako kasi pag nakasakay na ako ng MRT eh wala pang 20 minutes eh nasa Cubao na ako. Pag akyat ko sa MRT station eh wala na talagang tao, feeling ko lang pwede pa ko magMRT pero papalapit pa lang ako sa bilihan ng card eh ang sama na ng tingin ni kuya Gardo. So mejo kinabahan naman ako kaya nagdecide na lang na magbus, gabi na naman so siguro walang traffic why not di ba? Isa yung malaking pagkakamali.
Nakasakay ako ng bus kaagad, aircon na para di naman manigas ang hair ko sa breeze ng Maynila. May pinapanood silang DVD, si Criss Angel yata. Nagwo-walking on sunshine ang drama nya minus the sunshine plus the water at voila pwede mo nang iispluk "It's a miracle!" No father, it's coat saver daw ang salmong tugunan. Tugon po?! Yung mga audience clap clap powers talaga. Yung cameraman pa eh di ko malaman kung pinaglihi sa palitaw kasi dive tapos ahon ang drama. Tapos may-I-lapit pa si ateng Gloria landi na humabol kay kuya Criss. Lumusong sya sa tubig ang paa, tuhod, pati pusod yata ay nabasa, ngunit ang kanyang... di pa rin nababasa? Yan na siguro ang miracle. Pero heniweys di ko talaga sya pinanood noh, ok sana yung magic trick pero di kaya parang nilalapastangan nya ang Diyos sa ginawa nya. Well mukha namang adik adik na satanista si kuya kaya care bear ko naman sa kanya. Kids don't try this at home.
Matatapos na yata ang DVD napansin ko nasa Ortigas pa rin kami. Nakastop lahat ng bus sa area na yun. Maya maya bumaba si manong driver. Akala ko bibili lang ng yosi. Akalain mo ba nagdinner pa yata si kuya dun sa mga stands doon. Feeling ko nasa byahe ako pauwi ng probinsya. Inaantay ko na lang na may umakyat ng bus para mag-alok ng Buko Pie, Panutsa at Espasol. Mahigit trenta minuto siguro kami nakaburo doon.
Beer at Birit
October 17 12:00 AM
Syempre mejo nanghahaba na ang leeg ni Warren kakaantay sa akin. Buti na lang di sya masyadong matagal nag-antay, nagpalate sya daw kasi as usual ako ang late ng bongga. Akala ko nung una sa Starlites ang pupuntahan namin, di pala. Dun daw sa kabilang kalye, sa di masyadong dinudumog ng tao.
Starion ang name ng videokehan. Napaka-orig noh? Akswali parang magkatalikuran lang sila ng building ng Starlites sa tantya ko. Kaparehas din nya yung pinupuntahan naming videokehan nila Ezz sa tapat ng Starlites, ang name naman non Satellite. Parang star-studded lang ang mga videokehan sa Cubao noh?
Umorder na si Warren ng isang bucket ng Red Horse. Laging may libreng isang platitong mani yoon. Infernezz gustong gusto ko na ang roasted highland legumes-legumean nila, akswali Dingdong assorted nuts lang yata sya. Pwede na pag tyagaan noh, wag na masyado choozy, pantanggal umay din yan. Umorder pa kami ng Calamares at Mushrooms, pero pagbalik eh mushrooms na lang ang naretain sa order namin. Ayaw ni Kuya Kim ng ganyan. Ang dapat jan mag-Memoplus Gold si ateng.
So nagplay na ng song ang Warren. Aba josko mag-eemote yata dahil puro mga break up songs ang pinagpipili. Wala akong balak mag-emote that night kaya ako rin kelangan ko talbugan ang drama nya. Ang pinagpipili naman eh pambirit. Since dalawa lang kami eh tigtatlo pala kami sa beer, eh ang tolerance ko pa naman eh hanggang dalawa lang. Ayy ang ending talagang bumibirit na, or nagpupumilit lang at least. Kahit pipiyok na ok lang, wala naman iba makakarinig eh. At nag-extend pa kami ng time, not just once, but two times! Imagine three hours nonstop singing to, tinalo pa ang concert ni Sarah Geronimo.
Bagsak
October 18 3:00 AM
Bangag talaga ako after ng singing part. Gusto pa sana ni Warren magbar pero wag na lang daw. Nagsuggest sya na magWensha kami, pero dahil bangag pa ako eh sabi nya ipahinga ko muna ang katawan ko, magpababa muna ng tama kumbaga. Lakad kami sa pinakamalapit na fast food. Ako pa talaga pinabili nya ng drinks. So ayun order ako ng Orange Juice kay Warren, tapos Rootbeer sakin. Nung lakad ako pabalik aba anong kaewanan at biglang nawalan ako ng balance. Tumapon bigla ang hawak kong tray. Tinitigan ko sandali ang natapong rootbeer, bet ko sana dilaan to sa sahig pero di pa ako ganun kalasheng. Iniwan ko na lang, buti at di tumapon yung orange juice. Pagbalik sa labas, umupo muna sandali. Mejo nahihimasmasan na ako ng konti. Kaya go na rin kami kagad sa Wensha.
Body Massage
October 18 4:00 AM
Third time ko na to mag-Wensha. Feeling ko nga nakakadala na to, nakakaadik kumbaga. Second time namin sa Timog. Kinabisado ko na rin ang steps. Bayad, hubad, twalya, shower. Paglabas sa shower di ko pa kaya lumublob sa jacuzzi. Sumandal muna ako sa pillar. Si Warren paswim swim here and there oh. Inaya nya ako lumublob na. Omg nakalimutan ko na kung gano nga pala kainit yung tubig, para lang naglalaga ng itlog. Di ko yata kayang magtagal doon ng apat na minuto, makakaluto talaga sya. Lipat kami sa cold jacuzzi, di sya masyadong cold, slight lang talaga. Mas narelax pa ako dun actually.
Pinapalabas sa cable that time ang Transformers, pero I doubt na yun ang pinapanood ng mga tao. Parang nagtitigan at nagpapakiramdaman ang mga tao. May isang majubis na pabalik balik, pampam lang si ateng. Skeyri sya. Whatever. Lumipat naman kami sa Steam room. Akswali nagpatagal ako dun. Di kinaya ni Warren kaya nauna syang lumabas. Di ko rin maintindihan bakit ba ako nagpapatagal doon, as if may tutunawin akong taba di ba? Pero at least nakatulong na rin sya magpa-evaporate ng amats. Next step eh nagtry uli kami sa Sauna. Di sya ganun kainit di tulad sa Pasay na parang binabarbecue yung mga taong nasa loob ng sauna. Walang ibang tao pumapasok dun maliban sa amin. Isang dahilan siguro eh dahil see-through sya kaya mahirap umaura ng patago. Ayy icompare mo talaga sa steam room, box office yun infernezz. Nagkaroon tuloy kami ng chance na okrayin si Chabelitang pampam. Sana lang soundproof din ang sauna di ba? After nyan, showers uli at go na kami sa Massage Area.
Pagdating sa taas eh maraming taong nag-aantay. May waiting list pala. Occupied pa daw kasi yung ibang rooms. Nagpalista na si Warren for two, male pa rin pinili nyang masahista. Waiting galore muna kami sa dining area, may mga taong nag-aabang din don, nakapila, natutulog. Buti nga di naglalaway eh. Nung tinawag na kami eh magkahiwalay pala ang room namin. Pagpasok ko dun sa room ko may apat na beds doon, occupied yung dalawa, yung isa sira yata or may surot kasi di ginagamit. Kaya naman pala may waiting list eh ginawa ba namang boarding house ang Wensha?!
Ok lang at relaxed naman ako dahil mejo alam ko na ang isasagot sa mga Q&A ng masahista. First question anong oil daw, mineral go! Second question hard daw ba, ok go pa rin. Nagstart na, dapa muna, sa bandang legs going up. Syempre na-enjoy ko yung lower back. Sori naman at mabilis manakit yung part na yan sa kakaupo whole day. Maya maya pinatihaya na ako, buti this time napipigilan ko na ang kiliti ko. Feeling fresh at smooth na naman ako nang matapos ang massage session.
Pagkatapos ng lahat eh nagtalukbong muna ako at nakijoin sa tulugan. Ilang sandali lang may kumakalabit sa akin. Akala ko may round two ang massage, or may gusto bumooking. Dinaanan pala ako ni Warren, nagpapaalam na magpapa-pedicure muna. Nang bumalik sya, pinagmamadali nya akong bumangon. Sikat na sikat na ang araw daw, at naririnig ko na ang mga jeep sa background. Mejo natakot naman kami na mag-over sa time kasi mejo mahal yata ang excess time. Nagbreakfast lang kami sandali, since wala pang ibang food ok na rin yung fried rice at menudo yata. Uwian time na.
~0~
Kapag bored, uminom.
Kapag lasing, bumirit.
Kapag bangag, magrelax.
Kapag inaantok, matulog.
Kung ganyan lang kadali ang buhay, di ka na malilito kung ano ang next step, go lang kung go. Pero kaya ka nga binigyan ng brain para magpasya kung ano ang tama at dapat mong gawin. At syempre binigyan ka rin ng heart para magpasya kung masaya ka ba sa gagawin mo. Tamang pagbabalanse lang yan at poof isang magandang life para sayo ang wish ko friend. Whisper words of wisdom, let it be.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)