June 21, 2009
Burol ng dad ni Joyce kaya napagkasunduan namin na umattend sa libing. Gabi ng sabado pa lang text textan galore na kami kung san ba magkikita kita. Ang best way na alam ko eh sa Buendia. Ok na sana, kaso lang biglang change of plans ang mga lola at sabi ba naman na sa Cubao na lang daw. Megajiritation pa ako kasi bigla ba namang may-I-text-you ng "di sa MRT ha, LRT to yah know wag ka nga lozer jan! I PWN U! UR 0L SUXXORZ!!!" So sinagot ko lang ng Whateverr! Pikun pikunan din ata ang drama nila, buti na lang at nag-give way ako para lang matuloy ang outing na to.
So kinabukasan may pamiscol miscol pang nalalaman ang Lei, kala ko naman so aga. Nagprepare pa naman ako ng sorry speech kasi late ako ng 20mins. Ang kinalabasan, 2nd placer ako sa pit stop. Si Ace na wala pang tulog, si Ace na walang malay ang nangunguna at take note wala pa syang borlogz ever. Third place ang Dex, na ang name na ngayon sa work daw nya ang Dax kasi yun ang pronunciation ng Pakistani nyang boss. Habang pinagpipilitan nilang "ducks" ang naiisip nila don eh ako naman naiimagine ko ang word na daks yah know, di ko na ieexplain yan. Heniweyz, ang Lei eh mag-aalas siete na dumating. Since wala pa si Garah tinawagan na nila, ayun kakagising pa lang ng tour guide namin. Natapos na ang breakfast namin sa Jabee't lahat eh wala pa rin, lumagpas pa daw ng station kasi naman nag-iemote pa sa buhok nya.
Malayu layo rin pala from Farmer's to Alps Bus Station, mga 29.87 na tumbling din yun. Sa bus naman eh super tulog na sana ako pero di ko rin nagawa. Nagsolo ako sa kabilang side kaya akala nila nag-uumemote ako. Mejo natorete nga kami ng byahe namin kasi ba naman ang alam namin eh sa Batangas ang pupuntahan, pero sabi sa text eh sa Bulacan daw, magkalayo kaya sila ng mundo. Later narealize namin barangay pala yung Bulacan sa Mabini, Batangas. Megakorekted by kami nung konduktor na stress is on the second syllable. Pagbaba ng bus, nagjeep at nagtrike pa kami. Gilid pala ng dagat ang place nila Joyce, gusto ko talaga lumublob ng tubig, eh sobrang init pa kaya ng panahon.
Sumilip lang kami sandali sa coffin. (coffin? arte!) Nauna na kami sa simbahan para magwish, magpray prayan at magpicture-an. Nang dumating yung mga dedz eh to the tune of To Where You Are ni koyang Josh Groban at Natutulog ba ang Diyos ni manong Gary V ang drama. Bale dalawa yung dedz kaya side by side sila. At least tipid sa laway si Father kasi isang mass lang ang ginawa nya, di pa sya nahaggard sa throwness ng Agua Bendita.
After ng mass eh sugod na kami sa libingan. Pataas pala sa isang burol ang libingan, mejo matarik pero keri naman lakarin. Ewan ko ba sa kaeng-engan ni Garah at pinara nya yung isang trike drayber na lasing at nakiangkas naman kami. Agaw eksena talaga kami sa pagharurot ng trike, imagine naglulungkut lungkutan ang lahat tapos mega ugong ang bike ni manong. Kakahiya pero kinaya naman namin humarap ng taas noo. PAK!
Akala ko yung next stop namin eh dun na sa mausoleum nila, yun pala parang pinahinga muna at pinagmeryenda yung mga tao. After nun eh go na sa kabilang side pa para sa libingan proper. Akswali ambilis lang, di nga kami nakaposing man lang sa harap ng kabaong.
Bago pa umuwi eh nagmeryenda sa Barjer Mashin mashinan, at kontrabida talaga ang masungit na tindera. Nakiposing sa town plaza habang nagpapalakpakan ang taong bayan. Gumora sa SM Batangas para lumamon at magshopping shoppingan, umuwi at natulog ng late. Ganito pala makiramay. Sa uulitin ha!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento