Linggo, Abril 19, 2009

Excursion

2 komento:


Outing!
April 19, 2009



Photo ni Yotsuba by
Dreaming Magpie sa Flickr



One time, sumakay kami ng taxi papuntang Ayala lang. Eh hindi masyado kabisado nung kasama ko yung building so sinabi na lang namin sa driver. Nung maalala nya, nakalagpas na kami sa unloading area. Mega-talak talak ever ang driver na baka sya daw ang mapahamak dahil sya daw huhulihin, kawawa naman daw ang pamilya nya, hindi pa bayad ang kanilang upa sa bahay, wala silang pang-ulam sa linggo, at may sakit daw yung lola ng tita ng ninang ng bunso nya. Feeling yata nya nasa Wowowee sya at bibigyan ko sya ng Pangkabuhayan Showcase. So para hindi na maging malaking issue eh sinabi namin na iikot na lang yung taxi para bumalik sa Ayala. Akalain mo ba naman na iikot nya sa delaCosta, to Makati Ave, to Paseo, and back to Ayala. Wow fieldtrip ito! Ok sana kung may baon akong chicha at hindi jologz to the max yung pinapakinggan radio station. Hayz!


~0~


Naalala ko nung elementary days ko eh isa sa mga inaabangang extra curricular activity, na akswali eh compulsary talaga ito, ay ang excursion. May ilang alias din ito, also known as field trip, or Outing. Yeiz, outing nga! Naexcite ka ba o kinabahan? Outing din ang isa sa mga hobbies ng classmate ko na inilalagay sa slumbook. Yah know yung PEDROS?! Playing, Eating, Dancing, Reading, Outing, at Singing. Kelan pa naging hobby ang outing?! Ano yun everyday eh pumupunta sila ng Fort Santiago, Nayong Pilipino, Luneta at Bahay ni Rizal, Aguinaldo at Kris Aguino?! Meganooon?! Sosyal lang di ba?

Ikaw? Ako? Tayo? Kelan ang grand launching natin? Kelan ang press release? Kelan ang outing?


~0~



Kung si Sir Elton John ay nag-skyline pidgeon fly at iniwan si Olivia Newton na hopelessly devoted. Hindi ko malaman anong sumanib jan sa Elizabeth na yan pano sya ginawang Sir eh Dame sya noh! Dame! Sana tinawag na lang syang MamSir ala fastfood lang para safe dabah.

Kung si George Michael ay nagwake up before he go-go, azz in go outside na ang beki. Sawa na siguro gumawa ng mga milagro sa mga public toilets.

Kung si Rustom Padilla ay nagspread your wings ang prepared to fly, for he has become a Maripoza, azz in transform kung transform. Tinalbugan ang sequence ng Sailormoon, from Mista naging Miss Taruzh! Parurusahan kayo sa ngalang BB Gandanghari! Go lang!

Gusto nyo sumama? Sakay na! Taraletz!

Lunes, Abril 13, 2009

Itsapwera

Walang komento:

Pag-iisa
April 10, 2009



isinulat ni Hannah Roque para sa MFA, Byernes Santo 2009

photo by David Nicolai at Flickr




Nakaranas na ba kayo na parang walang pumapasin sa inyo? Yung parang kahit anong gawin nyong tama sa tingin ng taong mahal mo eh mali pa rin? Sa tingin ng taong pinagmamalasakitan mo eh wala paring kwenta? Yung kahit ang gusto mo lang naman eh lambingin siya, lapitan at alagaan? Na katulad nung iba na kapag lalapit ka eh yayakapin ka. Hindi yung parang nandidiri sayong hindi mo malaman. Ganun nga siguro kapag ikaw lang ang nagmamahal. Yung walang ibang nakakaintindi sayo kundi sarili mo lang. Well heto ang kuwento ng isang nilalang na nakakaranas ng ganoong kalungkutan...


"Mahigit isang taon na tayong nagsasama sa iisang bubong pero kahit kailan hindi ko man lang naramdaman na minahal mo ako. Bakit? Ano ba ang mali sa akin? Kapag breakfast, lunch, at dinner nauuna kang kumain... ako tira-tira lang. Parang ayaw mo pa nga eh. Lumapit lang ako sa lamesa nadilat na ang mata mo, sumisigaw ka na. At kapag pupulot lang ako ng pagkain mo tinataob mo na ang plato. Ayaw mo nang kumain. Bakit ganun? Nung una naman ok ka ah. Hindi ka man malambing, hindi mo naman ako kinasusuklaman. Ganun na ba talaga kapag nasasanay ka na? Nagbabago ang ugali? Sa pagtulog kailangan pa kitang intayin na maging mahimbing bago kita malapitan at mahawakan, at syempre mahagkan. Pero kapag naalimpungatan ka bigwas at mura ang nararanasan ko sayo. Alam ko naman na wala akong naitutulong sayo. Wala akong trabaho. Iniwan na nga ako ng pamilya ko ng pinili kita. Hindi ako nakakatulong sa gawaing bahay sapagkat sa amin hindi naman din ako kumikilos. At yun pa, ni ayaw mong pahawak sa akin ang gamit mo. Kahit naman siguro pagtiklop makakya ko. Kahit medyo mabibigat ang damit mo kakayanin ko kaso ayaw mo. Feeling ko tuloy meron akong nakapanghahawang sakit kaya ayaw mo akong lapitan. Kung hindi lang kita mahal iniwan na kita dahil lagi mo naman akong pinagtatabuyan eh. Pero sayang din kasi ang pinagsamahan natin tsaka anong sasabihin ng pamilya ko? Sesermunan nila ako na tama sila at hindi ako nakikinig.

Pero siguro nga lahat ng pagdurusa may katapusan. Lahat ng pagtititiis eh may hangganan. Kahit na ayaw kitang iwan mapipilitan akong gawin. Kasi pati ang sarili kong buhay eh nanganganib na. Nung bigla mo akong nahuli na pumasok sa kuwarto at nagulat ka, nagdala ka ng isang pamalo. Bakal yun, bakal! Hinabol mo ako. Iyak ako ng iyak nun. Humihingi ako ng tulong sa kapitbahay pero hindi nila ako pinansin. Buti na lang nakatago ako. Siguro napagod ka din kaya binaba mo na ang pamalong bakal. Ilang minuto inantay kong kumalma ka. Pumasok na ako sa iyong silid para sa huling pagkakataon masilayan kita at makapagpaalam na. 'Paalam na,' yan ang huli kong nabanggit bago ako umalis sa bahay mo. Kung naiintindhan mo lang sana ako na hindi ko naman gusto na magalit ka sa akin eh. Sa ganito lang talaga ako pinanganak. Marunong din naman akong magmahal ah??? Kahit na magkaiba tayo, kasalanan ko bang maging isang IPIS?! Kahit na ang ipis may puso't damdamin din!"


Linggo, Abril 12, 2009

Lucky Strike?!

Walang komento:

Signos
April 8, 2009


photo by Adrian Energy at Flickr


Miyerkules ng gabi bago kami umalis ni Diosa sa client eh nagliligpit ligpitan na kami kasi megaparamdam na yung mga tao dun na overtime na daw kami. Megakatok ng sapatos at lapis na parang biglang nagflashback sa aking alaala yung unang vid ni ate Britney. Tapos nagdance number kami ni Diosa sa may gym at nung aktong mag-iisplit na sya eh saka ako natauhan na nagde-daydream na naman ako. Pero feel ko lang talaga eh gusto nila akong i-hit me baby one more time sa katagalan namin sa owpis nila.

Maya maya nung aktong isinukbit ko na yung bag eh biglang may nahulog na kulay itim sa mesa. Pagtingin ko eh nagulat ako. Yun palang pendant ng Nazareno na nabili ko pa ng di sinasadya dahil sa pagpupumilit ni aling manang nung one time na napadpad ako sa Carriedo para kumuha ng NBI Clearance. Hindi ko kagad sinuot to nun kasi feel ko naloko ako ni aling manang. Pero heniweyz after a year eh ginamit ko syang lucky charm kumbaga, at suot ko na to eversince... until nga mangyari ang insidenteng ito.

Di naman talaga ako magpapanic masyado kung di lang din OA ang Diosa. Sabi ba naman eh naputol lang daw yun ng basta ng di man lang nadidikit dun sa bag. Ano kaya yun?! Miracle?! Mga gawa ng kampon ni Lucifer?! Grabacious ha! So ayun nga nakiride naman ako, pero slight eh kinilabutan din ako, slight lang talaga. Kesyo bad omen daw yun.

So ayun nung naglalakad kami pabalik sa office, talagang ingat na ingat kami tumawid at baka masagi kami ng bus, taxi, kotse, o padyak. Tingin ko nga parang ilag na ilag si Diosa sakin at baka madamay ko daw sa kamalasan. OA na ha!

Nasa aktong naglilitanya sya ng mga dos and donts ng biglang nagring ang phone ko. Wag ko daw sagutin at baka masnatch-an daw ako, tapos gilitan ako sa leeg at pagsasaksakin ng tatlumpung beses, cha-chop chopin ang katawan ko at ihahagis daw sa Pasig River. Josko, nag-aadik manood ng SOCO ang babaeng to, sobrang namurder naman ako. Ang worry ko naman eh baka pagsinagot ko yung phone may magsasabi sakin ng: "You'll die after seven days! I mean the dead skin cells just after seven days after using Ponds pinkish white chorvaness..."

So pinickup ko na yung tawag. At surprising sa lahat ng surprising eh may phone patch ako from Derek from Chino Roces (ang layo noh), mga labinlimang tambling lang sa kinatatayuan ko. So kinamusta ko lang naman sya at sabi nya malapit nga lang daw sya, dun sa pinapasukan nyang hotel yata. Inaantay daw nya dumating ang boylet nya kaya nagtatawag lang sya. Hindi daw sya nakakatext kasi busy masyado, ako rin naman kasi wala akong load, eh sino ba itetext ko noh?! Kinamusta nya yung mga friends namin sa threads na nawipeout nang lahat. Kahit na mejo namizz ko sya eh di naman ako makabati masyado kasi nga within hearing distance pa ang Diosa at baka ichismis pa ako sa barangay.

Natapos yung tawag after 3 minutes at 1 second, chineck ko talaga sa timer ng phone. Ok naman at naalala pa nya ako, at kahit sampung piso lang eh napagaksayahan nya ako ng sandali. *kilig mode* Syempre happy naman ako dun sa lablayp nya at totally move on na ko dun. Kung ako tatanungin sa lablayp eh happy naman akong single noh. Wala pa yung taong hinahanap ko. Choozy ba masyado?! Heniweyz at least dito pa rin me sa mga naghahanap ng aliw, tulad nung friend ko kakabreak lang nila kaya mega tambling muna ako para lang walang mag-emo masyado sa kanila noh. Buti na lang at ambilis din magmove on nitong dalawang to.

Nakauwi naman ako ng buong buo, walang galos o pasa, at pagkatapos ay nakatulog ng matiwasay. Pagkagising nagdasal dasalan ng thanks at binuhay nyo pa ako. Hindi ako umalis ng bahay ng buong Huwebes at Byernes Santo. Nag-aabang pa rin baka may mga bad things lurking yah know. Nung magsawa na ako eh inistop ko na kakaplay ng morbid scenes sa utak ko. Maayos pa naman ang takbo ng kautakan ko for now yah know.

Hindi naman pala ganun kamalas ang araw ko. Hindi mo naman pwede sisihing laging nag-iistrike ang swerte sayo kaya ganyan ang mga pangyayaring bumabalot sa buhay mo at kaya nagkakandaleche ka ngayon. Walang swerte at malas, tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran, at sumusunod lang ang mundo sa ikot. Wala rin namang masama kung tumingin ka sa mga signs yah know, kung makakabuti ba ito sa pagpapasya natin kung san ang mas angkop na daan para sundan.

Huwebes, Abril 9, 2009

Fezzbook

Walang komento:

Lets fezz it
April, 2009


photo by Liesje at Flickr


Nakadekwat ako ng isang supot ng mangga sa pinsan ko na pinamili pa daw para dun sa ate nyang buntis buntisan. Nasa panahon pala yun ngayon, yung mga buntis, hindi yung mangga noh. Yung classmate ko nung highschool buntis, lima sa kapitbahay namin buntis kasama yung aso at pusa, yung katulong ng ate ng pinsan ng officemate ko buntis. Shocking lang at parang Village of the Damned ang drama. Iskeyri dabah. Heniweyz biglang tambling si ate Marya sa harap ng gate habang parang namimilipit ang mukha ko sa asim ng manggang binabad sa bagoong.


Maricel: Samahan mo ko lumarga mamaya at may booking ako sa Lets Face It dahil tingnan mo naman at tinadtad ng pimple ang pagmumukha ko.

Jeremy: May Fezzbook ka? Meganoooon?!

Maricel: Yes may ganun at dahil dyan close na tayo. Anoneh sumama ka na!

Jeremy:
Alam mo ba yung pinsan ng friend ko nagwowork dun sa Lets Fezz It na yan sa may Mega yata.

Maricel:
Cynthia?

Jeremy: Weird naman kung kakilala mo rin sya noh.

Maricel:
Malay mo.Meron lagi gumagawa ng mukha ko dun.

Jeremy: Parang constru lang itu! Heniweyz si Ate Ydol yung sinasabi ko. Baka kilala mo nga noh

Maricel: Ayy iba yung name nun. Nakalimutan ko na pero di Ydol yun.Hmm... kasi yung gumagawa ng aking fezz eh nanganak last year so di ako nakapagpaderma.

Jeremy: Kelangan talaga sa kanya ka lang magpapagalaw noh. Choozy mo lang.

Maricel: Basta magaan kasi ang kamay nung ateng yun kaya dun kami nagpapaderma, saka makwento.

Jeremy: Nako yung chikkaness lang naman talaga ang habol mo weh. Parang mga labandera lang sa batis.

Maricel:
Tangertz! Sobrang dami ng pimples ko dati, azz in super covered with pimples ang fezz ko eh di ko nga maimagine na hinahalikan ni Don yung pisngi ko nun. Pero ngaun sa baba na lang. Kelangan ko talaga ng di masakit pumiga.

Jeremy: Piga talaga is da term. Parang meh pigsa lang. Yikes! Naalala ko tuloy yung kapitbahay namin nagpaderma. Grabe nangyari sa mukha nya.

Maricel:
Bakit?

Jeremy: Nagkabeke sya!

Maricel:
Whhhhhhaaaaaaaat??? Yikes naman yun.

Jeremy: Honga eh dami na nya pimples ngayon. Pero naalala ko nung Grade 3 nagkabeke sya. Grabeh noh.

Maricel: Dahil sa pimples?

Jeremy: Hindi. Wala lang konek. Naalala ko lang ngayon at sineshare ko sayo. Ayomo ba nun?

Maricel:
Cheh! Ayoko nga magkabeke noh! Di pa nga ako binubulutong eh. Ayoko ng mga ganun.

Jeremy: OMG! Dapat nung bata ka pa nagkabulutong. Ampanget pag matanda ka na nagkaron non.

Maricel:
Oo noh pero di ako magkabulutong.

Jeremy: Balita ko deadly yon habang tumatanda. Naalala ko yung isang kapitbahay ko namatay sa bulutong.

Maricel:
Taena naman. Ang panget na cause of death naman yun.

Jeremy: Nahulog kasi sya sa puno ng bayabas nung kumukuha sya ng panglanggas ng bulutong.

Maricel:
hahaha

Jeremy: Di ka ba naawa sa kapitbahay ko?

Maricel:
Hindi! Tanga sya eh!

Jeremy: Wala kang awa. Inuubos ko na sila isa isa.

Maricel:
Oo nga noh.

Jeremy: Di bale next time bongga na ang death scene.

Maricel:
Para ka lang yung teacher natin sa Health nung highschool.

Jeremy: Ano nga ba nangyari sa kanya?

Maricel:
Lahat ng kinuwento niya eh kaibigan ng kaibigan niya. Nakakatakot siya maging friend kasi yung friend ko magkakasakit pag naging friend ko siya gets?

Jeremy: Laging more than second degree ang kwentuhan noh.

Maricel:
Oo kaloka si mam noh.

Jeremy: Pwes wag i-frenster noh! Pag nalaman laman ko lang na nifrenster mo yang si mam magsolian na tayo ng kandila.

Frappes

Walang komento:

Props
April 16, 2009





Photo ni Josh shineshare ko lang


After ng isang nakakapagod na linggo eh naaya ako makibonding ni Art aka JR sa Sbux sa may People Support, na infernezz eh kinapa ko lang talaga ang way mga two weeks ago lang ng makipagmeet ako sa mga Lonerz ng threads. Akswali nung Saturday pa yata naiset na namin yung kitakitz. Since Monday to Wednesday eh nakaleave sya tapos off nya ng Thursday at Friday eh go daw kami magkita. Last na magkita kami sa may Pioneer pa yun last year, siguro August non. During the review ko pa that time after namin magmeet ni Jude dahil may pinaburn sya na game CDs tapos ang bayad lang eh spag at chicken sa Mcjo?! Bakit walang extra rice?!

Heniweyz, fast forward tayo, hindi ako pwedeng lumarga til Wed kasi nga supah hectic sa sked with the BIR and everything. So Thursday nga ang setting. Biglang mega text din yung friend kong si Robb na kakagradweyt lang. Congratz, alam ko Summa ka, sumasampung taon! heheh. Magpapakaon daw sya sa Dampa, at Thursday din, eh kasi paalis na ng Japan Japan yung mommy nya by Saturday kaya dapat talaga Thursday. It's now or never ang drama. Eh mejo naipit ako. Food o coffee?

Dakong alas singko ng magtext si Art na baka daw maleytt sya. Eh hindi pa rin ako tinetext ng Robb. Text uli si Art na kung ok ba na i-cancel na lang yung meet up. So tinawagan ko na ang Robb, eh wala pala sa house nila dahil kasama ang mom nya. So tinext ko na si Art na green light pa rin ang meet up.

Dahil nagpahinga na lahat ng tao sa office eh nagsipag-uwian na silang lahat dakong alas singko y media pa lang. Andun pa naman yung supervisor namin kaya nagpaalam ako na kung pwede mag overstay. Ok naman daw, at buti na lang nasa may pader yung PC ko kaya hindi nya masisilip na kung anu ano lang naman pinagse-surf ko na hindi work-related.
Alas siete lumarga na ako. Dumaan pa ako ng Powerbooks para bumili ng Bakit Baligtad Magbasa.... Nagtext na rin sa wakas ang Robb na di nga tuloy yung eat-up. Maya maya nagtext na rin ang Art na sa Glorietta na lang daw kami magmeet. Ok lang naman kasi mas malapit ng mga kwarentang tambling yun kesa sa PS.

Nagkita kami sa may cinema ng Glorietta, bago ang herrstyle ni Art. No comment. Sa totoo lang inaantay nya pala ang comment ko, I refuse to give a comment noh. Baka hunting-in pa ako nung herr nya at ipakain sa bwaya. Heniweyz, inantay namin dumating classmate namin sa college na si Josh na akswali di ko kilala, other than naririnig ko yung name nya kasi nga the time na magkaklase kami eh wala na ako gana sa course na yun at balak ko na talagang lumipat.

Nagsipag-order-an na kami ng mga frappes, at surprisingly iba iba kami ng colors. Sakin pinkish white ala Ponds, kasi Strawberry and Cream na narinig ko lang naman sa Loner friendz ko na ang sarap daw, worth na makipagshare ka ng straw ba? So ayun nacurious ako sa taste. Kay Art naman Green tea yata, at kay Josh eh latte or whatever. Hindi ko talaga alam. Hindi ako expert sa ganito. Tanungin mo na lang ako sa 3-in-1 baka masagot ko pa.

May dalang cam si Josh at pinagpipicture-an ang mga frappes. Ayun may formation talaga ala Charlie's Angels. Syempre sya ang bida kaya nasa harap yung sa kanya. Wish ko lang may cam din ako at baka magka-career din ako sa photoblogging. Hayz. Yung isang officemate ko merong cam na Sony, na same nung kay Maureen, kaya tinanong ko yung price at lumalabas na mas mura pa yung nahablot, este yung nabili pala ni Mau. Sana bumili na rin ako non. Napicture-an ko pa sana yung across the table na ang cute magsmile.

After ng inuman, manonood na kami ng movie. Since napanood na nila yung Slumdog Millionaire eh ayaw na nilang maulit pa. Traumatic experience siguro. Ayaw ni Josh yung Dragonball, ok naman samin ni Art sana. Naalala ko yung vid ni kevjumba sa Youtube na bakit nga naman daw hindi Asian ang na-cast bilang Gokou?! Heniweyz, megasuggest naman na T2 daw, na buong pag-aakala ko eh kay Juday, parang yun kasi yung naalala kong sinabi ni Diosa na artista daw dun. Kay Marya pala, sorry naman, pero ayoko rin panoorin yun. So ang napili ay ang Monsters vs Aliens. Cute at funny movie, pero kids talaga ang main target nila, yung ibang jokes kelangan pa talaga ulitin four times para masulit ang script?! 

Meganon?!

Ang moral lesson: wag kang pipikit pag pinipiktyuran ang drink mo. Behave lang kayo mga children! Wag manungay sa picture kung ayomong sungayan ka ng iba. At wag assuming na laging bida si Juday sa lahat ng pelikula. At kung kinakailangan magpaalipin ka para lang makabili ng camera eh di go lang, basta galing sa pawis, dugo, luha, at laway mo yang inaasam mong camera pampiktyur dun sa cute sa kabilang table.

1-2-3-Sey Chezz!

"CHEZZ!!!"

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips