January, 2009
Sa sobrang labo ng monitor eh napagdesisyunan nang bumili ng bago, well actually hindi masyado. Tambling kami sa pinakamalapit na second hand store ng mga appliances somewhere between Mandaluyong at Pasig. Mukhang bodega yung place, siguro second hand building din to. Ano bang hinahanap mo: tv, ref, washing machine, plantsa, pc, monitor, vibrator, o tabo at timba; meron ka mahahanap dito.
So ikot ikot ako at mejo natagalan din makakita ng gusto kong monitor. Ewan ko bakit kelangan ko pa mamili ng magandang casing eh yung mismong tube lang naman ang kelangan ko malinaw. Sabi kasi ni Brother, at dahil IT sya eh mas may alam sya sakin, na dapat daw IBM ang hanapin kong brand. Eh ang 17 inch nasa 1.9k, pag 19 inch na 2.3k na daw. Oh dabah 2 inches lang ang mahal na?! Kaya pala maraming choozy pagdating sa inches na issues.
Heniweys, after elimination rounds, may finalists na ako. Isang Dell na 17-inch. Pasaway daw ba, eh hindi naman daw nagmamanufacture ang Dell, rename lang yun ayon kay teacher Ryan. Saka ok naman yung Dell na pc sa office kaya malamang ok na yan. Eh naglibot pa uli ako. May nakita akong IBM na 19-inch at in fairnezz eh mukhang good condition pa ang casing, di katulad nung katabi na mukhang nasipa na ng ilang beses. Ewan ko pano nagawang magkarate sa office nung dating may-ari non pero yun talaga ang itsura nya.
So ang price dapat 2.3k pero sa tag naman nya eh 1.9 lang?! May inconsistency?! Well haydonkker basta ilalaban ko na I'm only paying what the tag says. So ayun turo turo ako kay kuyang staff tapos dinala na sa counter. Lurkey ang ateng cashier pero pagcheck nya sa tag eh 1.9k talaga so wala sya nagawa kaya punch din sya 1.9k.
So exit stage left na sana ang drama ng biglang epal si manang garda!!! "Itz not be yah know!" ang drama ni ateng guard. Dapat daw 2.3k. So umapila talaga sya sa barangay. Uwi sa head office at sumbong sa nanay boss. Paglabas eh pilit pilitan talagang yun daw price eh kasi mothers know best daw. Ako naman eh sobrang boringgerzi na mag abang kay ateng guard, naiinis, at nagugutom kaya kahit kulung kulo na ang ulo at malapit na sanang ipacancel ang sale eh nakipagcompromise na rin. Leche! Alam nila ako nangangailangan ng monitor eh. Amfufu talaga.
So kahit inis na ako eh ok na rin. At least may magagamit na sa bahay. Pagkauwi set up kagad tapos check mails, nood ng vids sa youtube, at try maggawa ng blog pero after a while parang nagsawa din ako. Bakit nung sira yung monitor atat na atat akong mag-innernet yah know. Siguro hindi monitor talaga ang problema ko, kundi yung excitement na expecting akong may magme-message sakin. Namiss ko online friends ko noh?!
Buti na lang hindi ako nag mental breakdown tulad ni Mariah at netong si Warren na drama drama everlou sa boringgerzi. Feeling rapture na ang mundo sa lungkut lungkutan nya. Hello world?! May global financial crisis kaya at mas maraming lungkut lungkutan sayo?! Well wala naman talagang konek si Warren sa blog na to pero gusto ko lang maisingit ang global financial crisis kasi ang haba nyang phrase at natongue twister ako jan the first time I heard it.
Well sobrang tagal ding nadraft tong entry na to. Busy busyhan ako lately at mejo hinayang nga ako dahil sa gabi ko lang magagamit tong monitor. Leche! Andami ko pa write ups for submission yah know. Final filing for single individuals is before the first half of the following month yah know. Matakot kayo sa deadline!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento