Tameme
June, 2008
Shett! Nanahimik ang aking blogging days sa kabuwanan ng June. Supergroggynessism ako lagi kasi. NakakapagOL lang ako sa loob ng 1-2 hours sa gabi. Wala nang update update ng mga blogs. Laging check mails na lang, kadalasan pa puro erase lang ng erase galing sa mga spammers. Leche!
As usual naman eh tameme ako in person, pero lately eh dumadaldal na ko. Hindi naman araw-araw ang kabilugan ng buwan. Ang daldal kasi ni Maureen. Kung sinu sino ang tinuturong mga "number seventeen yung makinis". Enjoy naman kami. Madalas hindi kami nagkakasundo ng type, pero sure na kami na gusto namin kumain ng Sisig. Nitong huling araw eh parang nagpapractice ako pumasok sa Comedy bar, grabe ang pang-ookray ko sa mga tao. Madalas ko naasar tong si Jupit (hindi tunay na pangalan). Kulang na lang saksakin nya ako ng gunting weh. Pati ba naman si Ms. Aida eh inookray ko na rin, well kasalanan nya kasi sumasakay naman sya eh. Hindi rin nakakatakas si Piolo sa mga chismax namin ni Mau.
Dumami rin mga crazzness ko this June. Nameet ko yung crush ko na jowaerz na ngayon ng friend ko. Pero sa isang picture ko lang sya crush promise. Anjan din si Teacher Ariel Romulo, ang galing nya magturo ng Physics. Shett! Kahit dati eh hate ko tong subject na to, gets ko kagad sa kanya. Kakainspire lang. Mejo chubby nga lang tong si 'cher Ariel, pero ok lang, ang sarap naman nya. Meron pang isa, yung classmate ko. Hindi ko pa alam name nya, balitaan ko kayo ha. Nagkakangitian lang kami at titigan pero wala talagang conversation. Shett ang cute ng mata nya pag nakangiti, kakabusog.
Syempre anjan ang MU number one kong si Nash. Sweet sweetan kami pag solo solo na. Sarap pa ng kiss nya. Pero sa totoo lang eh walang feelings. I just made up the story about dun sa spark between nung first meeting pero wala talaga. At ang mga turnoff moments from him are just piling up. Tsk. Nakakaguilty lang kasi baka he's expecting something beyond. Pero parang hindi ko kayang sabihin...
Si Derek naman eh tinry ko na kalimutan at magmove on, pero hindi talaga kaya. We're still friends now, until the other day he just went telling me kung ok lang ba maging kami after his means permit him to do so. Oong oo naman ako, kahit alam ko marami syang kinakarir jan na mas nakakaelya ang katawan sa kanya. Nahihiya lang daw sya sa akin kasi he thinks mabait ako at direct opposite sya.
"Bakit mo ba sya gusto?"
Hindi ko alam ang sagot....
Last day na ng June, bukas July na, tapos isang taon na naman ang nagdaan sa buhay ko. May natutunan ba ako? Unti unting nauubos ang panahon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento