Ako'y uupo, tapos na po.
Magmula pa noong elementary school days, alam ko nang hate ko ang tula. Hindi kasi ako makapagsulat nang may tugma dun sa mga composition notebooks. Kahit anong gawin ko, nagmumukhang pilit at korni ang aking akda.
Napasugod kami ni Jhen sa Ayala Triangle nitong Huwebes lang dahil sa Open Mic session. Teka mommy, what's open mic ba? Yun yung may mic tapos people will like make salita in front to say any topic. At dahil poetry reading ito, I expected the likes of Francisco Balagtas, Geoffrey Chaucer, Robert Browning, or Mark Logan. But no. Hugutan pala ito. Wala ngang tugma karamihan ng nga lumahok. Mga sawing humihiyaw ng kanilang mga poot sa mga nang-iwan at nagpaasa. Wala naman sigurong maiiwan at aasa kung walang nagpahintay at nagpaasa. Sabi nga ni Ted Failon, walang manloloko kung walang magpapaloko. Hoy, gising!
Well, hindi naman sa binabash ko ang sining na ito. In fact, nainspire pa nga ako eh. Kung ganito lang pala ang poetry ngayon, matagal na pala akong makata. Kayang kaya ko rin ang ginawa nila. Magsusulat din ako. Di ko lang sure kung kaya ko basahin in front of the madlang people yah know pero I know there was a time na nagtangka akong magparej at basahin ang isang blog ko sa open mic sesh. But no. Let us leave the night sa mga nasasaktan at di pa nagmumove on. (Wow ha, lakas magsalita kala mo madaling makamove on. Alam mo ba ang three-year rule? Choz)
Ngunit paano ako magsusulat kung walang magbibigay meaning in my life, you're the inspiration. Sino ba ang aking muse?
ME: Sino ba pwedeng maging muse?
ME2: Anong tagalog ng muse?
ME: Ewan ko. Myus ganyan?
ME2: Lakambini o paraluman na lang sana.
ME: Eh di ikaw na Google translate.
ME2: Ok sino na lang kilala mong muse sa literature?
ME: Ayyy graded recitation? Di ako nainform. Di ako nagreview.
ME2: Answer the question, are you packing my hasban?!
ME: May sapi ka na naman ni Terry.
ME2: Wag mo akong ma-Terry Terry! Enumerate muses in literature.
ME: Ok meym. Si Pia Wurtzbach.
ME2: Hindi sya muse. Saka pang classroom officer yang context mo ng muse. At saka Miss U sya. Saka contemporary din sya, gusto ko classical.
ME: Ayyy may ganyang requirement pala. Si Melpomene. Sushal di ba.
ME2: Muse of Tragedy. Umayos ka kungdi saksakin na kita. Next.
ME: May pagbabanta. Akala ko isa lang?
ME2: At least 2.
ME: Kulang kulang ang panuto mo. Si Thalia?
ME2: Muse of?
ME: Akala ko ikaw na magfifill-in the blanks.
ME2: Muse of?!
ME: Muse of Telenovelas.
ME2: Bagay ka jan. Maraming internal monologues.
Sorry nadistract lang ako. Nag-iisip isip lang. Nakipagchikkahan with myself pero I'm good na. Going back. Sino nga ba ang aking muse? Ang aking inspiration? Para kanino ka fumifeelings? Gusto ko kasi pag nagsulat na ako yung damang dama ko ang sinusulat ko.
Pero kailangan ba lahat ng sinusulat na tula ay malungkot at bitter? Hindi ba pwedeng masaya naman? Yung makakapag-inspire ka rin ng positive vibes sa ibang tao.
Malay mo nanjan lang sya sa tabi tabi. Naghihintay. Nanunuod. Nagbabasa. Nakikiramdam. Lumapit ka na at bigyang sigla ang aking nahihimbing na diwa, paagusing muli ang nagsebong ilog ng sanlaksang emosyon. Narito lang ako, o aking paraluman. Maghihintay. Aasa.
____________________
Photo by Sourodeep via Flickr.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento