Huwebes, Mayo 26, 2016

Crayola Zobel


Mula pa lang nung elementary days gustung gusto ko na ng maraming colors. Naaalala ko pa na naiinggit ako dun sa bestfriend ko kasi ibinibili sya ng mama nya nung 64 colors na crayola. Di ko alam saan ko gagamitin lahat pero gusto ko lang. Tititignan ko lang, pagmamasdan ang isang makulay na mundo. 


Since mahirap lang kami nagtyaga na ako sa 8 colors. Di naman ako nagreklamo kasi nagagamit ko naman lahat yan. Lalo na yung black yata. Di ko rin alam bakit may mga coloring books pa na nagpapacolor ng black eh di sana sinama na rin sa printing ng black ink yun di ba. Habang lumelevel up ng baitang sa elementary ay nadadagdagan naman yung set ng colors ko. Nakakabili na kami ng 16 colors, at sa wakas nabigyan ako ng pagkakataon makagamit ng pink at white. Lumipas uli ilang baitang hanggang sa umabot din ako sa 24 colors. Mga 40 colors short pa rin sa wishlist ko pero chuchoosy pa ba ako?

Ngayong may trabaho na ako, di pa rin ako makabili. Actually 200 paysows lang naman sila. Kaso di naman ako makadecide kung anong brand ang gusto ko. Maging Crayola pa rin ba at loyalista na pangmasa o magpaka sushal at mag Faber Castell? Choz lang. Kuripot lang talaga ako. Saka na lang ako bibili pag may SM Bonus equivalent na choz. 

Nauso naman ngayon ang adult coloring books, pati apps gaya ng Colorfy sa mobile kung barat ka ng taon na walang pambili ng crayola. Yung designs come in different shapes: florals, mandalas, animals, famous paintings, at kung anu ano pang paandar. Nakakarelax daw kasi mag color sabi nila. Eh bakit ako naiistress? Feeling ko kasi dapat may special pattern din ako sa pagkukulay at di ako happy pag di ko pinlano nang maayos san ko pupunan nang ganito at ganyan. Coloring should be artistic, pwedeng abstract and random or detailed and elegant. Pero paano kung lahat na lang random? Artistic pa rin naman pero ewan ko jan sa lion mong kulay pink at green.

Paano kung mapudpod na ang crayons? Mas maganda kasing tingnan yung buo pa sila at matulis. Pero kung nangangalahati na minsan gusto na agad pabili kay mommy ng panibagong box. Yung pudpod sinasantabi na lang, nakatambak sa sulok na inaalikabok. Dahil kahit gaano pa kakulay ang mundo mo pag napaglumaan mo na ang silbi mo, maghahanap din sila ng bago, ng buo, ng matulis. May nag aampon ba ng lumang crayons?


____________________
Photo by Carrie Barbash via Flickr.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips