Linggo, Mayo 29, 2011

Sisig?!

Walang komento:
 
Dinakdakan by Mikiongski via Flickr.
Dinakdakan lang ang may utak.
Saging lang ang may puso.



Originally, I planned to go to Cavite for Bern's birthday but nabago ang scheds ko and I need to go to work for five Saturdays. Far out! (akswali di ko alam yang ekpreshon na yan, naririnig ko lang sa Aussie SME ko at ginaya ko lang lang hahah). So I decided not to go na rin dahil di naman ako nakapagpaconfirm at lowbatt na ako, baka maligaw lang ako kung saan sa Cavite. Machopchop pa ako at maitapon sa isang liblib na damuhan sa gilid ng kalsada. Sorry Bern.

Heypi Birdie Philina Rosario
05.28.11 c.18:00

2 piece Chickenjoy ang lunch provided sa office for the OT para di na kami magfile ng 150 allowance. Di na din kami nagreklamo although sa aming computation (108 yata ang 2 piece meal eh walang drinks tapos nag-add lang ng peach mango pie at extra rice so roughly below the allowance). I've learned na kaya naman pala binabalikbalikan ng mga kiddies ang chix ng Jabee dahil they use REAL BLOOD! Choz! Akswali may isang naubusan pa ng chix, although di naman pala kumain si Dagz ng manok.

After shift hapon nang magwalkathon kami nila Phia, Harold, Jett, Ronald at Dagz to Glorietta 5. First stop sana sa Giligan's pero full ang open area section nila. Muntik na kami makarating ng Skygardens sa SM North kung di pa namin nakita yung Guilly's. It's like Giligans without the gans... at mura pa ang beer, like hundred bucks for 3 piece. Umorder si berdey gurl ng Fettuccine Carbonara at nag-add ng Sisig for pulutan. Syempre may comment ang Biga10 ng Pampanga na si Jett. Masarap kasi ang sisig sa kanila, manyaman daw. Eh itong sisig sa Guilly's although yummy at crunchy naman daw eh just a second rate trying hard copycat pa rin. Nothing beats the original Kapampangan sisig, mekeni!

Ako lang ang nag-iisang nonsmoker sa group na yon. Hindi ko sinasabing nonsmoking will save me or that smoking will eventually kill you, pero I really feel mauuna pa akong mategi sa mga to dahil sa tindi ng second hand smoke. Eto ba ang dahilan bakit naimbento ang gas mask? Inabot kami til 9 yata nang magdatingan sila Vhim, Manel, Ian at Seth. Badtrip ang Phia nang malost ang lighter nya.



We love you and good night Chicago!

05.28.11 c. 23:15

Transfer kami sa Chicago Ortigas para bumijowke. 2500 for 2 hours at 2k worth ng foods, not bad really. Nastress lang ako sa pagtatry kumanta hahah. Infernezz winner talaga ang food dito dahil masasaya silang lahat (sayang nga lang lowbatt na cam ko para ichronicle yah know). We had pizza, mushrooms, pancit guisado, spicy wings, at dinakdakan among others. Yung dinakdakan naman ang Ilocano counterpart ng Sisig, ang difference lang eh may utak or pag in times of kacheapan mayonnaise na lang ang substitute. Spicy sya sa dami ng sili at mejo masabaw. Di masyadong manyaman. Ayaw ni Jett ng ganyan.

Standard na yata sa mga mejo pricey bijowkehan ang supot sa mic, yah know yung parang condom. Syempre tumakbo na naman ang matatabang utak na kulay green. Infernezz konteserang kontesera talaga ang Vhim sa bijowke. Tinitira ba naman mga To Where You Are ni kuya Josh at Hanggang ni kuya Wency. Si Manel naman malamig ang boses at mejo emotera sa pagkanta, josko tinira ba naman Tootsie Guevarra. Kapag rumoRoselle Nava na sya eh ibang levelling na yon, dapat sinasampal na pag ganon choz. At di talaga nagpaawat sa kahit time up na kami. Miss, extend five minutes?



Obar sa Sikip

05.29.11 c. 01:30

Past 1am uwian na sana nang biglang sumama pa ako sa Obar.... yah know I'm not really a bar-going person pero ramdam ko may mangyayari tonight. Mas masikip pa sa MRT ang Obar pag sabado, which I would normally like hahah kung di ka lang napagtutulakan sa dami ng dumadaan. Funny yung mga performance ng mga divas that night. Nakidance dance naman ako... especially to the song If We Ever Meet Again... naisip lang kita kung ano kaya magagawa ko if we ever meet again.

May nagdaanan ulit at natulak na ako sa gilid, thinking god please take me now nabobore na yata ako. Then nagpart ang crowd at andun si Geh. Kinabahan kaagad ako na baka kasama nya ikaw, and yeah andun ka nga, sa kabilang corner. Parang walang nagbago sayo... kasama nyo mga exes mo, naisip ko what would it be like kung kasama ako dun sa list na yun hahah. Would I feel bitterer? hahah. Heniweys, I'm just happy to see you. I'm happier kung magiging friends ulit tayo, close friends (or more hahah asa). Napaso mo pa ako ng cigar, I thought I heard the sound of skin burning sa ingay ng crowd. Parang kagat lang ng langgam, di naman masakit... mas masakit pa ang umasa hahah.


Jabee Soup for the Soul
05.29.11 c. 05:30

Sa kasabikang makahanap ng mainit na sabaw eh inikot yata namin ang buong Ortigas Center. Lomi lang sana ang kakainin pero nagroundtrip kami. Ang ending eh sa Jabee sa may dulo ng Emerald, kung sa Julia Vargas kami dumaan eh mas mabilis ang tambling namin dito. Di na ako nagbreakfast kasi antok na rin ako, sa bahay ko na lang babawiin ang energy ko. Ang Vhim ilang beses nagblackout yata habang nakasandal sa Jabee. Taxi cab home na lang kami, yes nagkasya kaming lima. Tapos parang school bus lang na dinrop off kami kung saan saan: Edsa-Shaw, Acacia Lane, Boni-P.Cruz, at last stop Dela Rosa. Parang nagtour lang si Seth.


~0~

Sabi nga ni Ronald na mabuti pa ang dinakdakan may utak. Ayoko na maging dinakdakan, may utak ka nga mali naman ang gamit mo. Masyadong naoover-analyze ang mga sitwasyon tapos ngayon umeemote. Sana sisig na lang ako. Sana yummy na lang ako. Choz!

Martes, Mayo 17, 2011

Goodbyester

Walang komento:
 
Farewell to you my friendster
We'll see each other againster.



Jumoin ako sa Friendster January 2004 pa pala. At that time late na ako sa uso. Halos lahat may account doon pati yung tindera ng mani sa kanto at kaderder ka kung wala kang account. And now yah know damang dama na the end is near, and so I face the final curtain... ayoko na ituloy baka pati ako mategi rin. Bakit kasi niligwak mo si smiley, bakit kasi nagpalit ka ng color scheme, bakit kasi bumitter ka pa kay Mark Zuckerberg.

Isa pala sya sa mga longest running online accounts ko. Second lang sa very ancient na Yahoo! na inabot na ng 9 years daw, siguro early 2002 yon. Batang bata pa naman itong aking Multiply (March 2008), right after makita ko ang multi accounts nila Jade at Jay. Sumunod naman si Facebook (October 2008) na masaya na ako sa dadalawang friendships kong si ateng Celine at Roseann. Lalo naman yung Twitter ko (April 2009). I remember my first tweet very well and it goes a little something like this (chicken!): "See I'm all about them words. Hundreds of pages, pages, pages forwards." Yes naisip ko pa kumanta at magbilang ng characters
sa kasagsagan ng audit season.

Heniweys ngayon eh naghihingalo na si Friendster at kelangan na nya mamahinga... di pa naman sya matetegi, macocoma lang DAW muna. Wehnohngayon?! Wala lang. Di mo ba sya mamimiss? Matagal ka rin nyang pinaligaya yah know. Doon ka unang natutong may It's Complicated pala na status. Doon ka natutong mangharass ng tao para lang sa testimonial. Doon ka nakipag-emotean, nakipagbangayan, nakipagpalandian, at nakipagpayabangan sa mga shoutouts. Doon ka natutong mang-grab ng piksur (at doon din pinanganak ang mga posers).

Pero wag masyado excited, sa katapusan pa ito mangyayari. Hindi sa End of the World noh, sa katapusan ng buwan na to. Akala mo judgment day na ang supermoon at ang alignment ng mga Sailorsoldiers sa kalangitan sa a-bente uno ano?! Pwes nagkakamali ka, sa May 31 na ang Friendster D day! Yes, may oras pa para magtika at magbalik loob. Choz! Akswali wala naman ako masyado na'ng paki. Matagal na ako nakamove on sayo, masaya na ako sa piling ni Twitter at Facebook. Wag ka na malungkot, makakamove on ka rin. Di ba sabi nila baka merong darating na mas OK, na mas mamahalin tayo, yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin, yung nag-iisang website na magtatama ng mali sa buhay naten, nang lahat ng mali sa buhay mo. Urteh!

Ang kinakabother ko lang talaga eh dapat ko pa bang isave yung mga piksurs ko sa Friendster? Grabe sinilip ko at nahindik talaga ako sa aking nagisnan. Shett, parang human hanger pala ako non. Yes, that was before. Before the time na si Kim Chiu ang epitomiya ng pagiging human hanger choz! Well, I suppose... gimme time to think pa. Siguro sa a-trenta ko na lang dadownloadin lahat. Waterga!

Kasunod kong imamigrate siguro tong Multiply. Be skerd! Be veyri veyri skerd!

Biyernes, Mayo 6, 2011

Lowgeek

Walang komento:
 
Puzzle Pieces by sarahr691 via Flickr.
This is to this as that is to that. 


Logic logican April 2011


Ilang weeks na akong tinetraining dito sa Asenshur at napapansin ko lang habang nagtatagal eh nauubusan na ng ipapagawa sa amin. Tapos na sa neuro-lab kung saan nareyp ang aming mga dila at lalamunan sa pagpronounce ng words; greymar session ni Adda (is it moving or not moving?);  may cultural session with Tzi (na I really don't know if I'd like her kasi proactive sya pero masyado syang malakas pumick-up ng sarcasm); may operational maturity chorva session with Tam (na mas naemphasize ang galing namin sa actingan through kaadikan sa role playing over the main topic na ettiquette); sa excel review with Gian (aka fat Mr. Fu, I mean matabang version ni Mr. Fu ha at dahil wala syang maskels at abs at wala rin syang highlights sa hair pero mas matabil ang dila nya kumoment); may IFRS session with Jekell (na more laugh kami kesa sagot sa mga questions nya); and lastly ang accounting overview ni Neil (na again eh more acting kesa accounting). After ng two weeks or so eh wala na kaming magawa sa training rooms. Boring boringan na! Naisip ko nga kaya lang kami pinapag-training trainingan kuno eh para masabi lang na may ginagawa at akswali filler period lang yon bago isabak sa knowledge transfer sessions starting May.

May isang araw lang na nakasubok kami ng telepresence. Parang nakawebcam conference kayo with foreynjer counterparts pero super hi-tech ang levelling. Parang kaharap mo lang sila, nakakamangha talaga. Walang ganon sa bundok.

And so there we were nakatambay sa computer labs one day hoping na kami ang sasabak pero no yung other batch pala muna ang iaaccommodate para matry nila mag-open ng Asenshur portal. Go na go pa naman kaming tapusin sana ang mga computer-based training modules na ginawang group effort sa pasahan ng sagot. Biruin mo ba naman ang scheduled time per session eh ranging from 1 to 4 hours pero natatapos namin within 10 minutes lang, mabagal pa yun sa pagki-click ha! Heniweys ayun yung kasabay naming other batch eh imbes makinig sa instructions eh may kanya kanya nang mundo at meron pa nga umaaccess ng mga restricted sites (like THAT mail service site and THAT social networking site and THAT microblogging site yah know). As if di namin sya makikita eh nasa likod kaming lahat nakaupo sa long table na akala mo panel of judges. I'm sorry dawg you're not going to Hollywood, your journey ends tonight. Mehganon?!

Right after ng computer lab eh pinapapunta kami sa training room. Eh wais na kami ngayon na bumibili ng food bago lumipat ng building dahil ayaw na namin mahaggard sa pagsakay ng elevaterrrs during lunch time. Wala pa ngang alas dose eh nakapaglunch na kami, ganon kami kaadvanced hahah! Sawaan nga lang sa pag-order ng siomais at sisigs.

May isang beses na wala na talagang magawa nagsimula kaming maglaro ng charades. Pero imbes na may random na aarteh, si Nomer lang ang umarteh all the way. Infernezz honggaling nya mag-isip ng clues ha. At dahil jan nahasa ang aming acting career, career talaga?!

The following day nagpasimula si Nomer maglaro ng isang logic game. This is YES *turo pataas* and this is NO *turo pababa* this is YES *turo sa kanan* and this is NO *turo sa kaliwa* THIS IS? AND THIS IS?

Bigla na lang may kung anong pwersang gumising sa aking diwa, parang kape ng kalimot, parang ammonia ng alzheimers, and poof it's all coming back it's all coming back to me now. There were moments of gold and there were flashes of light. Naalala ko ang mga pinakatatagong logic games.

This is 1 *turo sa pinky* this is 2 *turo sa ring* this is 3 *turo sa middle* this is 4 *turo sa index* this is 5 *turo sa thumb*. This is *turo sa middle*? FIVE! This is *turo sa pinky*? THREE! Mejo nashock yata sila nung una, pero inulit ulit ko hanggang may na-LSS na at nagets ang logic.

Sumunod non eh nagdalahan kami ng mga gamit kung saan saan. Meron sa Music Room. Meron sa Barbershop. Meron sa Jungle ni Tarzan*. Meron sa Buwan. Andaming naiwan at napagsarhan. May nagresign pa nga kasi hindi sya naipasok eh choz.

Nagdrawing drawingan din kami pero since limited lang ang may kakayanan sa drawing eh dito ito masyadong napush through. Si Thessa nagpalaro nung name the phrase base dun sa isusulat nya. Like UP 8 = Up before eight and so on. Si Harold nagpalaro nung magmomove ng sticks pero mas nainis kami kasi yung stick-giraffe daw nya eh di mawari kung anong klaseng hayop, parang zebra sa tingin ko choz. Si Nomer nagpahula ng malaki sa tatlong shapes pero ang trick yung pinakamaliit daw ang malaki dahil yung medium ang mas malaki at yung large ang pinakamalaki. Buset!

Binato ko pa sila ng dice, azzin literally may dice na involved. Not just one, not just two, not just three, not just four, but five! Imagine! The name of the game is Petals Around the Rose. Ayun after twenty throws ng dice si Nomer ang unang naka-break the code. Si Mark na parang casual passerby lang nakuha kagad in one throw, dahil knows na pala nya yun before.

Nilabasan din kami ni Gilbert ng color logic games. I mean merong nakasulat na mga names ng colors sa screen (or bond paper kung may access ka sa printer) pero iba yung color mismo nila. Ang trick eh dapat kapag itinuro sayo eh masabi mo yung color hindi yung nakasulat. Syempre nadaya ko sila sa pamamagitan ng pagblur ng vision ko hahah. Yes kaya ko magblur pero ang magfocus mahirap.

May nainvolve din na brain twisters na may involved na shapes. Yung bubuo ka ng diamonds and bundoks and bahays and lightnings ni Harry Potter and stuffs. Yah know nakita mo na yung game na yun nung bata ka na may 4 irregularly shaped polygons tapos gusto nya iform mo into a more regularly shaped object yah know.

Nagtry din kami maglaro ng situational logic games. Common issue eh may patay at nasa crime scene ka. Parang sumi-CSI lang ganon... or SOCO kung bet mo si Gus Abelgas. Meron nateging may tubig sa sahig, merong kumain ng penguin soup, meron may hawak na toothpick sa disyerto, meron may kalendaryo sa ulunan, meron nahulog sa puno at tumama ang ulo sa bato tapos inanod pa ng ilog. Pwede ka naman magtanong ng facts. Kaso sa dami ng irrelevant questions naging habit na naming itanong kung "factor ba yan?" Kasi nga naman baka ka mangungulit sa line of questioning mo kung wala namang epek sa story.

Naibigay ko rin yung mga bigating logic games na minana ko pa since highschool ata. Yung may involved na 4 wisemen at 2 red at 2 white hats. Meron din si Jett na binaong isang room na may tatlong switches at isang bumbilya. Meron din yung pabalik balik na tatawid sa ilog at may bangka na involved na dalawa lang ang capacity. Teka, ano ba ang tawag sa driver ng bangka? Driver kasi tawag ko sa mga puzzles ko eh hahah.

At syempre di rin mawawala yung mga nakakabuset na logic games. Yung pag-iisipin ka yun pala joke lang nakakabuset talaga. Para di namin maconfuse sa logic logican games eh tinawag na lang namin silang anecdotes. Maraming baon nyan si Nomer, Diane at Mark kaya buset na buset si Jett hahah.

Nakakatuwa lang at nakakauto ako, I mean nakakapagshare ng mga nalalamang wala namang praktikal na gamit sa pang-araw araw na buhay di ba. Akala yata nila genius ako eh sa totoo lang nahirapan din ako magsagot nyan dati. Una unahan lang yan hahah. Kung may graduation lang sa amin sa logic session na to, sigurado ang valedictorian at salutatorian eh sila Gilbert at Mark, in no particular order heheh.


~0~


Implikasyon: Logic comes in many forms, sizes, colors, sounds, shapes, gestures, numbers, situations, etc. Pero totoong logic ba yun or some kinda Jedi mind trick lang para mag-isip ka at magmuni muni?! Dahil sa totoo lang... walang LOGIC. Ang logic ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat! Gets?


___________________
*although sa original-er version ni Herson may clue na nacutoff ko sa aking presentation dahil TMI sya—"ako si Tarzan at meron akong speech defect"
**kung interesado ka sa mga logic games, please contact me for more details. hahah

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips