Huwebes, Oktubre 14, 2010

Ribbett

 
Frog King Archie

One week preparation lang ito ng P5. Nagyaya si Jeh ng nomohan somewhere at nagkabotohan kung sa Cubao bijowke party or sa Cavite house party. Syempre mas tipid ang Cavite kaya go na kaming lahat don. Ito rin ang muling pagkabuhay nila Lee at Pau na nilibing na namin sa ilang beses na pang-iinjan. Infernezz kay Pau, mukha talaga syang zombie sa kapayatan. Color theme for the night is green. Ininvite ko na rin si Herson since ok naman sya kay Ezz at kay Archie. Nagset na ako na susunod lang around midnight since may party pa akong pupuntahan.


North Park
10.02 c. 8:00 PM
Usapan namin ni Lei initially eh magkikita nang 5pm sa Landmark. Tapos minove nya to 6 dahil magpapamanicure pa sya. Then nanghingi ako ng allowance na 30 minutes dahil nalate ako ng alis sa bahay. Until dumating ako ng 7pm eh wala pa rin sya. Tinext ko eh nasa parlor pa daw. Dinner lang po ang pupuntahan natin hindi prom. Kalurks.

Habang nag-aantay eh nag-ikot ikot muna ako sa Landmark. Pero mahirap dahil nakakadistract ang bagong tiles nila. Imagine: salitan ang white, yellow, black at blue sa sahig na di ko maintindihan ang pattern. Masakit sa mata at sa bangs pramis! Dumating ang Lei bandang alas siete kasama na si Manong Bert. Ibibili sana namin ng cake ang Dex pero nagrally si Bert dahil tinatamad magwithdraw. K fine.

Nameet namin ang burrdey boy na si Dex sa may Giligans. Inferness yumayaman na sya sa Shell huh. Pero since konti lang ang umattend sa partey nya eh chumange venue na lang kami sa North Park. Walk kami papuntang Glorietta with Dianne. At eto pang Dex parang pulis sa kakahirit ng gift na akala mo toll fee. Napilitan tuloy kaming bumili ng Chocolate Mousse from Bread Talk.

Umorder na si Dex for us: yangchao, beef with broccoli, lechon macau, fried wanton noodles.... Ikinatuwa naman ni Dex nung dalawin sya ni Dhes, na ang gift sa kanya eh Bible talaga. Last to follow eh tukayo kong si Athan. More posing si Dex, more rice pa ako. Pagkaslice ng cake eh pack up na rin kaagad kami. Lakad takbo akong umuwi para magchange costume for the late night green party.



Frog Party
10.03.2010

Call time namin ni Herson 11 PM sa may BeckDo Boni, ang McDo na kinagabihan ko lang nasaksihan ang pagje-JerjerMcdo ng apat na skwating. Well, wala naman talaga akong nakita kasi nagkulong naman sila sa loob ng isang CR for more than 20 minutes. Late ako ng 10 minutes, si Son 10 more minutes pa.

Pinahiram pa nya ako ng glasses para pumara ng bus since nearsighted ako. Wala pang 10 minutes nakasakay na kami byaheng Dasma. Himalang maluwang ang bus at this time compared sa kadalasan kong nasasakyang SRO hanggang bumaba ako sa Cavite. Pagpasok ng Coastal road eh may pumasok ding epal na inspector. As in ang higpit nya sa mga tickets, alam nya kung morning mo pa nabili yung tickets at nagtatanong pa talaga kung magkano ang binayaran. Talo pa nya ang auditor sa bagsik eh. Nakarating kami past 1 sa Justinville.

Akswali kinabahan din ako papunta don kasi nakalimutan ko na ang way papunta don, at since madilim pa talaga sa place eh may pagkahorror na eksena ang dating.

Pagdating namin don eh nag-iinuman na sila ng DaBar, pasimuno na naman ni Lee. At present din talaga si Pau na inokray okray ng lahat. Sya na talaga ang kinawawa. Ganun namin sya kamiss. Naground ng dabar at ang chaser eh pineapple juice gudlak. Nagrounds din kami ng piksurs para sa profile pic, ang headgear eh yung froggylet something (see below). Nung maubos bumili pa ng dalawang bote. Namulutan na kami sa chichirya, more vetsin more borlogs. Si Pau ang malakas lumamon ng pulutan. Si Mjay naman ang malakas lumaklak ng juice. Sarap pag untugin ang BFFs.

May isa pang round pero marami nang nagretire. Si Herson na balak sanang umuwi ng madaling araw eh natakot sa mga kwento ng holdapan at saksakan sa Baclaran kaya natulog na lang din muna. Nakatulog naman ako sa sofa kaya't napiksuran na naman ako. Ang motto ko: "piksuran mo na bagong gising wag lang ang lasing." Stress. Pinalipat pa ako ni Mjay sa kabilang kama kasi sya lang pala ang kasya sa sofa. Napunta ako sa likod nila Jan at Dar na nag-iispooning. Well, keber ko na sana don kaso di naman ako tinatamaan ng electric fan. Lumipat ako sa harap ng electric fan pero nakaharang na si Archie at Herson.

Lumipat ako dun sa banig kung saan nagchichismisan pa ang iba. Nakisiksik na ako para makafeel ng konting hangin. Pumikit na at dahan dahang umiislide away sa dreamworld ng biglang enter frame ang isang di inaasahang tagpo. Isa sa mga nag-inuman hala yumakap na sakin, tapos magkadikit na kami sa fezz, tapos ayun pumasok na ang dila sa bibig ko. Omg, lasang lasa ko pa ang pineapple sa dila nya. Alam ko talaga tulog na sya. Ano yan sleep-kissing? Mehganon?! Pagdilat ko, frog pa rin ako, at princess pa rin sya. Kalurks, walang magic ang kiss.

Ang tanong, sino sa ilalim ang umiisleep-kissing? Just type in KISS <space> <NAME OF FROG> at isend mo lang yang sa 2366 for Globe, Sun and Smart subscribers. Choz!



Motto: "Lasing lasingan, gusto magkatikiman." ~Herson's new philosophy. At ako genuinely lasing talaga noh, or puyat... I'm not sure. hahah

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips