Biyernes, Oktubre 15, 2010
Botibot
Hersonbot: Heyy long time no talk!
Athan: Shungaks ka ba eh kahapon lang magkasama tayo sa Jabee.
Hersonbot: I just took an IQ test here.. pretty cool
Athan: Lemme guess, 113 lang ang IQ mo.
Hersonbot: Got a 113 lol... I thought I was smarter than that.
Athan: Omg ako na si Madam Zenaida Seva. Choz!
Hersonbot: You should see if you can do better than me... if you can I'll buy you a drink.
Athan: Kakainom lang natin kahapon noh. Lasang lasa ko pa yung Dabar sa bibig ko.
Hersonbot: Try it... http://virusitu.com I bet you cant haha
Athan: Weh?!
Hersonbot: Take it now while I take a shower lol
Athan: May shower jan sa Accenture? Bongga lang ha!
Hersonbot: I'll be back in a few after I'm all fresh
Athan: F5 lang katapat mo! Cheh ka!
Trip trip lang. Patulan ba yung bot?! Repost ko lang for real-life Herson. Andaming nagtrip sa YM mo. Kalurks. Sang site ka ba nagpupunta at nava-virusan ka? Alam na!
Huwebes, Oktubre 14, 2010
Ribbett
One week preparation lang ito ng P5. Nagyaya si Jeh ng nomohan somewhere at nagkabotohan kung sa Cubao bijowke party or sa Cavite house party. Syempre mas tipid ang Cavite kaya go na kaming lahat don. Ito rin ang muling pagkabuhay nila Lee at Pau na nilibing na namin sa ilang beses na pang-iinjan. Infernezz kay Pau, mukha talaga syang zombie sa kapayatan. Color theme for the night is green. Ininvite ko na rin si Herson since ok naman sya kay Ezz at kay Archie. Nagset na ako na susunod lang around midnight since may party pa akong pupuntahan.
North Park
10.02 c. 8:00 PM
Usapan namin ni Lei initially eh magkikita nang 5pm sa Landmark. Tapos minove nya to 6 dahil magpapamanicure pa sya. Then nanghingi ako ng allowance na 30 minutes dahil nalate ako ng alis sa bahay. Until dumating ako ng 7pm eh wala pa rin sya. Tinext ko eh nasa parlor pa daw. Dinner lang po ang pupuntahan natin hindi prom. Kalurks.
Habang nag-aantay eh nag-ikot ikot muna ako sa Landmark. Pero mahirap dahil nakakadistract ang bagong tiles nila. Imagine: salitan ang white, yellow, black at blue sa sahig na di ko maintindihan ang pattern. Masakit sa mata at sa bangs pramis! Dumating ang Lei bandang alas siete kasama na si Manong Bert. Ibibili sana namin ng cake ang Dex pero nagrally si Bert dahil tinatamad magwithdraw. K fine.
Nameet namin ang burrdey boy na si Dex sa may Giligans. Inferness yumayaman na sya sa Shell huh. Pero since konti lang ang umattend sa partey nya eh chumange venue na lang kami sa North Park. Walk kami papuntang Glorietta with Dianne. At eto pang Dex parang pulis sa kakahirit ng gift na akala mo toll fee. Napilitan tuloy kaming bumili ng Chocolate Mousse from Bread Talk.
Umorder na si Dex for us: yangchao, beef with broccoli, lechon macau, fried wanton noodles.... Ikinatuwa naman ni Dex nung dalawin sya ni Dhes, na ang gift sa kanya eh Bible talaga. Last to follow eh tukayo kong si Athan. More posing si Dex, more rice pa ako. Pagkaslice ng cake eh pack up na rin kaagad kami. Lakad takbo akong umuwi para magchange costume for the late night green party.
Frog Party
10.03.2010
Call time namin ni Herson 11 PM sa may BeckDo Boni, ang McDo na kinagabihan ko lang nasaksihan ang pagje-JerjerMcdo ng apat na skwating. Well, wala naman talaga akong nakita kasi nagkulong naman sila sa loob ng isang CR for more than 20 minutes. Late ako ng 10 minutes, si Son 10 more minutes pa.
Pinahiram pa nya ako ng glasses para pumara ng bus since nearsighted ako. Wala pang 10 minutes nakasakay na kami byaheng Dasma. Himalang maluwang ang bus at this time compared sa kadalasan kong nasasakyang SRO hanggang bumaba ako sa Cavite. Pagpasok ng Coastal road eh may pumasok ding epal na inspector. As in ang higpit nya sa mga tickets, alam nya kung morning mo pa nabili yung tickets at nagtatanong pa talaga kung magkano ang binayaran. Talo pa nya ang auditor sa bagsik eh. Nakarating kami past 1 sa Justinville.
Akswali kinabahan din ako papunta don kasi nakalimutan ko na ang way papunta don, at since madilim pa talaga sa place eh may pagkahorror na eksena ang dating.
Pagdating namin don eh nag-iinuman na sila ng DaBar, pasimuno na naman ni Lee. At present din talaga si Pau na inokray okray ng lahat. Sya na talaga ang kinawawa. Ganun namin sya kamiss. Naground ng dabar at ang chaser eh pineapple juice gudlak. Nagrounds din kami ng piksurs para sa profile pic, ang headgear eh yung froggylet something (see below). Nung maubos bumili pa ng dalawang bote. Namulutan na kami sa chichirya, more vetsin more borlogs. Si Pau ang malakas lumamon ng pulutan. Si Mjay naman ang malakas lumaklak ng juice. Sarap pag untugin ang BFFs.
May isa pang round pero marami nang nagretire. Si Herson na balak sanang umuwi ng madaling araw eh natakot sa mga kwento ng holdapan at saksakan sa Baclaran kaya natulog na lang din muna. Nakatulog naman ako sa sofa kaya't napiksuran na naman ako. Ang motto ko: "piksuran mo na bagong gising wag lang ang lasing." Stress. Pinalipat pa ako ni Mjay sa kabilang kama kasi sya lang pala ang kasya sa sofa. Napunta ako sa likod nila Jan at Dar na nag-iispooning. Well, keber ko na sana don kaso di naman ako tinatamaan ng electric fan. Lumipat ako sa harap ng electric fan pero nakaharang na si Archie at Herson.
Lumipat ako dun sa banig kung saan nagchichismisan pa ang iba. Nakisiksik na ako para makafeel ng konting hangin. Pumikit na at dahan dahang umiislide away sa dreamworld ng biglang enter frame ang isang di inaasahang tagpo. Isa sa mga nag-inuman hala yumakap na sakin, tapos magkadikit na kami sa fezz, tapos ayun pumasok na ang dila sa bibig ko. Omg, lasang lasa ko pa ang pineapple sa dila nya. Alam ko talaga tulog na sya. Ano yan sleep-kissing? Mehganon?! Pagdilat ko, frog pa rin ako, at princess pa rin sya. Kalurks, walang magic ang kiss.
Ang tanong, sino sa ilalim ang umiisleep-kissing? Just type in KISS <space> <NAME OF FROG> at isend mo lang yang sa 2366 for Globe, Sun and Smart subscribers. Choz!
Motto: "Lasing lasingan, gusto magkatikiman." ~Herson's new philosophy. At ako genuinely lasing talaga noh, or puyat... I'm not sure. hahah
Mga etiketa:
Fab5
Astrology
Papi Chulo 10: Star Demonology 101
10.13.2010
Nauso na naman ang numbers dahil sa 10.10.10. Did yah know na merong 5 Fridays, Saturdays and Sundays this month? And it only happens every 823 years?! Kalurks. Eh ichunky check mo nga every 28 years narereset sa same setup ang kalendaryo. At yang 5 Fri, Sat and Sun eh nangyayari yan every year basta ba magcheck ka lang lagi. Apparently yang 'every 823 years' na yan eh mauulit sa 2021, provided yah know may 2021.
Pierre: So after 100110 and 101010, there will be 111111, then 121212, and then 122112. Ready ka na ba?
Chester: Feeling ko lang talaga si John Cusack ang sumira ng credibility of 12.21.12. hahah
Pierre: Is 12.21.12 even credible? :p
Chester: I mean, kung meron pang natitirang deboto ng 2012 dabah?
Pierre: Yeah, I think meron pa... Koran burners?
Chester: Eh di ba yon yung crazy pastor versus building ng mosque sa Ground Zero??! Kalurks.
Pierre: Korek! Extremists such as they are believe that the Koran, 122112 and Lady GaGa signify the end of the world.
Chester: Naloka naman ako kay Lady GaGa, sya na ba ang Anti-Christ?! Ayaw ni Oprah may umeeksena sa trono nya. hahah
Pierre: Lady GaGa and Oprah are only two of the many vassals of the Anti-Christ.
Ellaine: Gaga, ooohhh lala. Roma romama...
<dedma>
Chester: Kasama ba si Kris Aquino sa mga kampon ng Anti-Christ? heheh
Pierre: As long as she keeps her quota of 30 legions, yes.
Chester: At ang twenty six sa legions nya ay pamumunuan ng 26K. The other four by Ballsy, Viel, Pinky and Baby James (since PNoy is *ehem* busy)
Pierre: Bimby FTW!
Chester: Oh yeah. Ayaw na pala maalala ni Kris ang name na James.
Ellaine: Tamaaaaaaaaaah!
<dedma>
Pierre: Gosh I didn't know demonology can be this fun! And jologs, too!
Chester: Di mo ba alam Jologs is the language of evil? hahah
Pierre: Does that mean Jolina Magdangal is the root of all evil?!
Chester: Ayy no! Love of Jolina is the root of all evil. hahahah
Ellaine: Chuva choo, chuva choo choo...
<dedma>
Pierre: Love of Jolina is idolatry! So is love of Sarah Geronimo. Oh, wait, that's 1DOLatry!
Chester: Magkaibang level sila, in terms of talent, style, star factor and evilness. hahah
Pierre: Naalala ko tuloy si Charice, dating follower ni Sarah. Ngayon may sarili na siyang church.
Ellaine: Ikaw, ikaw, ikaw. Ikaw, ikaw, ikahahaw...
<dedma>
Chester: Don't tell me ang church ni Charice eh hugis pyramid. hahah
Pierre: Exactly. Charice is one of the Illuminati.
Ellaine: Oh yah? what made you say that? Do you know Charice personally? haha!
<dedma>
Chester: Si Charice ang sasakop sa buong mundo gamit ang antimatter at botox. Be afraid. Be very, very afraid!
Pierre: Sa umpisa, Sunshine at Hello Kitty bag muna ang gagamitin niya.
Chester: Yes, magpacute muna sa umpisa.
Pierre: Will Charice ever get to reign side-by-side with the Mother Harlot that goes by the name of GaGa?
Ellaine: Charice is not in the business not to be on top or to be side by side with anybody. She's just working to feed and help her family!
<dedma>
Chester: Marami pa syang kakaining bigas, well yah know. Baka maadik sya kaka-Belo kung kakain talaga sya literally. hahah
Ellaine: Whatever ! She's now enjoying where she is right now and you are whining cause you're a NOBODY!
<dedma>
Pierre: Kilala mo yun?
Chester: Hindi ko sya knows. Naturuan kasi ako nung bata ako na wag sasagot sa matatanda, and don't talk to strangers. Nobody lang papatol sa nobody. Eksendorang palaka. Next time wag masyado umeepal.
Pierre: Sarcasm cannot be taught by one person to another person. If you don't get it, then probably you won't anytime soon. Showbiz-hungry people would kill for Kimerald or Charice as The Crusaders would kill for God. Zeal and Fanaticism at their best and worst.
Chester: Ikaw na teh! Inenglish mo talaga si lola. Niregla tuloy. At yang si Ellaine na talaga ang perfect example ng extremist mo. Kalurks.
Implikasyon: Ang mga bituin ay mga gabay lamang. Wag tularan ang mga umaadik (tulad nyang mean gurl in real life na si ateng Lindsay). Wag masyado magpa-apek noh. At tandaan meron tayong free will, gamitin natin ito. Choz!
____________________
Special thanks to kazandoryu via Twitter. Please follow.
Martes, Oktubre 12, 2010
Sakae Sushi
Elvin: How are you friend?
Athan: Sino ka at ano ang ginawa mo sa totoong Elvin?! Choz! Ok naman ako. Ikaw ang kamusta?
Elvin: Eto... loveless pa rin. Ikaw?
Athan: Eto loveless pa rin. hahah
Elvin: hikhik. Musta na kayo ni Yohji?
Athan: Cheh ka! Di ko pa nga namimeet eh.
Elvin: Di na sya nagrereply saken. ahehehe
Athan: Ano ba kasi tinetext mo
Elvin: Sabi ko, "ASL please."
Athan: Baka naman "Pasaload me 150. Hon last text ko na to." Kalurks.
Elvin: Hindi. "Eto new roaming number ko, padala ka 500 load dito. Miss ko na kayo dyan."
Athan: Wow di ko pa narereceive yan ha. Panalo ka jan.
Elvin: hakhak. Ako rin. Sa mga kakilalako lang.
Athan: Bagong modus?
Elvin: hikhik. Potah!
Athan: Nakakainis ka tumawa. Laging may 'k'. May plema ka ba?
Elvin: Lasheng lang.
Athan: Magkape ka nga! Sa starbaksh tayo kumape dun sa balwarte ni Yohji.
Elvin: Nagamit ko na yung GC ko eh Mishu Atan! Paramen ka naman.
Athan: Ramen ka jan?! Walang hiya ka di ka nanlibre kahit cookie lang. Choz!
Elvin: hakhak. Dinagdagan ko pa nga ng 55 yung GC. Kainis!
Athan: hahah. 100 lang pala yung GC.
Elvin: Kurek! Last Christmas pa yun.
Athan: Anoneh kelan tayo magRai Rai Ken?
Elvin: Hirap ng buhay eh. Siguro next year na.
Athan: Grabacious. Anobeh kahit magshare na lang tayo. Were so majiraffe pero I wanna retaste noh. hahah
Elvin: hikhik. Di talaga kaya eh. hehe. Pang-Lucky Me lang.
Athan: hahah. Kalurks. Magkano ba yon dabah 100+ lang? Gogogo na!
Elvin: Eeeeee nila-lang mo yun eh di ikaw magparamen. Go!
Athan: Kelangan half lang sakin noh. Sige antayin kita magka singkwenta pesos next year
Elvin: hakhak. Gusto ko kaya yung Sushi All You Can sa Sakae.
Athan: Magkano yun?
Elvin: 300 yata.
Athan: Awww mahal naman!
Elvin: Sakae Sushi buffet Japanese restaurant at the Mall of Asia (phone-camera)
Hannah from Flaircandy via WheninManila
Elvin: Sushi All You Can kaya. Naku sarap!
Athan: Puro yang pechay ang nakita ko.
Elvin: Sushi at Sakae Sushi in Mall of Asia
Elvin: Umaaaaaaaaaaaaiiii
Athan: Umami? Omg parang ang sarap lalo na nung corny.
Elvin: Badtrip! 500 daw. Hays 300 lang yun last time I checked. Potek!
Athan: Ayyy diet pala ako choz
Elvin: Teka teka may pag-asa pa. 2007 pa na post yung putanginang blog na yun.
Athan: Galit na galit ka naman sa blogger.
Elvin: Sakae Sushi: Conveyor Belt Sushi hits Manila
Conveyor Belt Sushi by kaoko via Flickr.
Elvin: 349 daw. 2009 lang yan. Mas credible. hakhak
Athan: 2-6 PM? Kalurks. Ano to rush?
Elvin: hakhak. Punta ka na agad ng alas dos. In 4 hours siguro sulet na ang 349.
Athan: Di ako pwede ng ganong oras noh!
Elvin: Libre ko.
Athan: Meron ba yan pag weekend?
Elvin: Ayy hindi ko alam.
Athan: Alamin mo go! Yung mga 2010 na blog naman.
Elvin: Sakae Sushi: Manila’s high-tech sushi place
Elvin: Potang ina. Epal! 399 daw! pero daily raw. Parehong February 2009. Yung isa 349, yung isa 399.
Athan: Di na sila nag-update.
Elvin: Alin man sa dalawa ang nag-copy paste.
Athan: Actually parang ginoogle lang nila tapos kinopya yung price.
Elvin: Eto ang malupet. Sakae Sushi (SM Mall of Asia). Basahin mo yung comment nung Aimee.
Hi there!Athan: Alam na! Pataygutumera si Aimee.
If I may share, I had a terrible experience in Sakae Sushi MOA branch. (Their Fort branch had similar slow service but that branch closed down so no point sharing my comments on it).
In December 2009, my family and I dined there. We waited 1 to 1.5 hours before our orders were served. The conveyor belt was often empty (as in 0 plates going around) to the horror of my brothers who were having the buffet. In the time that we were there (about 2 to 4 hours), we only saw 4 red plates (2 of 2 kinds actually). So much for them marketing the quality of their buffet.
To be fair to them since it was the holidays, I asked the manager if they were shorthanded. I was told they were not. And mind you the restaurant wasn’t full packed. The other tables were complaining as well. How sad.
~Posted by Aimee (9 months ago)
Elvin: Siguro kung pupunta tayo, tingnan muna natin kung maraming pagkain sa conveyor belt. Pag marami go! Kuha na agad ng marami.
Athan: Para ka lang si Aimee sa ganyan.
Elvin: Pag konti food, Tokyo Tokyo na lang.
Athan: Ayy gusto ko sa Teriyaki Boy.
Elvin: San nga ba tayo kumain dati sa MoA?
Athan: Yoshinoya. Omg kaderder yung Yoshinoya sa Mega.
Elvin: Baket?
Athan: Walang lasa. Meron ba namang mixed tempura. Nako puro kamote yatang tempura yon. Kakabwiset
Elvin: hikhik. Sino kasama mo?
Athan: Basta nilibre lang ako dun. hahah
Elvin: Tapos puro reklamo ka pa. hakhak. Tiisin muna natin. Wala pa talaga ako pang-ramen eh. Di ko nga lam kung pano ako magsusurvive hanggang sa sweldo ko sa October 20.
Athan: Tara na kasi! Ramen na!
Elvin: Ayy kanina lang purita ako, ngayon mayaman na? Bilis naman!
Athan: Baka lang tumaya ka sa Jueteng dabah.
Elvin: Ayeee! Walang kobrador dun sa cubao eh.
Ganun talaga pag labless, food ang pinagtutuunan ng pansin kesa mag-emote. Choz! At darating ang araw na makakapagsushibar kami, just you wait and see. Unti unting mararating.
Lunes, Oktubre 4, 2010
3Bex
Elvin: Hulaan mo kung sino may bertday ngayon?!
Jeremy: Si Alicia Silverstone?
Elvin: Eeeeh! Wala ka bang notifications sa Friendster or Fezbook?
Jeremy: Ayy may Friendster pa ba? Pero not to worry, alam ko na noh. Yung ex mong si Dudung. Kalurks.
Elvin: Akala ko binura mo na sya eh kaya wala na notifs. hakhak
Jeremy: Namiss mo ba? Choz!
Elvin: Nako. Hindi
Jeremy: Weh?
Elvin: Pero... kaya pala naisip ko sya kahapon from nowhere. Binati mo sya?
Jeremy: Oo naman. But why?
Elvin: Kayo na ang close. hakhak
Jeremy: Ikaw na ang charantia.
Elvin: Mapait ba yung charantia? Saka lammo ba ang project ko ngayon? Bday invitations. wakokokokoko
Jeremy: Birdie invitations?! Iinvite mo sya go! wahahaha
Elvin: hikhik. Eto sesend ko ke Dudz:
[Insert nude kuya holding birthday cake]
Jeremy: Kalurks naman yon.
Jeremy: Kalurks naman yon.
Elvin: Ayaw ayaw pa. Huy masarap si kuya aminin mo yan.
Jeremy: Parang hindi naman. Tapos yung cake galing sa Julie's pa yata.
Elvin: Titigan mo sya sa mata. Choosy ka pa.
Jeremy: Alam mo yan. Ako na ang follower ni Goldilocks.
Elvin: Di ko gets.
Jeremy: Sya ang Santa ng mga Choosy. Dabah not too hot, not too cold, just right ang trip nya. Not too hard, not too soft. And so on and so forth.
Elvin: Fine. Goldiocks and the three bex.
Jeremy: Si Mamabex, si Papabex, and si Babybex?
Elvin: Ikaw si Mamabex.
Jeremy: Cheh ka. Kaaway kaya yan ni Goldilocks.
Elvin: Go lang. May kanta naman para sayo eh.
Jeremy: Ano?
Elvin: ahem ahem
Si Mamabex ay maganda.
Si Papabex ay mas maganda.
Si Babybex ay napakaganda.
Tingnan mo tingnan mo ang bakla nila.
Jeremy: ahahahah. Panalo. Para ka nang si Lito Camo. Bwiset.
Mga etiketa:
Elvin
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)