Martes, Setyembre 7, 2010

Red eyes red

 Enma Ai by ~cagari via Flickr.



I'm sick of being sick yah know. So here I am staring in front of the monitor without anything to write. Hayyy I'll just try to come up with anything without TOO MUCH reviewing slash proofreading para it won't take weeks to finish one blog entry yah know.

Ayun may ubo pa rin ako. Been barking four days now. Nagpahiwatig sya nung Friday pa lang, naramdaman ko may namumuong pagsipon dahil ba naman sa araw araw na ginawa ng Diyos eh tinataon nyang bumabagyo kapag uwian time na.

Saturday naforced OT ako sa office para maging kargador. Sabihan ka ba naman ng boss mo, "ok lang ba na mag-OT ka?" with panlilisik ng mata habang tinatanong ka in a megaphone voice. And so there I was that hot Saturday morning. Naglalabas ng mga lumang files for shredding ng umatake si rhinitis. Ayun para akong batis ng sipon tumuloy tuloy hanggang halos madehydrate ako. Feeling ko rin tatrangkasuhin na ako that night pero anong ginawa ko? Nagpuyat kakaharvest. Sunday ayun borlogs lang paggising ko kumakahol na. More innernet naman sa hapon kaya di rin ako napahinga. Nastress lang ako kasi wala akong nightlife that weekend shett.

Monday mejo nagsubside na ang pag-ubo pero noticeable pa rin sa buong floor ako. Parang dumadagundong lang ha?! Bumertdey yung isang office namin may handang pancit at puto at ICE CREAM. Habang apat sa amin ang inuubo eh talagang naisipan nilang bumili ng ice cream noh? At mas malaking pasaway yung apat dahil ayun nakipagbalyahan sa Pistachio at Double Dutch. Yum yum! Pinalaman ko pa sa puto! San ka pa?

Kinabukasan (today na yon) dalawa sa mga officemates ko ang nagupo ng sakit, both from treasury ha.  Ano nga ba yung sabi nila, money is the root of evil? Choz! Mabait naman sila at ingat-yaman function lang naman talaga sila, although feel na feel ko yung sungay ni Malou. Sya na ang tunay na root! Choz ulit! Si Claire pinatumba ng lagnat. At ang nagmamagandang si Malou ayun natupok ng isang malubhang karamdaman na nakakadiri at di mo wish magkaron ever... sore eyes! Tuhmaaaaa! Naaalala ko lang bigla na during elementary days nagpapaniwala kami na kapag natitigan ka ng may sore eyes eh mahahawaan ka na nya. Ayyy tama yan kids, airborne sya lech! Heniweys, naniwala rin yung best friend ko si Ferdie na nagagamot ito ng gatas ng ina. Oh ha, ang gatas ng nanay para sa sore eyes?! At nagpahid din sya ng jobos sa beke nya. Sya na!

Sumasakit na ang mata ko kakatype. May sore eyes na ba ako? Omg! Wag pooooooh!

Sabi ng sign red. Stop. K. [exactly an hour ko to natapos ohh]

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips