Miyerkules, Setyembre 15, 2010

Dabadee Dabadie

Walang komento:
 
Blue Butterflies by edjane obama via Flickr.
Kung ano ang gasera sa gamu-gamo
Ganun naman ang Malur sa paro-paro. Ano daw?


Blue Party
09.11.2010


Nagsimula sa isang online voting na dinamay pa kaming lahat. Si Jan kasi may group na sinalihan, Circles chorva. Asosasyon daw ng mga tibo sabi nung foundressa kaya mejo alangan talaga ako kay Jan kung malala na ba ang tibolism nya. Heniweys ayun nga lahat na yata ininvite nya para i-like ang photo nya at mapasali sa finalists. Tapos ayun papupuntahin pala kami sa Malate para magcast ng actual vote.

Madaling araw ng sabado eh nagconfe kami nila Ezz, Jan at Mjay para lang tumulong magconceptualize ng look nya. Dress to kill daw. Josko ang Ezz pinagsasuggest na costume eh starstudded: Scream, Freddie Kruegger at Chuckie. Kalurks! Nung wala naman kaming mapahiram na damit (parang nasunugan lang?) eh nagshow na lang si Jan sa cam. Parang di mapakaling ahas sa pagpapalit palit ng color ng shirt tapos papatungan ng coat or vest. Akala ko nung una magic, camera trick o photoshop ang ginagamit nya para instantaneous ang pagpalit ng color pero may pagpause pa lang naganap na di ko namamalayan habang naka-alt tab ako. May pag-add din ng fedora at jejecap pero wala pa ring pumasa sa pang-ookray namin. Until sya na mismo ang nagdecide na dark purple shirt yata yon na may coat. Josko pinuyat pa kami sya naman pala mamimili.

Ang next dilemma eh kung ano kulay ng isusuot namin. Feeling naman namin kajoin kami sa rampahan para mahaggard sa susuotin. Lately kasi ang labas namin eh napapaloob na sa color code at ang di sumunod eh pinalilibing ng buhay. Choz! Nagpaikot ikot na kami sa black, red, white tapo ang kaeendingan pala eh blue.

Kitakits sa Rob Ermita nang bandang alas siyete. Bilang isang Filipino, nakarating ako doon bandang alas ocho na. Madaming tao sa Rob na nagkukumpulan sa gitna ng activity center. May bilyaran... may lamay ba? San ang saklaan choz! Sosyal kasi televised sya pero keber. Nasa labas lang pala sila Ezz at Ken with Jeh. Fantastic nakablue na ang lahat.

Tinahak na namin ang Jorge Bocobo patungo dun sa kontes kontesan, mga tatlong kanto from Pedro Gil. Forbest Lounge ang name ng place, katapat lang ng Sanctuario (akswali di ko rin alam kung anong meron sa sangktwaryong yan). Two hundred twenty ang entrance, at isang free beer stub lang ang attached don. Men's room ang tawag sa taas. Isang mahabang hallway na puno ng mga long tables na may couch sa gilid at bangko sa gitna. May pabalik balik na majubabs na beki kala mo si Chokoleit na rumarampa.

Yung isang waiter eh sapilitang pinaghihingi yung mga stub namin para maiserve na ang beer. Manila beer lang pala ang free beer nila, hindi pa sya ganun kalamig kaya sinerve sya with yelo sa plastic cups the kind na ginagamit sa commercial buko juice.

Nagtetext-tawag naman si Mjay kasi palate sya masyado at naligaw pa. Nakarating na sa may Manila Pavilion. Sabagay ang binigay ko lang naman sa kanya na directions eh Bocobo at Ministop. Nagtraysikel na lang sya papunta worth thirty paysows, mejo tumataas ang rate nila pag tanga ang pasahero sa directions. Huli na nga't magaling, pasaway pa rin ang Mjay, sabing blue eh ang suot nya green. Sarap sundutin ang mata baka sakaling gumaling pa sya sa color blindness nya.

Two hours later, ubos na ang beer at gasgas na si Lady GaGa at Katy Perry. Kumakabog ang dibdib ko dahil sa ubo to the beat ng bass. Bored na at walang machorva. Si Sam na walang malay na binulabog namin derecho from work eh naabutan pang magstart yung show ng bandang alas onse. Kasabay nya dumating ang group of friends ng jowa ni Jan na si Dar. Eto namang si Dar eh ewan ko ba at parang diring diri kay Lee kesyo ang ingay daw at eskandalosa, samantalang ang mga friends nya eh di hamak na megaphone to the 4th power ni Lee. Nagmukha tuloy mahinhin si Lee kung itatabi mo sa kanila.

Nagstart na rin sa wakas ang show. May umeemceeng Chaka Khan on stage na nakasilver nyort nyort skirt at black boa at isang discreet discreetang slightly chubby guy na naka white belts at shoes. Ok naman si kuya maghost, actually magaling sya umenglish ha infernezz pero si Chaka nireregla na kakaenglish eh go pa rin si teh. At boring sya maghost, di man lang mang-okray para mabuhay ang dugo ng mga beki. Pumeplaying  safe si teh ayun fail tuloy syang hostessa.

Kumanta on-stage yung isa sa finalists, si BJ ng isang Ordinary People. Maya maya may dumanz number naman ng something medley yata, ang haba eh parang 15 minutes yung routine nila. Akala ko nga may talent portion talaga pero wala naman pala. Pinresent na ang six na finalists at ang lakas namin sumigay for Jan aka Red kasi yun pala niregister nyang name. Pinagrampa sila sa hallway at andaming alangan sa paglakad. Taray, nakaheels kayo teh? As in parang pilit na magpastraight choreography sa paglakad. Sabi ni Mjay parang kakapabottom pa lang. Si Jan naman nagmamadali sa paglakad, akala mo siga sa kanto na may susugurin at biglang na lang chochorvahin.

After ng first round of rampahan eh nag-intermission naman si DJ at nakakastress talaga dahil sigaw sya ng sigaw eh di ko naman maunawaan ang sinisigaw nya. Nagpramis sila na babalik after 15 minutes pero no, 45 yata ito. Short message si Chaka tapos another hour na naman. Akswali nagpapahaba lang sila ng airtime kahit dead na dead na sa pag alingasaw ng kacornyhan yung gabing yon. Gusto pa ata nila paabutin ng liwanag.

Wala namang swimsuit competition para mabusog kami. Wala naman long gown competition. Wala rin talent portion. At lalong walang Q&A para sa major major mistakes extravaganza. Wala talaga lahat. Wala. So more on popularity ito at pagchorva sa mga judges. Ang criteria nila 60% judges at 40% audience impact. Natawa nga ako kasi sineryoso nilang 60 ang ceiling ng grades eh pwede naman i-100 tapos times .60 pero yah know di naman sila mathematician para malaman yan. Mga beki lang silang hinugot sa iba't ibang sector na kumakatawan sa mga kabekihan (mostly call cenners at parlor choz!)

Sa awarding ceremony eh nanalo naman si Jan ng Mr. Photo Perfect chorva. Yung crushee ko nanalo ng Mr. Popularity (pero bulung bulungan na binili nya yung 25 tickets para Pilipinas Win na Win). Tapos yung winner yung mukhang vorta sa kanilang lahat (pero beki sya sa piksur kaya siguro nalost ang beauty nya kay Jan) as in umiistandout daw sya sa lahat with an average score of 97! Imagine. Actually nakita ko yung grade ni Jan sa judges na umaverage ng 51.33 sa piksur category. So kung below 51.33 si winner, lez sey 51 sya at naperfect nya yung 40 eh 91 lang ang highest score na makukuha nya. So san naman nila nahugot yung 97?! Dapat jan i-audit na! Pero k fine, tapos na yung contest eh, and I remind myself di sila best in Math choz!

So ayun nakalayas na rin sa hellhole na yon. Next stop: Silya para bumreykpas. Sino nga ba yung nagsabi samin na fine dining ang Silya?! Kelan pa?! Infernezz naman sa Silya eh ok naman yung food nila pero I'm sorry iba yata ang dictionary ko ng fine dining. Nag-tapsilog ako at calamansi juice lang. Burp! Pwede na.

Implikasyon: Well may parallel na lakaran naman ako sana sa Cubao with the Boredz pero pinili ko itong event na to dahil sa support supportan school of acting. Pero yah know bored ako sa Malate. Although wala naman nakakarir sa Cubao mas enjoy ko yung cheap videoke dun with the cheap beer and the cheap cornick. Hayyy.


____________________

 In Memoriam: Sa mga absenera sa monthly lakaran dahil busy sa kakabooking eh nililibing ng buhay:
Pau ~ lumot ng Talaba
Lee ~ Lolabelles, twin sister to Mudak Bekimon

Martes, Setyembre 14, 2010

Out of Order

Walang komento:
 
Don't Worry by Divine Harvester via Flickr.

Madumi. Madilim. Mabaho. Masikip. Walang tubig. Walang pagkain. Yan yung cubicle sa dulo na forever nang nakalock.

Simula nung pumasok ako don eh ganun na talaga sya. Isa na lang ang gumaganang cubicle. Ok lang naman kasi sa urinal eh solved na ako. Although ang weird kapag SRO at may katabi ka na sa next urinal, di ako nakakapagconcentrate non. Whew!

Concerned din naman ako kapag merong nagkasabay na umeexplosive diarrhea na. Good thing di pa ako inabot ng pananakit ng tyan sa office.

Ayun lang naisip ko ang sad nung cubicle sa dulo. Nag-iisa at walang pumapansin, pwera sakin. Wala man lang paskil na


OUT OF ORDER: BAWAL OMEHI DITO.


~0~


Araw araw MRT ang way ko pauwi. Kahit isang station lang eh inee-MRT ko pa. Ang tagal kasi magbus, at ang init naman magjeep. Minsan/madalas nagra-round trip na lang ako para sumaya naman ang aking way back home yah know. Everyday kung sinu sino nakakasalamuha ko.

Gamit ang Stored value card eh nakakatipid ako sa oras sa pagpila pagbili ng ticket. Nakakatipid din ako minsan dahil sa free rides pag below minimum na ang balance ko. At yun na rin ang signal ko na kelangan ko na bumili ng next batch ng stored value card.

Kadalasan konti na lang ang pila sa Boni Stn pero minsan talaga inaabot ka ng forever kasi ba naman yung mga nasa unahan mo eh puro nagpapabarya sa counter. Ang malas lang kasi yung exact amount na pila eh di kasama nung SV na pila.

Nakita ko habang pababa yung dispenser nila ng single journey cards. Sa Purple line mas madali ang pagbili ng tix dahil gumagana ang mga dispenser pero dito sa Blue line josko laging out of order. Nagatataka lang ako bakit nila sinasaksak pa yon eh di naman pala gumagana. As if di magegets ng mga tao na out of order sya kung di nakasaksak?!


OUT OF ORDER: BATTERIES NOT INCLUDED!


~0~


As of now wala talaga akong inspiration. Hayy feeling ko disconnected ang mga parte ng katawan ko. Di na gumagana ang utak at puso ko. Wala na talaga. Panahon na ba para ikandado ang utak? Panahon na ba para plug out ang puso. Shett umeemo pa ako. Tama na, i-blackout na yan.


OUT OF ORDER: WAG TULARAN!

Martes, Setyembre 7, 2010

Red eyes red

Walang komento:
 Enma Ai by ~cagari via Flickr.



I'm sick of being sick yah know. So here I am staring in front of the monitor without anything to write. Hayyy I'll just try to come up with anything without TOO MUCH reviewing slash proofreading para it won't take weeks to finish one blog entry yah know.

Ayun may ubo pa rin ako. Been barking four days now. Nagpahiwatig sya nung Friday pa lang, naramdaman ko may namumuong pagsipon dahil ba naman sa araw araw na ginawa ng Diyos eh tinataon nyang bumabagyo kapag uwian time na.

Saturday naforced OT ako sa office para maging kargador. Sabihan ka ba naman ng boss mo, "ok lang ba na mag-OT ka?" with panlilisik ng mata habang tinatanong ka in a megaphone voice. And so there I was that hot Saturday morning. Naglalabas ng mga lumang files for shredding ng umatake si rhinitis. Ayun para akong batis ng sipon tumuloy tuloy hanggang halos madehydrate ako. Feeling ko rin tatrangkasuhin na ako that night pero anong ginawa ko? Nagpuyat kakaharvest. Sunday ayun borlogs lang paggising ko kumakahol na. More innernet naman sa hapon kaya di rin ako napahinga. Nastress lang ako kasi wala akong nightlife that weekend shett.

Monday mejo nagsubside na ang pag-ubo pero noticeable pa rin sa buong floor ako. Parang dumadagundong lang ha?! Bumertdey yung isang office namin may handang pancit at puto at ICE CREAM. Habang apat sa amin ang inuubo eh talagang naisipan nilang bumili ng ice cream noh? At mas malaking pasaway yung apat dahil ayun nakipagbalyahan sa Pistachio at Double Dutch. Yum yum! Pinalaman ko pa sa puto! San ka pa?

Kinabukasan (today na yon) dalawa sa mga officemates ko ang nagupo ng sakit, both from treasury ha.  Ano nga ba yung sabi nila, money is the root of evil? Choz! Mabait naman sila at ingat-yaman function lang naman talaga sila, although feel na feel ko yung sungay ni Malou. Sya na ang tunay na root! Choz ulit! Si Claire pinatumba ng lagnat. At ang nagmamagandang si Malou ayun natupok ng isang malubhang karamdaman na nakakadiri at di mo wish magkaron ever... sore eyes! Tuhmaaaaa! Naaalala ko lang bigla na during elementary days nagpapaniwala kami na kapag natitigan ka ng may sore eyes eh mahahawaan ka na nya. Ayyy tama yan kids, airborne sya lech! Heniweys, naniwala rin yung best friend ko si Ferdie na nagagamot ito ng gatas ng ina. Oh ha, ang gatas ng nanay para sa sore eyes?! At nagpahid din sya ng jobos sa beke nya. Sya na!

Sumasakit na ang mata ko kakatype. May sore eyes na ba ako? Omg! Wag pooooooh!

Sabi ng sign red. Stop. K. [exactly an hour ko to natapos ohh]

Huwebes, Setyembre 2, 2010

Bus-phobia?!

2 komento:

Makiki-Peñafrancia kami sa Naga sa 18 at nagsipagpareserve na ng tickets to go there. Si Jomz umarte at may plane daw sya kaso wala na rin yata seats kaya makikibus na rin sya sana pero ubos na yung seats sa bus namin...



Jomz: Friend may isang bus na naman na nahulog.

Jemz: Wag ka nga nega! Kung oras mo na go na!

Jomz: Mag-isa lang kasi ako sa bus.

Jemz: Tamaaa! Walang mag-a-identify sa katawan mo. Choz!

Jomz: Che ka! Nako mapipilitan ako magplane nito. Iniisip ko na nga eh.



Naskerd na si Jomz sa dami ng recent bus events yah know.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips