Sabado, Hunyo 13, 2009

Labor Day


Photo by franci on Flickr


Mayo Uno
May, 2009


Napanood nyo ba yung Secret Garden na movie? Merong anime dati yun sa dos na ang title ay "Si Mary at ang Lihim na Hardin" oh dabah panalo sa haba ng title. Heniweys ewan ko ba bakit may episode don na pauso tong si Mary, kelangan daw gumising ka ng maaga sa unang araw ng Mayo para sa unang hamog kasi daw may kung anong kachorvahan daw, gaganda yata yung kutis or something like that. Effective naman yung mga sabon na binebenta sa market ngayon kaya wa na care mga tao sa pauso ni Mary, di sya bumenta. Pero sakin nung bata ako non bentang benta yon. Hanggang ngayon di pa rin ako nakakaranas ng unang hamog ng Mayo. Sad na ako.




~0~


Trunks ka jan?!

April 30, 2009


Inaya lang ako ni Warren sumama sa getaway nya with friends to Puerto Galera. Ang nakaset na date eh May 2. Nung gabi ng April 30 eh nagpasama ako kay Lei na bumili ng boardshorts pero dahil ang nabanggit ko eh trunks eh pinagtawanan kagad ako. Kainis. Heniweys, di ko naman alam na may sale non sa Mega. So lumarga kami kasama ang Fitz. Nakakainis lang at sobrang hirap sumakay ng bus, kumpulan ang katauhan sa Ayala. Kahit taxi eh mahirap makahagilap. Nilakad namin pabalik balik ang Paseo pero loss pa rin kami. Ang kina-endingan eh bus din kami, mga alas siete na siguro.

Pagdating sa mega eh parang bubuyog na namagnet sa bulaklak ang Lei at bigla na lang nawala sa chaos para mamili ng kadadamitan nya. So sugod kami ng Fitz sa mga formal formalan shirts. Ok na sana pero ang mga sizes eh pulos large yata. Si Lei ay natagpuan na lang ang katawan matapos ang isang oras at di pa rin papigil kakabili. Buti pa ang damit ng mga gels eh mas mura. Heniweys, nasamahan nya rin ako pumili ng shorts ko, after nya uli bumili ng 3 more dresses.


~0~


Ahsnew!
May 1, 2009

At dahil Mayo Uno eh walang pasok sa office. Fiesta din dito sa baranggay namin dahil patron namin si Saint Joseph the Worker. Umaga pa lang nagOL na kagad ako para magtingin ng ulat ng panahon. Nasa bansa kasi ang bagyong Dante kaya nagkatakutan kami baka nga lumubog pa kami sa ilalim ng dagat kung sakaling tumuloy pa kami. So tinext ko ang Diosa, na taga-Mindoro, at nagpaconfirm ng lagay ng panahon don. Sabi nya malakas daw ang ulan. Tinext ko ang Warren at ayon sa chismis na nakalap nya eh not safe daw. So niyaya na lang nya akong magWensha na lang, since natry na namin sa Pasay, go na daw kami ng Timog.

Ang promise ko eh darating ako ng alas diyes y media. Eh sa tagal ko maligo, kumain pa ako and everything, nalate na naman ako ng dating. Sa may GMA Kamuning Station kami nagkita at dun na kami kumuha ng taxi sa side ng GMA. Ang kinamalasan eh di rin alam ng manong driver kung san ang Wensha. Tanong sya ng tanong kung wellspa daw ba. Pati mga traysikel driver di rin alam. Buti na lang sa paglingon lingon ko eh nakita ko yung likod ng sign ng Wensha. Nasa backside pala kami, welcome to ahsneW.

Pagpasok dun palit kagad ng sinelas. Then go na sa lockers, na sobrang taas ng nakuha ko. Kelangan ko pa tumingkayad, nag-umeffort talaga ako, nakuha ko pa maghanger ng pants ko dun infernezz. Next stop ligo liguan na, kaso yung water eh sobrang init, di ko ang alam kung sinasabotahe ang shower ko or talagang sira na yun dati pa at wala lang nagrereklamo. Feel ko tuloy nalapnos ang balat ko, di ko talaga naenjoy magshower. Sa pool area naman eh now showing ang The Next Karate Kid starring Hilary Swank. Natatawa na nga lang ako pano naikonek ang pagbo-ball room dancing sa karate. Maya maya enter sa pool area ang isang Korean family, at kelangan talaga nila paggagamitin yung toothbrush habang paswim swim sa pool. Di ko na rin kinaya ang pagii-steam, sobrang init at mabigat sa dibdib, parang nag-eemo lang noh?

Then go na kami sa massage area. Again, male na naman pinili ni Warren. This time mas shunga shunga ako. Malay ko ba kung anong oil ang dapat ilagay. Basta kahit anong oil, ok na sakin. Sa bahay nga Minola gamit namin, nakakapitong luto pa di ba! WAIS!!! Nakapagpigil naman ako sa kiliti ko sa pusod this time kaya di ako namimilipit kakatawa. Yun nga lang di ko malaman ang proper blocking kasi kung anu anong twist na ginawa sakin ng masahista. At least di masyadong sensual ang massage ko this time.

After non go na kain sa common area ng dining. At sa wakas nakapag-order na kami ng shabu shabu. Remember last time mami lang kinain namin. Feeling ko nga kung anu ano na lang pinaghahalo namin dun sa shabu shabu: may carrots, tofu, sausage, squid balls, at sayote. Kulang lang talaga dito ng umami. Kumain lang kami sandali then jumuwetix na.


~0~


Happy Fiesta!
May 1, 2009


So pagbalik ko nga sa house eh boborlogz sana ako kasi I feel so fresh pa sa spa. Mga alas sais bigla akong nagising sa isang malakas na dagundong. Sa kanto namin pala eh may set-up na stage at nagsisipagtugtugan ang mga kabataang nalulong sa sunog na tsinelas. Grabeh magrak-rakan ba naman? Since di naman sila kasikatan eh puro cover songs ang pinagkakanta. Ampanget nga lang kasi di man lang makasunod ang general audience kasi may sari sariling mundo bawat amateur band. Dumating sa punto na kelangan nila maghila ng audience para kumanta to the tune of I Will Survive/Picha Pie mesh up chorvaness. Meron pa nga umeeksenang lolothunder na magballroom ballrooman habang tumutugtog sila. Imagine, Picha Pie binoballroom! Kung di ba naman bangag si lolo eh!

Mega ispeysyal guest ang Nexxus band. Sad nga lang di sila ganong sikat kasi ang hit single lang naman nila eh "I'll Never Go" na nacover ni Erik Santos dati. First nila ni-perform ang "Canon Rock" na based sa Pachelbel classic. Parang nagmamatalino na naman ako, pero sa game ko talaga nalaman ang info na yan. Most ng tinugtog nila eh 80s new wave. Ok naman at mejo mashoshonda na yung nasa crowd that time kaya enjoy ang mga lolaness. Ako naman eh alam ko yung mga songs pero di pa talaga ako thundercats noh! Alam ko lang talaga! Please lang maniwala kayo ha!


BELATED HAPPY FIESTA!!! SUPER BACKLOG AKO SA BLOG NA TO. SORRY NAMAN!!!

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips