Linggo, Hunyo 14, 2009

JumajaiHo

June 11, 2009


Ewan ko nga ba anong tinira ko at napapayag ako ni Irene sumama sa concert ng Pussycat Dolls. So sila na ang pinabili ko ng ticket. Ok na sana kami sa Bronze na worth P 300 pag may binili kang Clear shampoo. Eh malay ko bang they want more than that, kaya nung may promo pala na for every 5 clear shampoo bottle eh may free Silver ticket, nagsipagbilihan naman sila. Go kung go! Halos 1k din ang nagastos ko sa concert na to ha! Di ko pa nakuha yung supply ko ng clear kay Irene pero I'm sure magmumukhang namakyaw ako sa Makro ng shampoo.

So nung araw na yun, tumaas talaga ang dugo ko kasi ba naman di kami magkaalaman kung sang side ba kami magkikita. As in mga ilang minutes na lang mag-iistart na! Kakatense talaga! Muntik ako magwalkout. Heniweys nung magstart na, ang opening number eh sa Filipino Allstars yata. Ok ok lang naman, pero PCD talaga ang inaabangan ng mga tao yah know.

After nung opening act, nagspiel na ang mga MTV VJs to introduce the PCD. Kakatawa lang nung magblack yung screen akala nung mga tao eh start na. Sabi ni Alvin may naglilinis pa daw ng stage, grabe parang may matang pusa lang. Nakita pa daw nya yung naglalampaso sa sahig. At everytime titigil ang music, titili yung mga tao feeling nila magstart na talaga. Naulit sya ng 2 times pa, walang kasawaan sa tili ang mga tao.

Nung magstart na sya finally, may powerpoint presentation talaga sila sa background. Kulang ng isa ang mga pusa, sabi nila may back injury daw sa previous concert. Dapat jan, nag-a-Anlene sya! Sana itry nya lang minsan, please lang. Emotera ang Nicole, puro ballad ang tinitira! Pano naman ako sasayaw non kung gusto nya umemo lagi. Nabingi yung iba sa tinis ng boses ni Melody, pero I lurver her singing Hey Big Spender.

May moment na parang maggu-goodbye na sila. Sigawan talaga yung mga tao na Jai Ho ang kantahin. Feeling ko nga itataas na nila yung mga placards at megaphone once di kinanta yun eh. Sana nag-mp3 na lang tayo noh kung yung lang ang habol nila. Nung finally magplay ang "Jeyhow" eh parang di naman sumayaw yung mga tao, shortcut pa yung version at parang wala na sila energy kaya di sya actually victory noh.

Natapos yung show approximately one hour fifteen minutes lang since magstart ito. Ok naman kasi naperform nila lahat ng hit songs nila. May fireworks pa nga after ng show. Sana nga eh nagspell out sila ng Pussycat Dolls don, or kahit yung fezz ni Nicole ginawa sanang design sa pyrotechnics.
Mag-post ng isang Komento

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips