Photo of The Heiress' Tinkerbell by alabang at Flickr
June 14, 2009
Sa pagbulusok ng panahon ng telenovela at mga teleserye ay malaki ang naging epekto nito sa pang araw araw na kabuhayan ng sambayanang Pilipino. Dumami na infernezz ang mga maldita, laitera, at dautera, kasama na rin ang mga estafadora at chismosa. Pinagdusa si Mara ni Clara. Pinadapa sa putik ni Angelica si Marimar. Si Arielle may Ursula. Si Janggeum may Lady Choi. At si Susan Boyle may Simon Cowell.
Sa haba ng listahan eh ito lang naalala ko, from the top of my mind: Bella Flores, Celia Rodriguez, Chandra Romero, Princess Punzalan, at Zeny Zabala. Lahat sila mga bitchessa, kahit sa acting actingan lang naman. Pati sa lokal na palengke dito sa amin may sikat na sikat na mga bitchessa, ang SCQ and Company na sila Santina, Camilla, at Queena pero sa ibang araw ko na lang sila ikekwento noh. At alam nyo ba ang sikreto nilang lahat? Umiinom sila ng isang bote ng Datu Puti para magmukha-sim! Oh kaya nyo yon?!
Well, kung di nyo kaya yan, why not try itong alternative way para maachieve ito in seven days. Di ko orig ito at kelangan ko i-thank ang sponsor kong si Miss Jackie aka bndrdandat ng FSR thread sa PG4M forums. Kung wala ka, wala ito dito kaya kinuha ko na bruha ka! hahah. Nagpapraktis lang po. In english ito kaya ihanda na ang sarili sa nose-bleeding section. Ok here we go.
Pick-up Six: Bitch Lessons
1. Bitches must have a lot of money.
It doesn’t matter how you came into it: inheritance, business, profession, marriage or divorce. The important thing is you are swimming in cash. In other words, you have to be filthy rich. Otherwise, you are not a Bitch. Just white trash. Or some other kind of trash.
2. The Chic don’t Sweat.
Bitches are extremely chic, ergo, they don’t sweat. Literally and figuratively. Bitches don’t sweat the small stuff (what to wear... Bitches can wear Mink in the Sahara.) as well as the big deals (what TV shows to star in after a 1-year stint in prison... just ask Martha)
3. The Vain don’t Complain.
Bitches are also proud to be vain. Everything has to be perfect. Even the coffee, or especially the coffee. So when they don’t get their way, Bitches don’t complain. Whining is for losers, right Ms. California? Bitches take action. They call their lawyers and sue.
4. Bitches are Fashion Don’ts.
It is more interesting to be in the Worst Dressed List than in the Best Dressed List. Bitches are very independent minded and do not follow trends. They are ahead of their time and will usually act on a whim. In their fashion choices, Bitches always stick out in a crowd, never, ever blending in the background. True Bitches never aspire to be in the Fashion Dos, rather they tend to end up in the Fashion Dont’s. And the hell they care.
5. Create Notoriety.
Bitches savor shocking other people. Close off Bloomingdales to the general public and have a private shopping spree if you are the First Lady of a Third World country, but not if you are the First Lady of the US of A, doing so is simply bad taste. Marry a construction worker after rehab if you are the Queen of Hollywood, but not if you are the Queen of the Night. Besides, Queens of the Night don’t go to rehab, they just overdose. Star in a sex video giving someone else’s boyfriend head if you are an heiress, but not if you are a sexy starlet or a Brazillian model. The public might think it was in your job description to begin with. Get extra points if you humiliate your family in the process.
6. Bitches are never wrong.
Bitches never apologize for their mistakes and indiscretions. Not to the party or parties involved or to the general public. They believe that they are always right and others should see it their way, or else, they’ll scratch out your eyes and leave you blind.
Remember, being a bitch means “never ever having to say you’re sorry.”
June 11, 2009
Ewan ko nga ba anong tinira ko at napapayag ako ni Irene sumama sa concert ng Pussycat Dolls. So sila na ang pinabili ko ng ticket. Ok na sana kami sa Bronze na worth P 300 pag may binili kang Clear shampoo. Eh malay ko bang they want more than that, kaya nung may promo pala na for every 5 clear shampoo bottle eh may free Silver ticket, nagsipagbilihan naman sila. Go kung go! Halos 1k din ang nagastos ko sa concert na to ha! Di ko pa nakuha yung supply ko ng clear kay Irene pero I'm sure magmumukhang namakyaw ako sa Makro ng shampoo.
So nung araw na yun, tumaas talaga ang dugo ko kasi ba naman di kami magkaalaman kung sang side ba kami magkikita. As in mga ilang minutes na lang mag-iistart na! Kakatense talaga! Muntik ako magwalkout. Heniweys nung magstart na, ang opening number eh sa Filipino Allstars yata. Ok ok lang naman, pero PCD talaga ang inaabangan ng mga tao yah know.
After nung opening act, nagspiel na ang mga MTV VJs to introduce the PCD. Kakatawa lang nung magblack yung screen akala nung mga tao eh start na. Sabi ni Alvin may naglilinis pa daw ng stage, grabe parang may matang pusa lang. Nakita pa daw nya yung naglalampaso sa sahig. At everytime titigil ang music, titili yung mga tao feeling nila magstart na talaga. Naulit sya ng 2 times pa, walang kasawaan sa tili ang mga tao.
Nung magstart na sya finally, may powerpoint presentation talaga sila sa background. Kulang ng isa ang mga pusa, sabi nila may back injury daw sa previous concert. Dapat jan, nag-a-Anlene sya! Sana itry nya lang minsan, please lang. Emotera ang Nicole, puro ballad ang tinitira! Pano naman ako sasayaw non kung gusto nya umemo lagi. Nabingi yung iba sa tinis ng boses ni Melody, pero I lurver her singing Hey Big Spender.
May moment na parang maggu-goodbye na sila. Sigawan talaga yung mga tao na Jai Ho ang kantahin. Feeling ko nga itataas na nila yung mga placards at megaphone once di kinanta yun eh. Sana nag-mp3 na lang tayo noh kung yung lang ang habol nila. Nung finally magplay ang "Jeyhow" eh parang di naman sumayaw yung mga tao, shortcut pa yung version at parang wala na sila energy kaya di sya actually victory noh.
Natapos yung show approximately one hour fifteen minutes lang since magstart ito. Ok naman kasi naperform nila lahat ng hit songs nila. May fireworks pa nga after ng show. Sana nga eh nagspell out sila ng Pussycat Dolls don, or kahit yung fezz ni Nicole ginawa sanang design sa pyrotechnics.
Mayo Uno
May, 2009
Napanood nyo ba yung Secret Garden na movie? Merong anime dati yun sa dos na ang title ay "Si Mary at ang Lihim na Hardin" oh dabah panalo sa haba ng title. Heniweys ewan ko ba bakit may episode don na pauso tong si Mary, kelangan daw gumising ka ng maaga sa unang araw ng Mayo para sa unang hamog kasi daw may kung anong kachorvahan daw, gaganda yata yung kutis or something like that. Effective naman yung mga sabon na binebenta sa market ngayon kaya wa na care mga tao sa pauso ni Mary, di sya bumenta. Pero sakin nung bata ako non bentang benta yon. Hanggang ngayon di pa rin ako nakakaranas ng unang hamog ng Mayo. Sad na ako.
~0~
Trunks ka jan?!
April 30, 2009
Inaya lang ako ni Warren sumama sa getaway nya with friends to Puerto Galera. Ang nakaset na date eh May 2. Nung gabi ng April 30 eh nagpasama ako kay Lei na bumili ng boardshorts pero dahil ang nabanggit ko eh trunks eh pinagtawanan kagad ako. Kainis. Heniweys, di ko naman alam na may sale non sa Mega. So lumarga kami kasama ang Fitz. Nakakainis lang at sobrang hirap sumakay ng bus, kumpulan ang katauhan sa Ayala. Kahit taxi eh mahirap makahagilap. Nilakad namin pabalik balik ang Paseo pero loss pa rin kami. Ang kina-endingan eh bus din kami, mga alas siete na siguro.
Pagdating sa mega eh parang bubuyog na namagnet sa bulaklak ang Lei at bigla na lang nawala sa chaos para mamili ng kadadamitan nya. So sugod kami ng Fitz sa mga formal formalan shirts. Ok na sana pero ang mga sizes eh pulos large yata. Si Lei ay natagpuan na lang ang katawan matapos ang isang oras at di pa rin papigil kakabili. Buti pa ang damit ng mga gels eh mas mura. Heniweys, nasamahan nya rin ako pumili ng shorts ko, after nya uli bumili ng 3 more dresses.
~0~
Ahsnew!
May 1, 2009
At dahil Mayo Uno eh walang pasok sa office. Fiesta din dito sa baranggay namin dahil patron namin si Saint Joseph the Worker. Umaga pa lang nagOL na kagad ako para magtingin ng ulat ng panahon. Nasa bansa kasi ang bagyong Dante kaya nagkatakutan kami baka nga lumubog pa kami sa ilalim ng dagat kung sakaling tumuloy pa kami. So tinext ko ang Diosa, na taga-Mindoro, at nagpaconfirm ng lagay ng panahon don. Sabi nya malakas daw ang ulan. Tinext ko ang Warren at ayon sa chismis na nakalap nya eh not safe daw. So niyaya na lang nya akong magWensha na lang, since natry na namin sa Pasay, go na daw kami ng Timog.
Ang promise ko eh darating ako ng alas diyes y media. Eh sa tagal ko maligo, kumain pa ako and everything, nalate na naman ako ng dating. Sa may GMA Kamuning Station kami nagkita at dun na kami kumuha ng taxi sa side ng GMA. Ang kinamalasan eh di rin alam ng manong driver kung san ang Wensha. Tanong sya ng tanong kung wellspa daw ba. Pati mga traysikel driver di rin alam. Buti na lang sa paglingon lingon ko eh nakita ko yung likod ng sign ng Wensha. Nasa backside pala kami, welcome to ahsneW.
Pagpasok dun palit kagad ng sinelas. Then go na sa lockers, na sobrang taas ng nakuha ko. Kelangan ko pa tumingkayad, nag-umeffort talaga ako, nakuha ko pa maghanger ng pants ko dun infernezz. Next stop ligo liguan na, kaso yung water eh sobrang init, di ko ang alam kung sinasabotahe ang shower ko or talagang sira na yun dati pa at wala lang nagrereklamo. Feel ko tuloy nalapnos ang balat ko, di ko talaga naenjoy magshower. Sa pool area naman eh now showing ang The Next Karate Kid starring Hilary Swank. Natatawa na nga lang ako pano naikonek ang pagbo-ball room dancing sa karate. Maya maya enter sa pool area ang isang Korean family, at kelangan talaga nila paggagamitin yung toothbrush habang paswim swim sa pool. Di ko na rin kinaya ang pagii-steam, sobrang init at mabigat sa dibdib, parang nag-eemo lang noh?
Then go na kami sa massage area. Again, male na naman pinili ni Warren. This time mas shunga shunga ako. Malay ko ba kung anong oil ang dapat ilagay. Basta kahit anong oil, ok na sakin. Sa bahay nga Minola gamit namin, nakakapitong luto pa di ba! WAIS!!! Nakapagpigil naman ako sa kiliti ko sa pusod this time kaya di ako namimilipit kakatawa. Yun nga lang di ko malaman ang proper blocking kasi kung anu anong twist na ginawa sakin ng masahista. At least di masyadong sensual ang massage ko this time.
After non go na kain sa common area ng dining. At sa wakas nakapag-order na kami ng shabu shabu. Remember last time mami lang kinain namin. Feeling ko nga kung anu ano na lang pinaghahalo namin dun sa shabu shabu: may carrots, tofu, sausage, squid balls, at sayote. Kulang lang talaga dito ng umami. Kumain lang kami sandali then jumuwetix na.
~0~
Happy Fiesta!
May 1, 2009
So pagbalik ko nga sa house eh boborlogz sana ako kasi I feel so fresh pa sa spa. Mga alas sais bigla akong nagising sa isang malakas na dagundong. Sa kanto namin pala eh may set-up na stage at nagsisipagtugtugan ang mga kabataang nalulong sa sunog na tsinelas. Grabeh magrak-rakan ba naman? Since di naman sila kasikatan eh puro cover songs ang pinagkakanta. Ampanget nga lang kasi di man lang makasunod ang general audience kasi may sari sariling mundo bawat amateur band. Dumating sa punto na kelangan nila maghila ng audience para kumanta to the tune of I Will Survive/Picha Pie mesh up chorvaness. Meron pa nga umeeksenang lolothunder na magballroom ballrooman habang tumutugtog sila. Imagine, Picha Pie binoballroom! Kung di ba naman bangag si lolo eh!
Mega ispeysyal guest ang Nexxus band. Sad nga lang di sila ganong sikat kasi ang hit single lang naman nila eh "I'll Never Go" na nacover ni Erik Santos dati. First nila ni-perform ang "Canon Rock" na based sa Pachelbel classic. Parang nagmamatalino na naman ako, pero sa game ko talaga nalaman ang info na yan. Most ng tinugtog nila eh 80s new wave. Ok naman at mejo mashoshonda na yung nasa crowd that time kaya enjoy ang mga lolaness. Ako naman eh alam ko yung mga songs pero di pa talaga ako thundercats noh! Alam ko lang talaga! Please lang maniwala kayo ha!
BELATED HAPPY FIESTA!!! SUPER BACKLOG AKO SA BLOG NA TO. SORRY NAMAN!!!
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips