Rubix
January, 2009
Ang pakialamerang Diosa eh one day bigla ba namang may I use this cube sir sa gamit ng Kuya Buboy. Tapos buo buo-an sya eh natagalan ako kaya nag-intrimitido akong kinuha sa kanya sabay linya nya.
Diosa: Don't touch that! Only I can touch that.
Jeremy: Touch ka jan?! Feeling Belo ka naman jan.
Diosa: You're nothing but a second rate trying hard copy cat!
Jeremy: Leche makapaglinya ka lang talaga noh. You're slow eh...
Diosa: Bukas luluhod ka sa harapan ko at magmamakaawa ka.
Jeremy: Ikaw kaya ate ang nakaluhod jan. Ang sabi ko sayo effective pa ang Cherrifer. Try mo lang. May magmimilagro pa talaga para jan sa height mo.
Diosa: Walang himala!!!
Jeremy: Akala mo lang wala, pero meron, meron, MERON!!!
Diosa: Akin na yan kasi Jerry! Show me the money!
Jeremy: Wag mo akong ma-Jerry Jerry! Yung tanong ko ang sagutin mo. What is the essence of being a woman?
Natapos ang umaga namin sa nosebleed session ng famous lines, ng dahil lang sa isang cube. Powerful ang cube na ito, na tatawagin na lang nating rubik's cube. I'm sure nakakita na nito. Yung cube na maraming kulay na halu halo? Hindi pa rin? Basta mga geeks lang mahilig maglaro nito. Bakit ba ganito name nito?! Eh kasi pinangalan dun sa inventor nitong si Pareng Erno Rubik. And take note Hungarian sya ha, pero tunog erna ang name.
Una ko tong nakita sa pinsan ko nung five siguro ako pero ayaw ako pagamitin kasi nga baka masira ko daw. Leche eh di nga nila mabuo eh. Nasa highschool nako bumili non nung tigtetrenta pesos lang. Tinuruan ako nung adik kong classmate ng technique. Akswali naggoogle na lang ako ng iba pang technique para mas mabilis. Pero wish ko pa rin matapos to ng 10 seconds lang. Una matigas yung cube ko kasi nga cheap lang, tapos hindi ko naman kinarir masyado to.
Relaxing para sakin maglaro ng cube, parang aligned ang kautakan ko kapag nabuo ko sya. Hindi naman sya scripted kasi bawat laro mo iba iba solusyon. Minsan di mo aakalaing may lesson din pala pag masyado ka nagpapakadeep sa paglalaro nito. Ang rubik's cube parang life yah know. Magulo at makulay, mahirap makipaglaro sa umpisa pero masayang buuin at ulit ulitin kapag natutunan mo.
Sabado, Enero 31, 2009
Miyerkules, Enero 28, 2009
Clearcopy
January, 2009
Sa sobrang labo ng monitor eh napagdesisyunan nang bumili ng bago, well actually hindi masyado. Tambling kami sa pinakamalapit na second hand store ng mga appliances somewhere between Mandaluyong at Pasig. Mukhang bodega yung place, siguro second hand building din to. Ano bang hinahanap mo: tv, ref, washing machine, plantsa, pc, monitor, vibrator, o tabo at timba; meron ka mahahanap dito.
So ikot ikot ako at mejo natagalan din makakita ng gusto kong monitor. Ewan ko bakit kelangan ko pa mamili ng magandang casing eh yung mismong tube lang naman ang kelangan ko malinaw. Sabi kasi ni Brother, at dahil IT sya eh mas may alam sya sakin, na dapat daw IBM ang hanapin kong brand. Eh ang 17 inch nasa 1.9k, pag 19 inch na 2.3k na daw. Oh dabah 2 inches lang ang mahal na?! Kaya pala maraming choozy pagdating sa inches na issues.
Heniweys, after elimination rounds, may finalists na ako. Isang Dell na 17-inch. Pasaway daw ba, eh hindi naman daw nagmamanufacture ang Dell, rename lang yun ayon kay teacher Ryan. Saka ok naman yung Dell na pc sa office kaya malamang ok na yan. Eh naglibot pa uli ako. May nakita akong IBM na 19-inch at in fairnezz eh mukhang good condition pa ang casing, di katulad nung katabi na mukhang nasipa na ng ilang beses. Ewan ko pano nagawang magkarate sa office nung dating may-ari non pero yun talaga ang itsura nya.
So ang price dapat 2.3k pero sa tag naman nya eh 1.9 lang?! May inconsistency?! Well haydonkker basta ilalaban ko na I'm only paying what the tag says. So ayun turo turo ako kay kuyang staff tapos dinala na sa counter. Lurkey ang ateng cashier pero pagcheck nya sa tag eh 1.9k talaga so wala sya nagawa kaya punch din sya 1.9k.
So exit stage left na sana ang drama ng biglang epal si manang garda!!! "Itz not be yah know!" ang drama ni ateng guard. Dapat daw 2.3k. So umapila talaga sya sa barangay. Uwi sa head office at sumbong sa nanay boss. Paglabas eh pilit pilitan talagang yun daw price eh kasi mothers know best daw. Ako naman eh sobrang boringgerzi na mag abang kay ateng guard, naiinis, at nagugutom kaya kahit kulung kulo na ang ulo at malapit na sanang ipacancel ang sale eh nakipagcompromise na rin. Leche! Alam nila ako nangangailangan ng monitor eh. Amfufu talaga.
So kahit inis na ako eh ok na rin. At least may magagamit na sa bahay. Pagkauwi set up kagad tapos check mails, nood ng vids sa youtube, at try maggawa ng blog pero after a while parang nagsawa din ako. Bakit nung sira yung monitor atat na atat akong mag-innernet yah know. Siguro hindi monitor talaga ang problema ko, kundi yung excitement na expecting akong may magme-message sakin. Namiss ko online friends ko noh?!
Buti na lang hindi ako nag mental breakdown tulad ni Mariah at netong si Warren na drama drama everlou sa boringgerzi. Feeling rapture na ang mundo sa lungkut lungkutan nya. Hello world?! May global financial crisis kaya at mas maraming lungkut lungkutan sayo?! Well wala naman talagang konek si Warren sa blog na to pero gusto ko lang maisingit ang global financial crisis kasi ang haba nyang phrase at natongue twister ako jan the first time I heard it.
Well sobrang tagal ding nadraft tong entry na to. Busy busyhan ako lately at mejo hinayang nga ako dahil sa gabi ko lang magagamit tong monitor. Leche! Andami ko pa write ups for submission yah know. Final filing for single individuals is before the first half of the following month yah know. Matakot kayo sa deadline!
Miyerkules, Enero 7, 2009
Adelantada
Warren: Sino nga yung isa pang soceress sa FF8? Yung nasa space?
Athan: Sorceress Amidala?
Warren: Gaga senator yun.
Athan: Di ba si Miriam yung senador? Sorceress Adel yata.
Warren: Yah yung becky na nag trap ke Rinoa!
Athan: Akswali hit ung movie nya.
Warren: Alin?
Athan: Ang Tanging Ina Nyong Lahat!
Warren: Bakit naman sya nandon?
Athan: Anobeh disguise sya noh. Shortcut shortcutan ang nemsung. Aiai DELas alas. Kita mo yung fezz? Siyang sya yun.
Warren: Ay ano be! Magkababa lang.
Athan: Nadala ka lang sa mukap. Hindi mo namukhaan talaga?
Athan: Heniweys vortang vorta ang dating ni Adel.
Warren: Becky nga kasi si Adel.
Athan: Pwede ka bugbugin.
Warren: Yah me sorceress bang otoko daba, kaya becky sya.
Athan: Tapos ipa-implant ba naman si Rinoa. Ang shunga ng lola.
Warren: Napagkamalan nyang boobs si Rinoa. At mega cast ng drain talaga.
Athan: Magaling humigop!
Warren: Drainga!!!
Athan: San ba kasing barangay sumasali ng Ms gay yang si Adel, ang chakka ng costume ha. Hindi kasi nanonood ng Miss Universe.
Warren: Kase nga all this time nasa space sya, walang tv reception dun.
Athan: Wala ba silang satellite dish?
Warren: Actually galing Bulacan sya eh.
Athan: So mega sakay sya ng Lolo Thunder to space?
Warren: Yah. From bulacan to space. Dapat hanggang Pampanga lang. Eh umabot sa space.
Athan: Ahhh sayang naman, balita ko nagkecrave pa naman sya ng longganisa.
Warren: Winner si lola mo kasi 10 feet tall.
Athan: Kalurki. Pwedeng basketbolista.
Warren: Naman. Eh becky sya so beucon sya.
Linggo, Enero 4, 2009
Malabo
January 5, 2009
Hirap ako magbasa ngayon sa monitor ko. Nasira kasi at sobrang labo na. Pati utak ko parang gusto na magmalfunction. Biruin mo ba namang lumabo nang todo todo. Azz in uber sa kalabuan, tinalo ko pa ang mataas na grado sa salamin. Habang binabasa ko ang bawat e-mail at messages sa akin ay kelangan talagang naka magnifier ako nang x7 para mejo magkaidea ako anong letter yung nakasulat. Minsan nirerequest ko na lang sa kausap ko na lakihan yung font, mga 36pt pwede na.
At andaming goodbye at hellos nitong 2009 na nag uumapaw sa mga kababablogan ng sambayang Pilipino. Gusto ko mang mag react pero hirap ako basahin lahat, well ngayon nasa ibang PC pa ako para lang makapagreact slightly.
Sa mga naputukan na mga promotor, buti nga sayo. Magrereklamo ka pa, wag na pasakitin utak ko, ang labo mo! Sa mga naputukan na biktima lamang, ok lang yan, buhay ka pa naman. What doesn't kill you only makes you stronger. Well kung naputulan ka ng body parts, wish ko lang butiki ka na maggogrow uli pero hindi eh masasanay ka rin, kalimutan mo na para hindi mo mamiss masyado. At kung talagang minalas malas ka eh condolence na lang, at least di mo na mababasa to para magreact ka pa.
Sa mga iniwan nitong 2009, move on. Tapos na ang kahapon, meron pang ngayon, maghanda ka bukas. Dahil kung magdadrama ka pa jan, wag na pasakitin puso mo, ang labo mo!
Simula pa lang tayo, wag mo sirain ang taon mo sa pagpapakanegative mo jan. Cheer up, di lang ikaw ang namomroblema ngayon noh kaya itigil mo na ang kakangakngak jan. Smile, relax, magcoke araw araw.
Sa ating lahat, good fortune ang wish ko. Pangarap kong matupad ang inyong mga pangarap ani Pichay. At para naman sa new year's resolution ko... zero. Ala akong pipiliting baguhin sa ngayon, makikiride ride na lang ako sa agos para flexi ang goals di ba. Kaya what are you waiting for? Let's get it on oh nine!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)