Lunes, Nobyembre 26, 2012

Glamorosa

Walang komento:
Ewan ko nga bakit nanalo sa voting yung Glam sa theme namin para sa Christmas party. Ok fine, sa totoo lang alam ko na kasalanan ito ng mga tao. Nagset kasi ng due date ng mga votes via Outlook at dinedma ng mga tao ito. Kung kelan kasi kabusyhan ng mga tao eh biglang nagsesend sila ng mga ganyan.

Kamustahin muna natin ang mga choices. Contestant number one is Miss Paskong Pinoy. Well, ok sana syang kategorya; makabayan ang peg. Naiimagine ko parang may regional na presentation or something. Paskong gawa sa mga dahon, papel, recycled plastics, at makukulay na tela. Pero wait, ano magiging costume namin? I know right. Next...

Contestant number two si United Nations. Suggestment actually ito para ipakita yung difference ng culture ng pasko sa ibang panig ng mundo. Pero wait, dinidiscuss pa lang todo plugging na ang mga bex ng kani kanilang bansa.

Hindi akin, hindi iyo. Kenya!

Malay mo, malay ko. Malay nating lahat. Malaysia!


Pak na pak! Pakistan. Ganyan. Miss gay ang labas ng Christmas party namin. Di ko bet. Cancel na lang pag yan. Busy ako. Choz.


First runner up si Cosplay. Hindi lang umabot dahil late na nagsipagbotohan ang mga shoobelles. I knerr. Sayang. Actually, kinatatakutan din ng karamihan ang cosplay. Di kasi nila maunawaan ano ba ang cosplay. Like duh. Costume plus play. Cosplay. Bow.

Akala kasi ng karamihan ang cosplay tungkol lang sa mga anime characters. Yes, malaking porsyento na ngayon ng mga cosplayers ay mga otakus, anime adiks. Pero tumataas na rin ang populasyon ng mga kume-KPop, na sa totoo lang eh hiram lang din naman sa Harajuku Japanese street fashion. Sa cosplay pwede ka naman magcostume ng kahit ano. Pwedeng Indian, popstar, bumbero, yosi kadiri, o senador na mahilig mamplagiarize. Depende yan sa style at interest mo.


Actually gusto ko icosplay sana si Watanuki sa xxxHoLic, either yung highschool student outfit nya or yung shopkeeper mode na. Hombongga lang kung makakapagsuot ako ng kimono.


Pero lost na lahat yan. Glam nga kasi. Last year Rock ang theme namin. Pero sa di inaasahang pagkakataon eh bakit Glam Rock pa ang nabunot namin. Two years na akong maggaglam. Ayoko naman isuot na yung red pants ko last year na di maisarado ang zipper sa sobrang kasikipan.

Iniisip ko na lang ngayon eh bibili ako ng magandang coat, plus tie na lang. Wais kasi magagamit ko naman minsan yun sa office pag super strictly business attire. Or pag may awards night choz. Or pag may innerview. Or client meeting. Or pag giniginaw at wala si Willie Revillame. Mga ganyang eksena.

Kaso pano ko kaya itotone down yun ng konti, mejo slightly rugged ang style. Parang yah know rockstar ang dating choz. Or kung paano ko maii-incorporate sa costume yung cosplay factors. Kimono kaya na may coat and tie sa top? Or coat and tie pero merong jejecap at pokeball? Nyahahah

This is not me. Di ako Glam. Di ako vogue and beat. Jologs lang ako. Pero rock. Choz.

Sabado, Nobyembre 24, 2012

Nanette

Walang komento:


Fat Black Cat by Matt Taylor

"Kaya siguro single ako kasi mahirap ako mahalin kasi I'm too controlling and too moody."


Spluk ng isang contact ko sa BBM. Wala namang masama kung nabasa mo yan lang. Iisipin mo isa na namang emoterong nag-aabang na matapos na itong malamig na pasko. But wait, there's more. Merong tragic backstory ito na magpapakulo ng dugo mo. I'm sure mag-iinit na ang pasko mo choz.

Ito kasing si teh Nanette, napakayabang. Well, di ko tlga sya knows. Inadd lang nya ako sa BBM. Ever since, nakakareceive na ako ng constant updates sa buhay nya. Remember the group message days?! Parang sequel nyan ang broadcast (BC) feature ng Blackberry in pretentiously pasushal levels.

Ang siste nag introduce sya ng sarili via BC. Parang resume slash slum notebook ito na parang pinagpipilitan sayong basahin. Imaginin mong pinipilit kang pabasahin ng Noli me Tangere o Twilight, parang ganyang level ng horror choz. So ayun nga, graduate daw sya ng Saint Louis University, magna cum laude, CPA, CMA, CFA, CIA at lahat na ng certifications kinumpleto nya. At tlgang pinost ko dito di ba, eh kebs nga syang mag ispluk ng personal info nya eh. Mayaman daw sya, may yaya na inuutus utusan, at VP ng isang company somewhere, di naman nya nabanggit eh. Parang wow ha, napakaswerte naman nyang tao di ba. Sya na!

Pero sabi nga nila walang taong perpekto. Kung saan pinagpala sya sa talino at yaman, kinapos naman sya sa itsura. Azzin chakkang, majubang, ulingling ang lola mo. Infer naman sa kanya chinito sya sa profile pic--or siguro puyat lang sya or napapikit sa flash--pero di pa rin nito maisasalba lahat ng kalidad na unang nabanggit. Sabi naman nya mayaman sya, like hacienda levels yah know. Pero bakit ganyan pa rin sya?! Sabi nila kung chakka ka at mahirap, wala ka na tlga magagawa doon. Unless siguro may makapulot sayong baliw na duktor na actually plastic surgeon tapos ipapaayos yung mukha mo para makamukha mo si Alice Dixson ganyan. Pero kung mayaman ka at chakka ka pa rin, josko ano pang silbi ng pera mo kung di mo naman maipapang-gym or pangBelo?! At dahil jan tatawagin ko syang Nanette. Dahil isa syang presumerang Inventor at dahil sa triple plus size nya.

Ok going back sa kanya, di ko tlga maikonek yung yaman at talino sa ganda nya. Ayoko naman maging superjudgmental, pero oo judgmental na ako. Yes ang chakka chakka nya. Pero iniisip ko yung mga sinasabi nyang mayaman sya at matalino. Ano yun, ego lang ba yun? Para lang somehow may laban sya sa buhay na tinatawag ni Carmi na Quiapo? Kasi kung looks and looks alone, thank you gurl ka na lang. Alam mo naman sa panahon ngayon malaking factor yan, like 60% pleasing personality, 30% attitude, at 10% audience impact. Di ka maisasalba ng miss congeniality lang choz.

At eto pa, hanggang ngayon di pa rin sya tumitigil sa pagBC. Meron daw syang BFF, kelangan pa sabihin straight daw. Ewan ko bakit kelangan pa ng labels. Ang bestfriend, mapa girl, boy, bakla, tomboy pa yan, maaccept nyo ang isa't isa regardless. Tama?

At isa pa, yung imaginary BFF nya daw eh ex nya or something. Ikakasal na daw sa December sa tunay na pechay, yes mga ilang araw lang ang preparation nila ha. Pero kung makapag HHWW daw sila ng BFF nya sa Ayala wagas. Kinwento pa sa jowang gurl nung BFF. Proud pa sila ha. Laugh lang daw si girl. Sarap sampalin.

At this just in. Meron daw syang tinerminate na tao sa company nila. Sya na ang nagpapowerplay si ate. Siguro ito yung minalditahan nya last time. May ispluk pa syang, "Go home. On Monday, I want to see you early in the morning not in proper business attire, but in your proper mind." Oh di ba kaloka. Di ko lang alam kung pinayagan ba nyang mag casual Monday si staff pero in proper mind or what. Anyways, siguro nag casual pekpek shorts si staff kaya natalbugan ang beauty ni Nanette kaya ayun sinibak na.

Ok, ako na ang may isyu kay Nanette. Kasi ang yabang yabang nya. Nabubuset ako sa araw araw na ginawa ng Diyos eh TMI sya. Too much information. Pwede bang TIMYAP na lang muna? Tang inang mukha yan, ang panget. Ok, di ko sya kilala kaya wala akong karapatang magjudge. Pero di nya rin ako kilala kaya wala syang karapatang punuan ang inbox ko ng mga yabang nya. At please, wag nya ngang sabihing single sya dahil controlling sya at moody. Pwede bang chakka, majuba at ulingling muna? Utang na loob, malas lumayo layo ka sakin baka mahawa ako.

Miyerkules, Nobyembre 14, 2012

Amalayer

Walang komento:

Photo by Animated Cupcakes via Flickr.

Amalayer (O kung paano wag maging epic fail ang public scandal)

Uso na naman yang babaitang social media sensation. Eksenadora! Imagine naungusan na nya pansamantala ang One Direction, si Vice Ganda, #KMJS at si Tito Sen. Dahil lang najiritate sya to the maximum levellations dahil daw sa isang lady guard. Ayoko sana maging judgmental, pero talaga namang bitchessa sya. Azzin, mega obstruction of public order and public policy sya dahil sa may-I-english-englishan sya dahil daw tinulak sya or somethang ni ateng Ermenguard.

Alam ko mainitin ang ulo ko minsan, madalas. Pero never pa naman ako humantong sa ganyang eksena. Like kanina sa office. Almost lunchtime na nung biglang nagpatawag sa akin yung Finance Manager namin from Melbourne. Eh yun pa naman napakademanding. Nagsimula sa mga Q&As at inaamin ko di ko alam yung process na tinatanong nya pero infernezz after ng dalawang oras at kagutuman eh nairaos din namin.

Naglunch ako alas dos na. Akala ko nga nakapagligpit na ang mga suking jollyjeep pero no. Nagstart pa lang sila... ng meryenda meals. Azzin mga sopas lang for lunch. Mabuti na nga lang merong wheat pandesal si Carol at may embotido si Jayson. Nairaos din ang gutom.

Pagbalik ko sa station ko, boom! Sabi ng Team Manager namin kelangan ko daw tapusin yung bagong process kesyo di daw kami nagsabi ng timeline kaya kelangan within the day daw tapusin. Josko, madali lang kasi mag utos di ba?! Tapos andami pang tanong na kung anu ano eh hondang honda* nga ako pauwi eh. So kesyo sumabog ako right there and then, umabout face na lang ako, nagpakawala ng malalim na exhale, pumunta sa pantry para mag-igib ng tubig, at bumalik sa station para tapusin. Ihi lang pahinga ko, makalipas ang isang oras. At eto pa, si Team Manager pala ang hohonda. Woooooooow!

At least di ako nagwala sa floor. Amalayer?! You're calling me alayer?! So, amalayer?! Ganyan. Walang ganyan. Inhale exhale lang katapat.

Matapos matanga tanga, gutumin, at paovertimin, nakauwi pa rin naman ako ng matiwasay. Natuto, nabusog, at nakatapos pa rin naman sa mga tasks. Maraming salamat na lang at may work pa ako ngayon. Kahit minsan nakakasawa na. Kahit minsan pinapaflash na sa panaginip ko na pwede daw ako magFB, magpasok ng celphone at noodles sa production area, at mag iPod, eh natitiis ko pa rin ang trabahong to. Kasi, kahit papano mas masaya pa rin ako sa mga iba jan na public enemy, super minimum wage, o zombie na sa tambak ng papers. Well, happiness is a choice nga siguro. And bad vibes are just a state of mind. Amalayer?

____________________
*honda = on the dot; walang pang OT choz

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips