Martes, Enero 24, 2012

Turnover

Walang komento:

Blackberry Turnover by jwannie via Flickr.
Literal na turnover. Over and out.


So naggoodbye na si Rabbit nung weekend at nagturnover na kay Dragon. Parang isang linggong affair lang ako sa kanya. Yah know "o kay bilis ng iyong pagdating, pag-alis mo'y sadyang kay bilis din." I can still remember how it all started. Roll flashback VTR!

Started about January 2011,  mga huling saglit na nakita ko si Sherwin. Di naman sya nategi noh, it's just that mahigit isang taon na kaming di nagpangkita. At dahil Chinese sya eh may tiwala ako sa mga iniispluk nya saking mga hula hulaan. Sakin swelte daw pera ang Rabbit. Pero lablayp malas pa rin. Kelangan ko daw ifriend ang rabbit dahil swelte sya sakin. So hokay di naman ako masyadong nagpapaniwala. Weeehh?!

That year may sumosorta pumoporma sakin eh di ko talaga bet. Ayun sinumpa sumpa pa ako, parang part two ng sumpa ni Anniel na hanggang friendships na lang lahat ng magiging future relationships ko. Ayun for the whole year wala talaga akong napala sa ganyang aspeto ng aking buhay. Kahit si Destiny na ilang ulit umepal eh di talaga kami pinagtagpo ng landas. Tatlong beses din ako umasa kay true love but no binigo nya ako. Okay fine, move on... choz atzif ganon kadali. The Script pa naman ang drama ko.

Ayon kay Sher eh yayaman daw ako. Two days before ang year of the Rabbit eh hinainan ako ng ultimatum sa previous work ko, magforce resign daw ako dahil ayaw nila akong iregularize (at para at least maganda daw ang exit ko sa company). Gumuho na ang mga pangarap kong yumaman sa slightly above minimum wage minus deductionssss kong sahod. Asan ang yaman jan? So ayun, di ko na pinaabot ng New Year ang stay ko doon para naman mejo gumanda ang start ng taon ko.

After a few weeks hired na ako kaagad sa isang BPO company, although slightly above lang sa last salary ko eh pinatos ko na rin. May plus plus naman sa benefits eh kaya bawi na rin kahit papano. Yes pinapaniwala ko ang sarili ko sa mga ganyan ganyan. And yeah after almost ten months nakaipon na ako at nabibili ang mga gusto kong bagay. Pero yah know it can only buy you so much. Dahil kahit pa gaano karaming pera ang ibigay sayo ni Rabbit di naman nya mabibili ang peace, di naman nya mabibili ang wisdom, di naman nya mabibili ang love.

So ayun kung pwede lang mamili kung swerte ka sa love o sa money, pwede sa love na lang? Or both? Kasi naniniwala akong all we need is love, love will keep us alive, love lifts us up where we belong, your love your love your love is my drug, tot-tot-tooooot love radio. And the greatest thing you will ever learn is to love and be loved in return. End drama.

So there nag going going going gone na ang Ever ready Metal Rabbit at eto na si Water Dragon. Ayon sa mga sites na nakita ko eh bad to average luck lang ako this year. So kelangan ko pa rin si friend Rabbit para additional swerte, plus kelangan ko na rin fumriend ng Dragon. Who knows what's in store. Baka this is really iz it. This year yayaman na ako... errr... magkakalablayp na. Kung magdidilang anghel si kuya Noi eh baka makatatlo daw ako this year. NKKLK! Isa lang nga eh parang milestone na sa akin yon.

Lunes, Enero 9, 2012

Pet Peeves

Walang komento:
Rabbit by Borneo Rocks via Flickr.
Easter bunny?



Naaalala ko pa nung elementary days ko bigla na lang naisip one day ng aming butihing guro na magsurvey sa amin. Ewan ko kung project sa Statistics yun nung pamangkin ng kumare nyang tindera sa palengke, o sadyang nagpapowertrip lang si Ma'am. Fill in the blanks, slumbook style, in all its English glory, punan ang mga patlang. Ganyan ang peg. Aba go lang naman kami sa aming mga murang grade one minds, take home pa sya kaya oks lang dahil tutulong naman sa amin si peyrents.

May mga motto at ambition pang nalalaman. Di ko matandaan ang nilagay ko pero alam kong hindi ko pinangarap maging accountant, sino ba nangarap nyan nung grade one sya? Parang teacher yata, policeman or engineer, parang ganyan ang uso noon. Wala pang IT at caregiver na available eh, kahit PT. Pagdating sa last item, doon na kami sumablay.

The question is: What is your pet peeve? Kahit si peyrent di alam ang isasagot. Pagpasa namin ng mga papel kinabukasan... sarbey seys... Dog ang nangungunang answer. Sagot ko rabbit, nasa 5% percentile ako, sablay na answer but nevertheless nasa top 5% ang answer ko in all its shalaness.


~0~


Since nasa topic na rin tayo ng resolution sa last post ko, and I kelangan ko talaga maachieve ang temperance na yan eto magrerelease muna ako ng ilang nakakapuno sa akin. Ang list ko ng pet peeves.

Yes, after ilang years ko lang nadiscover ano nga ba ang pet peeve. At yan ay dahil sa Youtube channel ni hotforwords, yung ateng na Russian ang eyksent yata (so medyo matigas sya at maplema magsalita) nung maaksidente akong magbijow hopping (with YT you can never can tell saang wild wild weird world ka makakarating).

Ayon kay ate HFW, peeve daw ay galing sa word na peevishness at sa Latin na perversus or somethang like that na minimean lang ni gurl eh something irritable daw. So pet naman eh yung tamang response sa "What is Rabbit?" kung nagjejeopardy ka. Put them all together and voila! Pet peeve! Isa o marami (and for me extra scoop pa siguro) na bagay na favorite mong kainisan. Parang oxymoron nga sya, something you love to hate. Parang Rumirihanna featuring Neyo lang ang peg pero yes ganyan talaga ang meaning nyan. Now I know.

And here it is ang aking list ng pet peeves, in no particular order ladies and gentlemen, at mostly pertaining sa mga tao oh my:

1. Moonwalkers. Yan yung mga taong akala mo 1/6 lang ang gravity sa nilalakaran nila. Hindi naman nakakabuset masyado kung di lang sila hahara hara sa daraanan mo at ikaw eh 5 minutes na lang eh malelate na, mag-eelevator ka pa at magbabadge. Kung pwede lang mag-one giant leap sa small steps nila eh. Luksong baka, bet?

2. Jawdroppers. Yan yung mga nakabukas ang bibig kapag kumakain. Parang di man lang naturuan ng TMRC: table manner and right conduct. Nakakajirita lalo kapag namnam na namnam nila ang pagnguya at pagngasab as if sila lang ang kumakain sa mundo. Pasakan ko kaya kayo ng mic sa bibig habang ngumunguya para marinig nyo ang kalapastangang itong ginagawa nyo sa food. And don't talk when you're mouth is food. Hanudaw?

3. Escalaters. Eto yung mga matatagal umakyat sa escalator. Parang hinihintay pa nila ang ilang steps bago sila sumampa sa escalator. Ano yan parang jumajump rope lang? "May I come in? Yes! I love you, telebird (teddybear!)" Isa rin sila sa mga cause of delays. Side question: kapag pababa ba ang escalator, tama bang tawagin syang descalator?

4. Yellow Sea. Eto yung toilets na hindi naflush. Minsan may kaakibat din na yellow submarine, albeit brown or black sya. Well, understandable naman kung taghirap sa tubig kaya walang pangflush. Pero punyeta naman may timba, tabo at gripo na sa harap mo, may watertank at bidet na eh di mo pa rin nagawa ang isang bagay na dapat ginagawa mo bilang isang responsibilidad ng bawat mamamayang Pilipino, ang dapat talaga gawin sayo eh iflush ang mukha mo sa ihi. Mabait pa ako nyan. Mabuti di ko naisip magCherrie Gil sayo ng "you're not but a second rate trying hard copycat" sabay saboy ng muriatic.

5. PDA. Public display of affection si cute and all. Pero kung balahuraan levels na eh hindi na siguro makatarungan yang pinaggagawa nyo. Pwede ka naman magsmack goodbye sa jowa mo, pero ang makipagtorrid kissing ka sa publiko eh hindi naman lovapallooza dahil nasa loob kayo ng MRT, pakshett kayo! Ok lang magHHWW habang naglalakad wag lang kapag single file ang pila at kayo lang ang halos nagsisilbing chinese garter para sa obstacle course across.

6. Mismatched utensils. Some sorta OC ko na to siguro. I can eat, but I don't like eating kapag di magkapares yung kubyertos ko. Ewan ko ba, parang may something na di pantay. Parang luslos lang, pero nasa may bandang daliri mo, at hawak mo sya mismo. Kalurks I knerr.


I know marami pa ako jan eh, pero at the top of my head yan lang talaga ang naiisip ko ngayon. Kelangan ko na sila ilet go at magmove on. How am I gonna get over you?I'll be alright, just not tonight. Yes, may panahon pa naman bago maggoing, going, going, gone si Rabbit.

Martes, Enero 3, 2012

Tempra

Walang komento:
XIV from X/1999


I didn't really have time to blog during the holiday season. Akala ko kasi marami akong freetime, yun pala wala wala wala! I was able to finish the 9 dawn masses, yay! Malaki ang pangangailangan eh. The first time I did this was 2009 nung mas malakas ang tiwala ko sa fairies and Easter bunnies and love and stuff like that. Pero binigo nya ako at nilurak pa ang puso ko kaya binoycott ko ang buong 2010 and look wa namang bitterness masyadow that year.

And then I came back for a vengeance. Parang si Soraya'ng nahulog sa 17th floor eh muli akong bumangon para magwish ulet. Well syempre tanggalin na ang mga unwishable stuff like lablayp or world peace or 1 million peso bijowke challenge or lablayp or stuff dahil never magkakatotoo yan... ok payn I still believe, happy?! Sana nakipagsimbang-tabi na lang pala ako noh pero nooooo... wala sa aking moralidad ang ganon. Pag nagsisimba naman ako eh at least 80% ng aking atensyon eh nasa altar (tao rin ako, may stimulus and response, nadadarang din).

For the first few days lagi kong tugon po sa part na "atin pong idulong ang ating pansariling kahilingan" eh tumataginting na love, love, love, I want your love, kahit sino na lang talaga... choz di naman ako ganon kadesperado. Pero I know di ako makakakita ng love sa simbahan, chapel, cathedral, shrine, templo o basilica dahil hindi naman sya hopeless place. But then naisip ko'ng mahalaga sa ngayon ang health ng family ko so naging bridesmaid muna si love. But then it dawned on me, what I really need now... yes temperance. 

Urteh, san ko naman napulot yan?! Suggestment lang ng friends. Yah know kasi I've read somewhere na ang personality ko eh somewhat acidic. Critical. Hostile. Easily offended. Ganyan. So ayon na rin kay Dra. Holmes (sino pa bang ibang Holmes? Katie ganon?! Margarita syempre choz) eh dapat daw ipack up ko ng konti ang Gretchen Baretto. Di naman ako nag-iistilettos ahhh! Dapat daw bumijowke muna ng My Way si Meredith Brooks ganyan.

Seriously, masyado kasi akong offensive mag-isip minsan. Buti nga di ko na sinasabi, binablog, tinitweet, or winowallpost lahat ng nasa isip ko kungdi matagal na akong nasagasaan sa isang eskinita o tinapon na chinap-chop sa may bandang Bulacan. Sa paparating na year of the Dragon, mas pagpapalain daw ako kung lesser ang aking bitchiness. But what can I do, but to beach around with pellow beaches. Ok payn, reduce lang ng konti, parang sorta kinda resolution ko na rin.

As yah know kasi ang opposite sin ng temperance eh rage. So ayun nga pag galit ka para kang nilalagnat ang budhi sa taas ng temperatura. So ang sagot jan eh temperance daw, like moderation. Parang sa commercials lang, drink moderately ganon. So there, sana maendeavor ko tong bagong endeavor na ito this year, kasi si Lord di na naman binigay ang wish ko. hahah

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips