Punjeta?!
(O kung paano naging epic fail ang aking planong magpaliit ng tyan)
Rice, rice go away
Come again another day.
NASH: Anong nangyari sa tyan mo?
ATHAN: Kain ng kain eh. Panget ba?
NASH: Sobrang off kaya!
Grabe, matatanggap ko naman siguro kung sabihan akong panget ako, pero kung sabihan naman akong sobrang panget eh nakakahurt na yun talaga ng feeling ha! choz. Lately (quantitatively equivalent to 7 months or so) naging abnormally large ang aking abdominal area causing quite a growing concern sa friends, Romans and contrymen. Ewan ko ba pero parang issue sya na mas malala pa sa tumataas na presyo ng bilihin at world peace. Tinatakot ako ni Chris dahil baka daw inflammation ng pancreas na daw ito at kelangan ko na isangguni sa espesyalista. Pero I thought makukuha sya sa pagdyedyeta lang. I was wrong, so so wrong, the most wrongest.
Nagtry ako ngunit nabigo, well... first week pa lang naman. As of now, minus rice muna ako, not completely yah know pero I'm starting. A journey of a thousand carbs starts with one rice ika nga. Ewan ko ba pag sa bahay parang sinasaniban ang kamay ko na tumakal ng tumakal sa kaldero kahit di ko naman talaga kaya, as if mauubos ko pero pinipilit ko na lang dahil masarap sya, at worried ako sa mga nagugutom na batang Pinoy na pinoproxyhan ko na lang. And now I'm down to one rice, yes itinago ko na ang extra rice cooker pramis!
Pero what's this what's this?! What's the meaning of this?! Kahit bawasan ko ang rice parang inooffset ko naman sa other meals yah know. Like the other day pumasta ako, then pizza, then pancit, then borjer, then popcorn, then Sultana (yah know yung biskwit na may pasas daw pero di ko naman masyadong nadama ang kapasasan). So there, for week one fail ako. Ayheytit! Di bale, pag pumayat ako... maglalaway kayo. Choz, atzif papayat pa ako. ahuhuh
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento