First time I've heard of Temptation Island eh galing sa mga movie references nila Jowein, Yves at Anniel. I've seen clips before na tinag pa sa akin, di pa ako masyadong nakarelate pero I found it kinda funny in a way. I must say intrigued ako pero never ko pinursue panoorin.
Fast forward one and a half year and voila merong remake daw. Hearing from the experts how the original movie was campy and innocent in its comedy eh I was already expecting a major major trainwreck. And then I heard si Marian Rivera nasa cast, wala nang magsasalba sa movie na to pramis.
Biglang nayaya ako nila Bash to watch it, dahil sa peer preyshur eh sumama na rin ako. What are friends for? Sa Trinoma pa talaga kami nanood, super north sa aming tatlo nila Chris pero ok lang, ewan ko ba sino nagset non. Sa kasagsagan ng Transformers napakaluwang ng Temptation Island. Pwede ka pa tumambling sa harap, if you think tamblingable ang movie na to for you ha.
The movie stars Marian Rivera as Cristina G, Lovi Poe as Serafina L, Solenn something as Pura K, Heart Evangelista as Virginia P, and Rufa Mae as Nimfa. Bagay kay Marian ang role, putang puta, palengkerang palengkera, parang natural na natural lang, parang di umaacting. Anjan din si John Lapuz as Juswa, and the boys. I'd say funny naman yung movie dahil sa hilarious lines taken verbatim from the orig (sometimes pati yung pronunciation ginaya rin nila), at funny rin naman yung mga weirdness ng whole situation although halata mong intended na yung comedy. Nawala na ang innocence, raped na ang comedy choz. Hot ang sands, hot ang gurls, hot ang guys, eh di magsayaw na lang tayo?
~0~
I went to visit Jade's new apartment, til now wala pang scheduled na house warming dahil sa looban na sila ng
The movie stars real beauty queens Azenith Briones as Azenith, Dina Bonnevie as Dina, Bambi Arambulo as Bambi, at Jennifer Cortez as Suzanne. Yes ako rin namangha sa naming convention nila to use their first names as their characters save Jennifer, kasi nawawala si Jennifer... mula pa ng 80s nawawala na sya. Andito rin si Deborah Sun as Maria, ang maid na naelevate sa nanay level sa 2011 version. Ramdam din ang screen presence ng mga actors dito, not just merely to show off their chests yah know.
Di mapapantayan ang orihinal dahil nauna na sya sa pedestal. Natural lang at hindi sinadya. Pilit mang gayahin pero di matutumbasan, di ka makakapagDorina. Ang kabitchessahan ng mga karakter ay nakaukit na sa pelikulang Pilipino. Bitch kung bitch. Double bitch kung double bitch. Avant garde na sya ang movie na to at her time. San ka naman nakakita ng movie na may nangingisda using panty hose?
Lezz compare the two versions huh:
1. What's in a name? Hindi carried over ang names ng mga beauty queens. Parang hindi naman kasi makatarungan tawagin si Marian as Azenith. At hindi naman siguro memorable kung ang name mo sa isla eh Solenn something lang. At bakit kaya hindi Jennifer ang name ni Jennifer?!
Ewan ko bakit kelangan palitan ang names. San naman nanggaling ang Cristina G, ano yang G = Gaga? Eh yung Serafina L, naiisip ko nights of Serafina, pero parang walang konek. Yung Pura K at Virginia P kung di mo pa nagets ewan ko na lang sayo. Wag ka ngang idiota?! Tonta! Sinaniban lang ako ni Suzanne ha.
2. Graphics galore. Jologs ang graphics ng original but its part of the charm. Nung makita ko yung nasusunog na yacht, tawang tawa na kagad ako sa effort nila. Nag rely ang new version sa ilang 3D CGs pero yah know its as fake as Heart's virginity choz.
Dahil Miss Magnolia si Dina, inisponsoran ng human size ice cream ang orig version, although phallic ang design. Sa new version naiba ang design ng ice cream, at I'm not sure kung Nestle o Selecta ang umisponsor nyan. Haagen Dazs? Asaness.
Sa orig version lang din pinakita ang paghiwa kay Joshua ni Umberto, with the blood effects. Sa new version mega blocking si Umberto habang chinachop chop lady nya si pare. Pare?
3. Update to v2k. Some of the lines were rewritten to match the new millenium. Like dati its ok to say wheels, when now you can say ride. Dati tape recorder ngayon ipod na. Dati wala pa nga ni beeper, ngayon may cp na at required na may signal yah know. Ang stariray naging diva.
Ang di ko lang magets eh kung noon nastranded kayo sa uninhabited island somewhere sa Pilipinas, eh sa panahon ngayon meron pa bang uninhabited place sa paglobo ng 70M na populasyon?!
4. Ending. Sa ending ni Azenith, pinili nya si Tonio. Sa ending ni Cristina G, pinili nya si Umberto. Malandi talaga si Marian, pinili yung mas borta hahah.
Panalo rin ang mga lines sa movie na to. Quotable kung quotable. Bex na bex ang mga linya at delivery. I'm sure magagamit mo rin sila kapag stranded ka rin sa isla. Everybody needs a shipwreck once in a while yah know. Samples:
"Rub a dub dub, two bitches in a tub."
"There ought to be a law against social climbers."
(Kung may 90s version nito siguro si Greta ang swak na swak as Bambi.)
"I would sell my soul to the devil for a glass of fresh water."(Nabanggit ni Joshua na may gourmet kitchen sya at gourmet chicken lang ang kaya nitong iproduce?)
"What are bitches for but to bitch around with fellow bitches."(Although may confusion sa pronunciation kung bitch or beach ang naturan).
At ang walang kamatayang:
AZENITH: "Walang tubig, walang pagkain. Magsayaw na lang tayo!"
MARICEL: "Ayoko ng walang tubig. Ayoko ng walang pagkain. Ayoko ng putik!"
Ansabeh?