Biyernes, Disyembre 24, 2010

Ham


Ham Yumminess NYCviaRachel by via Flickr.
Isipin mo na lang ham yan.


Ang tagal ko nang di nakakausap si Eile. Last time nagkachat kami eh puro IQ test ang pinagsasabi nya. Ngayon naman naninikluhod kaming humihingi ng awa na limusan kami ng pang-Noche Buena. Kelangan Purefoods quality or above. Choz! Marami kasi umaarte this time of the year yah know. Si kuya niregaluhan ng ham ang comment ba naman nya eh yung ham daw galing lang sa bangketa. Kalurks. Pasalamat ka na nga lang at may umiistar of the noche buena feast ka samantalang yung iba walang makain.

Eile:  So saan ang inuman ngayong pasko?

Athan: Wala nga eh.
Liver lover muna ako. hahah

Eile: Ikaw na!
Athan: Eh ikaw san ang inuman?

Eile: Di ako umiinom eh... strict ang parents ko. Hanggang Tang lang.
Athan: Tang?! Nako nakakalasing kaya yun. Lakas tama. hahah

Eile: Oo nakakakulay pa ng dila.
Athan: And in many colors pa. May violet, may red, may blue, at pinakamatapang ang orange. hahah

Eile: Anong flavor ang blue? Lysol naman ata yun.

Athan:  Antibac flavor daw.

Eile: Sarap at healthy pa! Handa naming pasko eh ginayat na ampalaya. Andame kaseng bitter eh. So there.

Athan:  Kesa naman ginisang pechay. Gusto mo ba kumain ng pechay? Paskong pasko. Josko! hahah

Eile: Ano ito yung pechay na inasinan lang? Ano ba yan! Sana yung may flavor naman bago ginisa.

Athan:  Ibababad muna sa Tang para may tama. hahah

Eile: Sabi na eh. Nasa bahay ka niyan? Ako nasa opis pa. Kakagalit! Parang computeran lang naman dito. Pinapasok pa ko.

Athan: Oh gudlak naman sayo. Kelan kayo pauuwiin? Pag tapos na magslice ng ham? Mehganon?!

Eile: So wrong. Luluwas pa nga ako ng Tuguegarao eh. Mahuhuli na ko niyan ng bus.

Athan:  Seryoso? Ang lapit lang ha.

Eile: Sana pwede mong isulat at isend sa MMK

Athan:  Oo. Tapos may eksena sa CR na umiiyak ka sa tapat ng urinal kasi naubusan ka ng ham.

Eile: Sana naman na-flush yung urinal.

Athan:  Akswali may sumuka sa urinal ng ham kaya ka naiyak.

Eile: Dapat manalo ako ng award nito grabe ang pagtulo ng luha ko dito. As in pang Cannes!

Athan:  Hindi lang Cannes pati Grammy makukuha mo. Kasi may musical number sa urinal habang umiiyak ka.

Eile: Duet kame ni Charice! Hello hello baby you called I can't hear a thang...

Athan:  Tamaaaa. Nasa urinal din si Charice. Umiihi ng patayo. Homg.


Hulaan ang title ng MMK episode na ito. Just type in MMK <space> <answer> at isend mo lang yan sa 2366. Promo runs til December 24.


~0~


Hindi sa handa sa iyong hapag, o sa mga regalo sa Christmas tree, o sa dami ng ribon, eskoses at bumbilya (wala yata kaming eskoses... ano ba yun ha?) ang sya'ng mahalaga sa araw ng Pasko, kundi sa love na maiseshare mo. Kaya give love on Christmas day. Pero nakakain ba ang love? Meron ba syang pineapple sauce? Isipin mo na lang ham yan, and it will keep you alive. Mehganon?!

Merry Christmas!
Mag-post ng isang Komento

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips