Martes, Agosto 31, 2010

August Hangover

 
Gilbey's Premium Strength by Arvin Lim via Flickr.
Alcohol to bring me down...


Sa slightly kabusyhan ko eh di na talaga ako nakakapagblog ever. Malapit ko na iembrace ang Tumblr and its quickie blogs. Yung Twitter naman eh too short to be considered a blog. Kaya eto sa isang tambakan ko na lang ipopost lahat ng lakad at observations sa buwang ito. Di ko pa nga tapos yung burdey blog til now pati yung isan g special feature. Pati mga reviews ng movies, books at games. Shett wala na yata akong time sa pagsusulat maliban sa linking ng worksheets and balancing ng figures.


PJ Party

08.14.2010


After ng one year anniversary ng current batch ng FSR eh napagkasunduang ituloy ang dating naudlot na PJ party. May ilang nangangarap pa ng mga fashion show in undies, manicure/pedicure, at chikkahan galore. Pero gaya ng maraming planadong lakad eh di ito nagmaterialize as expected.

Kaming tatlo nila Herson at Ian ang naghanap ng hotels. Yung GO Hotels sa Boni eh good for two lang daw. Hinila kami ni Ian papuntang Taft kasi DAW may alam DAW sya don. Unang stop ang Kabayan Hotels na good for four lang ang family package. Bawal din daw mag-ingay. Hindi ba soundproof ang rooms? Gawa ba sa plywood ang walls nila?! Next stop ang Sogo. Josko labas pa lang ng door eh may nag-aalok nang bugaw. What you're selling, I'm not buying... EVARRR! Good for two din ang Sogo, at take note ang guests meron lang two minutes para magstay. After non eh kinaladkad kami ni Ian along Edsa papuntang Harrison, habang tumatakbo sa ulanan. Parang umaamazing race lang. Dinaanan namin yung Mahal Kita Drive thru motmot pero same lang na two max ang admitted. Pagkatapos kaming pagurin ni Ian eh pababalikin din pala kami sa Boni, biglang litanya ng "buti sinamahan ko kayo baka di nyo kinayang makarating dito." Nagkatinginan na lang kami ni Son at comment back na "kung wala ka Ian baka di talaga kami tutuloy." Nagdecide na lang kami later na either makisquat sa Renaissance Hotel room ni Jack or take one at Holiday Inn.

The exact date nagchicken out kami sa Holiday Inn on count na baka macharge kami per head ng 1k. Change location at nauwi kami sa house ni Ron sa bandang Greenpark sa Pasig. Maganda sana yung place wala nga lang signal sa mga phones. May intro sequence sa mga dumalo.

Later naglaro ng charades keh iingay lang ng mga tao. Enter frame si Jackie with jowa pero naskerd na si Francis sa mga beki kaya di na bumaba sa car. Nabangag ako ng slight dahil sa penalty na isang shot ng Dabar pag natatalo sa charades. Nung magkanya kanya na ng gawain eh may ibang nanood ng indie films, may nagsmoke at nomo sa labas, may ibang nanood ng porn at yung iba naglaro ng poker. Nakipoker din ako with Darrel and Chris at lucky enough para makuha lahat ng chips. In between  shuffles eh nagsisingit si Chris ng mga questions about love. Kung sana ganun lang din kadaling mapanalunan ang love, ite-trade ko lahat ng chips na to.

Natapos ang party almost 5am. May ibang naligaw sa mga kalsada. May nagsuka para mawala ang amats. Sa BeckDo Ortigas/Meralco na kami nagpaumaga.



Madyekseng!
08.19.2010


Niyaya ako ni Irene sa kanyang house somewhere in Makati para sa late burrdey celebration. Nanghingi lang ako ng directions pano makarating don at tulad ng aking lumelevel up na skills in public transpo eh natunton ko naman ang Caton Street sa may barangay La Paz sa Makati.

Ever present ang mga ex-officemates from Philam, sabagay ako lang naman ang naligaw ang landas sa kanila. Absent si Alvin at si Karen, na matagal ko nang hinahanap dahil sa hinihingi kong Smartmatic pen.

May spaghetti na niluto sila pero imbes na reddish ang color ng sauce eh orangey ito akswali. Feeling ko napadami ang gamit nilang cream or whatever. Luto pala yon ni Steph at Ate Sel pero nilait lait ni Chang. Nakikain na ako ng spag at pizza. Nagstart na rin silang magkantahan sa magic sing na dala ni Ms Zen. Todo lagay ng songs sya pero ni isa walang kinakanta, puro requests lang pala. Si Steph more songness kasi yun naman talaga ang talent nya. Baka daw di sya blessed sa cooking skills.
Si ate Sel din di kumakanta, pinapakanta ni Chang kasi baka sa singing din ang talent nya.

Maya maya eh nalowbatt na yung mic, mehganon pala?! Nilipat na lang nila sa TV5 yung channel. Loko Moko U ang palabas. Tawang tawa silang lahat sa mga jokes pero kahit smile eh di ako namove. Para syang updated na Tropang Trumpo ang pinagkaiba lang funny ang TT. Andaming recycled jokes na dapat ginagawa na lang fertilizer. Tinapos pa talaga nila yung show bago magsipag-uwian.



Banchetto
08.20.2010


Nimeet ko si Alver sa Pioneer para lang maintroduce ako kay Yohji sa Sbux. Umuulan na sa Boni that time. December 09 pa ang last meetup namin during the times na kumocosplay pa sya as Kadaj (otherwise known as storm sa mga di nakakaknows) at ang comment kagad nya sakin eh ang taba ko daw shettness! Unfortunately eh nakaleave ang sadya kong barista that night so napilitan na lang kaming magtransfer sa Banchetto to meet Jade. Nasa area din si Chris that night kasi may meeting sya sa Ortigas. Worried kami na walang open na stalls dahil umuulan na pero ang Ortigas pala eh tuyong tuyo!

Wala ako sa appetite na kumain ng food that night pero busog na busog ang mata ko sa mga tao. Yung crush kong calves sa shop ng pasta eh di ko nasight kasi nakapants yung guy shett sya!
Bet ni Alver kumain ng lumpiang sariwa at ako naman eh arroz valenciana pero di na lang. Nagsandwich lang si Jade, si Chris hotdog, while nanood lang kami ni Alver thinking parang may sexual connotations yung mga menu.


White Party

08.21.2010


White ang motif for this bijowke night. Nagmeetup kami sa may KFC Cubao, na meetup place din ng karamihan ng sangkabekihan. Biglang umappear din si Sherwin with jowa para masight ang crush nyang si Jan, gusto lang nya iconfirm ang kanyang powers to know the size ng junjun ng isang lalake yah know.
One year anniversary ng first joining ni Lee (aka Lolabelles ang twin sister ni Mudak Bekimon) sa P5 kaya nung nabalitaan nya na ililibing na sya sa group sa 2 months absenteeism nya eh biglang umappear na sya. Ang absent lang eh si Paulita Gomez kasi busy sa mga chorva nya.

Sa Starion kami bumijowke, mga three streets away sa dating Satellite at Starlites. Mas maliit ang kwarto dun, ipagsiksikan ba naman ang siyam na tao eh talagang sardinas kami sa loob. Di rin masyadong ramdam ang aircon, napagkamalan ko ngang electric fan yung exhaust nila eh. Yung drinks di rin malamig, yung yelo parang dinurog lang mula sa malaking bloke na kadalasang nakikita kong hinihila sa gitna ng kalsada sa mga palengke.

Nagsipagsong number na ang mga tao. Si Mjay eh beking beki lang sa mga song choices na Fame at Listen. Si Lem naman mga rock songs ang tinitira. Syempre si Ken pa rin ang ginagaya ko sa biritan. Napagtanto ko na ang bagay na songs sakin eh yung may rock-like qualities kaya diniscard ko na ang nasa playlist kong mga Tina Arena at Kelly Clarkson choz. Natuwa lang ako ng kinanta ko ang Himala ng Rivermaya kasi kinaya ko yung long note sa dulo with the wave effects, nakakuha pa ako ng pity applause hahah.

Bago umuwi eh nagyaya pa silang kumain ng lugaw. Merong malapit lang na lugawan don na di kasarapan pero laman tyan na rin. Merong sangkap na sinangag na bawang pero parang nougat na sa kakunatan ito. Nagsipagorderan pa sila ng egg pero umokey na ako sa plain lang, basta maraming paminta at patis ok na ako don.

Bago umuwi eh napahinto kami sa kanto ng Aurora sa kakaantay ng mga masasakyan. Sumingit bigla ang isang tindera ng dyaryo na pinapaalis kami sa pwesto nya kasi daw natatakpan namin. Kung maayos sana ang salita nya eh uurong kami pero sa tono nya eh feeling nya sya ang may-ari ng Cubao. Nagkasagutan kami at di ko napigilan ang sarili kong sabihan sya ng, "Pwede ba sa susunod gamitin mo muna ang utak mo bago ka nagsasalita jan." Ang sagot lang ni teh, "Bakla ka!" Ayyy so what?! Uulitin ko ba, pakigamit ang brain bago magsalita. Dedma na nga lang, pero habang dumadaan kami sa pwesto nya ohh ang lakas talaga ng loob ni ate na makipagtitigan ng masama, at di ko sya uurungan don. Bwahahah



Papus
08.28.2010


Second time na naming pumunta dito sa Papus sa may Katipunan. As usual talamak na naman ang sangka-luluhan dito. Parang Ryan Seacrest is to Malate as Ellen DeGeneres is to Katips. Choz, baka idemanda ako ni Ryan pero di ba sinabi nya, "Seacrest, OUT!" Choz ulit!

This time jumoin samin si Ian. Umorder kami ng dalawang bucket na combo ng Gilbeys at Tanduay Ice. This time walang kasamang kropek kasi out of stock daw, ang pinalit nila isang platitong roasted highland legumes na hindi pa hubad! K fine laman tyan din yan. Si Ian nakakastress, sa laking tao nya eh ang weak weak sa alcohol, dalawang Ice lang ang kinaya huh. Umorder pa kami ng sizzling hotdogs pero pweh naman lasang Rica hotdogs (remember this one? yung cheapest hotdogs yata na di ko sure kung nasa market pa rin) na binabad sa ketchup. Ilang bottoms up pa eh tinamaan pa ako.

Gumora kami papuntang McDo Katips para magcoffee at magpababa ng tama. Pero pagsandal na pagsandal ko sa upuan eh hinila na ako ni Mister Sandman. Bandang alas tres non. Pagmulat ko alas sais na! Shett, buti na lang di ako nag-iisa. Si Son din bumorlogz, at apparently yung ibang mga ateng sa kabilang table din.




Wensha
08.29.2010


Since bakasyon naman eh kinontak ko si Warren na magWensha naman kami. Ang tagal nya nagreply yun pala alas onse na nagising. Nagyaya biglang go daw kami kahit madaling araw. Ang meetup sa KFC Cubao ashushwal. Pinag-antay pa nya ako ng 15-20 minutes. Mejo tensed ako kasi nakatingin sa akin yung ibang grupo ng mga beki na nagkikita kita din don.

Akala ko magwe-Wensha lang kami pero no, may bijowke palang involved. Sabi ko sa Satellite na lang kami kumanta kasi ayoko makita yung ateng magjajaryo sa kanto malapit sa Starion. Go! Mejo maluwag ang Satellite pero sa Starlites mukhang bongga sila that night. Isang bucket na Red Horse, isang platitong cornick at isang order ng sizzling mushroom eh go kami. Tuwang tuwa naman ako dahil nagstartoff sa maganda ang singing ko. May encore ng Himala na kinakarir ko na yata recently. Sa totoo lang maaga kong naubos ang boses ko kakakanta ng mga birit.

Tumransfer din kami sa Wensha later around four am. Sa wet area eh nandun lang ako sa hot pool, nakafloating lang kasi natutulog na nga ako. Di naman nakatulong yung steam room sa pagpapa-evaporate ng tama ko. Nagyaya kagad si Warren na magpamassage na kami. Ang haba pala ng pila sa massage kaya nagpamanicure muna sya. Madilim sa room ng manicure, napapikita ako sandali pero mas nayugyog yung ulo kasi sandali lang eh ginigising na ako ni Warren.

Nag-antay pa uli kami ng additional thirty minutes bago namassage. Wala nang available na male masseurs kaya babae na ang pinili ni Warren. Mas masarap nga daw magmasahe si ate eh, may pagtapak pa sa likod. Yung masahista ko naman mainit yung kamay. Ang taray, fertile ka kuya? At kahit antok ako eh ramdam ko ang pressure sa bawat haplos nya choz! May pagpapaalam pa nga kung lalagyan ng oil yung tyan ko, infernezz nawala na yata ang kiliti ko sa pusod kaya mas relaxed ako.

Sa dining area eh konti lang ang food na available kasi kakasikat pa lang ng araw. Actually ang ulam lang eh parang durog durog na mechado and/or caldereta like substance. May soup din na may corn, tofu at egg yata na feeling ko eh galing dun sa mga tira tirang ingredients for shabu shabu. Kung alas diez na sana eh meron nang shabu shabu. Pero ok lang naman kasi di naman ako ganon kagutom, akswali mejo nagrerebolusyon pa ang tyan ko sa halu halong nakain ko in two days.

Nakatutok sa Star Movies yung TV at showing ang 'The Day the Earth Stood Still' starring Keanu Reeves at Jennifer Connelly. Habang pinapanood ko eh andami kong questions at comments kay Warren. Maraming movies ang nagpapop-out sa imagination ko na may theme about alien invasion at end of the world scenarios. The Invasion ni Nicole Kidman, Mars Attacks ni Jack Nicholson, Knowing ni Nicolas Cage, Evolution ni David Duchovny, etc. Kaderder lang yung mga large white kuto like viruses ha. Pati yung acting ni Keanu reminds me of another actor, si Jacklyn Jose. Yah know Jacklyn's monotone speaking vs Keanu's stoic acting?! Gusto ni Mr. Fu ng ganyan. Isa lang masasabi ko, in monotone: "Tigilan na natin si Keanu Reeves?! Klaatu barada nikto! Choz!"



Implikasyon: Kahit mejo stressful ako sa work basta may beer ako eh happy na ako. Choz! I mean friends. Basta kasama ko friends eh mejo gumagaan ang feeling. Yah know friends to pick me up when I'm down. Friends are my brand of stimulant. Inaamin ko, adik ako sa kanila! Choz!

2 komento:

Fickle Cattle ayon kay ...

I love Banchetto. Too bad hindi ka nakakain.

Hindi ko masyadong trip ang tumblr. Actually, dahil hindi ko sya maintindihan. Hahaha. Ang twitter naman parang ang gulo gulo.

http://ficklecattle.blogspot.com/

JeremyCroise ayon kay ...

wow thanks sa pagbisita dito ha. pano mo naman natunton to omg. hahah.

heniweys may friend kasi ako dun sa emerald kaya pag nagyaya pumupunta ako minsan. pero sa dami ng food parang nauumay ako. heheh

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips