Sparkles
06.20.2010
Sa sobrang bad trip ko kagabi eh pansamantala kong puputulin ang pagsusulat sa mga naunang blog entries para bigyang daan itong worst of worst na lakad ng Fab5.
Hindi na natuloy ang lakad to Anawangin dahil in need of money sila Ezz at Ken para makapaglipat sa new apartment kesyo pinapalayas daw sila dahil apparently kayang magsira ng water tank yung tuta nilang si Archie. That is just so Bolt! Or gawa sa papel or plastic siguro yung water tank. Choz! Heniweys, hindi na natuloy yung lakad na yon kaya pinalitan na lang ng videokehan blues sa dating Satellite sa Cubao.
The original plan for the night is kainan at nomohan sa house nila Jan at Dar sa Muñoz before going to Cubao around 1am. Biglang change of plans 11pm na lang daw sa Cubao na mismo magkita kasi umaattitude si Dar at ayaw na kaming papuntahin don. Wala pang isang oras may change of plans na naman. 8pm daw sa SM North para papunta kami sa Katipunan kanila Lee. Wala pang isang minuto may follow up na naman sa Caloocan na daw sa tinatambayan ni Lee na house doon.
Umulan at bumagyo bandang alas singko ng hapon. Nagtext sila Ezz na on the way na sila ni Ken kasama ang Pau. Sinabing kong ialay na lang si Pau sa dagat para humupa ang bagyo pero hindi sila nakikinig eh. Ang ending hanggang tuhod ang baha sa labas ng bahay at kelangan ko pang magpababa ng water levels.
May lakad din ang FSR that night at tinext ko na si Herson na dadaan lang ako. So there I was en route to Galeria nang magtext uli ang Ezz na nasa megamall area na sila, akswali same area na kami non at pwede na akong tumuloy to SM North pero I didn't. Nagpramis akong dadaan sa FSR. Tinext ko na 9pm na lang ako pupunta sa SM North.
Nasa RaiRaiken kumakain ang FSR. Eight members lang ang umattend sa supposed libing* ng site na tinatambayan before. Andun si Red (sa kanyang last public appearance daw), si Jackie, si Herson, si Yanyan, si Sherwin, si Harty, si Yuls, si Chris, at ang guest ni Chris na si Raf. Si Raf na ang bumulaga kasi may past pala sila ni Son at Yan kaya etong choserang Red eh may pagko-confirm sakin kung may past din kami ni Raf. Sabi ko oo, nameet ko sya sa White Party '09 with Mitch and Yanyan pa.
Nakita ko yung tattoo ni Jackie na pina-edit nya. Yung dating nakasulat eh kinkou (Jp. balance or equilibrium) pero ngayon dinagdagan ng character at flowery designs. Nakasulat na ngayon eh fukinkou (Jp. imbalance) na ayon kay Jack eh mas suitable sa persona nya.
After ng dinner eh go na kagad sa cinema area para bumili ng tickets. Magpapaalam na sana ako pero parang something is pulling me to stay. Parang gravity lang? Choz. So ayun napilit nila akong magwatch ng Sex & the City 2 thru peer preyshur.
~0~
Mini Review: Okay naman yung SATC2. Clever script, funny lines, pero parang maraming scenes ang nagdrift sa center yah know.
According to Jackie, the movie is a nod to all the gay fans of the series. Love nya pa naman yung Empire State of Mind pero inis na inis sya dahil the most wrongest greymar yung "Concrete jungles where dreams are made of."
Bongga yung gay wedding ni Stanford at Anthony (stop calling it a gay wedding) dahil may swans pang involved. White sya, like a virgin daw, at parang si Ice Queen ang wedding planner. It was fun seeing Liza Minelli performing Single Ladies. Ayon sa chikka eh when there's too much gay energy she just materializes. I wonder bakit di sya nagmaterialize sa group namin, hindi kami ganun kapowerful?!
Glamorous ang mga wardrobes. Natawa ako dun sa dress ni Samantha na kaparehas ng sinuot ni Miley Cyrus. Infernezz kay Miley eh inapproach pa nya si Samantha para ipakitang same taste sila. Mejo nabawasan ang inis ko kay Miley ng konti.
At ang shala shala lang ng stay nila sa Abu Dhabi. Mejo sensitive pa naman yung topic about difference ng culture yah know pero ayaw paawat ng movie go talaga sila. May spring collection pa silang nalalaman sa mga Arab girls, that is so Hollywood daw according to Red. Natawa ako sa kagagahang ginawa ni Carrie nung maiwan nya yung passport nya sa sapatusan aka Mr. Quickie.
Sosyalan ang overall feel ng movie, with all the branded and expensive stuff. I NEVER felt more hampaslupa... EVER! Like everything's so mahalia jones! Sabi nga ng isang Lasallistang acquaintance ko, poor people lang daw ang kumakain sa food court, pero kung makautang naman si ateh walang bayaran. At least yung mga tao sa food court may sariling pera noh?
To summarize the movie in a few words: Marriage (or its equivalent) is all about the sparkles. You don't need to decorate it with golds or diamonds, sometimes you just make it work, just the two of you.
And, if you like it then you shoulda put a ring on it. Choz!
~0~
After ng movie eh mejo natagalang magdisperse kasi naman di malaman kung lalakad pa sila. Saturday night yun so tama lang na may gimik after pero di sila makapagdecide kung san pupunta. May gustong pumunta ng Cubao, may gustong pumunta ng E. Rod, may gustong umuwi. In the end, nanalo yung pauwi.
Ako naman nagtext na kay Lee ng directions to Caloocan. Pinasakay na nya ako going to Monumento. Aaminin ko di ko kabisado ang way to Monumento. Pero having the inner Dora in me eh go ako. Laging nakadungaw sa bintana naghahanap ng landmarks. Alam ko lang kasi na Monumento na kapag andun na ako sa Victory Mall, eh sa kabilang kalsada pala yun. Muntik pa akong lumagpas buti na lang nakita ko yung monumento na mukha namang under construction. Ang dugyot ng buong place kasi maputik pa. More lakad ako to Monumento LRT Stn. May malapit na MiniStop don at may sakayan ng tryke patungong 7th Ave.
Sa kanto ng 7th Ave at Baltazar may lotto outlet. Yun ang pinahanap sa aking landmark ni Lee. Welcome to Barangay 56 somewhere in Caloocan. Kinaladkad pa nya ako sa isang tindahan para bumili ng yelo. And then ayun na gora na kami sa bahay... ni Lola. Isang lumang bahay gawa sa kahoy. Ang dilim dilim dahil pundido na lahat ng ilaw. May sala area na puno ng alikabok. Tambayan din yata to ng mga white lady.
Nasa loob ng isang room sila Ezz at Ken na nanonood ng DVD. Tumba na ang Pau at Mjay, at natutulog na din ang may-ari ng tambayan kasama ng jowaers nya. Hindi ko na nagets yung istorya ng Vhagets na indie film, about yata sa mga jejemon na beki or something like that based sa title. Choz!
Maya maya sinalang naman nila ang Standing Room Only na gay indie film. Josko bad acting, bad casting, bad script, bad cinematography. Lahat na bad! Si Sheree lang at si Ana Capri ang saving glory ng film yata. Infernezz natuwa ako sa ranting at cursing in one breath ni Ana. Nakakaloka din yung linya ni Sheree na nagrereklamo: "Pusang ina mo! Sabi mo tatlong daan, tapos singkwenta pesos lang ibabayad mo! Ang sakit na nga ng suso ko kakalapirot mo! Nagpaputok ka pa sa labi ko!" Ayy si kuyang extra sumagot naman na dapat si Sheree ang magbayad sa kanya! Ang gwapo lang ni kuya. *gwark* Hindi na namin tinapos yung movie nung dumating si Jan. Go na kami sa videokehan.
Nagtryke kami to 5th Ave para sa malapit na Bestfriends. Ang nakakaloka kahit ang linaw na nakapaskil Open 24 hrs eh closed na daw sila sabi ni Manong Gardo. Lakad kami pabalik at may narinig kaming may tumutugtog ng Single Ladies, sabi ni Lee may videokehan daw don, pero turns out nagpapraktis lang ng sayaw ang mga hitad. Sa kabilang Bestfriend daw kami gumora sa Samson Road. Sumakay kami sa taxi na pinakiusapan lang na pagkasyahin kami. Imagine pitong beki at isang tuta sa iisang taxi! Si Manong driver naman kung san san pa kami inikot eh derecho lang naman yon along Rizal Ave. Umabot ng 150 yung bill pero sinindak sya ni Lee at bumagsak sa noventa lang. Ang ending sa Bestfriend closed na rin yung videoke nila.
Naglakad kami pabalik ng Monumento at nang makakita si Lee ng isang beerhouse eh pinatulan na talaga. Nakakaloka! Required bang tumable dito? Kaderder lang. Sa second floor kami pinapwesto, malayo sa kabihasnan ng mga straighties. Chumichikka pa si ateng na under new management na daw yung second floor.
Masangsang ang amoy ng lugar. Parang kahoy na nabasa at natuyo ng paulit ulit. Madugyot din ang mga table. Nagserve si ateng ng dalawang Red Horse Grande, dalawang baso lang at more yelo. Ayy tagayan pala ito? Mas bet kong umiinom sa bote kesa sa baso eh! Infernezz naman sa machine eh mejo bago yung mga songs nila pero wala na talaga ako sa mood kumanta. Bertong badtrip tawag nga nila sakin. Di ko naman talaga maitatagong frustrated ako sa lakad na ito. Masaya silang nagkakantahan ng mga tagalog na emote songs. Naidlip na lang akong nakasandal sa monobloc. Di ko nga namalayang umulan na sa labas. Maliwanag na ng lumayas kami sa beerhouse. Charge it to experience na lang, mahalaga itong bahagi ng aking jologs life. I promised na never na akong babalik sa ganito... ever!
Umaambon pa ng banayad. Pinagtryke uli kami ni Lee pabalik sa 9th Ave naman. Meron daw lugawan doon. Paglakad namin ayy ang saya closed. Nakisilong kami habang nagpapatila sa ambon. May nakaupong maliit na ateng at nagtetext sa labas lang ng gate.
Meet Mahal. Pramis kamukha ni ateng si Mahal. Chinichikka chikka pa ni Mjay si ateh Mahal. Parang innerview lang kung sino sya at ano ang papel nya sa lugawan na yon; bakit nasa labas sya ng keh aga aga eh sarado naman yung lugawan; nakandaduhan ba sya kasi lumandi pa sya; kung alam ba nyang may kamukha syang celeb na naligwak sa bahay ni kuya; katext ba nya si Jimboy; etc.
Nang makabalik na si Lee sa paghagilap ng makakainan eh fail pa rin sya. Sarado daw lahat dahil fiesta. Iniwan na namin si Mahal at bumalik sa bahay ni Lola. More turo si Lee sa mga shupetbahay. Dito may tatlong magkakapatid na silahis. Jan naman may nurse jan, gwapo. Eto naman ang bahay ng may-ari ng tambayan. Mukha syang Bahay ni Kuya. Considering na bisita lang si Lee dito eh napakachismoso nya ha. And how appropriate na magkatabi ang Bahay ni Kuya at Lola.
Sa loob ng bahay eh borlogz pa rin ang magjowa. May ni-sight pa kaming some kinda burn book ng mga beki: compliation ng mga profiles galing sa Planet Romeo na mga naka-EB. May list din ng mga numbers at description, ranging from Very Satisfactory to Fugly.
Dahil gustom at puyat ang inabot namin sa get together na to eh nagdecide na lang kaming umuwi. Nilakad namin along Baltazar St going to 5th Ave para sumakay ng bus. Derechong uneventful ride habang nag-aalas alas kami pauwi. Naiwan ko sila Ezz, Ken, Archie at Pau. Buti na lang sa jeep ride home eh mejo pinasaya ako ni kuya sa kanyang pagkiskis at pagsiksik sa akin. hahah. Ayokong isiping gradual na pababa yung excitement level ng gabing ito, more like rollercoaster na di malaman kung san patungo. Parang kinkou lang ang average level nya.
Moral of the Story: Hindi naman kelangang expensive ang gimik para masabing maeenjoy mo, at di rin naman porke't cheap eh boring na. Pero minsan totoo yan na kelangan mong gumastos ng bongga. But I won't spend 22,000 dollars a night to be treated like royalty.
____________________
*Libing kasi ipapahinga na namin yung ning site na yun. Mantakin mo ba namang naninigil na ngayon ng $3/month eh wala namang regular visitor na dun?!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento