Sabado, Hunyo 26, 2010

Superficial

Walang komento:

Little Orange Star by tassiesim via Flickr. 
 “ We had joy, we had fun, we had seasons in the sun. 
But the stars we could reach were just starfish at the beach. ”
 


Summer Class: Galera 101
June, 2010


Last year eh ilang beses ako nakarating sa beach. Bandang February kasama ko mga friends from Philam sa Laiya, Batangas. Early May nag-Galera naman ako with Warren and friends. Late May naman kasama ang CKC family sa Pagudpod. Bandang June naman pumunta kaming barangay Bulacan* sa Mabini, Batangas para sa funeral ng dad ni Joyce. September naman dumaan kami ng Fab5 sa CamSur Watersports Complex kahit walang mimingang naganap.

This year ang El Niño ng miming fantasies ko. Nagkayayaan ng miming sa FSR pero ang ending di rin natuloy dahil walang nakuhang pool: fully booked ang mga private pools at may phobia naman ang iba sa public pools. Ang trip to Anawangin ng Fab5 eh naligwak din dahil sa financial constraints. Patuloy akong iniinggit ng mga taong biglaan na lang gumora sa Bora, Galera, at Palawan na animo'y pupunta lang sa Quiapo. Ang pinakamalaking body of water na napalapit sa akin, maliban sa water dispenser sa office, eh yung pool dun sa dating apartment ni Jay kung saan nakalublog ako kahit papaano nang approximately 45 minutes.

Gabi ng June 11, matapos ko magdinner galing sa mass ng Sacred Heart eh I'm with Ian and Ef bonding sa hotel room with Jackie. Nakaset na may lakad kami ni Warren na magvideoke at Wensha this weekend para naman daw may magawa sya sa VL nya. Tinext ko na di tuloy yung Anawangin trip. Maya maya nagtextback kagad, go na daw kami ng Galera. Kelan? Mamaya, 6am. Homaygawd. Di naman ako nagprotest kaya ayun. Tumawag pa talaga para i-confirm, at mejo alangan ako kasi puyat pa ako.



~0~


Heypi Independence day. Heypi ka ba? Gusto ko heypi ka!
05.12.2010 c. 06:00

Nakaset ang alarm ko to 5:30 para 6am eh go na ako sa Boni MRT Stn. Tumawag uli ang Warren para ipush to 7am kaya ayun bumawi pa ako ng more borlogs. 6:45 ako nagising at nagmamadaling nag-ayos ng gamit. Tinawagan pa talaga ako ni Mother Nature kaya nalate lalo. Mas mabuti pang here kesa naman elsewhere dabah. Naalala ko tuloy yung kwento ni Lee about dun sa MRT inabutan ng jebz habang hinihipuan. Epic humiliation yon. Heniweys nakaalis ako ng bahay bandang 7:15. Nakalimutan ko pa magdala ng towel pero ok lang, manghihiram na lang ako kay Warren.

Past 7:30 na ako umabot sa MRT Stn. Independence day offer para sa mga commuters ang libreng sakay up to 9am sa morning. Ang mahirap eh kelangan mo pala sumiksik sa dami ng tao. Feeling ko pati non-MRT-riding folks eh andun na rin para lang makalibre. At kahit bet kong nasisiksik sa MRT, di ko sya gusto kapag meron akong dalang malaking bagahe. Sa second train na dumaan kami nakasakay... err siksik. Nakadikit na ang face ko sa salamin ng door. Paglagpas ng Buendia mejo nakaluwang ng konti. Si kuya sa left ko eh gusto pa humolding hands yata kasi may pagkalabit na motion akong nadama.

Sa Ayala dumagsa na naman ang mga tao. Narinig ko pang may naiwang friend yung mga pasahero dun kasi sigaw sila ng sigaw.

Naiwan si Joy?! Naiwan si JOOOYYY!!!


Tili naman ni ateh. I'm sorry Joy but you're the last person to reach the pitstop, you are eliminated from the race. Sino ba si Joy? Sya lang naman ang dating tagapagmay-ari ng bagua kaya kaylangan maiwan sya kasama ng bad vibes. Choz!

Ang pagkakaalam ko talaga eh sa Buendia LRT Stn ang sakayan ng bus to Batangas pero nag-iinsist si Warren na meron daw sa Taft Stn lang. Gusto na nya magtaxi kami para mahanap kagad yon kahit sabi ko magtanong muna kami. Tumawid kami sa kabilang side at kinokontrata kami ng mga driver ng 120 pesos kasi malayo pala ang iikutan ng taxi. Tawid uli kami at naunahan namin sa taxi yung isang ateng.

Machikka si manong driver. Pati destination namin may tanong sya. Nung malamang magbi-beach kami eh hinanap samin yung mga chicks daw, dapat meron daw ganong factor. Pati yung isang taxi eh may inggit sya. Pati yung Pure Gold daw na pag-aari ni PGMA eh may poot sya. Sana nag-LRT na lang kami kasi matraffic din along Taft. Around 20-30 minutes kami nakarating sa Buendia.

Nakasakay kaagad kami sa byaheng Batangas Pier na derechong Lipa. Lima na lang lalakad na kaya tamang tama rin ang dating namin, sa likod ng bus kami nakaupo. Kahit balak ko pa sanang matulog eh di ko na nagawa kasi puro kwentuhan lang ginawa namin along the way. Pinagkwentuhan namin kung paano ako na-block/delete ni Derek sa lahat ng social networks due to excessive charantia intake yata. Hindi na yon nangangailangan ng separate blog entry or anything beyond one paragraph.

Sa may pier eh may kumontrata kaagad sa amin. Kumuha na kagad kami ng two-way ticket to Galera scheduled for 11:15. Pumasok na kami sa waiting area pero hinarang dun sa mismong pier kasi in-coming pa lang yung boat namin. Isang cute na kuya ang humarang samin, infernezz cute ng smile nya kahit mejo malaki yung incisors nya which is approximately 67.5% ng actual size ng kay Miley. Heniweys, inoofferan nya kami ng hotel room pero tumanggi na si Warren kasi meron na daw kaming booked sa Galera.

Next thing I know, pilahan na papasok ng boat, not just any boat, isa syang malaking fishing boat. Yes parang ganun ang itsura, 50 lang ang capacity nya pero narinig kong tinawag ng first mate na 65 passengers plus 5 crew. Oh dabah kamusta naman sa sardinas? Lahat naman yata nabigyan ng life vest in bright, neon-fuckin'-orange, muntik malusaw ang mata ko. Sa dinami-dami ng passengers eh almost a third non eh Koreans.*

Sa harapan namin may isang mag-anak na magve-vacay galore. Mejo shala silang tignan compared sa rest ng passengers. In fact inglisero yung bunso, umiinglish din si mommy. Biglang narinig kong pinag-uusapan nila about abnormality kesyo may classmate itong si bunso na abnoy daw. May paglelecture pa si inay about autistism, down syndrome at sa mga dyslexics. Mejo nagpanting ang tenga ko kasi mejo tinatamaan ako sa dyslexic ha. Kesyo may pag-e-ekpleyn si mommy na mukha daw normal on the outside pero basag na basag daw on the inside. Mabuti na lang at dumaong na kami kaya pinatawad ko na sila.


~0~


The Beckies have landed. 
05.12.2010 c. 12:30

Sa landing strip pa lang eh andami nang nakaantabay na nag-aalok ng hotel room. Dedma pa rin ang Warren. Dumirecho kaagad kami sa Dream Wave, doon sa same spot nung nagkaroon sya ng sexperience sa Aussie so many years ago, umaasang magrereenactment muli sa panahong iyon. Dahil kaunti lang ang populasyon this day sa Galera eh madali kaming nakakuha ng room.
Decorated ng papier mache masks na parang nagmama-Mardi Gras at PvZ-ish marigolds ang stairs. Patungo sa silid namin eh mejo masikip ang pasilyo, slightly dim, tahimik pero umeecho ang kaunting tunog ng dumaraan. Parang eksena sa isang horror novel, azz in kulang na lang may bumukas na pinto at merong zombie lady or cannibal clown yah know.
Room 218.
Sa loob ng room merong isang medium sized bed lang ang available. May available na rin na towels mabuti naman. May hangers at may metal-something na ginawa naming sampayan. May cable ready tv din at merong modern crystal chorva lamp. May decoration ng mga wave paintings pero kamusta naman ang pixelated wave illustration on tarpaulin? Kulang na lang talaga ng phone at mirrors eh pwede na syang lumevelling sa mga motmots in Manila. Kelangan namin magshare ng bed ni Warren pero nagset na sya ng disclaimer na just in case meron syang dalang booking eh tatalsik ako sa room. Kay lang dahil sya naman ang pumeysung ng room eh.
May moderately large bath na may bidet at two showers, with heater mind you. Mukhang malinis naman yung toilet pero kinakalawang na yung flush button at nakakapagtaka lang dahil perpetual yellowish ang water discharged. May yellow version na ba ang toilet duck? Ngunit wala ang isang bagay na kailangan ko dito, ang bath tub. Choz. Wala man lang exhaust fan para sa natural moments yah know. Buti na lang pwedeng buksan yung bintana.

Yung room key eh sinabit ko naman sa leeg ko para di ko mamisplace sa paglabas.
Star shaped yung keychain lurvett. This is so Card Captor. Lumakad na kami palabas sa beach area. Mas malapit kami sa left side ng beach facing the sea, dun sa may batuhan na once tinambayan ng mga kaatehang animo'y naglalaba lang sa batis. More lakad kami sa opposite side para masight ang jurassic during the lucid period. Then balik kami sa may VM para kumain ng lunch. Namukhaan si Warren nung ateng last year na naghanap ng room for us at ganun din si Warren. Ako lang talaga ang nakalimot sa pechay. Nilantakan namin ang pork sinigang at calamares in coconut milk na binitin lang ako sa rice. Later bumorlogz muna ang mga zombie para magmiming ng alas cinco para di na daw ganon kajinit ang haring araw.



~0~


“ Sand is overrated. It's just tiny, little rocks. ”
05.12.2010 c. 17:00

Tamang tama lang ang gising namin ng alas cinco. Sa beach area di masyadong masikip na congested ng katauhan at di masyadong maluwang na parang ghost town. Ang tubig at hangin di masyadong mainit para manlapnos at di rin masyadong malamig para magcause ng hypothermia. In Goldilocks' fashion, everything's just right. May family sa tabi namin at parang bet ko si daddy. Hipon nga daw sabi ni Warren pero somehow may dating sya sakin. Andun lang sya sa tapat namin nakalublob at walang ginagawa. Nagsawa na lang ako kakaantay ng sign na di naman darating. Inantay pa namin na magdilim bago umahon. Gusto ko kasi yung sunset, yung pagchange ng color from bright orange to reddish to pinkish to purplish to indigo-ish to bluish to dark... ayyy basta parang color wheel lang pero walang yellow at green na involved. Parang nanonood ka lang ng masterpiece of Nature.

Pabalik sa hotel room pala ang mahirap. Walang gripo na mapaghuhugasan ng buhangin papasok sa hotel. Yung public toilet nila may strictly no washing of feet policy. Pagpasok sa room malayo masyado yung rug. Ginamit pa ni Warren yung shirt nya para pamunas ng paa papasok para kunin yung rug. Then nung napagpag na namin yung buhangin sa paa eh pasok naman sa toilet para magbanlaw ng excess sands. Kehdamihlanghayy. Since nauna na maligo si Warren eh sya na rin ang naglinis ng toilet.

After magshower at change costume eh dinner naman kami. Kinuha kagad namin yung kainan sa tabi ng Dreamwave na nag-ooffer ng unlimited rice. Umorder si Warren ng inihaw na tilapia kaya sa kanya yung special offer. Ako naman ensaladang talong at extra rice lang. Since di naman sya matakaw sa rice eh ako na lang ang sumalo in his behalf ng extra rice. At sinulit ko talaga yun, naka-three or four cups yata ako.

Nagblackout pa for a while. Akala ko earth hour or rotating brownout na ayaw paawat. Pinagtirikan pa kami ng kandila para naman makakain ng mahusay.

Naririnig ko pa ang nagvivideoke sa tabi tabi lang. Hindi ko maitatagong naiinggit ako kasi iyun naman talaga ang pinaghandaan kong event for the day. Pero eto nagtyatyagang makinig sa mga naliligaw na nota. Feel na feel kong agawin ang mic sabay sabing "you don't know how to hold a long note, I'll show you!" pero nagfade na lang ang aking dream sequence sa kabog ng dibdib. Atzif! Di ko keri mag-open mic noh. Puro guys ang may hawak ng mic. May isang kuyang maka-emote naman ng mga songs, pero wag ka! Mga divas ang songers na pinili nya ayyy alam na! May isa naman jologista, puro rap songs ang tinitira. Idagdag mo pa ang tunog ng second voice, parang si Sitti lang on helium. Kakastress! Sa sobrang di namin kinaya eh gumora na kami sa main event for the night.

Nomohan time na! Pumwesto kami sa Mikko's Bar, dito rin kami pumwesto last year, although way way back kami ngayon konti na lang eh ilulublob na sa water yung tables and chairs. May mga nagpeperform ng poi sa stage: isang gurlish na pagurl, isang vortang pagurl, at isang vortang cuteness (na I'm not quite so sure kasi baka nasa pagdadala lang yong ng lighting yah know.) Bumaba pa sila sa beach area para ipakita ng malapitan ang aking talento nila. Sana sumali na lang sila sa talent show dabah?! May pagfoformation pa silang ginagawa, may tambling at pag-eggroll, may pag-gamit ng lightsaberish poi, at kung anu ano pang kagimikan.

Umorder na si Warren ng drinks. Unang hinanap  namin eh Blue Galera pero wala na daw yon, Blue Hawaii na lang. Go. Naghanap din ako ng Tanduay Ice pero wala din sila. Worried nga ako baka ang dalhin samin eh Tanduay gin at yelo. Nagrequest naman si Warren na bumili kami ng chicharong hangin, pero ampanget ng nabili namin sa mga naglalako, chicharong bato yata yon. Bumili rin kami ng balot for him at penoy for me. Sana balot na lang din binili ko, wala palang pinagkaiba yung penoy sa nilagang itlog leche. Nagstart na rin ang tagay, nasense ko kagad yung vodka na somehow naitatago ng pineapple flavor. Masarap sya at frothy, refreshing on a warm summer night. Panglima o pang-anim pa lang na shot I can feel it na, may sumisipa na kagad.

Since under the influence na ako eh mejo tumalas na aking senses. Nasense ko yung grupo sa likod na nanonood ng poi: mga beki sila. Sa katabing table may group of three: beki rin pero di ko mawari kung magjowa o friends lang yung dalawa. Sa kabilang table pa eh meron majubabs na beki na nilalandi yung isa sa katabing table namin. Tinutulungan pa sya ng beki friend nya makipagclose, pero dedma sa beki sa table 2. Sa harap ng table namin may dalawang beki. Across, in front, at the back, arms sideward, dito, doon: andaming beki. Omg! This is beki territory nga pala.

Nagstart na rin sa wakas yung show sa Mikko's. Mga female impersonators na lumilipsynch sa mga diva songs. Infernezz mas magaling pa sila kay Britney. Merong nagperform ng We are Dreamgurls, Single Ladies, I Need a Hero (na award for best in PE dahil kelangan ni ateng magjump-split everytime tutugtog ang first line ng chorus), isang Destiny's Child song (na di ko alam pero alam ng crowd dahil sumising along sila), at When I Grow Up, among others. Nung kunin ni Warren yung bill eh nashock ako dahil tumataginting na 1k pala ito. Akala ko 190 lang, good for one shot lang pala yung 190.

Iniwan ko sandali si Warren para bumalik sa room at jumingle. Natulog pa ako for five minutes tapos bumalik din. Later umalis na kami para tumungo kung san dumadako ang mga beki, alam mo yan!


~0~


“ Unti unting mararating kalangitan ang bituin.
05.13.2010 c. 01:30

Jurassic. Easternmost stretch ng beach na walang liwanag dahil at least one kilometer yata ang pinakamalapit na light source dito. Dito namumugad ang mga beki naghahanap ng panandaliang kamot sa makamundong kati sa kubli ng karimlan. Ang sagot ko lang jan eh caladryl pero sino ba nakikinig sakin?

Nagtungo ako doon para ipagpatuloy ang aking ipinangako last year na babalik at mag-iistargazing nang may kasama. Sa puntong yon eh partially fulfilled dahil may kasama naman talaga ako per major fail pa rin dahil expected ko eh si Jai-ho na ang kacuddle ko don. Malakas pa ang tama ni Blue Hawaii sa akin, mahilo hilo akong nakahiga sa buhanginan. Mimiming daw si Warren pero syempre di ako naniwala. Iniwan nya ako dun habang bumubooking sya sa may bato. Nakaidlip ako bugso ng puyat at kalasingan. Nagkamalay uli makalipas ng mga thirty or so minutes.

Naroon pa rin ako, nag-iisang nakatingala sa mga tala. Wala palang buwan ng gabing yon. Exactong new moon ng gabing yoon. Dahil madilim doon eh mas maraming stars ang nasasight ko. Weird nga lang wala ni isa akong makilala. Kahit ang W ni Cassiopeia di ko masight. Kahit buntot ni Big Dipper wala. Kahit ang Tres Marias sa Orion di ko na rin makita. Naroon lang silang mga bituin, pawang mga tagihawat sa mukha ng nagmamagandang teenager, walang porma at sabug sabog. Kung may magic marker lang ako eh baka nagconnect the dots na lang ako. Maya maya may gumalaw. Hindi tao, hindi hayop. Star. Shooting star. (Bulalakaw ba yon sa tagalog?) At meron pang isa. Akala ko namamalikmata lang ako pero nasundan pa ng isa. Marami palang makikitang shooting star dito why not magwish ako. Pero hihilingin ko lang matapos ang ikapitong shooting star.

Nakabalik na si Warren. May nabooking nga sya, smoker daw at chumorva sila sa ibabaw ng bato. Inaaya na nya akong bumalik pero nagmatigas pa ako dahil wala pa ang seventh star ko. (ayyy parang ako lang si Miyaka why not) Bumalik pa sya sa may beach at may nag-offer pa daw sa kanya not just once but twice! Imagine! Later nagpaalam na syang babalik na sa room. Nakaraos na sya. Ako naman naiwang nakahiga waiting.

Mejo adjusted na yung pupil ko sa dilim. Nakikita ko ang pagdaan ng mga anino. Marami ang naninigarilyong patungo sa jurassic area. May dalawang pabalik na sa liwanag, magkaholding hands pa! May ilan pang nagdatingan. Maya maya may lumapit sa akin.

Kuya Raj? Biboy? Carl?

Mukha ba akong tanungan ng mga nawawalang beki? Well, sa dilim na ito eh di mo talaga mamumukhaan yung mga taong nakahambalang sa gitna ng buhangin kaya better ask question talaga. Oo, ako nga si Carl! Halika dito! Choz. Pwede naman talaga akong magpakilalang ako si Carl 'noh! Di ko lang dala ang birth certificate ko at the time. Maya maya enter frame naman ang dalawang anino. Huminto sa tapat ng ulo ko yung isa at bigla akong finlash-lightan sa mukha. Shett. Bastos ampotah. Atzif ganun kadaling mag-adjust ang night vision. At ang huling dumaan na set ng anino na mejo nagpainit ng ulo ko eh dalawng beki syempre, na nag-uusap in high pitch. Feeling ko tinanggihan silang dalawa kasi naman sa kadaldalan nila, in falsetto.

People are so superficial!!!

 
Kasing-level ng Bukas Luluhod ang Mga Tala eh parang kuma-climax na ako sa movieng ito ng buhay ko. Shett. Ang ganda lang nila teh ha. Makapagjudge naman sila eh ano kaya'ng ginagawa nila sa jurassic di ba? Ang linis linis lang nila sa ganyan. Ayokong masira nila ang mood ko at concentration kaya tinuon ko na lang uli  ang aking titig sa mga stars. And there it was. Lucky seven. So ayun nga mega-wishing and hoping and thinking and praying ako na next time talaga pramis may madadala ako dun na luluhod sa mga tala. Choz. Na kasama kong mag-iistargazing and cuddling under the stars. [Keso mode]

Bumalik na ako sa room. Mejo nasuspense ako dahil close na yung front door. Pati yung side entrance closed na rin. May iniwan pala silang door way way back pa.
Mas umiskeyri yung place dahil darker and quieter na sya. Wala naman sigurong sasalubong saking bloody twins dito I hope. Hindi nakalock yung door namin. Naabutan ko pang buck nekked si Warren kakatapos lang shumower. Umarte arte pa sya at pinapagshower pa ako kasi oozing pa daw ako ng sandy essence. Pagkaligo eh bumorlogz na rin ako. Ashushwal nakajacket ako pag natutulog sa mga hotels eh kasi ayoko namang mateging frozen delight.


~0~

05.13.2010 c. 08:30

Nagising ako ng 8:30, akswali ginising ako. Tomguts na pala ang Warren at inaantay lang ako magising kaya accidentally nya akong nakalabit at nayugyog. Naka six hours naman akong sleep kaya rejuvenated na ako.

Since may free breakfast included ang hotel eh go na kagad kami sa baba. At kapag sinabing free eh limited pala ang choices. For Filipino style ang choice lang eh daing na bangus or longganisa. For American style naman ham or corned beef at may choice ka rin kung rice or bread. Nag-order pa si Warren ng tea. Nang inilabas na yung daing, wow ang laki talaga nya, pero hindi sya deboned kaya gudlak sa tinik.

Nagmamasid masid ako sa mga katatauhan pero nowhere in sight ang mga beki. As if nalusaw silang lahat sa paglabas ng araw.

More miming kami for the day bago umuwi. Pero pinilit ko muna si Warren na magtungo dun sa buhanginang hinigaan ko kagabi. Ngunit wala na. Nawala yung sand angels ko?! Lahat ng paghuhukay ko pawang natabunan na, lahat ng paggulong ko pawang nilamon na sa limot. Gusto ko lang naman masulyapan kung san ako nakahiga, kung gross ba or what. Gusto ko sana mag-emote about footprints on the sand chorva pero parang hindi sya appropriate. Gaano man kalalim ang iniwan mong footprint, kung kalaban naman sya ng erosion eh kamusta na lang.

At ayun nagwalk back kami sa area na malapit lapit sa hotel para magmiming na. Maya maya may nakasabay kaming manong. Akala ko nung una kinakausap kami. Nakakaloka nagsasalita sya mag-isa. Chinecheck ko kung meron syang headset or earplugs pero wa talaga. Si kuyang Half-crazy nakakatakot talaga. Posible kayang may naka-implant na sim sa kanyang brain kaya pwede sya makipag-usap via satellite? Posible kayang telepath sya? Posible kayang  nasa Wow Mali kami? Posible rin kayang malakas lang ang tama o sapi nya? More talk si kuya at maya maya may sumasagot na sa kanyang ale. Pero parang di rin sya knows pala. Si ate surprised lang talaga. Maya maya may dumating na bata at sinasagot na sya. Nakakaloka may kausap na talaga sya ngayon face to face. Sya kaya ang kausap nya earlier? Infernezz eh parang oo naman, kasi hinihintay ni Halfcrazy matapos magsalita si Friend at si Friend naman eh mukhang hinihintay din nya matapos magsalita. Pero minsan sinusumpong uli sya ng pagsasalita mag-isa. Ilan lang yan sa mga misteryong maiiwan sa Galera.


Ilang talampakan mula sa pinaglulubluban namin eh biglang dumating ang cast and crew ng Durex condoms. Nagset-up sila ng sand formation in D-U-R-E-X. Tapos nagligay ng mga banners, enter three gurls in bikini at voila publicity stunt na to! Yung tatlong gurls eh isa lang ang tunay na cute pero short sya. Yung dalawa eh matangkad lang talaga hoookay. Maya maya nagtatago na silang lahat sa likod ng anino ng banners.
May kajoin na ateng leslie na photographer ang drama. Inencourage nilang magpapiksur yung mga tao with them in exchange eh may free na Durex sila. At dumami nga ang mga tao don: yung iba andun para umusyoso, yung iba for the girls, yung iba for the free condoms. Gusto ko rin sana magpapic pero dun sa kuyang nagset-up. Choz! Yung grupo ng mga lulurki sa tabi namin eh gusto rin magpapic pero sigaw sila ng sigaw ng Domex. At tuwang tuwa pa sila non ha.

Nagpack-up kami bandang alas onse, mejo nadelay ng konti kasi pinanood ko pa yung Celebrity Apprentice. Namili pa ako ng souvenir shirt pero natagalan ako kasi hindi nagmamatch yung demands ko: kelangan black with purples at hindi masyadong OA sa designs. Inabot yata kami ng mahigit bente minuto nagha-hunting ng shirt. Naubos tuloy yung oras namin para kumain ng lunch. Eh matagal pa naman magluto ng food. Binayaran na namin yung bill bago pa sya dumating. Nag-eat and run tuloy kami.

Half full na yung boat pabalik sa Batangas pier. Kung dati 15 katao lang ang over nila, ngayon almost half ng capacity yata. Naglagay pa sila ng mga monoblocs sa gitna. This time naman eh 20 percent na lang yata yung mga Koreans, pero may ilang Europeans nang kajoin namin sa trip. Midway sa byahe eh biglang pumasok sa ilalim ng boat yung isang kuya. Akala namin eh biglang magtatawag si kuya na "more seats below mamser!" Ashushwal pinamigay ang mga life vests pero wala namang nagsuot. At infernezz talaga eh hindi masyado nanakit ang brabalibintawan ko kasi maayos ang mga cushions, nakatulog pa nga ako eh. And I kept dreaming about a zombie apocalypse pero ang weapon ko white marigold lang daw. San na yung sunflower ko?


~0~


Moral of the Story: "Being Japanese, I pay attention to detail." sey ni ateng Yuko Yamashita for Sunsilk. Dahil jan, yun na nga ang ginawa ko sa buong bakasyon na to. Di ko na masyadong napagtuunan ang sarili kong rest and relaxation dahil kung saan saan lumipad ang utak ko.

Minsan sa itsy, bitsy details ka na lang nakatitig eh di mo na nakita yung buong larawan. Minsan pulos buhangin na lang ang iyong napuna ay nalimutan mo na'ng mayroon pa palang dalampasigan... at tubig... at bato... at araw... at lumot.... The devil is in the detail, ika nga. (Tama ba ang hugot ko ng idiom?)

Therefore, Japanese pala ako. Machi ni sono toori desu ka?
Choz!

 

Rating: 4.0 Conditional. Repeat next summer.


____________________

*1 Pronounced \boo-lahhh-kan\ as in elongate the second syllable para di maconfuse sa province. Although walang miming na naganap don, tabi ng beach ang house nila at feeling ko tinatawag ako ng dagat para lumublob. Pero hindi maaari masama daw yun ayon sa pamahiin.
*2May nightmare akong gusto nang sakupin ng South Korea ang Pinas. Ayon sa isang slightly reliable source, ang eksena daw sa Korea eh covered ang beach ng mga tolda at bubong. Oh dabah sand and water lang talaga. Sana nag-indoor pool na lang sila. Kaya eto sa Pinas sila bumabawi ng recommended source ng vitamin D at ultraviolet rays.

Linggo, Hunyo 20, 2010

Mahal

Walang komento:

Sparkling Wine by Donna81 via Flickr.
Let's drink to that!

Sparkles
06.20.2010


Sa sobrang bad trip ko kagabi eh pansamantala kong puputulin ang pagsusulat sa mga naunang blog entries para bigyang daan itong worst of worst na lakad ng Fab5.

Hindi na natuloy ang lakad to Anawangin dahil in need of money sila Ezz at Ken para makapaglipat sa new apartment kesyo pinapalayas daw sila dahil apparently kayang magsira ng water tank yung tuta nilang si Archie. That is just so Bolt! Or gawa sa papel or plastic siguro yung water tank. Choz! Heniweys, hindi na natuloy yung lakad na yon kaya pinalitan na lang ng videokehan blues sa dating Satellite sa Cubao.

The original plan for the night is kainan at nomohan sa house nila Jan at Dar sa Muñoz before going to Cubao around 1am. Biglang change of plans 11pm na lang daw sa Cubao na mismo magkita kasi umaattitude si Dar at ayaw na kaming papuntahin don. Wala pang isang oras may change of plans na naman. 8pm daw sa SM North para papunta kami sa Katipunan kanila Lee. Wala pang isang minuto may follow up na naman sa Caloocan na daw sa tinatambayan ni Lee na house doon.

Umulan at bumagyo bandang alas singko ng hapon. Nagtext sila Ezz na on the way na sila ni Ken kasama ang Pau. Sinabing kong ialay na lang si Pau sa dagat para humupa ang bagyo pero hindi sila nakikinig eh. Ang ending hanggang tuhod ang baha sa labas ng bahay at kelangan ko pang magpababa ng water levels.

May lakad din ang FSR that night at tinext ko na si Herson na dadaan lang ako. So there I was en route to Galeria nang magtext uli ang Ezz na nasa megamall area na sila, akswali same area na kami non at pwede na akong tumuloy to SM North pero I didn't. Nagpramis akong dadaan sa FSR. Tinext ko na 9pm na lang ako pupunta sa SM North.

Nasa RaiRaiken kumakain ang FSR. Eight members lang ang umattend sa supposed libing* ng site na tinatambayan before. Andun si Red (sa kanyang last public appearance daw), si Jackie, si Herson, si Yanyan, si Sherwin, si Harty, si Yuls, si Chris, at ang guest ni Chris na si Raf. Si Raf na ang bumulaga kasi may past pala sila ni Son at Yan kaya etong choserang Red eh may pagko-confirm sakin kung may past din kami ni Raf. Sabi ko oo, nameet ko sya sa White Party '09 with Mitch and Yanyan pa.

Nakita ko yung tattoo ni Jackie na pina-edit nya. Yung dating nakasulat eh kinkou (Jp. balance or equilibrium) pero ngayon dinagdagan ng character at flowery designs. Nakasulat na ngayon eh fukinkou (Jp. imbalance) na ayon kay Jack eh mas suitable sa persona nya.

After ng dinner eh go na kagad sa cinema area para bumili ng tickets. Magpapaalam na sana ako pero parang something is pulling me to stay. Parang gravity lang? Choz. So ayun napilit nila akong magwatch ng Sex & the City 2 thru peer preyshur.


~0~


Mini Review: Okay naman yung SATC2. Clever script, funny lines, pero parang maraming scenes ang nagdrift sa center yah know.


According to Jackie, the movie is a nod to all the gay fans of the series. Love nya pa naman yung Empire State of Mind pero inis na inis sya dahil the most wrongest greymar yung "Concrete jungles where dreams are made of."


Bongga yung gay wedding ni Stanford at Anthony (stop calling it a gay wedding) dahil may swans pang involved. White sya, like a virgin daw, at parang si Ice Queen ang wedding planner. It was fun seeing Liza Minelli performing Single Ladies. Ayon sa chikka eh when there's too much gay energy she just materializes. I wonder bakit di sya nagmaterialize sa group namin, hindi kami ganun kapowerful?!

Glamorous ang mga wardrobes. Natawa ako dun sa dress ni Samantha na kaparehas ng sinuot ni Miley Cyrus. Infernezz kay Miley eh inapproach pa nya si Samantha para ipakitang same taste sila. Mejo nabawasan ang inis ko kay Miley ng konti.

At ang shala shala lang ng stay nila sa Abu Dhabi. Mejo sensitive pa naman yung topic about difference ng culture yah know pero ayaw paawat ng movie go talaga sila. May spring collection pa silang nalalaman sa mga Arab girls, that is so Hollywood daw according to Red. Natawa ako sa kagagahang ginawa ni Carrie nung maiwan nya yung passport nya sa sapatusan aka Mr. Quickie.

Sosyalan ang overall feel ng movie, with all the branded and expensive stuff. I NEVER felt more hampaslupa... EVER! Like everything's so mahalia jones! Sabi nga ng isang Lasallistang acquaintance ko, poor people lang daw ang kumakain sa food court, pero kung makautang naman si ateh walang bayaran. At least yung mga tao sa food court may sariling pera noh?

To summarize the movie in a few words: Marriage (or its equivalent) is all about the sparkles. You don't need to decorate it with golds or diamonds, sometimes you just make it work, just the two of you.

And, if you like it then you shoulda put a ring on it. Choz!


~0~


After ng movie eh mejo natagalang magdisperse kasi naman di malaman kung lalakad pa sila. Saturday night yun so tama lang na may gimik after pero di sila makapagdecide kung san pupunta. May gustong pumunta ng Cubao, may gustong pumunta ng E. Rod, may gustong umuwi. In the end, nanalo yung pauwi.

Ako naman nagtext na kay Lee ng directions to Caloocan. Pinasakay na nya ako going to Monumento. Aaminin ko di ko kabisado ang way to Monumento. Pero having the inner Dora in me eh go ako. Laging nakadungaw sa bintana naghahanap ng landmarks. Alam ko lang kasi na Monumento na kapag andun na ako sa Victory Mall, eh sa kabilang kalsada pala yun. Muntik pa akong lumagpas buti na lang nakita ko yung monumento na mukha namang under construction. Ang dugyot ng buong place kasi maputik pa. More lakad ako to Monumento LRT Stn. May malapit na MiniStop don at may sakayan ng tryke patungong 7th Ave.

Sa kanto ng 7th Ave at Baltazar may lotto outlet. Yun ang pinahanap sa aking landmark ni Lee. Welcome to Barangay 56 somewhere in Caloocan. Kinaladkad pa nya ako sa isang tindahan para bumili ng yelo. And then ayun na gora na kami sa bahay... ni Lola. Isang lumang bahay gawa sa kahoy. Ang dilim dilim dahil pundido na lahat ng ilaw. May sala area na puno ng alikabok. Tambayan din yata to ng mga white lady.

Nasa loob ng isang room sila Ezz at Ken na nanonood ng DVD. Tumba na ang Pau at Mjay, at natutulog na din ang may-ari ng tambayan kasama ng jowaers nya. Hindi ko na nagets yung istorya ng
Vhagets na indie film, about yata sa mga jejemon na beki or something like that based sa title. Choz!

Maya maya sinalang naman nila ang Standing Room Only na gay indie film. Josko bad acting, bad casting, bad script, bad cinematography. Lahat na bad! Si Sheree lang at si Ana Capri ang saving glory ng film yata. Infernezz natuwa ako sa
ranting at cursing in one breath ni Ana. Nakakaloka din yung linya ni Sheree na nagrereklamo: "Pusang ina mo! Sabi mo tatlong daan, tapos singkwenta pesos lang ibabayad mo! Ang sakit na nga ng suso ko kakalapirot mo! Nagpaputok ka pa sa labi ko!" Ayy si kuyang extra sumagot naman na dapat si Sheree ang magbayad sa kanya! Ang gwapo lang ni kuya. *gwark* Hindi na namin tinapos yung movie nung dumating si Jan. Go na kami sa videokehan.

Nagtryke kami to 5th Ave para sa malapit na Bestfriends. Ang nakakaloka kahit ang linaw na nakapaskil Open 24 hrs eh closed na daw sila sabi ni Manong Gardo. Lakad kami pabalik at may narinig kaming may tumutugtog ng Single Ladies, sabi ni Lee may videokehan daw don, pero turns out nagpapraktis lang ng sayaw ang mga hitad. Sa kabilang Bestfriend daw kami gumora sa Samson Road. Sumakay kami sa taxi na pinakiusapan lang na pagkasyahin kami. Imagine pitong beki at isang tuta sa iisang taxi! Si Manong driver naman kung san san pa kami inikot eh derecho lang naman yon along Rizal Ave. Umabot ng 150 yung bill pero sinindak sya ni Lee at bumagsak sa noventa lang. Ang ending sa Bestfriend closed na rin yung videoke nila.

Naglakad kami pabalik ng Monumento at nang makakita si Lee ng isang beerhouse eh pinatulan na talaga. Nakakaloka! Required bang tumable dito? Kaderder lang. Sa second floor kami pinapwesto, malayo sa kabihasnan ng mga straighties. Chumichikka pa si ateng na under new management na daw yung second floor.

Masangsang ang amoy ng lugar. Parang kahoy na nabasa at natuyo ng paulit ulit.  Madugyot din ang mga table. Nagserve si ateng ng dalawang Red Horse Grande, dalawang baso lang at more yelo. Ayy tagayan pala ito? Mas bet kong umiinom sa bote kesa sa baso eh! Infernezz naman sa machine eh mejo bago yung mga songs nila pero wala na talaga ako sa mood kumanta. Bertong badtrip tawag nga nila sakin. Di ko naman talaga maitatagong frustrated ako sa lakad na ito. Masaya silang nagkakantahan ng mga tagalog na emote songs. Naidlip na lang akong nakasandal sa monobloc. Di ko nga namalayang umulan na sa labas. Maliwanag na ng lumayas kami sa beerhouse. Charge it to experience na lang, mahalaga itong bahagi ng aking jologs life. I promised na never na akong babalik sa ganito... ever!

Umaambon pa ng banayad. Pinagtryke uli kami ni Lee pabalik sa 9th Ave naman. Meron daw lugawan doon. Paglakad namin ayy ang saya closed. Nakisilong kami habang nagpapatila sa ambon.
May nakaupong maliit na ateng at nagtetext sa labas lang ng gate.

Meet Mahal. Pramis kamukha ni ateng si Mahal. Chinichikka chikka pa ni Mjay si ateh Mahal. Parang innerview lang kung sino sya at ano ang papel nya sa lugawan na yon; bakit nasa labas sya ng keh aga aga eh sarado naman yung lugawan; nakandaduhan ba sya kasi lumandi pa sya; kung alam ba nyang may kamukha syang celeb na naligwak sa bahay ni kuya; katext ba nya si Jimboy; etc.

Nang makabalik na si Lee sa paghagilap ng makakainan eh fail pa rin sya. Sarado daw lahat dahil fiesta. Iniwan na namin si Mahal at bumalik sa bahay ni Lola. More turo si Lee sa mga shupetbahay. Dito may tatlong magkakapatid na silahis. Jan naman may nurse jan, gwapo. Eto naman ang bahay ng may-ari ng tambayan. Mukha syang Bahay ni Kuya. Considering na bisita lang si Lee dito eh napakachismoso nya ha. And how appropriate na magkatabi ang Bahay ni Kuya at Lola.

Sa loob ng bahay eh borlogz pa rin ang magjowa. May ni-sight pa kaming some kinda burn book ng mga beki: compliation ng mga profiles galing sa Planet Romeo na mga naka-EB. May list din ng mga numbers at description, ranging from Very Satisfactory to Fugly.

Dahil gustom at puyat ang inabot namin sa get together na to eh nagdecide na lang kaming umuwi. Nilakad namin along Baltazar St going to 5th Ave para sumakay ng bus. Derechong uneventful ride habang nag-aalas alas kami pauwi. Naiwan ko sila Ezz, Ken, Archie at Pau. Buti na lang sa jeep ride home eh mejo pinasaya ako ni kuya sa kanyang pagkiskis at pagsiksik sa akin. hahah. Ayokong isiping gradual na pababa yung excitement level ng gabing ito, more like rollercoaster na di malaman kung san patungo. Parang kinkou lang ang average level nya.


Moral of the Story: Hindi naman kelangang expensive ang gimik para masabing maeenjoy mo, at di rin naman porke't cheap eh boring na. Pero minsan totoo yan na kelangan mong gumastos ng bongga. But I won't spend 22,000 dollars a night to be treated like royalty.


____________________
*Libing kasi ipapahinga na namin yung ning site na yun. Mantakin mo ba namang naninigil na ngayon ng $3/month eh wala namang regular visitor na dun?!

Huwebes, Hunyo 17, 2010

Hangin'

Walang komento:

Bangui Windmills by roxj via Flickr.

Dahil jan may nagtext-rant:

Taena! Para akong nag-bf ng hangin! Argh!

Si kuya J. Uso pa rin pala ang charantia why not. Choz!

So ano to, parang bugtong lang?! Ayan na,  ayan na, di mo pa nakikita?

Or made up ba sya ng 78% Nitrogen?


__________
__________
*Busy busyhan ako meshedow para ipost yung blog(s) ko. Eto muna.
I can't resist myself from replying sa text message na 'to eh. hahah

Linggo, Hunyo 6, 2010

Strawberry Field

Walang komento:

Photo by Anche* at Flickr.



Food and sexuality
have been associated in various ways throughout history. Foods such as chocolate and oysters are said to be aphrodisiacs. In some cultures animal testicles and other items are consumed to increase sexual potency. Food items also provide symbolism, such as the apple in the bible as "forbidden fruit"or the cherry with its associations related to virginity. Food items are also used metaphorically in slang sexual terminology and poetry. Some foods are considered sensual for their appearance, texture and taste. Whipped cream, melted chocolate, strawberries, and peanut butter are sometimes used for intimate titillation.


Source: Wikipedia


~0~


Ever since I really liked strawberry. The taste of it: the sourness, sweetness and juiciness, at lahat na ng ka-ness-ness. The feel of it: the rough, almost sandy texture while pinching with your hands or rolling on your tongue. The look of it: that plump, red, heart-shape fruit.

Merong strawberry-filled donuts. Filling only, ayoko nung strawberry kreme na parang strawberry-flavored icing lang naman. Meron ding strawberry jam from Baguio na madalas inaamag na yung last 10% sa garapon kasi di na maubos ubos na nakaimbak sa ref for more than six months. Meron din jang strawberry juice at punch na mejo nakakahigh. And then there's strawberry vodka.

~0~


I woke to the sound of June rain. It was still dark, maybe 4 or 5 in the morning. I was feeling cold. My head aches. Oohhh I just remembered I've had strawberry vodka and now I felt it knocking on my skull.

Then I noticed my hand. His was clasped with mine. At first I thought it felt awkward. I didn't feel any sexual tension I usually associate with being touched. I felt the urge to break free but I didn't. In fact I liked it, the feeling of being held, the sense of belongingness. Hayyy. I squeezed his hand, he squeezed back. (I think.)

The rain was pouring hard. I felt cold. I wanted to be hugged, but I hesitated. I pulled a blankie. I slept soundly waking up hours later as if it were all just a dream. I wish this would happen everytime I get wasted hahah.

I don't know if it's just the desperate me inside the shell who wants to be caressed, or it could've been the effect of the strawberry drawing out all the sensuality within me. I'm not craving for the L word but yeah it's been a long time I've been denying myself of the joys of being with someone, or anyone. How long will I endure living in this  dream?


~0~


Implikasyon:
Shett may keso epek pala ang istroberi?! Whipped cream at peanut butter naman next time.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips