Lunes, Mayo 31, 2010

To Osidius the Emphatic

Walang komento:

Photo by Fort Photo at Flickr.
...This world was never meant for one as beautiful as you.

“How happy is the blameless vestal's  lot!
The world forgetting, by the world forgot.
Eternal sunshine of the spotless mind!
Each pray'r accepted, and each wish resign'd.”

~Eloisa to Abelard, Alexander Pope
Opening litanya ng status ni Red sa YM yan one day. Natuwa ako kasi namention yung eternal sunshine na movie. With my trusty google and wiki friends eh natunton ko ang source ng linya.

Line 207-2010 from the poem Eloisa to Abelard by Alexander Pope, ang basis nito ang illicit love story ni Heloise at Pierre Abelard. Pierre was a teacher to Heloise although he used his undue influence to seduce her. They hid their affair, na later naging secret marriage kung saan nagkaroon sila ng anak called Astrolabe (Astrolabe is also an ancient astronomical instrument used to predict the position of the Sun, moon and stars.) Her family then knew and he was castrated as an act of vengeance. He later entered the monastery to atone for his deed. She was forced to enter unwillingly. In the end she never asked him forgiveness but forgetfulness knowing her love can never be returned.


Abelard und Seine Schulerin Heloisa by Edmund Leighton

Instant connect the dots to the movie, borrowing line 209 of the poem, Eternal Sunshine of the Spotless Mind. Kinailangan ko pa magdownload nito via torrent. Isa sa mga laging napagkekwentuhan namin ng bestfriend ko'ng movie kahit di ko napapanood. Well recommended film daw ayon sa iba. After 6 years saka ko pa lang papanoorin. I dunno, akala ko naman kasi another crazy movie by Jim Carrey.

Jim plays the serious and shy Joel who one day wakes up and ditches work to go to Montauk where he meets the crazy and impulsive Clementine. Kahit wala sila anything in common they fall for each other.
Marereveal na si Joel ay nag-consult sa isang firm called Lacuna para magperform ng erasure kay Clementine sa memory nya. The procedure, some sorta kinda form of brain damage. Papatulugin ka nila after then mag-start na ang actual erasing ng memory.

The storytelling used is filled with dream sequences and flash backs, from how they broke up to how they first met. Joel sometimes has the ability to shift action within his dream/memory. According to a friend, sa preliminary stage ng nonrapid eye movement sleep kung saan mababaw pa ang tulog, pwede mo macontrol yung dream minsan. Nagamit yon ni Joel with Clem to help each other sa pag-iwas maerase.
The last segment ng dream/erasure featured how they met at Montauk beach. They wondered what if things were different. They then kissed goodbye before wishing each other that they start again.


Isa sa gusto kong scene yung date at the frozen Charles River gazing up at the stars.




Clem: Show me which constellations you know.

Joel: Um... oh... I don't... know any.

Clem:
Show me which ones you know!

Joel:
Okay... okay... oh! There's Osidius.

Clem: Where?

Joel: Right there... see? Sort of a swoop and a cross, Osidius the Emphatic.

Clem: You're full of shit, right?

Joel: Nope. Osidius, right there, swoop and cross.

Clem: Shut the fuck up!


~0~


Nagkita uli kami ng isang dear friend nung May 29 ng madaling araw sa Malate after ng binagyong AIDS Candelight Memorial. May ininvite pa syang friendly friend (na crushy ko hahah) at surprised ako dahil tinatawag sya sa real name nya (alam kong may-I-invoke my right to privacy lagi si friend) kaya nag-phone-in question kaagad ako. Pinaalala ko na in one of the parties we've been eh merong nakakakilala sa kanya. Ni-confirm pa ang real name nya sakin. Pero sadly di sya natandaan ni Red, as if naerase or pilit inerase sa memory. Infernezz naman to Red, sabi nya kelangan daw super blissful to leave a mark or uber traumatic to leave scar yung isang tao sa buhay nya. Kelangan palong palo sa radar kumbaga dahil ang in-betweeners eh parang langaw lang na dumapo sa isipan na dali-daling binugaw o lumisan.

Nabagabag tuloy ako. Ako ba nakakapag-iwan ng imprints sa mga nakilala ko?! Have I been enjoyable as a company to warrant a place in memory lane? I'm sure naman di ako trauma dahil wala pa naman ako'ng nakaaway ng bongga noh.

Dahil jan I leave a simple wish and prayer to Osidius, kung nasan ka man... kung totoo ka mang nag-eexist... kung di man kita makita ever.... I know you can feel me, empath ka nga di ba?!

I wish I'd be able to hold on to memories, the good, the bad, or otherwise, so I will have time in the future to laugh at it, to cry, to smile or to just be able to recreate the feelings (may reenactment dapat na maganap) to celebrate life and how I've learned from them. Or you can send me a lifetime supply of Memoplus!


__________
__________

P.S. Thanks to my sponsors: Wikipedia, ISOhunt, OutNow.ch, and Sustagen.

Linggo, Mayo 23, 2010

Tanikala

Walang komento:

Photo by mommysaurus at Flickr. Legos.


Byaheng Cavite
05.2010 

Kung ang Mandaluyong ay sikat sa mga mental patients dahil sa NCMH. Kung ang Maynila ay sikat sa mga historical (o luma) na gusali at simbahan. Kung ang Quezon City ay sikat sa mga stars, kamusta naman ang star-studded na balota nila dabah. Kung ang Batangas ay sikat sa balisong. Kung ang Bacolod ay sikat sa piyaya. Kung ang Cebu ay sikat sa danggit. Eh saan naman sikat ang Cavite? Eh di sa kabit, yah know mga jumajumper. Choz! Akswali di ko alam ano ang produkto ng Cavite. Sasabihin nung pilosopo "eh ano pa eh di mga kabit!?!" Chosera! Seriously, ano nga ba?




Fab5 Reunion

04.16.2010


Ever since naglipat ng Cavite sila Ezz at Ken eh nahirapan na magkita kita ang Fab5.* Although may invites minsan eh di talaga ako nakakapunta. Thursday night ng biglang niyaya na ako ni Ezz na gumora sa house nila. Ashuswal eh wala naman talaga akong balak pumunta don dahil nga malayo masyado, pero since kinukunsensya nya akong dumalaw para naman mabuo ang Fab5 kahit minsan eh nagpramis naman ako sa kanya na go ako don. Ang usapan bandang hapon pupunta doon. Tatawag na lang si Lee para i-confirm kung sabay na kami pupunta.

Hapon na ako nagising ng Byernes dahil nagnomo pa kinaumagahan. Pagkakain ng snunch eh humarap na kaagad sa PC. Online ang Ezz sa ym kaya sabi ko di ko pa sure kung pupunta ako kasi nga walang confirmation sa Lee. Maya maya ayan tumawag na ang Lee, kelangan pala i-remind mo pa sya. Paalis na sya going to Cubao. Ayyy kamusta naman sakin kasi di pa ako prepared. Nagpaalam na lang ako na susunod na lang sa don. Nagtanong na lang ako ng directions kay Ezz para di naman ako maligaw. Inabot pa ako ng alas diez bago makapagprepare kasi naman sa kaadikang manood ng American Idol, gLee at Diva. Yes, musical galore ako as always.

From Edsa/Boni, sandali lang ako nag-antay para makasakay ng bus. May mga pasaherong nakatayo na nung sumakay ako. Buti na lang maswerte ako at may bumaba sa may Guadalupe kaya nakaupo kaagad ako, at sa likod pa ng driver. Sa may window site nung seat eh merong isang kuyang naglalaro ng rubik's cube. Wehanongayon?! Kaya ko rin buuin yan, ang lamang mo lang eh mas orig ng kalahati yung cube mo kasi mejo naglalock na yung cube ko sa tigas.

Thirty four lang ang pamasahe to SM Bacoor. Up to Baclaran eh familiar pa ako sa place, paglagpas ng tollgate di na ako mapakaling silip ng silip sa bintana. Mejo jiritation na rin si manong driver kasi bawat kanto tinatanong ko kung nasan na kami at malapit na ba ang SM.

Then at last ibinaba rin ako sa may SM. Akswali di pa SM don, isang kanto at dalawang tambling pa from SM. Naghintay ako sa labas ng 7-Eleven. Nasa loob may nagchichismisang mag-oofficemates yata, same sila ng color ng polos at blouses eh, mga bekis at gurls. Di na lang ako pumasok. Katabi ko rumarampa ang mga batang kalye para mamalimos. Sa kabilang side may nag-aabang di na beki. Hiyang hiya naman ako sa outfit nyang fit white polo-shirt kasi ba naman halos pumutok na ang taba.

Sa tapat naman eh namamalat na ang boses ng mga dispatsador kakatawag ng pasero papuntang Naic, Zapote at Talaba. Ngayon ko lang nakonek na kaya pala Talaba ang tawag kay Pau eh dahil may place na Talaba sa Cavite at dun sya nakatira. Akswali misheard ito ni Red dati, akala nya Palaka ang tawag namin kay Pau. Kasi daw mukha daw parang mata ng palaka si Pau porke't magkahiwalay yung mata. OMG that's just mean... I love it!

Dumating si Ezz para sunduin ako after fifteen minutes yata. Nilakad na lang namin papunta dun sa may tryke station sa labas ng village nila. Parating na rin pala si Ken galing work.  Short walk ulit papunta sa house nilang inuupahan. Akswali mejo skeri kasi madilim yung place. Hindi uso ang streetlights. Maraming puno sa lugar kaya malamig, parang probinsya na talaga.

Pagdating sa house eh may bisitang karay karay si Lee named Nick. As usual mashonda na naman ang dala nya, like the last time si Seth. Hindi ko maintindihan yung ginagawa nila pero parang makayakap sila in a weird manner. Dahil di na uso ngayon ang chairs, sa sahig kami umupo, may mat naman saka mga pillows. Sa gitna ng room merong makeshift center table made of two filing shelves na pinatungan ng sushi bamboo mat. Di jumojoin sa floor si Nick kasi daw may some sorta scoliosis sya at may back brace or something kaya andun sya sa may steps ng hagdan nakaupo. Nameet ko rin yung chowchow puppy na si Archie! Although I'm a cat-lover, ibang magic talaga ang dulot ni Archie. Ang cute cute nya at ang sarap yakapin at kargahin.

 
Ambaba naman ng tagay! Aw aw!

May mga food nang luto doon. Ipinagsaing pa nila talaga ako ng rice, isang kaban yata. May spag din, pork chops in cheese flavor pa, fish ball at hotdog. Now playing ang playlist ni Ken nang biglang nagrequest ang Lee na i-repeat to fade daw ang I Don't Care ng 2NE1. Tumatagay kami ng pineapple-juice-GSM-Blue-cocktail-cocktailan. Pero iwas ng iwas si Lee kasi yumoyosi mode sa labas with Nick.

Akswali very happy si Lee before ako dumating. Kinekwento nya na nagkakachat pa sila ni Seth. At binebentahan pa daw sya nung friendship bands worth thirty paysows each. Ang lang mahal ha. At single pa daw sya. Bigla akong umeksena at sinampal sya ng katotohanan. May jowa na yun since Feb pa. Eh anong balak nya sumingit pa don? Kesyo daw one week lang daw yung relationship ni Seth. Hay nako ha. Since February to April eh one week lang pala kay Seth?! Di ko alam kung wala syang sense of time, di naituro sa kanya nung elementary na ang one week eh pitong araw lang (confirmed by Imelda Papin), or nakatira sya sa Neverland. Parang napanis na cocktail eh nag-iba ang timpla ni Lee. From sweet lemon to sour grape. Mabuti nang may alam sya. Now you know! Pak!

Hindi na sumunod si Pau dahil may drama effect. Nagtatampo rin kasi ba naman may nagspluk ng kahalayang ginawa nya sa bahay na iyon ilang linggo na ang nakalipas. Di ko na ikekwento sa inyo na nagdala sya ng mukhang karpintero na giant version ni Mura at nagkulong sila sa loob ng banyo for thirty minutes. Baka magalit sya pag may nakaalam non. Si Lee eh umalis at nakitulog sa bahay ni Nick. Alam na! Natulog naman kami bandang alas kwatro yata. Alam ko lang slightly bangag ako sa puyat at pagkalasing pero nafeel ko yatang may kumiss sakin. [Choserang Aurora mode] Sana lasing na lang ako para bisitahin ng incubus. hahah


Justinvillager

04.17.2010


Tanghali na ako nagising pero feeling ko gabi pa rin kasi naman balot pala ng mga karton yung mga bintana kaya walang eternal sunshine. Tinext ko kagad si Lee na bumalik na kasi naman may balak pa kaming magmiming sa katabing pool. Nagluto na ng tanghalian si Ken. Natapos ko na ang isang buong episode recap ng petite season ng ANTM. Nanood pa ako ng Beauty and the Geek. Leche wala pa ring Lee na dumarating. Biglang may nagcall, kesyo nagkamali pa daw sya ng nasakyang jeep. Andaming dahilan talaga. Alas kwatro y media na sya dumating. Wala nang time for miming kasi closing na yung pool in thirty minutes. Nagready na lang din kami para samahan sila Ken at Ezz mag-inquire ng lilipatang house.

Lakad lakad kami palabas ng village. Naglipana ang pagmumukha ni Lani Mercado-Revilla sa mga kabahayan. Nagtext ang Pau na darating din sya paantay lang. Josko muntik na kaming tubuan ng ugat sa binti kakaantay eh may nilalandi pa palang saleslady sa SM. Korek, salesLADY talaga. Minsan talaga sinusumpong ng tibolism sya. At may-I-wish-ko-lang pa sila na naway mahanap ni saleslady ang Gun Pyo ng buhay nya at si Pau naman eh mahanap ang Jandi ng puso nya. Leche! Keso!

Yung first na barangay na pinuntahan namin eh malapit sa isang public school. Buhay na buhay yung mga kalyeng malapit don sa school. Maraming innernet shops at mga karinderyang may student meal. Panalo! Yun nga lang walang available na for rent doon. Naglakad kami palayo ng palayo pero pinagtuturo kami ng mga tao sa madilim na part ng neighborhood. May arko papunta dun sa pinagtuturo ng mga tao, pero before that dadaan ka muna sa malawak na damuhan. Dito na yata nagaganap ang mga chop chopan noong 90s.

May nakitang karatula sila Lee na For Rent kaya sugod kagad sila papasok ng biglang bumulaga sa kanila yung isang tenant. "Putang ina, tyanak!" tili ni Lee. Biglang nagsorry naman sya pero the damage is done, insult to the max lang talaga yan kasi wala nang maiinjure sa fez nung manong dahil sa kachakkahan. Nangunguapahan sa katabi ng bakanteng apartment ang mag-anak ng tyanak. Wala rin ang may-ari kaya di sila mabigyan ng quotation. Kinuha na lang nila ang number para mag-inquire later.

Nawawalan na kami ng pag-asang makahanap ng malilipatan hora mismo. Naglakad lakad pa kami at may nadaanang garage sale. Nako kung yung garage lang talaga ang for sale baka binili na rin nila Ezz yon. Buti na lang at may murang fabulous chairs kaya pinareserve na din nila yon for pickup tomorrow. Oh dabah nauna pang bumayla ng furniture kesa sa bahay mismo.

Naglakad uli kami papuntang Camella something na village pero sa gate pa lang eh di na kami pinadaan dahil wala daw vacancy. More lakad uli at natunton na namin ang mansion nila Bong according kay Pau. Ilang steps lang eh natunton na namin ang Justinville. Matao yung lugar kahit gabi na. May bagong bukas na Ministop na nakakalunod sa dami ng fluorescent lamps ang liwanag. Goodluck sa electric bills noh.

Sila Pau at Lee eh naiwan sa kanto ng isang suking tindahan para magtanong. Kami nila Ezz at Ken eh naglakad lakad para tingnan ang neighborhood. May creek na malapit pero mas malakas ang amoy ng dagat. As in may lansa in the air na di ko maipaliwanag. Around face at balik kami sa suking tindahan; wala na ang Pau at Lee. May nakuha na pala kaagad na place. Isang unit sa pinakadulo ng 8-door bungalow, may 2 bedrooms at 1 bath, at may backdoor wet area din. Okay na sila sa place pero para sa akin nasisikipan ako. Wala rin yung may-ari pero madaling nacontact thru phone kaya ayun, the next day eh Justinvillager na sila.

Bumalik din kami sa future-ex-apartment nila Ezz para sa despedida ispeysyal. Nagpiksuran pa, kelangan i-freeze ang moments na nabubuo ang Fab5. Kelangan daw maghouseparty. Binuksan ang PR at biglang ininvite ni Pau yata lahat ng online sa Cavite area. Landi lang ha. Sadly di ko naantay dahil kelangan ko mag-Cinderella mode sa kanila dahil gogora pa ako sa meetup with FSR sa Edsa Central bandang alas onse. Goodluck naman sa byahe dabah.


Fab5 Remix
 

05.07.2010

Nagsetup na naman ng another get together para sa postbirdie celebration. Ito na yata ang major sa lahat ng Fab5 meetups dahil magsasama sama na rin sa wakas lahat ng napajoin sa amin na pansamantalang pumalit sa absenerang Pau. Invited sila Mjay at Jan featuring Dar para magkaalaman na kung sino ang tunay na papalit sa coveted spot. Choz!

Bumiyahe ako bandang alas diez ng gabi. That's the most wrongest. Sa ganitong disoras pala eh kakaunti na lang ang mga bus byaheng Dasma. Nang finally eh meron umistop eh punong puno naman masyado. As in yung aisle double file at di mahulugan karayom. Sa harapan ng bus ako unang napapwesto. Dahil wala na akong makapitan eh napilitan akong sa TV humawak. Maya maya lahat na ng katabi ko eh dun na rin kumapit. Parang pineprayover lang namin yung TV kalokaaa! "Masamang espiritu lumayas ka jan! Ikaw nga Villar, ikaw na! Choz!" Habang tumatagal eh natutulak ka paatras ng paatras sa likod kahit wala pa rin talagang mapwestuhan.

Mag-aalas dose na ako nakarating sa Justinvillage. Nakasalubong ko pa sila Pau, Jan at Dar na mamimili ng drinks. Dumating na rin si Mjay dressed in Dora-fashion complete with bekpek at shorts pero minus the herrstyle, batteries not included. Iniwan na rin namin nila Jan at Dar sila Lee dahl bahala na sila. Pinagkekwentuhan nila na may karay karay na guest daw si  Lee, dalawang beki pero hula nila magjowa daw kasi parehas ng tsinelas. Huwhaaaat?! Eh kasi naman guilty pala ang Dar at Jan sa uniform footwear. Ribbitera! Pero infernezz parehas nga ng tsinelas yung mga guests. So ayun nga may two guests si Lee na di ko nagets yung name, parang Paul something yata at si someone. Si Pau andun na rin at may guest din yung ex nya. Di ko alam kung may alam sya sa banyo queen. Si Pau na talaga ang epitomiya ng kalandian. Wala pa sa house ang Ken dahil nasa work pa.

Sinimulan na ang pagkain. Merong nakahandang pansit, spag, shanghai at inihaw na manok. Si Jade dumating rin after an hour yata. Maya maya sinimulan na rin ang pagtagay. Ang tinira GranMa. Shett! I hate it. Amoy panis na sukang Iloko. Sa may corridor naganap lahat ng nomohan. Lahat na yata ng bangko ng kapitbahay eh hinila namin para gamiting upuan. Madali akong nagpass sa tagay. Maya maya magpa-pass out na rin ako dahil sa puyat.

Nahiga ako sa kwarto nila Ezz. Ang sarap na sana ng tulog ko kahit walang electric fan nang biglang may kumakausap sa akin habang nakapikit ako. Si Pau pala, may mga random questions sa personality ko. Palabok pala yun sa drama nya. Kesyo natatakot daw sya sa parents nya sa mga react galore kung malaman daw ang secrets nya. At may pagluha talagang involved. Mejo tumaas yung dugo sa ulo ko kaya naramdaman ko ang boost of energy. More iyak si Pau pero lumabas na ako uli.

Silent night ang drama kaya nilagay kaagad ni Jade ang music player nya. Pinapili niya ako kung anong type of playlist ang isasalang for background music. Eh go ako kahit alin kaya ang pinili nya ang pinakabeki sa lahat, gurl power! Mga Spicegels kinda music. Syempre kelangan anjan yung theme song ni Maricel Soriano na I am What I am. Or was it I'm Every Woman? Basta isa sa dalawang yan ang tumugtog. Buti na lang di nagplay yung We are Family or I Will Survive.

Sa dami namin eh wala kaming central theme. Kung sino ang makalabit mo o makaharap eh gumawa kayo ng topic nyo, pwede rin makinig ka na lang. Si Mjay kinukulit pa ako sa crush ko. Sila Jan at Dar naman eh naglaho, akala ko nagkulong sa banyo ang dalawa pero no! Mas worse pa dun. Nag-away sila at poof Star Drama presents Jan na. Eventually nagbati rin sila, azz in peace be with you ha.

After ng ikalawang GranMa eh nagcrave bigla si Jade ng vodka. Kaya ayun nilimusan sya nila Lee pambili ng The BaR. Special request nya sana na orange vodka ang bilhin dahil he doesn't eat apples daw. Di nya naappreciate ang apple pies, apple juice, apple tart, at pati ang Fanta Green apple. Trauma kaya itong dulot ni Snow White?! Heniweys, pagbalik nila Lee ang dala nila jaran... apple vodka. Wala ring nagawa si Jade kaya ayun napainom nang wala sa oras ng apple vodka. Kanina panis na suka, ngayon naman thinner. What's next? Red Horse ang finale namin. Tinago na nga namin ni Ezz yung isang bote para matapos na lang.
 
Nagliliwanag na kaya pack up na rin kami. Akswali yung mga guest lang ni Lee ang umuwi. May bonggang jerjeran yata sila after ng masigabong laklakan why not. Nahiga na ako sa sala pero di talaga ako patulugin ni Lee. Magwo-walkout talaga ako kung di lang nila ako pinigil. Mabuti na lang at iniwan nila ako in peace sa aking paghimbing. Balita ko may mga misteryong naganap ng umagang iyon na di pre-requisite ang rosaryo. Alam na! Ang Jan-Dar umuwi ng bandang alas ocho. Si Jade at Pau umuwi bandang alas diez separately. Kelangan i-powerpoint?!

Bandang hapon na ako nagising. Nanood pa nga muna ng Wowowee, although EB dabarkads talaga ako. Host si Pokwang that time. Mejo nastress lang ako dahil kelangan pa nila gawin yung dance number to the tune of Surf complete with sipit sa ilong. Nakadalawang beses ako kumain ng lunch. Si Pau nagtext na darating pero wala naman. Inabot na kami ng hapon para mag-uwian.

Siksikan na ang mga buses going back to Manila. As usual standing room kami pero naswertehan ko lang talaga na may biglang bumaba sa tabi ko kaya nakaupo kaagad ako. Silang lahat eh sa Baclaran na ata nakaupo. What can I say? Positive karma, good vibes.


Moral of the Story:
Kapag gutom, lumafang. Kapag nauuhaw, numomo. Kapag bangag na, umistopega. Kapag inaantok na, bumorlog. At kapag kinakati, mag-Caladryl. Pero kung out of network coverage talaga ang any form of help, magtiis ka na lang muna. Tumayo ka lang at mag-intay. Tiyak may bababa din sa Baclaran.

At tandaan, "an apple a day makes the vodka away." Ano daw?


__________
__________
*Fab5. Binubuo ni Ezz, Ken, Lee, Pau at ako. Iba ibang indibidwal na walang something in common pero sumuswak (except kay Pau). Kaya why not Lego ang gamiting metapora sa amin, iba ibang kulay: may pula, puti, dilaw, atp. Iba ibang shape: may mahaba na 1x4 ang equivalent, may maikli na 1x1 lang, at may gigantic size din. Ezz ikaw yon.

Miyerkules, Mayo 12, 2010

Yosi

Walang komento:

Photo by lanier67 at Flickr.



Escabeche Files: Yosi Kaderder
05.02.2010


It's been a long time since the last time na magkausap kami ni ateng Maricel. Busy ako sa pagbibilad sa araw at busy rin sya magpawis sa pagpapayaman sa disyerto. Ngayon eh excitations na si teh dahil hahabol sya pajuwetix this summer for mimingans at bertdeyan.


Maricel:
OMG teh!

Jeremy: OMG you more teh. At dahil jan ako ay biglang najejebs.

Maricel: Jebs talaga ang greeting mo sakin?

Jeremy: Nagkataon lang na madalas nagpapaalam ka bigla para jumebs. hahah

Maricel: Sabagay yan din ang sabe ng friend ko minsan. Kase kachat ko ren sila. Nasa CR talaga ako at jumejebs. hahaha

Jeremy: Ayyy nakakaloka. Jebs at chat don't mix. Dapat siguro magbagong buhay ka na teh. At tandaan mo ha sa gabi ka na lang umiskeydyul ng jebs.

Maricel: Majebs kase akong tao. Minsan kahet di ako najejebs talaga eh umuupo na lang din ako.

Jeremy: Ayyy ikaw na ang prepared. Gurl scout ka teh. Clap clap clap!

Maricel: Sinabe mo teh. Sa isang araw mga sampung beses ako pumapasok ng banyo sa pagjebs. Pero dalawa lang ang successful dun. hahaha Yung iba yosi mode lang pero nakaupo pa ren.

Jeremy: Nakakatulong ba ang yosi sa pagjebs? Meron kasi iba sabi nila oo daw pero di naman nila maconfirm.

Maricel: Oo teh. Malaking bagay sa utak yun.

Jeremy: Really?

Maricel: Psychological lang for me pero wala naman talaga. hahaha

Jeremy: Ano iniimagine mo habang jumejebs at nagyoyosi?

Maricel: Saken teh mas masarap jumebs nang nagyoyosi. Kapag hindi ako nagyoyosi para lang akong nagcoconstipate. hahaha

Jeremy: Hiyang hiya naman ako sayo teh. Ako kaya ang constipated. hahah

Maricel: Teh malapit na ang araw ko. Magmamaganda na naman ako sa Pinas!

Jeremy: Teh san naman yang paglalamyerdahan mo dito ha? Dati nga bigla bigla ka na lang bumo-Boracay dabah.

Maricel: Last time super booking ako. Tapos nung araw mismo biglang cancel. hahaha. Tamad mode. Maglalamyerda ako sa motel! hahaha

Jeremy: Ayyy super bonding na naman kayo ni Don mo dabah. Basta kayong dalawa nag-anuhan yah know dabah.

Maricel: Tama teh. Lage naman kame nag-aano eh. Wala nang bago dun. Gustuhin man namen na wag araw-arawen magmotmot eh dun lang kame safe dalawa. Kase walang makakakita samen.

Jeremy: Ayyy meron kaya teh, yung staff ng motmot. Well safe nga jan sa motmot. According sa professor ko sa Law eh kelangan daw ni wifey ma-Julie Yap Daza sa balur ni hubby ikaw sa same bed in the nude para makapagfile ng concubinage. Pero etong si hubby masight lang nyang pumasok si wifey sa motmot eh go sumbong sumbong kay bonggang bonggang bong bong kagad sya for adultery. Buti na lang teh di yan applicable sayo. Choz

Maricel: Ayy teh nakita ko nga yang si teh ngayon eh super juba lang. Turuan ko kaya siya magdiet?

Jeremy: Si wifey ni Don?

Maricel: Tamaaa!

Jeremy: Yikes ano nangyari sa kanya? Dati boobs lang nya ang malaki. Ngayon her everythang na?

Maricel: Di ko ren alam. She's not taking care of herself teh. Bumobongga yung laki niya. Di ba super lait ko lang sa kanya?

Jeremy: Akala ko fume-Friendster sya sayo?

Maricel: Friends kame teh pag nasa Pinas ako. Nagshare pa nga ng galet key hubby niya ang pechay. Naguilty tuloy ang lola mo ng bonggang bongga. hahaha. But heniweys di naman ako sangkot sa issueng kanilang pinag-aawayan kaya guilt free mode. hahaha. Dun lang pero sa totoong buhay guiltyness to the max level ako but what to do Kathmandu? hahaha

Jeremy: Well, malaki ka na teh.Yah know literally and figuratively. Alam mo na ang dapat gawin yah know.

Maricel: Baket ba lagi na lang yan ang sinasabe sa akin. Iba-ibang words lang pero same thought. Meron naman nagsabe saken na friend ko, "malaki ka na alam mo na ang tama at mali."

Jeremy: Kasi yah know naman ang gusto namin sabihin dabah?!

Maricel: Well I know, I know. Pero masarap ang bawal teh. hahaha

Jeremy: Oo. Parang yosi lang yan. Kahit na bawal eh go pa rin kasi nakakatulong sa pagjebs. Ayyy!

Maricel: At kahet ikamamatay ko ang pagyosi go pa ren kase iba ang feeling pag nagyoyosi. Same sa lovelife ko kahet in the end eh talunan ang ateng mo eh go pa ren kase happy naman. Echusera lang ako ng bonggang bongga.
 
Jeremy: Ewan ko sayo. Maghanda ka na lang ng pasalubong sa akin. Teh buhangin or shawarma, bet? hahah
 
Maricel: Di pwede teh, yung isa malas at yung isa nabubulok.
 
Jeremy: Ayyy parang ginawa mo namang basura yung request ko.


Moral of the Story: Hindi porket may nararamdaman ka eh totoo na yon ~utot.
Hindi porket masarap eh safe na ~vetsin. At hindi porket malaki ka na eh tama na ang ginagawa mo ~Willie Revillame.

And remember kids, cigarette smoking is dangerous to your health.

Sabado, Mayo 1, 2010

Citrus Rings

Walang komento:

Photo by audreyjm529 at Flickr.

Papi Chulo 9: Orange and Lemon 
 

04.30.2010


Matapos ang madamdaming pag-eemote ni Madam Curing sa TV eh mejo shocked pa kami for about 30 seconds. Tapos biglang fineature yung commercial ng Nestle Drumstick kaya mejo nahimasmasan na kami. Yun
pala ang magaling na maderakang nagpapaligo ng mga bata sa mga dagat ng basura.


Pierre: GRABE si Annoying Orange noh?!
Kasuka siya. 

Chester: OMG grabe ginawa nya sa nanay nya. 

Pierre: Oo nga. Di ko na talaga maintindihan kung may boboto pa sa kanya 

Chester: May chikka na Lemon Ribbon is conducting a seance to have Tita Cory to endorse. 

Pierre: Ahahah. Nakakatawa. God rest her soul. Alam mo I cried when she died. Especially when Dulce sang Your Heart Today. Grabe! She was an entire ERA in Philippine History. 

Chester: Did you attend the wake? 

Pierre: I didn't. I watched from the tube. 

Chester: Ang lakas ng ulan that time at basang basa yung mga tao. 

Pierre: Oo. I remember thinking to myself, "Look up Mother country. The skies commiserates the loss of your one true daughter. Look up Filipinos. Look up in despair. How do you replace that woman in the yellow dress?" As in... I said it out loud. Char. 

Chester: At pinagbabato ka ng pandesal ng mga tao. 

Pierre: I didn't say it out loud naman. I just felt it. I cried like crazy.  

Chester: Ikaw na ang emotera. Ikaw na ang makata. 

Pierre: I should post that poem. 

Chester: Go lang pero after the elections na ha. Yah know naman baka isipin nila you're campaigning for Team Lemon Ribbon. 

Pierre: Well, really. I'm campaigning for Silent Knight-Pink Five tandem. I really want them to purge this land. But better Lemon Ribbon than Annoying Orange. 

Chester: Iniisip ko na baka si Lemon Ribbon ang i-vote ko kasi it will come down to popularity. Yah know basing on the polls. 

Pierre: Yeah. Anything basta wag si Annoying Orange. 

Chester: Nagdidikit na nga sila ni Armband sa polls. Like... eeewww. Ganito na ba kababa ang collective IQ ng Pilipinas? 

Pierre: Yeah as a country we've the IQ of a twittering idiot! 

Chester: Twittering idiot talaga?!? OMG naoffend ako. Nagtitwitter pa naman ako. ahahah 

Pierre: Well, the word twitter to mean insubstantial and useless came before that confounded site. It says much that most of the world twitters and thinks its cool. I don't twitter. 

Chester: hahah. I know. Kinonek ko lang kasi kakaupdate ko lang kanina. 

Pierre: Oh sige... blithering idiot. 

Chester: Speaking of idiot. Ano naman masasabi mo kay Chiz? 

Pierre: Ayy. Si kuya kung kelan 2 minutes away pumapapel sa mananalo. Halllloooooo! As if we don't know tuta siya ni Gloria! HALLER!!!! Gloria is desperate! EEEEWWWWW! Sad. 

Chester: Natatawa ako kay Gloria. What happened to her manikurista? 

Pierre: I'm sooo not updated. I get to see only snippets of news. And mostly hear it on the radio on the way to work. Someone needs to shoot her in the temple and massacre her whole family as in to the apo para ubos na ang lahi nila. 

Chester: Pwede unahin na si Mikey? 

Pierre: Oo. Be my guest. Grabe sila. How can anyone be so evil?! 

Chester: Akala ko nga mamatay na silang mag-asawa sa sakit. Di ba ilang beses silang na-confine sa hospital before? 

Pierre: Oo. Sana mamatay sila ng painful and cruel death. Lahat sila pati kmaganak nila. As in mga mga relatives twice removed. 

Chester: Grabe poot na poot.   

Pierre: Grabe sila! Pero kasalanan din kasi nating Pinoy. Corruption is so deeply rooted. Kahit at the level ng common people. Isipin mo na lang yung mga taxi drivers na nangongontrata at nandadaya ng metro. Mga fixer. Ayy grabe. 

Chester: I thought minana natin to sa mga Kastila? 

Pierre: Well, wherever it came from masyado nating ginawang sariling atin. 

Chester: Nasanay lang ang mga taong magrely doon kasi nga naman mas madali ang buhay. 

Pierre: Anyways, it's too late in the evening to speak of politics. And what a waste of perfectly good bed weather. I'd rather talk of moonshine. 

Chester: Infernezz lumamig ng konti ang Pilipinas dahil sa ulan. 

Pierre: Oo nga. Sarap. Perfect sa weekend. Pwera usog. Alam mo days like these I wish I were in the forest living alone para I can walk around naked. 

Chester: Forest nymph why not? 

Pierre: Oo. Diana... goddess of the hunt. 

Chester: Diana is Roman dabah? Sino counterpart ba sya sa Greek? 

Pierre: ARTEMIS!!!! 

Chester: Ahh oo yata. I forgot na. 

Pierre: Expertise ko dati Greek and Roman myth. 

Chester: Wow ikaw na. Dahil jan may nagquiz: Enumerate all 9 muses! choz 

Pierre: Ayy challenge. Lyriope? Cliope? Tama ba? 

Chester: May Calliope yata. 

Pierre: Si Tina, si Wendy at si Jane? 

Chester: Cynthia? 

Pierre: Oo. Cynthia yung counterpart nya sa Roman ay si Doris Alameda. Tama. 

Chester: Kalokaaa! Di na ako makarelate. 

Pierre: Ayy ako kanina pa di makarelate.


Implikasyon: Humanda na kayo sa pagtutuos sa a-diez. The Annoying Orange versus the
Lemon Ribbon. Who knows baka may chance pa si Armband, Silent Knight, at Jeje-Buster.  At dahil jan may isa pang umaapila, si Ja-ja-ja-ja-mon: "paRurusZaHan q0h p0h qE0 sxa nGahLan nG buWahNz!"



A face only a mother can love.


VS

 Parang di naman ganun katuwid ohh.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips