Biyernes, Enero 29, 2010

Blank Canvass

 
Photo by fantasmic at Flickr.


Happy New Year!


2010 na! Eh ano ngayon? Wala lang. Grabe slack period ako. Wala man lang ako naisulat sa loob ng 20 days pagtuntong ng 2010. Akswali marami pa akong backlogs from 2009. Irereview ko pa ba ang oh nine? Well, it didn't suck as much as oh eight. Akswali more adventures ako last year ha, and more friends ha. Wish ko lang mas mabuti ang maging kapalaran ko this year.


Eto tinatamad pa rin ako magsulat. Walang gana oh. First post ko to for 2010! Imagine! Kahit mag-overdose pa ako ng Centrum, Enervon, at Pharmaton (ayyy teka mahal yang pharmaton wag na lang yan) at magtatambling eh di ako inaaabot ng inspirasyon. Ganun pala pag di in love o di ako galit eh di rin sya flowing ng imaginations oh. Leche naman, di kinakaya ni brain umimbento ng kwento. Akswali pinagsusulat ako ng kwento ni Derek about us daw. At not just any story, kelangan daw funny, fictional, at in english. Homaygad. Effort kaya ako magsulat in english. Nosebleed. Tagalog talaga ang forte ko. At kelangan talaga funny daw sya ha?! Nako next time na lang pag di ako tinotopak ng umami syndrome.

Kaya Happy 2010 na lang. Time to start from scratch again.  Time to heal from old wounds. Time to redraw fate. Time to build new memories. Don't wait na mag time is up, pencils up and exchange papers with your seatmate na. Kung hindi ngayon, kailan? Remember it's 1,066 days before 2012. Choz.
Mag-post ng isang Komento

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips