Biyernes, Nobyembre 28, 2008

Sit down

2 komento:

You're Rocking the Boat
November 8, 2008



Friday night eh nakakuha ako ng message kay
Kiko inviting me over for a party, not actually but a get together. Matagal na yung last naming nagkitakits. Eh mejo shy shyan nga ako kaya hindi ako madalas magpurupupunta sa mga kapapartyhan na ito kaya magdedecline na sana ako. Pero reply pa rin ako baka sakaling makahook ng isda di ba. "Cno ppunta?" At least si Elvin pala eh pupunta, okies na yon meron akong makakausap kung sakaling magkadamihan na ng tao. Ok I'll try sabi ko.

Pagkatapos non eh pinagtetext ko sila Arvy at Iyo kung pupunta rin ba sila. Si Iyo eh busy busyhan lately kasi gym gyman ang lola. Nagpapalaki ng maskels para sa nalalapit na bertdeyan. Si Arvy naman eh sa chat ko na lang nahahagilap kasi naman kung saang nomohan yata nakakaladkad ng mga frens na lulu at becky. Ok lang, at least andun pa naman si
Elvin .

Tanghaling ng kinaSabaduhan eh nagtungo ako ng Divisoria para mamili ng barong. First time ko sa Divi kaya shock pa ako sa dami ng tao, sa traffic, sa amoy and everything. So help me God. After ng kakapagod na experience na yun eh tambling na kagad ako kala Kiko.

Pagdating ko sa apartment eh wala pang tao. At mejo nagulat ako kasi I'm expecting maingay. Yoga party ba ito? Nagbukas ng pinto si Jayvee, his housemate. Tinakot ko pa sya kasi para pala akong istowker sa labas. Si
Kiko naman eh nagsundo pa sa ibang guests. Looking around eh napunuan na ng laman yung pad compared dati na totally bare. May tv, may ref, may books, lots of them. Pero somethings missing. Aha, tables and chairs. Dapat yata nagrent kami plus Boyoyong clowns para panakot lang, Halloween season pa naman that time eh. And from now on, this apartment will be dubbed Tahanang Walang Bangko, or House with no Chair, or other similar terms. Madami naman pillows eh.

Siguro twenty minutes pa dumating sya, with
Elvin and Anniel. First came the pasta, ang sauce eh somewhat veggie yata for a vegan friend who's supposed to come. Tapos may chicken pa. I didn't then kasi kakatapos ko lang kumain that time. Ngayon parang pinagsisisihan ko di tinikman ang luto ni kitchen god.

After that dumami na ang sangkatauhan. Mga highschool classmates, mga friends, pati housemates, and housemates' clanmates. Hard to keep up with the intros at talagang hindi ko nakuha karamihan ng names. Memory gap. Pasensya na kasi can't afford ako sa Sustagen.

Maya maya may grupo grupo na ng chikkahan. Parang game itu! The boat is sinking, group yourselves into four. Grupo kami nila Anniel at Elvin plus si Miguel, housemate din. Sa kabila eh englishan na ang labanan. Si
Kiko eh bumabalik balik para magdala ng drinks. Yung pinkish white drink na yun, na combo pala ng Dutchmill, Sprite at Gin ata.

Siguro past two na nung umalis two groups, wala na ang mga pechay. Simula na ng sausage party, nagsama na ang mga surviving katribo. Yun nga lang di na rin kinaya ni
Kiko at nagretire na. So naiwan kami na magkwentuhan ng walang kakonek konek na mga bagay. Mga spook stories na nalink sa Mobius Strip at Maskman, mga episodes ng Twilight Zone na muntik nang malink sa Twilight, pati episodes ng Sailormoon na kabisado pa nila ang mga hand gestures. Standout performance ang intro ni Ate Vi sa youtube na "Where's the Party?" at ang Temptation Island dance to sampalan showdown. Hindi ka rin IN pag hindi mo nagets ang Awkward Turtle, Sexual-harassment Jellyfish at Sexual Worm. Addendum lang ni Anniel na pwede naman daw "Awkward Ipis" for a more pang masang effect. Hindi lang kami masyadow nakapag ingay kasi baka mauga namin tong boat ni Kiko eh magising at magwala. hahah. Hindi naman, peaceful kaya ang borlogs nya nun.

Natapos na ang event ng magising ang
Kiko Matsing at papasok na sa kanyang daily task. Linggo na ng madaling araw. Nagjogging ako pauwi. Actually gusto ko sana tumambling lang pero lango pa ako sa nectar. I smelled something in the air that night that shined so bright Fernando.

Hanggang sa susunod na paglalayag, this is your Captain speaking, the Master of my soul, este show na lang. Taray! Parang Kuya Germs lang kasi WALANG TULUGAN!!!

Miyerkules, Nobyembre 26, 2008

Crossing

Walang komento:

Bagong Chicken
Pork Adobo

November 24, 2008


Well a big shout out muna sa new batch of CPAs this October 2008. The results were released after one day from the four days of examination on October 11, 12, 18 & 19 from Manila, Baguio, Davao, Cebu, Cagayan de Oro at may isa pang chorva, sori ha memory gap. Di bale nagsuSustagen na ako. The examination produced 2442 passers out of 6663 for a 36.65% passing rate, halos kasing levelling ng 2007 exam.

Syempre happy ako jan kasi part ako.  Heniweys, November 24 ang oath taking ceremony na naganap sa Plenary Hall ng PICC. Mahaba ang ceremony na puno ng kachorvahan lang. I mean may intro pa ng mga school faculty, at lalo na ang mga reviewers na mas malakas pa ang charisma kesa sa guest speaker. May mga messages ng guests na paulit ulit lang naman. Tapos meh awarding pa na buti na lang walang acceptance speech. At meron pa talagang kunwa kunwariang kamayan sa mga inductees with nirolyong papel at matching grad song. Grad song talaga?! Hindi man lang pinalitan ng background music into Low, Crank that Souljaboy or Kapag Tumibok ang Puso. Pajologan na to.

Syempre merong speech ang topnotcher. Madrama ito, azz in. Eh hindi nga ako mahilig sa drama. Sori sa mga fans jan ng MMK o Wowowee, pero nako-cornyhan talaga ako pag merong Star Drama presents factor na nasasangkot. Well may karapatan sya kasi top naman sya. Natawa lang ako nung mega comment sya sa mga thank yous nya, "And to my bestfriend, you know who you are." Oh di ba winner, pang showbiz ang dating. To begin with hindi ko alam kung boy o girl yun pero I can sense something eh. Well heniweys, congratz kay Richie Jackson Taguinod ng University of Saint Louis Tuguegarao. Paborger ka naman, I'm sure mayaman ka na! Naokray na kita bago pa kita na congratz. Peace!

Share ko lang yung first line ng speech nya na quoted somewhere at ewan ko lang talaga kung may konek sa exam ha. I find this very inspiring.

"I expect to pass through this world but once;
any good thing therefore that I can do,
or any kindness that I can show to any fellow creature,
let me do it now; let me not defer or neglect it,
for I shall not pass this way again."


Stephan Grellet

I'm happy for all who passed. It's only the start of a new journey. For those who didn't make it, kaya nyo yan next time. Aja!! For those who plan to take it in the future, Good luck and God bless!

Huwebes, Nobyembre 20, 2008

When in Wensha

2 komento:

Do as the Wenshans do
October 21, 2008




This happened like a gazillion weeks ago pa. Tanjobi Omedetto ng aking friend na si Warren at dahil hampas lupa ako eh namilit akong magpalibre. Hindi naman masyado, slight lang. Well, nag promise promise-an naman syang maglilibre sya when the time comes para nga sa bertdey nya. Kaya yung mga magbebertdey jan, yung kambal ng tadhana, blow out naman! nyahahah


Well rewind muna tayo a few weeks back, so napag-usapan namin thru chat ang isang bath house na tatawagin na lang nating Wensha. Why Wensha? Kasi yan ang talaga ang name nya, tanungin nyo yung may- ari why Wensha. Nabasa daw nya sa forums about this place. Sa sex threads. hahah. Well, mukhang satisfied naman sya. At kahit ilang beses pa nya ko pinilit na magbasa basa ako about dun eh dedma lang.

Fast forward, play. So bertdey nga nya. Ang kitakits daw eh sa MRT Taft station. Quarter to nine andun na ako sa Taft. Fifteen minutes later pa dumating si Warren. Baba kami ng station at kuha ng taxi. Hindi pa kami nakakalayo eh biglang huminto yung taxi. Nawalan daw ng gas. Wow, how convenient. At ang kapal pa ng mukha para maningil eh hindi naman kami nakalayo. Buti na lang may kasunod na taxi.

Minutes later nasa Wensha na kami, sa may likod lang pala ng CCP to. Pagkabayad ni Warren sa counter, binigyan na kami ng slippers. Kinuha yung shoes ko. At shockingz galore talaga ako. Kelangan maghubad?! OMG. Dapat binasa ko yung threads about this. Shett! Supahshock talaga ako, mga ilang megavolts siguro, pero I was not expecting this I swear. I thought you can wear underwear sa ilalim ng towels and robes, pero no! Sabing no eh! Maghubad ka! Pasensya na talaga sa katontahan ko about this, pero new lang ako dito eh. Virgin virginan pa ako sa spa. Hindi ko to kinaya, azz in. Sana naman kabahan yung mga staff dun na paghubarin ako, lampayatot kaya ito. Baka biglang may mag-outreach sa akin at alukin ako ng feeding program. Pwedeng pwede ako dun.

So ayun nga, nakahubad na, manipis na towel lang ang harang. Sa pool area, shower shower ng konti. Tapos babad sa icy cool pool. Sobrang lamig, pwede ng pang cryogenic chorva. Sa kabilang pool naman, scorching hot. Kelangan ko igalaw galaw ang katawan ko para pantay ang pagkalapnos. Heniweys, while andun kami eh nagchichikkahan lang kami ni Warren ng biglang namataan nya ang isang suspicious person. Hindi naman, feeling ko lang istowker ko, kahit minsan magfeeling tayo di ba?

Nagtry naman kami sa steam room. Parang sandali lang eh natutuyuan talaga ako dun, pero ok lang naman, may sipon ako that time... at least libreng vaporizer yun. Sana nagbaon pala ako ng Vicks vaporub. So labas after mga 10 or so minutes. Babad sa pools. Shower. Pahinga sa recliners. Repeat until well done.

Sa kinalaunan eh nacurious kami na pumasok sa isang room. Sauna yun noh. So pagpasok pa lang sobrang init na talaga. Umupo kami sa benches, mainit pa rin kahit may towels na. Marinade na lang ang kulang pwede na kami mabarbecue dun. After three minutes hindi ko na kinaya. Lumabas na ako.

So si Warren nagsteam uli. Ako sa recliner lang. Here comes searchee number one, I mean yung istowker-wannabe ko. Dumaan sya at palingon lingon. Cue music: Pasulyap sulyap ka't kunwari patingin tingin sa akin.... Cute naman, pasado! Weird nga lang at lumapit sya at nagpaalam na uupo lang daw sya dun sa next recliner. Huuuuwhaaaat?! So ayun, nagkahiyaan after nun, naghahabulan lang ng tingin, hanggang sa retire na ako sa pitstop.

Umalis na kami ni Warren para sa massage. Sya na rin pumili ng masahista. Male talaga. Well, ok lang naman yung massage sakin. Sobrang lang daw ako ngumiwi? Kasi naman ang lakas ng kiliti ko sa pusod, so bawat daan malapit dun eh talagang nagpipigil ako ng tawa. Parang torture pa nga nangyari sakin eh. Hindi ako nakapagrelax. Ayaw pala ni Warren dun sa naassign sa akin kasi ba naman yun daw yung dating nagmasahe sa kanya na mejo sensual daw. Siguro nga kasi mejo *censored*

Heniweys, after nun lamon mode na kami. Kainis nga lang at wala na palang shabu shabu that time. Eh mejo full pa naman ako kaya nag-mami na lang kami. Imagine that, pumunta kami sa spa para kumain ng mami, pwede naman sa palengke, turo turo at karinderya di ba? Masarap naman eh, I didn't quite taste the exquisite herbs and essence of spices. Choz! Masarap talaga. Try it!

Nagkwentuhan na lang kami after nung mami. Eh mag-aalas kwatro lang pala. Nilakad na lang namin palabas ng Roxas ata. Mejo masukal ang daan na naliligiran ng mga kapunuan. Hindi naman, maliwanag naman dahil maraming ilaw, pati Star City eh bongga pang ng ganung oras.

Nakauwi rin ako mga alas sais na. At least bagong experience to. Well, malamang maulit ito, masarap naman eh. Pero sa Wensha na lang uli, mejo nalurkey ako dun sa ibang spa. Mas lalo akong masa-shock dun for sure. Busilak ata to! So the next time hindi na ako noob.

Wag kayong tumawa jan. Just try it! Pati yung mami na rin.

Lunes, Nobyembre 17, 2008

Paborger ka naman!

Walang komento:

Midnight Snack
November 18, 2008


So lapit na magbertdey itong si Elvin kaya naman sobrang antabay ako sa panlilibre nya noh. Dati sa McJo na ang usapan. Tapos kalamaan laman ko sila nang nagbabalik na jowang si Serge eh mag Rairaiken daw. Assuming na lang akong mainvite. Nabanggit ko kasi one time na pwede na ako sa Lucky Me pancit canton kaya yun na lang daw. Ah kahit cheapness yun papatulan ko talaga! Nako itry nyo nga yung Kalamansi at Sweet Chili ipagcombine nyo, heaven pare! Adik lang. Kaya kanina eh hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya't nagpapampam at nanggulo talaga. Iskandalo to!

Jeremy:
BUZZ!!! Hoy! Pitong tulog na lang, Jollibee na naman. Ang araw lulubog at chorva chorva pa. Ano daw?

Elvin: Ha? Werd!

Jeremy: Werd talaga!

Elvin: Tara burger tayo sa Angels burger.

Jeremy: San yun?

Elvin:
Ay di mo knows yun? Sa may ABS! Di mo alam yun?

Jeremy: Hindi eh... may melamine ba yan?

Elvin:
Nagkalat kaya yung burjer stand.Kain lang kami ni Kenshin. hihihihih

Jeremy: Go ahead. Picture-an mo ha!

Elvin:
Mamaya! BRB



So, nagsnack (or lunch or dinner, I'm not sure na, basta ganitong unholy hour eh lumalarga palamon mga kachat ko) si Elvin at ang officemate nyang si Kenshin. Mejo cuteness naman tong si Kenshin kaya pinagtitripan din namin minsan. After some time, akswali mejo matagal nga yata yun eh, nakailang tambling na ako bago nakabalik sa borgeran.



Elvin:
Nakakahalata na daw sya. hahaha

Jeremy: Anong nakakahalata?

Elvin: Pababa daw ng pababa ang mga hawak ko sa kanya. wehehhehe

Jeremy: Anong pababa ng pababa?! Shett! Nagspaghetti kayo? Akala ko ba borger?

Elvin: Antaba ng utak mo para maisip mga ganyang bagay.

Jeremy: Anong antaba ka jan?!

Elvin: Mukhang yoko na makipagsundutan sa kanya.

Jeremy: Sundutan? Nagtoknene ba kayo? Ano ba talaga kinain nyo ha!

Elvin: Kulet mu! cheh!!!!

Jeremy: Ano na nga nangyari? Details!!!

Elvin: Details ka jan.

Jeremy: I want to be complete!

Elvin:
Centrum?

Jeremy: Yeiz!

Elvin:
Angel o Piolo? ...ay Heart pala!

Jeremy: Kahit sino.

Elvin:
Bentong?

Jeremy: Cheh! Oh chuloy ang kwencho.

Elvin:
Habang naglalakad kami pabalik, di ko napigilan... habang naglalakad kami pabalik kinalabit ko sya sa pwet. Slight lang.

Jeremy: Ayy type mo ang siopao?

Elvin:
Weh. Tapos na kami kumain nun no! Kulet kase ng suot nyang pantalon. Low rise. Eh yun nga sabi... Nakakahalata na daw sya, hipo daw ako ng hipo.

Elvin: Di naman galet. Sabi ko lang, "Baket? Kala mo malaki ka? Wag mong sabihing malaki ka, paptulan kita!" Ayun nabawag ang buntot

Jeremy: Nako, iskeyri ka lang! Isusuplong kita sa bantay bata.

Elvin: Duh. Pano mo alam na bata pa yun? Matanda pa ako dun eh.

Jeremy: Hula lang. Next naman huhulaan ko ang kapalaran ni Ate Charinggerzi...

Elvin:
Sus. Kahit saang dimension at anggulo naman, masama ang sasapitin ni Charing sa mga kamay mo eh!

Jeremy: "Wag magsuot ng yellow, baka ka matuklaw ng ahas. iwasang uminom ng tubig, galing sa gripo man o mineral, sa loob ng tatlong araw, baka may muriatic acid. lucky color yellow. lucky number 13."

Elvin:
Baket naman yellow pa napili mu?

Jeremy: Wala lang, mahirap iispel ang fuchsia eh.

Elvin:
Eh di sana red na lang? Sabagay, may lason bang kulay red?

Jeremy: Ang obvious naman pag red noh! Kelangan light colors lang.

Elvin:
Honga.

Jeremy: Pinkish white for example

Elvin:
Ay!

Jeremy: Oh dabah, hindi obvious kung may vetsin yon.

Elvin: Pinkish white? Sasali ka dun sa contest?

Jeremy: Anong kontes to?

Elvin:
Yung dream date, with Piolo or Dingdong?

Jeremy: Hindi na noh. Yakkks lang!

Linggo, Nobyembre 16, 2008

Ammonia

Walang komento:

*Hikab*
November, 2008


After light years eh nagbabalik na naman ako para magagagawa ng mga ka-Bloggaguhan. Shett! It's been so long. Madami nangyari sa last couple of weeks. Syempre iuupdate ko na lang yung mga significant events sa blogs para naman magkalaman to kahit papano.

So ayun, lately wala akong magawa. Naalala ko tuloy yung commercial dati sa MTV, "Bored ka na ba, nalolongkot at walang magawa?..." parang ganun na ko ngayon. Pero hindi naman ako desperate na mag-hello telefown at makipag chikkahan sa mga pokpok at macharge-an ang aking credit card. Una, dahil wala akong credit card, kaya yang mga nakatayo jan sa mga malls na nag-ooffer ng bahay, lupa, celphone, at kung anu ano pa, get away ok! Pangalawa, bakit ako magbabayad kung may libre naman, I mean libreng katelebabad na for hours at nakakaubos ng pagod, pasensya, tutuli, at laway. Hindi na katulad dati na pag walang magawa eh sulat ako ng kung anong chorva na naman, ngayon eh meditating-meditatingan ako. hahah. Akswali speechless lang ako, wala masabi kaya wala mablog.

At sa ngayon nga eh tambay mode ako. Gusto ko na nga magresign eh. Yah know, ayoko na ng theme song ng buhay ko... "bum bum bedum bum bum bedum bum." Shadap ka muna ate Rihanna. Nagko-concentrate ako. So ayun, kelangan lang maglabas ng konting pressure. Nakakabaliw din to noh, yah know naman malapit lang kami sa Center! At sa mga detractors ko jan, assuming naman meron ako, hindi ako takas. Shett!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips