Martes, Hulyo 15, 2008

Coffeemate


Plus 2 sugar
July, 2008


Everyday since May eh part na ng daily diet ko ang coffee.
Kelangan kasi super groggynessism na lang ako pagdating sa gabi when I need to study. Gusto ko brewed, pwedeng may creamer, plus 2 sugar. Ayoko ng mapait, gusto ko sweet. Kelangan merong 1 cup sa morning as breakfast, optional yung sa hapon. Compulsory sa gabi.

Sila Ferdie ang nag-introduce sa akin sa shala shalahang coffeeshops. Ayoko nga pumunta dun kasi I know it's so expensive. Eh minsan lang naman daw yun, saka may sweldo na naman ako so why not? I've had my first cup, a Brownie Javakula, kaya lang puro reklamador sa spot ang mga kasama ko. Porket walang aircon, malamok, at walang music! Mas maeenjoy ko sana kung ang topics eh more on serious stuff. Tapos mega reklamo pa tong si Kip na kadiri daw ang Chocomint nya. Next stop ko nun eh malapit sa may Podium, ibang brand naman. Si Ferdie pa rin ang nagorder para sa akin kasi naiba ang menu. We spent time playing Texttwist kasi walang wifi ang primitive laptop ni Reden.

My first time na mag-order by myself eh dun sa Adriatico. Ibang set of friends kaya wala sa akin magtu-tutorial. Nakalimutan ko pa ang order ko kasi wala yung script. I had to inquire pa kung ano ba ang choco-based drinks. Suggestments ni ate ang Mocha Frappe daw. So since then favorite ko na rin sya, madali pang tandaan.

Since the day my work ended, namimiss ko na ang coffee bud kong si Maureen. Pagdating ng around nine eh kelangan nang kumuha ng hot water. Madalas eh sinasabayan ko yun ng cup ng lugaw, champorado, macaroni soup, arrozcaldo, goto, or lomi ni ate Junalyn. Pagbalik sa cubicle eh todo chismisan na kami ni Mau. Etong si Mau eh minsan nagbabaon din ng cocoa na may mini marshmallows plus hazelnut na creamer pa, shoplift nya sa Shopwise. Yummm! Confidante ko na tong si Mau, alam na alam na nya lahat ng kadramahan ko, mga crushes, mga number 17s, mga inokray ko, at mga emo mode sa love.

Nakilala ni Mau yung current lovadubbadoo nya thru me, crush ko yun na tinuro ko sa kanya, agawera! Parang gusto ko mag-ala Cherie Gil! "You're not but a second rate, trying hard copycat!" sabay buhos ng kumukulong kape! Pero it's all OK now, phase ko lang yun. Excited din ako sa mga developments ng love istowri ni Mau. Nashare ko na rin sa kanya mga concepts ng open relationships sa kanya na isa rin pala sa mga concept nung ex nya. Di bale next time eh sana makapaglevelup na kami ni Mau at magshala shalang coffeeshop naman somewhere in Cubao, at makagraduate na rin sa 3-in-1.

Nakakadalawang beses na kami magcoffee nitong si Derek. The first time eh walang seat kaya standing room kami. Hindi ko naman alam na napipikon sya sa look nya nung tinanong nya ako. Just being honest lang. Ayun walkout kagad. The second time eh nakahanap kami ng seat, nakishare lang kami sa isang thundercat kasi wala naman sya kasama. Serious ang usapan, about his life, his work and such. May freebie pa ako pag-uwi, one hot Jamaican pie! Yehh mon!

Bagong friend ko tong si Serge pero hindi sya mahilig sa coffee. Sasabihin pa nya sayo, "Yuck ang cheap! Tara magsago tayo!" Kinekuwentuhan ko sya ng mga drama drama, syempre sa mga tindahan ng samalamig at shake... yung mocha flavor nga po, may sago saka penge ng straw! I have to admit na naging crush ko naman si Serge pero sa isang pic lang talaga. Promise! Gusto nya ilapit ako dun sa isang crush daw nya para daw magkalove life na ako. Meron na ako love noh! Sabi nya ang crush daw eh para sa mata lang, ang love eh para sa puso. Eh pano naman kung isa nga ang nasa mata at puso mo, pero sa iba namang puso yata nakatuon ang mata niya?

Isa pa tong si Shane. I have to admit na wala talaga sparks sa kanya. Sinabi nya na committed na rin sya cause he found na after two meetings eh wala daw reaction sa akin. Hmm.... bakit ako nag-aabang for almost five months na at wala pa rin reaction sa kanya. Shett! Lahat na ng tao sa paligid ko nakahanap na ng Fairy tale love nila... si Elvin, si Serge, si Warren, si Shane, lahat sila, kami na lang ni Maricel at Maureen ang hindi pa! Tagay nga jan! Isang barrel pa ng kape!

Nagkita kami just the other day nung highschool friend kong si Rex at ininvite ako magcoffee. Since callcenterboy sya eh mayaman na sya kaya nagpalibre na ako noh. Barya barya na lang sa kanila to. Dati daw hindi rin sya in favor in spending money to drink coffee, pero narealize din daw nya na it's not really the coffee you're paying for, but the time you spend to be able to talk, plus factor yung atmosphere. Naikwento nya ang kanyang mga past relationships with 4 Js! Merong experimental lang, merong kindred spirit, merong lust lang, at merong love din. Iba ibang aspect ng personality nya ang nakilala nya pero each circumstance eh nauuwi rin sa separation. What if you find what you're looking for in one person, kung saan mag-aagree ang mind, body and soul?

Kahit anong gawin ko, hanggang pangarap na lang ako. Sabi nga ni Shane dapat 2nd meetup pa lang alam ko na. Sabi ni Serge baka residue lang ako ng feelings nya for another. Sabi ni Mau hindi nya kaya yung mga tae-taeng konsepto kong napupulot. Sabi ni Rex I don't deserve this. Sabi ko lang, so what? Kahit ilang galon ng kape pa inumin ko hindi na siguro ako magigising sa bangungot na ito. Nasan na ang focus ko? Kape pa nga!

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips