Huwebes, Hulyo 10, 2008

Chiffon


Let Them Eat Cake
July 9, 2008



Everytime na may birthday eh cake ang isa sa mga hindi dapat mawala. Parang hindi buo ang essence ng celebration pag walang cake.... Ako naman eh kahit cupcake lang pwede na, basta Lemon Squares ba. Namiss ko na yun ah, masarap yun talaga.

Kung sa brands ng cake eh anjan naman lagi ang Goldilocks. Kung mejo pashala ka eh meron namang Red Ribbon. Kung kulang ng konti eh di Jonis (meron pa ba nyan hanggang ngayon?) Or kung talagang wala, meron mga slice cake sa suking panadero, cheap nga lang ang icing at cocoa na gamit.

Yung momey ko mahilig magbake ng cake, before. Nasira na kasi yung oven namin, parang naalala ko pa nung binili namin yun sa Greenhills nung bata pa ako. Mejo shala naman kasi La Germania yun, nga lang eh luma na yung mga pipes, baka kinalawang na rin kaya nakakatakot naman at baka magka-gas leak pa.

Pero gusto ko yung mga binebake ni momey. Natry na nya yung Milestone cake, fruitcakes, cinnamon rolls, ube cake, cheese cupcakes, at choco custard. Palpak nga lagi sa cheesecake pero ok na rin, masarap tikman yung fruit of labor nya. Hayz nakakamiss talaga yan.

Dati ang binebake lang ni momey eh puro chiffon cake. I used to hate it kasi its tasteless. Pero over the years it kinda grows on you. I miss the softness and the drops of lemon (sige na kalamansi gamit namin) put into it to give it some taste.

Pero generally ang fave ko talaga eh Blackforest at Blueberry cheese cake. Nung magbertdey ako eh gusto ko talaga bumili nyang blackforest, eh kaso pagcheck sa Red Ribbon, isang shocking 530 PHP! Shett! Ang mahal na ng gasolina! So I decided na ang ipabili na lang eh Blackforest log na lang sana, yung roll version nun. Kaso wala rin, so naging Mocha roll na lang, nagdagdag din si Bakex ng Strawberry Cream Fudge. Syempre surprised ako nung si Derek naggift ng cake din. Butter yung icing at choco marble yung cake. Syempre delicioso, yum yum yum yum yum!



~0~



Derek
: Ayaw mo yung cake?

Athan: Ang sarap nga eh, I loved it! Basta galing sa iyo special sa akin yun. Sweet and soft, kinda like you. Naks!

Derek: Thanks. Eh bakit gusto mo shawarma?

Athan: Hindi ko pa kasi natitikman yun.

Derek: Ows?

Athan: Si Maricel kasi eh sabi nya bibigyan nya ako eh hindi pa rin nya binibigay hanggang ngayon. Nung time naman na mag-uso yun eh hindi ako nakisawsaw sa bandwagon.

Derek: E di try mo, daming shawarma and kebab.

Athan: Ok lang kahit next time ko na matry yung shawarma, basta I can have a slice of your cake for now.

Derek: Hindi pa ubos?

Athan: Yup inuunti unti ko.

Derek: Heheh

Athan: You can never have too much sweets, everything must be in moderation.

Derek: Ganun?! hahahhahahah

Athan: Tinatawanan mo na ako! May moral lesson jan. Lesson: magtoothbrush pagkakain ng sweets.

Derek: Meaning????

Athan: Joke lang yung sa toothbrush. Pero I believe na life isn't all filled with sweets, sometimes God gives us other things besides sweets that we may not forget to be thankful for His blessings, and strong and faithful through adversaries.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips