Pick up Six: G4's Guide to Life
Siguro mahigit 2 years na ko member ng site na to. Pero dati ayoko maglalalagi kasi feeling ko nakakahiya baka may makakita sakin at majudge pa ko ng kung anu anong mga bagay. Around mid October last year nung magdepress depressan ako ng muling bumisita sa site na ito. Feeling ko eh magfocus sa ibang tao, baka makalimot ako ng lungkot. Sa tinagal tagal eh nasanay na rin ako dito. Madami ako nameet na friends, may nagustuhan, may nakainisan, maraming natutunan. Eto ang top six na natutunan ko, in random order:
1. Add Pepper to taste. Sadyang nakakabahing na Pinas. Madami na ang badingerzzz sa mundo. Sabi nila latest fad lang daw, at nakikiuso lang ang mga tao. Pano kung hindi na? Pano kung inenjoy na? Haydonkker. Kung san ka masaya, suportahan ta ka! Kaya sa mga haters, buck off! Dami lang inggitero sa mundo. Mga insecure sa buhay nila, kesyo hindi makahanap ng makausap. At sa dinami dami ng mga becky eh marami rin mga walang alam sa pinasok nila. May mga distinction sa mga subgroups, at maraming discrimations. Meron ding pinaghahalu halo ang mga subgroups. Tama bang pag-isahin ang discreet sa bi? Bili kayo ng Baklese dictionary. Hindi ko pa nababasa yun pero baka merong definition dun.
2. Move over Inday! Nose bleed lang kung nose bleed. Sa totoo lang sanay lang ako sa English kapag binabasa lang. Pero sa dami ng mga nakilala ko ditong taga-call center eh parang kelangan English-an ang chat at usapan nyo lagi. As in duguan talaga. Pero enjoy naman kasi andami ko na rin napickup galing sa kanila. Pagminsan eh parang nakabraces na ko magsalita. Sabay sabi ng "you know, you know" kahit wala naman talaga meaning pinagsasasabi ko. Kasama na rin dito yung mga nababasa ko na mga nagpipilit sa english-an. Ang tawag na lang namin ng friend kong si Reese jan eh "Inglesh" kasi nga kahit sobrang wrong grammar eh proud pa rin sila. Pero masaya pa rin kasi comic relief sila. At talagang nakakatuwa naman ang pag-i-effort nila. Kaya nakakatawa na lang pagtripan at gayahin ang mga carabao na ito.
3. Bitch is the new black! Baduy's out! Ayon sa site eh prerequisite ang fashion sense. Hindi naman sa kelangan uber japorms or fashionista ka, pero wag lang baduy. As in! G4 is the site that relies much on looks, the heart and the mind doesn't matter. Basta meron kang fezzz value, or specific body built, or something below the belt. Kasama na rin dito ang tamang pagposing at lighting for pictorials as invitations to make offers. Meron akong naging friend dito na sinabihan ba naman akong hanger daw ako, kasi super baggy lahat ng damit ko. Ano magagawa ko eh hindi naman ako bumibili ng sarili kong damit, dati. Pero its all ok now, nakakapag-adjust na ako.
4. Be critical. Okray or be okray'ed! That's the way of life. Dog eat dog world ika nga. Kelangan makipagsabayan sa laitan. Dapat hindi ka lang pikon, dahil ang pikon ay laging talo. Alam ko bad maging judgmental, sabi nga ni Melanie, "don't judge my brother, he's not a book," pero maraming instances na kailangan ng comment ng isang bagay. Take it as constructive criticism na lang siguro. Work on your bad points. Sabi naman ng iba eh bakit nga ba kung sinong mga chaka eh sila pang malakas na laitera? Sour graping ba ito?
5. Magrecycle. Maraming plastic sa mundo. Hindi na sila madidispose ng maayos kasi nakakasira lang sila ng environment. Anong solusyon? Dalhin sa junkshop! Ang ibig ko sabihing plastic dito eh mga taong plastic. Maraming mapagpanggap. Maraming nagkukunwari. Tawag nga nila sa sites eh mga fakers at posers. Mga doble kara. Hindi ko alam kung takot lang magpakita ng tunay na kulay o sadyang pinanganak silang sinungaling. If you can't beat them, join them. Makipaglaro ka rin ng barbero, barberohan.
6. Love is all around you. Maraming labless at maraming naghahanap ng love. Yung iba lang eh making love, pero love pa rin nontheless, totally different take nga lang. Sinasabi nilang mahirap makahanap ng serious relationship daw. Parang Fairy Tale nga lang yun para sa akin, siguro Personal Legend ko na lang. Mahirap lang makahanap ng compatible mo kasi maraming factors; anong trip mo? position? Bakit ba hindi na lang love ang magpaikot sa mundo? Sa dami ng mga singles, konti lang ang nagkakatuluyan kasi nga incompatible daw. Minsan nakakainggit makakita ng nahanap na nila ang fairy tale nila, pero I'm happy for them. Kelangan hindi maging bitter. Bitterness deserves nothing but bitterness. Kaya spread the love!