Lunes, Setyembre 18, 2017

Kwarto

Walang komento:
Magpapaalam na sayo ang aking kwarto
Na punung-puno ng galit at damit


Magdodownsize na kami ng bahay dahil kukunin na ng isang tito ko ang share nya sa bahay. Ang weird nga kasi may bahay na sila sa Houston pati sa Davao pero bet pa rin talaga nya ng masisiksikan sa Maynila. Wala kami magawa dahil bunso daw sya... yung paniniwala ng mga matatanda na bahay daw dapat ang mana ng bunso or something to that effect.

Anyway, tinamaan ang dalawang kwarto kasama sa akin sa mga madedemolish pag natuloy na ang hatian ng bahay. Nag undergo ng renovations ang bahay recently at ako'y naglipat na sa smaller room na kashare ko sa kapatid ko, pawang plywood lang ang pagitan namin. Well meron naman visual privacy pero not audio so kung gagawa ako ng himala, kelangan muted.

Wala namang aberya sa paglilipat ng gamit. Nakakalungkot lang na sa loob ng sampung taon ko ginamit na silid yun. Siguro dapat na rin kasi di ko naman nililinis yun pero naimmunize na yata ako sa alikabok nun, actually minahal ko na bawat butil ng alikabok dun choz. Bawat libro at damit at abubot pawang napakabigat buhatin dahil may dala silang mga alaala kung paano at saan ko sila ipinatong. May mga ilan ding nakalimutan na sa panahon, may picture pala ako na ganyan, may keychain sa kung saan probinsya, mga bagay na nilamon na ng sapot at dumi. Like yucks, I don't know if I'm bringing them pa ha choz.

Ngayon eto nasa half-room na ako. Mas maliit ang kama ko dahil di kasya yung dati kong kama. Ok lang naman kasi di naman ako sanay talaga matulog ng may katabi. May half-window din ako, half lang kasi yung isang half nandun sa side ng kapatid ko. Actually, lahat ng bintana nasa kanya, pati ba naman kalahati nito kinuha pa. Parang gusto ko magbutas ng pader para may fresh air mag-isip. Di ko akalain pati pala kwarto pwede ka magkaroon ng sepanx.

Since nasa topic na rin tayo ng lipatan, parang nais ko na rin bumukod ng bahay. Condo talaga ang gusto ko, yung para sa akin lang. Damot ano? Nakakatakot mag-isa nga lang pero ang tanda ko na, nakakahiya naman na di pa rin ako independent. At sanay na rin naman ako mag-isa emotionally, bakit di ko pa itry idetach ang sarili ko sa bahay na to physically.


Di ko na kayang mabuhay sa kahapon.
Kaya mula ngayon, mula ngayon....


ps. I'm semi-emotional right now. Refresh lang muna ako sa pagsusulat bago ako bumongga ng word vomit. Pro-tip: wag kayo masyado mag-adik sa Sugarfree, nakamamatay. Ang sakit sakit na bes eh.

____________________
Photo by Ken Bosma via Flickr.

Linggo, Pebrero 19, 2017

Cubao Fastlane

Walang komento:
 

I'm afraid of Cubao. And I don't know why. Alam mo yung feeling na minsan nakakainis yung isang tao kahit wala syang ginagawa sayo. Parang ganun, palitan mo lang yung inis ng takot at si Chona ng Cubao. Nakakatakot ang Cubao. Para sa akin, at least. Sa aking pakiramdam ay mahoholdup ako sa Cubao anytime. Kahit umaga at maraming tao, o gabi at maliwanag. Yan ang sinasabi ko sa sarili ko at sa mga nagtatanong bakit ayaw ko sa Cubao.

Hindi naman sa matapobre ako or something. Hello, pobre din ako pero iba talaga ang feeling ko sa kanya. May mga magaganda naman kaming pinagsamahan pero baka hanggang dito na lang. Pero minsan di mo maiiwasan tatawagin ka nya sa kanyang kandungan.

Noong bata ako dinadala kami ni mama sa Fiesta Carnival. Nakapanood pa nga ako ng Christmas show sa COD, although wala akong idea anong kwento nun basta mukhang masaya sya. Pag namimili kami ng school supplies, sa National Bookstore sa Cubao kami pumupunta.

Ngunit ang Fiesta Carnival noon ay Shopwise na ngayon. Ang Christmas show nasa Greenhills na. Ang mga books ko sa Fully Booked or Power Books ko na lang hinahanap ngayon. Wala nang babalikan ang nakababatang sarili ko sa Cubao.

Sa Cubao ko rin naman nakakasama ang ilang kaibigan ko para mag-inuman at magvideoke. Sa Cubao ko rin mineet ang first ever hook up ko hahah.

Hindi na kami ng vivideoke at umiinom sa Cubao dahil you know life, we felt too old for that na at may sari sarili na kaming kabusyhan sa trabaho at buhay. Nagkikita pa rin kami para magfoodtrip na lang dahil mas masarap ito kesa magsunog ng atay at pera. At hindi na ulit ako nakipaghook up dahil natakot na ako mainjan muli. Wala nang babalikan ang nakababatang sarili ko sa Cubao.

Sa Cubao parang last year lang nang may nagdala sa akin palibot sa mga kainan at mall. Sinabi kong ok lang naman basta kasama ko sya; kumain sa Cafe Maria Jerica (na pinilit kong sulitin ang buffet), naglaro ng uno stacko sa Appraisery sa Cubao X, nagmass sa Ali Mall, at nagshopping sa ukay ukay sa Farmers. Masaya at nakalimot ako ng takot at pangamba.

Ngunit di na nya ako kinakausap. Walang restaurant o turo turo akong kayang puntahan na di ko malalasahan ang pait ng alaala. Walang tawanan at musika na papawi sa kalungkutang nadarama ko sa paglakad sa mga kalsada sa loob ng Cubao X. Walang hiling na natupad na makita syang muli. Wala na akong babalikan sa Cubao.

At sa kakatwang pagkakataon ay tinawag nya muli ako sa kanyang kandungan. Sa Gateway kami nagsama sama ng ilang kaibigan para manood ng sine, dahil dito na ang midpoint namin kung saan available ang movieng Sakaling Hindi Makarating; kumain sa Mister Kabab, na ikinatuwa dahil may new food akong nasubukan; uminom ng Irish coffe sa Cab Cafe (sabi ni ateng cashier may lehkor daw yun at mejo nagbuffer pa ako bago ko nagets yung sinasabi nya); at uminom  ng craft beer sa Fred's Revolucion. Sa aking pakiramdam ay unti unting nagwawarm up muli ako sa Cubao. Pero sa pagsulyap ko sa Appraisery parang nanumbalik ang mga emosyon, ang mga paghahanap at paghihintay ko na walang sagot. Gusto ko pa maglasheng pero mejo mahal kasi ang craft beer--180 PhP mygass?! Putangina naman Bash, bakit ba ang tigas tigas mo?!

Mabuti na lang nagpasya lumipat ng Starlites ang mga kasama ko for more booze and videoke. Gusto kong magwala din at salinan ng excitement ang kakulangan na nadarama ko. Ngunit wala akong lakas ng loob. Bakit walang lumalandi sa akin ngayon sa punto ng aking kahinaan? Panget ba ako, kapalit palit ba ako? Wish ko lang nasa level ako ni Liza, male version of course, pero pang chuwariwaps lang ako. I would never be kahit second rate, hanggang trying hard lang.  Tinapos namin ang gabi sa session ng lugaw. I have high expectations for lugaw, you know. Lugaw lang sa akin sapat na, laman tyan at di ako iiwan. Baka may pag-asa pang balikan ko ang Cubao.

Ang Cubao para sa akin ay parang kape--minsan bitter, minsan sweet, minsan life. Minsan masaya, minsan malungkot. Pagpapasyahan ko lang kung daraanan ko lang, iiwasan, o tatambayan ko for the rest of my life. Ngunit ang mga byaheng fastlane paabante ay pawang puno at siksikan at wala nang puwang para sa akin.


____________________
Photo by Mark Sherwin Manansala via Flickr.

Miyerkules, Enero 25, 2017

Titanap

Walang komento:
 

Na-titanap ang tita kong balikbayan at di pa rin sya natatagpuan. Kasalukuyan syang nasa poder ng mga pinsan nyang tita ko sa father side at malamang busy mag mahjjong o mamili ng tela sa Divisoria or something. Ewan ko. At isa ring ezcuse para magblog ako dahil di nagkasya sa 140 characters ang titanap punchline ko sana. Tita, asan ka na? Ubos na ang chocolates.

Auntie actually ang tawag ko sa kanya, kasi it's more sushal pakinggan kesa tita. Kakaluwas lang nya from Sheekahgo you know, from Ilinoise yah know. Edad 80 yata or something at every year naman nakakaluwas sya para mag medical mission with her amiga doctores. Anyway namimiss ko sya pero kapag nandito sya parang may machine gun ganyan.

Kung titas of Manila are like awkward and manang state of mind, titas of America be like "kaya kayo di umaasenso kasi ang tatamad nyo. Pumunta ka sa America, mag aral ka don!"

But I don't wanna Auntie! Mamamatay ako! There's like no adobo and kare kare and sinigang there. Actually I don't know pero kebs makadahilan. I don't see myself sa ibang bansa. Pwede tourist lang siguro, pero manirahan dun? Mamamatay ako! Wala si crush/es dun. At di ko yata bet ang mga afam. Basta mamamatay ako. At like trenta na mag-aaral pa ulit? Ayoko na. Di pa nga ako quota sa life lessons, aral pa more? No! Mamamatay ako.

Tapos yung presidente nyo parang walang pinagkaiba sa presidente dito. Kayo na ng gumagaya sa Pinas. Kahit bulok dito feeling ko di ko pa oras ma-EJK.

Anyway tita, kung nasan ka man, umuwi ka muna dito sa bahay. Magrefill ka muna ng chocolates. Saka natin pag-usapan ang Chicago.

Cue: You're the meaning in my life. You're the inspiration.


____________________
Photo by Mario Güldenhaupt via Flickr.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips