Yan siguro dapat ang mantra ko kapag nakikipagdate ako, which is very rare na nga nagmamakipot pa ako. Kumbaga iniaalay na ng oasis ang tubig nya, naghihintay pa akong maging purified sya. Gondolong. Walang bahid. Banayad ganyan.
Unfortunately hindi ganyan ang kalakaran. Noong nagpasabog ng landi ang Pandora's box sa mundong ibabaw, ako naman ay busy yata manood ng Sesame Street or something.
Choz lang. Hindi ako naniniwalang merong taong walang landi. Meron tayong lahat. Ang landi ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat. Different levels at stages lang. Yung sakin internal at personal lang. Parang ang sad lang ano. Bakit ba di na rin ako gumawa ng imaginary jowa?! That's the most saddest of them all!
Kaya nga ang landi ko contained. As if ako ang hiyang hiya pag nailabas ko to. Like I'm so prude. Malandi kayong lahat and I'm not. You hypocritical bitch! Yes apparently inaaway ko rin ang satili ko.
Which leads me sa dating. Actually I don't date. Kasi takot ako. Takot makipagmeet. Different story why pero maybe I'll share with you soon. Exceptional circumstances lang kung malapit or along the way. Di mo ko mapipilit puntahan ka, sadyain ka lalo pa't di ka naman yummy. Choicy di ba? Gondolong.
Pero may mangilan ngilan na makulit, mapilit. Sila pa mismo ang dadayo. 5 points for persistence. Go!
Tapos manonood kayo ng sine na baka ikaw lang ang may gusto tapos makakatulog ka pa midway. Tapos antok antok ka na at bago natapos ang gabi iniinvite ka na nya to stay the night. Kayo lang dalawa sa pad nya, alone. Almost like an invitation for... Omg. I don't kiss on the first date eh. I don't fuck either. Strict ang peyrents ko. Maghihiwalay kayo ng daan uuwi ka mag-isa. After ng ilang araw wala na. Di man lang kayo naka one night chorva.
Tapos biglang: "You're a good person but I don't think I like you enough."
What the hell happened?! Ano gagawin mo magpapaexplain ka. Manghihingi ng acceptable reason? Manghihingi ng closure?! Gaga, nagdate lang kayo.
Pak! Ayan na naman sa magmamalinis. Naintindihan nya ba yun? Nasaad mo ba sa disclaimer somewhere na kasal muna bago invite sa pad? Otherwise, mukha syang rejection.
So ano ba talaga dapat ang bantayan sa first date para di sya maging last date evarrr?
Dapat kasi ang date tinuturing mo na job innerview. Pag di mo masyado bet ang kadate mo, decline na agad sa preliminary assessment. Pag bet mo, magpakabibo ka na. Show off kung show off. Lumandi ka na parang walang bukas.
Imaginin mo na lang may point system. Minus 20 sa chakang movie na pinili mo. Minus 5 nung matulog ka sa sinehan. Plus 5 for pinaupo mo sya sa chair. Minus 25 sa foodcourt mo sya dinala para kumain. Plus 25 treat mo yung dinner. Plus 10 may free alcohol pa. Minus 90 di ka sumama sa pad nya. Up to you pano ang scoring. Pero kung magpapakabibo ka at lalandi ka, I'm sure maiuuwi mo ang embotido.
Landi pa more.
____________________
Photo by merly via Flickr. https://flic.kr/p/62KLsV
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento