Lunes, Nobyembre 30, 2015

Swipe Right at the Wrong Time

Walang komento:

Sawang sawa na akong mahalin ang sarili ko. Ngunit bakit sa tuwing nais ko magbahagi ng aking puso, pilit nila itong inaagaw, dinudurog, iniiwan. Sa lupa. Sa putik. Sa dumi. Sa kung saan mahirap na naman itong pulutin, tipunin, at buuin mula sa punit-punit at tagni-tagning mga piraso. Sana tinigasan mo na lang ang puso mo at di inalay sa mga pangako ng emosyon. Hindi ka na sana nagsusulsi jan.

End drama.

Wag na kasi magswipe swipe nang madaling araw. Para di ka na makakita ng mga nagpapaalaala ng hinagpis mo. Wehanongayon kung nagswipe right din sya?  Nothing is certain but death and taxes. Mamamatay din sya. Magbabayad din sya.

Alam na kasing emotero ka eh lalo pa't holiday na naman, kesehodang legal sya. Makuntento na lang na magkumot at akap akap ang sarili. At least di ka namaluktot.

End of the world. Choz. Agad agad?


____________________
Photo by Shinichi Higashi via Flickr.

Linggo, Nobyembre 15, 2015

Blogsilog

Walang komento:

Five blogs for 2015?! Partida hanggang November pa yan ha. Parang super tamad mode lang talaga ako this year. Anyare? Walang gana. Wala kasing nagmamahal sa akin choz. Wala naman talaga ever since bakit ngayon lang nawala sa eksena?!

Parang di na ako relevant sa mainstream. Or rather di na relevant sa akin ang mainstream? O wala lang masabi. Dahil kung may sasabihin man ako, malamang nasabi na yun ng milyun milyong netizens, also known as Aldub warriors choz. Malamang may nakapagpahayag na rin ng sarili nilang pananaw na mejo similar sa naiisip ko. So why make sulat pa ulit that. Para lang akong parrot nun.

Ayoko namang balikan ang taong nagdaan para lang mag top ten trending  topics para lang excuse ko sa long overdue social commentary. Kaya na ni SpotPH yan. Ayoko na makisawsaw sa showbiz dahil I'm sure inispluk na yan lahat ng PEP o ng tsismosa mong tita na manikurista ng buong barangay. Ayoko na magsalita pa tungkol sa eksenang political sa bansa. Anjan naman ang Rappler at si Professional Heckler at yung manong taxi driver na may kuda sa lahat lahat na lang.

Nakakapanghinayang lang na baka sana ngayon sa alternate universe eh may volume 2 na yung libro ko. Or may nagsampa na ng kaso sa akin dahil sa freedom of speech, also known as right to cyberbullying. Orkot lang. Hayaan na lang natin yan sa alternate universe.

Ang mahalaga ay ngayon. Dito. Gusto ko pa rin naman mag express. Kung paano ko pa mailalabas ang mga saloobin ko. Pwede naman ako magtweet. Kaso parang ako at tatlo pang iba lang ang nagbabasa ng tweets ko. At very challenging ang 140 characters ha. (Buti nga wala si George Martin sa Twitter baka mabawasan pa ng characters). Kailangan ko lang ilabas na to. Puputok na eh. Ang sakit sakit na. Urteh.

Parang nainspire ako sa paandar ni Jade. 30-day writing challenge. Parang yung 365 days of happiness ko dati sa Tumblr pero ngayon eh anything under the sun na. So more emote na to, wala nang happiness eh. 

Matry nga at least one blog sa isang araw. Parang breakfast lang. Dahil mahalaga ang almusal sa tao. Dun ko ipepeg ang importance ng adhikaing ito. One blog plus sinangag at itlog. One blog to rule them all choz.

Pero paano pag wala maisulat. Ok lang. Minsan naman nagskip ako ng breakfast eh. Magkape na lang. Para magising sa katotohanan.


____________________
Photo by don via Flickr.

Sabado, Nobyembre 7, 2015

Belated Halloween sa Puso kong Sabik

Walang komento:

"Baka kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin dahil may darating na mas ok, na mas pinalaki, mas pinafortified, yung hindi tayo sasaktan at paaasahin, yung magtatama ng mga mali sa buhay mo." Or something like that ansabeh ni Popoy na incidentally ay may part 2 ang movie nila this month! Success kaya ito gaya ng Before Sunset, o flop gaya ng Temptation Island 2.

Anyway, ayun na nga going back. Drama mode on. I'm so sad today. Nategs kasi ang pusa namin si Harley. Ang sad kasi napamahal na kami dun kahit six months old pa lang sya. Ang cute cute pa nya. Ang sad really. Sad. Nasabi ko na ba na sad sya. And sad talaga. Sayang nga eh di pa sya umabot sa Halloweeen. I mean umabot naman sya kaso kung nategs sana sya nang mas maaga eh di sana naisama ko sya sa pagtirik ng mga kandila. Ang morbid lang.

I know it's weird. Bakit attached tayo kahit pet lang sila. Ang pets ay may kaluluwa din, may puso din sila. And in that short time nagbahagi na ako ng parte ng puso ko sa kanya.

And then biglang may dumating. At biglang nawala. Kaya ayoko nagkakaganito eh. Again and again. Minsan na nga lang makaramdam ang manhid na damdamin. Magseshare ka ng parte ng puso mo at anong mangyayari? Three business days ang SLA ng reply sayo. Tapos Deadmadela na.

Hinukay, niresurrect, tapos pinatay mo ang puso ko. Sana pinatay mo na nang mas maaga para naipagtirik ko ng kandila. Para naibaon ko sa tabi ni Harley. Ang sad sad lang talaga. Ang sad di ba. Ang sad.

Nagkamali na naman ako sa buhay ko. Nasaan ang darating na mas new and improved. Na magtatama ng mga mali na mas effective pa sa Snow Peak. Na hindi magpapaasa at mananakit. Na hindi mang-iiwan ano mang season o piyesta opisyal ang magdaan.

Ang sad. Sana maayos ang sequel nila Basha para man lang maging happy ako ngayong buwan. Pakshett magpapasko na naman. Ang lamig. Ang sad.


____________________
Photo by Ian Steinback via Flickr.

Linggo, Hunyo 7, 2015

Application Denied

Walang komento:

Lumandi ka na parang wala nang ibang mas malandi pa sayo.

Yan siguro dapat ang mantra ko kapag nakikipagdate ako, which is very rare na nga nagmamakipot pa ako. Kumbaga iniaalay na ng oasis ang tubig nya, naghihintay pa akong maging purified sya. Gondolong. Walang bahid. Banayad ganyan.

Unfortunately hindi ganyan ang kalakaran. Noong nagpasabog ng landi ang Pandora's box sa mundong ibabaw, ako naman ay busy yata manood ng Sesame Street or something.

Choz lang. Hindi ako naniniwalang merong taong walang landi. Meron tayong lahat. Ang landi ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat. Different levels at stages lang. Yung sakin internal at personal lang. Parang ang sad lang ano. Bakit ba di na rin ako gumawa ng imaginary jowa?! That's the most saddest of them all!

Kaya nga ang landi ko contained. As if ako ang hiyang hiya pag nailabas ko to. Like I'm so prude. Malandi kayong lahat and I'm not. You hypocritical bitch! Yes apparently inaaway ko rin ang satili ko.

Which leads me sa dating. Actually I don't date. Kasi takot ako. Takot makipagmeet. Different story why pero maybe I'll share with you soon. Exceptional circumstances lang kung malapit or along the way. Di mo ko mapipilit puntahan ka, sadyain ka lalo pa't di ka naman yummy. Choicy di ba? Gondolong.

Pero may mangilan ngilan na makulit, mapilit. Sila pa mismo ang dadayo. 5 points for persistence. Go!

Tapos manonood kayo ng sine na baka ikaw lang ang may gusto tapos makakatulog ka pa midway. Tapos antok antok ka na at bago natapos ang gabi iniinvite ka na nya to stay the night. Kayo lang dalawa sa pad nya, alone. Almost like an invitation for... Omg. I don't kiss on the first date eh. I don't fuck either. Strict ang peyrents ko. Maghihiwalay kayo ng daan uuwi ka mag-isa. After ng ilang araw wala na. Di man lang kayo naka one night chorva.

Tapos biglang: "You're a good person but I don't think I like you enough."

What the hell happened?! Ano gagawin mo magpapaexplain ka. Manghihingi ng acceptable reason? Manghihingi ng closure?! Gaga, nagdate lang kayo. 

Pak! Ayan na naman sa magmamalinis. Naintindihan nya ba yun? Nasaad mo ba sa disclaimer somewhere na kasal muna bago invite sa pad? Otherwise, mukha syang rejection.

So ano ba talaga dapat ang bantayan sa first date para di sya maging last date evarrr?

Dapat kasi ang date tinuturing mo na job innerview. Pag di mo masyado bet ang kadate mo, decline na agad sa preliminary assessment. Pag bet mo, magpakabibo ka na. Show off kung show off. Lumandi ka na parang walang bukas.

Imaginin mo na lang may point system. Minus 20 sa chakang movie na pinili mo. Minus 5 nung matulog ka sa sinehan. Plus 5 for pinaupo mo sya sa chair. Minus 25 sa foodcourt mo sya dinala para kumain. Plus 25 treat mo yung dinner. Plus 10 may free alcohol pa. Minus 90 di ka sumama sa pad nya. Up to you pano ang scoring. Pero kung magpapakabibo ka at lalandi ka, I'm sure maiuuwi mo ang embotido.

Landi pa more.


____________________
Photo by merly via Flickr. https://flic.kr/p/62KLsV

Martes, Mayo 19, 2015

Tagtuyot

Walang komento:

Sa pagdaan ng panahon, may paglimot. May pagwaksi ng nakaraan, ng mga alaala, ng sakit at pighati. 

Choz lang. Ngayon lang ulit ako bumalik sa pagsusulat. Namiss ko ba? Siguro. Hindi ko na nga matandaan: paano nga ba ulit ito? Parang reset lang. Round 1 start.

Nasan ba ako sa loob ng mahigit tatlong buwan? Hinahanap ang sarili. Choz, wala nga ako panahong makabuo ng walong oras na tulog eh. If this is what you call a sign of aging... tigil tigilan mo ko. Magwawalis pa ako ng bakuran later.

Choz. Napansin ko lang andami kong choz sa sinusulat ko. Nawawalan ng sinseridad. Napapabuckle ako sa katotohanan eh. Yung tipong sasabihin mo "I love you" biglang sabi agad ng "joke lang" baka di ka na pansinin tapos iunfriend ka at iblock/delete sa lahat ng social networks. Hypothetical situation lang yan. Choz.

Bakit nga di ako nagsusulat? Feeling busy sa buhay. Pero parang di naman umikot ang gulong. Ganern pa rin. Mas mabuti pa nga siguro kahit patweet tweet lang eh nagshare ako, nagrelease ganyan. Kaso nanatili akong tahimik. Nagsarili ganyan.

Isa pa, walang wala ako. Walang Calliope para gumabay at uminspire. Walang Tinkerbell para lumikha ng imahinasyon. Walang creative Hi-C. Tagtuyot. Drier than the Sahara. Mas dry pa sa skin ni mommy D. So ano na isusulat ko? Eto nga walang direksyon. Wala na masyadong proofreading. Mema lang. Me mablog lang. 

Gusto ko lang magsulat ngayon kahit mejo dinudugo na kakaisip ng isusulat. Gusto ko lang ipaalam sa kung sino mang madarapa sa blog na to na buhay pa ako. Care ba nila? Care ko rin sa kanila. Choz. I care for you ser, like a Carebear cares.

Hanggang dito na lang... muna....


___________________
Photo by Moyan Brenn via Flickr. https://flic.kr/p/a4Whit

Martes, Enero 27, 2015

RE:Solution

Walang komento:

Ohh nag new year na pala. Di ko man lang masyado napansin ang pagdaan ng panahon. Choz lang. Pansin na pansin ko syempre. Wala lang ako siguro time na idocument.

At dahil new year parang required na maggawa ng resolution. Ngunit hindi totoo ang mga resolution dahil hindi naman ito natutupad. Gaya ng mga pangako ng forever: HINDI ITO MATUTUPAD. WALANG FOREVER!

Pero ok fine. Pagbigyan. Magdraft ka ng resolution para sa mga plano mo sa buhay. Baka maka 10% ng resolution mo this year. Malay mo next year 11.57% naman. Nakabenchmark at least.

Paano ba magsimula? Mahirap na bagay. Gaya ng intro ng blog. Mahirap simulan. Pwede naman sa baby steps muna. Pero hindi ka na baby, damulag ka! Tumalon ka na lang pasugod sa gulong ng buhay. Go!

Naniniwala din naman kasi ako na ang mga umpisa ay dapat magmula sa mga pagtatama. Andami kong semplang last year at I'm sure there's many more to come pa. Hindi naman pwedeng clean slate na lang agad. Maraming lessons pa. Ayun na nga, sa dami ng lessons eh tatanga tanga pa rin. Naniniwala din naman ako na darating ang nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin, ng lahat ng mali sa buhay mo. Parang personification lang ng snowpeak ganyan. Tama ba, Popoy?

So saluhan nyo ako sa pagtatama ng mga mali. 27 days na ang nakalipas. Hindi pa naman huli ang lahat. Pwede pa rumesolution. At ang first ko ay bawasan na ang pagpapakatanga. May 32 years of existence ko na namaster yun. Nakakapagod na.

Sabi nga nila the first step is acceptance. I accept this mali mali award award. Pero izz time na baguhin yan. Turo sa amin ng aming tagapayo sa homeroom nung high school na si ginoong Ambrocio T. Pechardo: "Boolsett kayo! Pumasok kayo sa basurahan. Doon magtanggal kayo ang mga duming nakakapit sa inyo. Boolsett!" Very inspiring di ba? 

First step ko siguro ang pumasok sa basurahan. Para magbura ang mga bakas ng kahapon.


____________________
Photo by Junzhe Wang via Flickr.

Linggo, Enero 4, 2015

English Only, Please

Walang komento:

Usually, inuulan ang pasko ng mga fantasy at horror films. Minsan may ilang naliligaw na drama at period/historical ang peg. Pero rare yata na may romantic comedy sa MMFF. Nirereserba ng big production outfits ito para sa Vday. Kaya nasurprise ako sa English Only, Please entry.

Ang plot isang englishero na Derek as Julian naghahanap ng magtatranslate ng hate letter nya. Enter ang Jennilyn as Tere na English tutor kaya madali lang sa kanya. Ewan ko ba sa dami ng applicants nya eh bakit si Tere ang napili. Mejo ok naman yung isang teacher dun, or yung konteserang dragonessa na nakagown pa sa Skype innerview nya choz. Pero syempre kung di si Tere ang napili, eh di wala nang screenplay. Predictable ang ending, yes. Pero aminin mo ginusto mo rin naman ng fairy tale ending di ba? Wala nga lang kasal-sa-beach-tapos-song-and-dance-number-then-jump-shot-fade-to-black ending. 90s pala yun.

Umikot ang story sa katangahan sa pag-ibig at sa pagmove-on. Si Antoinette Jadaone ang co-writer kaya similar ang approach nya. Dahil sa totoo lang, nakakatanga naman ang pag-ibig, aminin mo? Maraming funny at witty lines at di din naman naman pilit. Walang ma-"hugot" na quotable quote sa pelikula pero may ilang memorable lines naman. Traffic kasi sa Edsa. Cute ng visuals ng vocab tutorials ala dictionary entry with matching commentary ng narrator.

Magaling ang acting ni Jen sa pelikulang ito. Hindi pilit. Hindi man heavy drama, hindi man overreacting na panghorror, pero at least hindi pilit. Hindi ko napanood ang ibang entries dahil wala naman talaga akong interest kaya di ko masasabi kung mas deserving si Jen sa other nominees pero kung ang basehan ko lang ang pelikulang ito, pak na pak ang acting nya. Bagay pala sa kanya ang babaeng bakla, I mean babaeng awesome! Nanominate ba si Kris this year? Seryosong tanong! Si Derek naman, hmmm.... I dunno. Mejo na-off ako sa accent nya, parang class A lang. Pero cute ng onscreen chemistry nila ni Jen. At nakakabuset pala si Kean. Baka nadadala lang ako sa acting nya kaya ako nabubuset sa kanya in general. Konti lang ang eksena ni Cacai Cortez pero sobrang funny ni teh. Yung anak ba nya sa pelikula yung batang Lotus Feet choz.

Maganda ang shots ng pelikula. Parang pang-indie lang pero very crisp ng visuals. At maganda ang sprinkle ng bokeh lalo na sa night shots. Yun nga lang feeling ko pag gabi ang eksena parang nilulunod sila ng ilaw. Like yung mga eksena sa gabi halatang ginamitan ng spotlight. Mas ok sana kung meron pa rin ilang dim, ambient lighting, para may romantic effect sa eksena.

Di ko masyadong napagtuunan ang background music dahil siguro di sya masyadong nagamit. Sa theme song naman sumwak ang lover's anthem Bakit Mahal na Mahal kita by the martir queen Rselle Nava. Yung eksenang nag-eemote ka tapos tutugtog sa radyo yan. Ininternalize mo pa ang lyrics ganyan. May ilang reklamo lang ako sa sound pag nag-uusap sila, parang andaming background voice. Parang may naririnig akong nagbabangayan/nagchichismisan sa background habang nagroroll ang camera. Sana na-edit out man lang yun.

All in all, naenjoy ko naman ang English Only, Please. Akala ko dun lang sa eksena ng mga walangyang barker, pero naenjoy ko naman lahat. Hindi pa rin sya One More Chance level for me pero a step above other cheesy, over-the-top, tired, repeated, romantic comedies na napapanood mo every February. Kung nagustuhan mo to, bakla ka. Awesome ka!

If you haven't seen this film, SEE IT NOW! Habang may blessing ka pa ng Three Kings. If you liked this movie, PLEASE GO SEE THAT THING CALLED TADHANA! Sa February 2015. Bago mo panoorin yung favorite artista mo sa Star Cinema o GMA Films Vday presentation. O bago sa Fifty Shades of Grey. Ni-capslock ko na para intense.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips