Miyerkules, Hunyo 4, 2014

Frappin mo Mukha mo!




Hindi ko naiisip na magpalibre ng Frappe sa ngayon. Kung kaya ko naman bumili eh bakit pa ako mang-iistress ng iba na gastusan ako. Saka di naman talaga ako mahilig sa Frappe, parang pinasushal lang na shake. Who knows balang araw nanlilimos ako ng pang 3-in-1 ko pero sa ngayon wala sya sa hierarchy of needs ko.

Nagsimula ang nagpupuyos at nagpapalpitate kong damdamin sa isang favor. I have this friend na mahilig mag-ask ng favor. Ok, pagbigyan dahil small favorsss lang naman. Minsan matagal ang gap, minsan dumadalas. Fine. Ako naman mabait na pinagbibigyan. Ang kaso nagdedefault sya madalas sa promises nya. Inferness naman minsan eh inooffset naman nya ng earlier para lang di halatang laging late. It's ok naman siguro a few hours or days. Pero minsan parang kasalanan ko pa dahil di ko daw inacknowledge na inextend nya sa next cutoff na lang. Ok, fine.

The other day nanghingi na naman sya ng favor. At kahit marami ako personal na expenses eh tatanggihan ko na sana. 

"Sige na, please! Ititreat kita ng Starbucks." 

Ako pa talaga ang inofferan ng ganyan?! Nasabi ko tuloy na sa halagang yan eh kayang kaya ko itreat ang sarili ko ng sangkatutak pa ng Starbucks. Pero pushy si friend. Ok fine pagbigyan ulit. Hindi dahil uhaw ako sa kape.

Earlier than due date eh naibalik naman nya ang promise. Minus the kape. Di ko na finollowup. Baka kasi minenos na nya dahil nga maaga nga sya nakapagdeliver. Pero a promise is a promise, and a drawing is a drawing. Fine.

A little less than a week. Another favor na naman. Lesser naman this time. Well madali naman pagbigyan pero sinubukan ko sya. 

"Eh hindi mo pa nga naibigay yung Starbucks mo eh."

Inabot ko rin naman yung favor nya not expecting any kape. Sanay na ako sa mga drawing. Nagmessage na lang ulit sya the day after ng promised date. Ako pa ang pinapapunta sa pwesto nya. Dedma. Kinabukasan pa ulit ako nakadaan sa area nya. Inabot na nya ang promise nya. Pero nanghihingi ng fifty pesos. In addition sa promise may kalakip na PhP220. Pambili ko daw ng venti frappe. Binigyan ko sya ng fifty at nagthank you.

Now, di naman ako magsusulat anything about this kung ok lang ako. I'm not. Naiinis ako hindi dahil di nya ako ibinili ng frappe. Sabi ko nga, kaya kong ibili ang sarili ko nun. Hindi ako nanlilimos ng kape sa kanya. It's the thought that counts. And a PhP 170 bill is not well thought of. Kahit ano naman na ibigay sayo na pinag-isipan muna you'd feel special. Kahit Yakult lang go ako. I didn't ask you to buy me coffee. You offered that. 

Tapos sasabihin mo busy ka, eto 170 bumili ka ng frappe mo. Parang sinampal ako. Parang ganito lang yan: eto piso, maghanap ka ng kausap mo. MagFrappe ka din kaya para magising ka.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips