Sabado, Mayo 10, 2014

Caveat Escort


"Boss. Chicks. Bente na lang."

NO! Sa tuwing napapadaan ako sa footbridge ng Cubao may isang mamasang doon na naglalako ng mga babaita nya. As if bebenta ka teh sa Cubao. Ang dami pa namang bex sa Cubao. You don't know your market teh. Research research pag may time. 

Prosti. Yan ang tawag sa nightworkers natin. General term sya for any gender pero mas malaki ang populasyon yata ng mga pechay. May specific term para lang sa mga lalaki. 

Escort. Pag may classroom elections dati, isa yan sa mga huling naeelect. Pakner ng Muse. Ang silbi lang nila ay pampaganda ng classroom, parang vase o orchid ganyan. Wala naman talaga silang power of administration. Dahil ang ganda may power of persuasion. Ansabeh?

Sa sexual worker category, escort ang male counterpart ng prosti. As expected kelangan iexercise ang ganda powers, para makabenta. Nagkalat sila sa mga social networks na beki in nature. Dahil ang mga bex ay lalaki rin. Malibog. Kahit di ka bex, bebenta ka dito. Kahit wala kang maskels, bebenta ka dito. Kasi di na choosy ang ibang bakla, basta may junjun, go! Kaya booming ang business na ito. Dahil may target market.

Enter stage si Benjo. Current status: Tambay. Kakatapos lang kasi ng contract ng project nya. Habang naghihintay ng kasunod pang projects ay may buffer pa naman sya sa kaperahan. Ngunit gaya ng karamihan, mauubos at mauubos din ang ipon na yan sa pagbabayad mga utang, personal expenses, and other miscellaneous fees. In just one month, enter stage ang panic. How does one survive? Ano nga ba sabi ng The Eagles? Love will keep us alive. Bullshit yan. Di ka bubuhayin ng pag-ibig, gaya rin ng prinsipyo at wheat bread. Sipag at swerte, yan ang puhunan mo pero di pa rin yan sure hit. Minsan kelangan mo ng konting ganda.

Enter stage ang opportunity. Habang online sa isang social network ay may umiindecent proposal. Berjin pa naman si Benjo sa ganitong kalakaran. But wait there's more. May tumetestimonial. "I tried it. And after one month I bought my own car. It really works!" Ewan ko pero parang tunog endorsement ng pyramid networking or something. Mas skeyri yata yun choz. Wala naman mawawala kung itry di ba? Try lang naman. Go, ipush na yan.

Enter stage si client. Foreynjer, mayaman. May mga requirements nga lang si client. Kelangan malinis ka. Kelangan magdala ng any recording device. Kelangan mo rin ng magtake ng six pills, antibiotic daw. At kelangan ng baranggay certificate, proof of purchase, at suking tindahan choz. Really, di ko alam kung bakit hindi requirement ang tripod pero who cares, kung mavivideohan naman eh igora nyo lang.

Sinundo sya at dinala sa isang motmot. Anito Inn yata or something, iDunno. Wala sa google map ang Sta. Mesa Business District eh. Bago nagsimula ang ang lahat, pinatanggal ni Foreynjer lahat ng passwords sa mga devices nya. Para easy access daw sa pagtransfer. At nagsimula na nga sila. Easy mode muna. Hubad hubad ng konti. Jackoff jackoff ng konti. Project project ng konti. Smile smile sa camera ng konti. Weird I know, jackoff na nakasmile?! Pero nung nilabasan na sya, ok na. Wakas!

Pero wait there's more. Nomo nomo muna ng konti. Saka sya inabutan ng tatlong pills. Eto daw yung sinasabi na antibiotics na kelangan nya itake. Dahil nga mababa na ang inhibition, at siguro malakas na ang loob, walang kaabug abog na nilulon ni Benjo ang mga pills. Really?! Sinung umiinom ng pills nang walang Q&A portion muna? Ako nga papainumin na lang ng Solmux eh ginugoogle ko pa muna ang active ingredients. Because you can never can tell. Pero kebs, di naman ako yung lasing di ba? Nomo nomo pa ulet ng beer tapos ang final three pills. Nagstart na sila sa next round at binijay na sya ni Foreynjer. Nang makapagpalabas inaya sya na uminom sa labas dahil bitin ang beer.

Blackout.

Nagising na lang si Benjo sa isang bench. Suot lang ang damit nya. Wala nang wallet, celphone, accessories, lahat pati wisyo kung nasaan sya nawala na. Akala ko nga may sakit na sya eh. Dengue ganyan dahil malamok don ganyan. Pero no, safe naman sya. Nagtaxi na lang sya pauwi sa kanila. Habang nahihimasmasan na sya eh tinanong nya kay manong driver kung saan sya banda napickup. Bandang Binondo daw.

Wala na ngang pera, napagnakawan pa. Move on na. Ang kaso parang telenovela kung saan nahulog na si Soraya sa 17th floor eh buhay pa rin with a vengeance, muling nagbabalik na parang multo sa buhay nya si Foreynjer. Minemessage ang mga nasa contact list sa phone nya na nagpapabati. Bayaran daw sya ng 30 kiyaw or else ilalabas nya ang malalaswang larawan na nakasmile sya. At happy viewing jan sa mga friends natin sa Anito.

Wala na ngang pera. Nanakawan na. At ngayon binablackmail pa?! Payo ng friends nya wag na lang nya habulin. Lalaki naman sya. Wala naman mawawala. Maipapaliwanag naman nya ito sa family nya. Pero ang reputasyon nya. Ang career nya?

Lahat naman dumarating sa pagsubok, iba iba nga lang siguro ang levels at intensity. Lahat din naman natatanga, nadadapa, nagkakamali, nadadarang. Siguro wala ka na magagawa sa mga naganap. Natapos na eh. Nangyari na. Nakuha na ang mga pag-aari mo, wag mo'ng hayaang kunin din nya ang pag-asa sa iyo. Pwede naman magsimula muli. Move on move on din pag may time. Ang take away mo: anong natutunan mo dito? Paano mo iingatan ang sarili mo? 

At laging tandaan: Don't talk to strangers. And say no to drugs.


____________________
Photo by Grumpy-Puddin via Flickr.

*Let the escort beware!

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips