Lunes, Abril 7, 2014

Wattdpak?


So, kahit sino ngayon pwede na maging writer?

Naglipana kasi ang mga Pinoy writers lately. Mga galing Wattpad na napadpad sa publications ang mga akda. Maganda sana kasi may pool tayo ng talents. Pero pag nakikita ko ang tumpok ng mga libro nila kapag napapadaan ako sa NBS, napapailing talaga ako.

So, kahit sino ngayon pwede na maging writer? Seryaslee?! Paki-ekpleyn!

Parang tumaas ang energy ng kajologan lately. I mean look at the books. Mga young adults ang target audience nila. Sa abroad nga sangkatutak na ang young adult novels. May mga teenage drama queens, romantic novels, sword and sorcery, detective stories, dystopian novels. Lahat na talaga ng kategorya sinakop na nila. Eh parang pare parehas naman ng kwento. Konting konti na lang mahihirapan ka na idistinguish si Katniss kay Tris, parang Gandalf x Dumbledore lang pero girl power ang peg.

At ayun nga walang pinagkaiba sa local market. Puro mga teenage drama na may halong gangster at kapangitan diaries at kung ano pang kaekekan. Ok, fine. Di ko pa nabasa nagrereklamo na ako. Di ko naman siguro kelangan basahin lahat ng Precious Romance para maappreciate ang love story. I'm sure nareplicate idea na yan. Napapalitan lang ng leads, I'm sure sa dulo ng kwento may kasalan din sa beach man o simbahan o garden. May mamamatay na kontrabida na mahuhulog sa helicopter o sa 17th floor at lalapain ng mga alligators ang katawan nya sa sapa pagkahulog nito.

Di ko naman masisisi ang Wattpad sa pagkunsinti sa ganitong kajologan. At least di mga jejemons ang writers natin ngayon. Baka lumagpas sa -40 ang literacy rate natin. It's all good. Dahil may karapatan tayong makapagpahayag ng sariling pananaw. Magsulat ka hanggang gusto mo. May magtyatyaga naman magbasa nyan.

Gusto ko lang naman eh makabasa ulit ng something original. Kahit hindi out of this world experience. Yung iba naman ang point of view. Hindi yung ang dilemma ni ateng eh kung mas type nya yung zombie o yung leprechaun. Make me believe in magic. Make me fly. Make me fall in love again.

So, kahit sino ngayon pwede na maging reviewer? Sorry naman.

____________________
Photo by Vitto Christaldi via Flickr.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips