Sabado, Abril 26, 2014

Sketches and Bears

Walang komento:
So naimbayt ako ni Jade at Greenfield District for a night of geekness. It turns out ang mga attendees ay artsy and mga bears. Di ko na agad nasatisfy both factors. Kaya I'm trying out my best to instablog para maexercise ang eskells ko, on-the-spot style.

Mabuti na lang nandito si Jowein to join me. Kaso nagpose naman sya as mowdels for them. Ano ako ngayon? Clapper? Moral support! Cheerer ganyan. Go go go mga prenship!

Dahil jan I wanna learn how to draw. Tama na siguro kakadrawing ng Dragon Ball characters. Nasa checklist ko to ng gusto iachib this year ha.

Nastress tuloy ako. Wai na proofread. Post agad.


____________________
*bear = chubby subclass ng mga bexes

Biyernes, Abril 18, 2014

Mini Production?

Walang komento:
Feeling ko production everytime magsusulat ako ng blog. Like it would take a few days to finish one. As if naman nagpuproofread pa ako di ba?

Meron naman ako idea di ko lang naisusulat lahat ng isang upuan. Feeling ko andami kong ideas lately. Nagiging tweets na lang sila. Ang hirap kaya putul-putulin ang isang ideya sa isang daan at apat na pung titik lamang. Izz so restrictive.

Pero ayun nga. I want to do this as a daily thing sana. Pag may time.

I don't wanna write it down on paper din kasi I might lose it somewhere. Maiblog pa ng iba choz. Pero pramis I'd try my best to write regularly. Mag 100 days of happiness din kaya ako? Para lang mapilit magsulat choz. 

Unselfie

Walang komento:

I saw this pic of a friend with other friend. I didn't even know they knew each other. Pero it would seem they're close. Tapos may selfie pic na sila together. Ok fine. Siguro naiinggit ako. Bakit ba wala pa yata kami pic together ni friend?

Flashback year 2005.

Nokia pa lang ang usong phone. Nakikigamit ako ng 7610 ng kapatid ko para magproject. At since di pa naiimbento ang front cam, pacham ang selfie. Chambahan sa distance ng pagdukwang sa cam, chambahan sa lighting, at chambahan sa paghold ng smile, chambahan sa pagpress ng camera button.

Fastforward sa taong 2014.

Talamak na ang iPhones at Android phones. Bulok ang cam mo kung wala pang frontcam. Di ka in kung walang filter ang pic mo. Glossy? Check! X-Pro II? Check! Sexy lips? Check na check! Kung akala mo ikakaganda mo yan, go lang teh, ipush mo yan. Supportahan ta ka. Ilalike ko pa pic mo. Basta deserving naman sa like, hindi yung pinalike lang huh.

Di naman sa pagmamalinis pero naadik din ako sa pagselfie. GGSS days ko. Those were the dark days. Pero nagising na ako at napagtanto ko sa aking sarili na walang patutunguhan ito. Selfie and myself don't mix well. I tried that sa CR a lot of times. At nafeel ko naman ikinagwapo ko  yon. Nakakaboost kaya ng confidence pag may naglalike. Kaya siguro madami naaadik. Izz like drug. You keep coming back for more. Pero I stopped na.

Sanay na ako behind the cam. Mula digicam hanggang SLR at cameraphone, theres a whole lot of more inneresting subjects  than my face. May foodtrip para sa foodporn at foodography. May fireworks, sunsets, at light fixtures para sa long exposures, bokeh, and lightology. May candid shots for street photography and general randomness. At may groupie shots for friends. Just dont ask to have everyone included. Ang hirap kaya pagkasyahin lahat sa isang frame, kahit pa isupercompress mo na. Group shots are actually stressful for the photographer. 

Pero ang selfie, pass na muna. Hindi ko sinasabing masama magselfie. Kung ikakasaya mo ito, go. Pero friend, sana next time na magseselfie ka, isama mo na lang ako. Kasi di ko maaatim sa sarili ko na magselfie. Magpaselfie, pwede pa. Pero selfie pa ba tawag don? Anyway, sa hinahaba ng rant ko ang gusto ko lang talaga sabihin... naiinggit ako, bakit wala pa tayo picture, friend?

Selfies should be a way to look at yourself. To see your flaws, to see you're not perfect, to see the real you. And you know you can change things if you want. You can Camera360 all you want, but that won't change the real thing. Start with the small things. Wag magpuyat, eat less rice, excercise pag may time, smile more. Soon, di mo na need mag-edit ng pics. Dahil ang tunay na ganda walang filter.


____________________
Photo by Serena Jones via Flickr.

Lunes, Abril 7, 2014

Wattdpak?

Walang komento:

So, kahit sino ngayon pwede na maging writer?

Naglipana kasi ang mga Pinoy writers lately. Mga galing Wattpad na napadpad sa publications ang mga akda. Maganda sana kasi may pool tayo ng talents. Pero pag nakikita ko ang tumpok ng mga libro nila kapag napapadaan ako sa NBS, napapailing talaga ako.

So, kahit sino ngayon pwede na maging writer? Seryaslee?! Paki-ekpleyn!

Parang tumaas ang energy ng kajologan lately. I mean look at the books. Mga young adults ang target audience nila. Sa abroad nga sangkatutak na ang young adult novels. May mga teenage drama queens, romantic novels, sword and sorcery, detective stories, dystopian novels. Lahat na talaga ng kategorya sinakop na nila. Eh parang pare parehas naman ng kwento. Konting konti na lang mahihirapan ka na idistinguish si Katniss kay Tris, parang Gandalf x Dumbledore lang pero girl power ang peg.

At ayun nga walang pinagkaiba sa local market. Puro mga teenage drama na may halong gangster at kapangitan diaries at kung ano pang kaekekan. Ok, fine. Di ko pa nabasa nagrereklamo na ako. Di ko naman siguro kelangan basahin lahat ng Precious Romance para maappreciate ang love story. I'm sure nareplicate idea na yan. Napapalitan lang ng leads, I'm sure sa dulo ng kwento may kasalan din sa beach man o simbahan o garden. May mamamatay na kontrabida na mahuhulog sa helicopter o sa 17th floor at lalapain ng mga alligators ang katawan nya sa sapa pagkahulog nito.

Di ko naman masisisi ang Wattpad sa pagkunsinti sa ganitong kajologan. At least di mga jejemons ang writers natin ngayon. Baka lumagpas sa -40 ang literacy rate natin. It's all good. Dahil may karapatan tayong makapagpahayag ng sariling pananaw. Magsulat ka hanggang gusto mo. May magtyatyaga naman magbasa nyan.

Gusto ko lang naman eh makabasa ulit ng something original. Kahit hindi out of this world experience. Yung iba naman ang point of view. Hindi yung ang dilemma ni ateng eh kung mas type nya yung zombie o yung leprechaun. Make me believe in magic. Make me fly. Make me fall in love again.

So, kahit sino ngayon pwede na maging reviewer? Sorry naman.

____________________
Photo by Vitto Christaldi via Flickr.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips