Miyerkules, Pebrero 6, 2013

S.A.D

Single by D. Reichardt via Flickr.

Kamusta naman. It's that season again yah know; ang buwan ng second hand emotion. I know right. Ano pa nga bang uso ngayon? Syempre Valentines. At dahil jan tataas na naman ang demand at babagsak ang supply ng roses.

At babaha sa ere ang dalawang flavors: sweet at bitter. Sa mga meron, optimistic o umaasa sa lablayp syempre mananaig ang tamis. Tamis na nakakahawa; yung tipong mapapasigaw ka ng "yeehee" sa officemate mo na pinadalhan ng isang bouquet ng gumamela; tamis na nakakasuya na sa taun taong pinadadalhan ka ng stalker mo ng bagong iPhone model; o tamis na nakakasukang maencounter mo yung kapitbahay mo na magjowang hanggang jeep eh makapagPDA ng lipchukang walang bukas. Bitter sa mga wala, iniwan o umaasa sa lablayp. Yung tipong nagtweet at nagblog ka pa na single ka sa katorse. Single Awareness Day din yun teh, baka di ka lang nainform dun sa memo.

Happy Single Awareness Day!

So may nag-add sakin sa BBM nung isang araw. Kebs lang naman sakin yung mga nag-aadd na yan kaya ok lang go. Para na rin may rason akong magamit yung Blackberry minsan. Unang message pa lang "kamusta na?" Magkilala ba tayo? Tapos wala pang isang minuto kang di makareply may PING!!! ka nang matatanggap. Demanding? Chineck ko ang piksur. Check na chakks. Ok fine, namilit pa mahingi yung number ko. Ok, pagbigyan.

So ayun nagcall na ang chakks. Maere, HR manager daw yata or something. Gusto ko itanong, "talaga akala ko pangpleasing personality lang dun, or ikaw yung exception to the rule" pero pinigil ko na lang. So ayun nga Psychology major daw sya or something. Well that explains pano sya nakapasok na HR. Tapos sina-psychologize nya ako. As if mag-oopen up ako sa isang stranger.

Tinanong ako kung kelan daw ang last ko.

Matagal na. 

Bakit daw.

Ewan. 

Dapat alam mo.

Aba malay. Basta may mga bagay na di ko maekpleyn bakit nga ba ako single. Baka dahil ginusto ko ito. Bakit nga ba ako single? Dahil choosy ako hahah. Siguro natakot na rin akong magkajowa kasi baka pulaan ako ng mga friends tapos ijudge nila ako "akala ko ba choosy ka eh bakit yan ang jowa mo." Yung ganyang eksena hahah. Mabuti na rin etong single sa ngayon. Saka baka may di pa pinagmumove-on-an na tao. Gago ka ba eh playboy yun sabi ng isang friend. Gago tlga ang pag-ibig.

Going back, more more kwento kwento pa si Chakks. Napunta sa pagkuha nya ng Psycho-something license without taking the board daw.  Tapos plug in nya na if ever daw first time daw nya makadate ng CPA. Sabi ko tuloy na expired na license ko. Aba nagpipresenta samahan ko daw sya sa PRC. Eh sabi ko meron naman sa mall. Better daw, sa Megamall na daw kami magkita sa Byernes. Agad agad? Eh sabi ko may lakad na ako sa Friday. Ayyy after na lang daw ng license ako lumakad. Aba ha, kelan ko pa sya naging manager?! Magagawa naman daw lahat basta you know your priorities. I know and you are the least of it, naisip ko. Tapos demand ng demand na magkita kami kinabukasan. Lunchtime daw sa McDo Bwenjah malapit sa office nila. Wow ha ang gwapo mo kasi para pag aksayahan ko ng oras. Eh yung mga more bettable kong nakakachat eh di ko tinatangkang imeet.

Tapos nagdetour pabalik bakit daw single ako.

Ewan ko nga.


Sya daw sabi nya "di naman ako [sic] pangit payat nga lang."

Eh di kumain ka.


Eh biglang bwelta na nakaka-three rice daw sya pero di lang tlga sya tabain. Bakit daw sya makikinig sa iba eh mas kilala nya ang katawan nya.

Eh di makipagdate ka jan sa katawan mo, naisip ko lang.

Naisip ko kaya ako single kasi wala akong time para sa iba. Puro sa akin lang. Actually may time naman akong kayang ishare sa iba, yun lang di ko pa maprioritize ano nga ba ang gusto ko, ano nga ba ang makapagpapasaya sa akin. At siguro mabuti na rin kesa naman sa mga nagfifeeling na chakks. Bakit ba ako makikinig sa iba eh mas kilala ko ang puso at isip ko.
Mag-post ng isang Komento

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips