Huwebes, Oktubre 27, 2011

Sunrise

Walang komento:
Photo by DebbLynne via Flickr.
Sunrise, sunrise. Looks like morning in your eyes.
But the clock's held 9:15 for hours.



A halfday in the life of...
10.27.11



Himala at maganda ang gising ko kanina. Ang ganda lang ng golden sunshine sa yellowness ng mga kurtina sa kwarto ko. Hindi pa mainit. Pero there's something wrong. There's something very wrong. Hindi Saburday ngayon. Shett anong petsa na?! Alas nueve bente at nasa bahay pa ako, di ko narinig pumutak si alarm dahil di ko nga pala sya naset kagabi. Nagdadalawang isip ako kung tatakbo ako papuntang office na wisik wisik lang at late ng 2 hours, o take it slowly at pumasok ng fresh ng halfday. Tinext ko yung TL ko, halfday it is.

Di naman ako zombie sa pagpupuyat kagabi. Impakt alas dose ako nakatulog. Yes maaga na yon, dahil nung Tuesday ng gabi nag-adek ako kakalaro nung newly downloaded game. Nilaro ko pa sya this morning bago pumasok ng office. Yung brekky kong pancit canton, spiced ham, tirang tortang giniling at sorta kinda inihaw na baboy or beef yata, naging instant brunch na. Umalis din ako 20 minutes before 1 kaya nagboxi na ako para di na malate.

Pero nalate pa rin, five effing minutes. Tuwang tuwa naman sila Carol at nalate pa rin ako kahit halfday. Magpapatawag na daw sana ng rescue team para sunduin ako, choserang yan. Bakit pa ba ako pumasok eh magpepetix lang din naman ako. Dalawa lang ang journals kong tatapusin today, possible magawa ng 15 minutes pero pinatagal ko na naman. Kasama yata sa tasks ko yung magfloorwalk at makichismis. Nagpaturo pa si Lin kung paano mag-ayos ng list nya sa VLOOKUP. Akswali pwede ko na rin yata karirin ang pagiging Excel support. Any conditional formatting issues?

Nagparaffle na rin ng categories for the Christmas party. Ako ang gumawa ng lots. Mind you rock ang theme namin, kasama sa choices ang Glam, Punk, Gothic, Heavy Metal at Classic. Mabuti nang nasa same page kami ng rock theme, kasi baka mamaya may gumora sa Christmas party na naka Stone Age attire.

At sa minalas malas na kapalaran eh nabunot ng Manager namin eh Glam josko. Howell, mas matino naman yan kesa Heavy Metal... or Classic. Gusto ko sana Punk Rock, parang mix lang ng Rock at Jejemon eh choz. Nahirapan pa nga ako magconceptualize ng costume eh. Baka mag-ukay ukay na lang ako ng costume. Something red siguro, red na leather jacket kung meron man. Coz nothing shouts glam like red or parpol dabah? Magbabandana na lang ako or something, ayoko ngang makiwig or highlights in all its acetone glory.

Tapos may presentation pa. Kelan ba naimbento yang tae taeng konsepto na yan na lahat ng newbies sa company eh kelangang sumailalim sa sumpa ni Kuya Germs, kelangang pumroduction number talaga. Pwede kaya rock version ng Kumukutikutitap with matching rawr. Naimagine ko lang pwede namang Bohemian Rhapsody na lang, glamrock naman siguro ang Queen dabah. At ewan ko lang kung di sila maglungad sa twenty minute na performance.

Pag-uwi, punong puno na naman ang bus bay sa tapat ng parking lot ng Standard Chartered. Nilakad ko pa hanggang Buendia para makakuha ng maluwag na bus. Di pa ako makatulog sa bus kasi nga di naman ako puyat. Usually matutulog ako sa Ayala pa lang, tapos magigising ako after thirty minutes arriving Guadalupe pa lang. Pero eto ngayon kelangan ko tiiisin ang byahe. Buti naman nasa bandang dulo ako kaya di ako nakakapanood ng pirated dvds nila o Futbolilits o kung ano mang show sa blurred nilang TV.

Bumulusok ang mga tao bandang Paseo, at ashushwal ako ang huling tinabihan ng mga tao. Tanggap ko na yun sa aking sarili, na parang umover na aking antisocial barrier na kahit mga tao eh nakikita na to kaya iniiwasan akong tabihan lalo na't sa public transpo. Kung meron man napipilitan lang kasi. Yung tumabi sa akin na mama eh may parfum naman, very mild lang pero alam mo yon parang amoy kahoy na nabasa at natuyo at nabasa ulet. Kinda like vanilla siguro, di ba galing din sa bark ang scent nun?! At napapagkakamalan kong Sustagen scent kadalasan.

Sa harap ko may magjowang mukhang katulungin ang byuti, parang promdi ganon. Si ateng ikot ng ikot ang pwet sa upuan nya, parang higad na di mapakali. Gusto pala ihiga ang head nya sa lap ni kuya. Sinubukan ko na, shett akala ko naman bumagay sa kutis nyang kulay champorado ang vayowlet nyang couple shirt. Para syang di nagsuklay ng tatlong araw o mahigit pa, I'm sure di uso sa kanya ang suklay dahil kahit steel brush wa epek na choz. Ampait ko lang. Nakakainis kasi in public dabah. I hate it when people are in love, but I hate myself more when I'm in love. Yun yon eh.

Nabuset lang talaga ako dahil ginulo nila ang pagdadraft ko ng blog na to sa utak ko. Mehganon?! Andami mo talaga mapapansin pag wala kang magawa. Nasa Guadalupe na ako nang makita ko yung bagong ad ng Centrum. Yung bortang kuyang may rainbow bolt sa fez. Akala ko ad lang ng Pride. Tapos yung next na ad sa Convergy, "Be Yourself Today." Parang sinasabi lang nya, "huy bex gora na teh wag ka na mashokot shumogobelles sa Narnia choz." Sa kabilang side naman nakahambalang ang pagmumukha ni Kuya Kim at sumasign language ng letter C. Akala ko nga ad ng vitamins eh, Calayan pala. Akalain mo yun. TIMYAP nga sya pero di sya PROTEGE. Hanudaw?!

Bukas I'll be better na. I mean I won't be late na, itaga mo yan sa bato. Dahil I was never late, it's just that everyone's too early.

Sabado, Oktubre 22, 2011

Bolpen

Walang komento:
Photo by belle.ness via Flickr
The pen is mightier than the sword.
But the keyboard is quicker.


Grade three na yata ako unang gumamit ng ballpen. Parang may escalation matrix sa writing for elementary students eh. For grade one matatabang lapis vs alternating blue and red ruled paper. Grade two nung magturo sila ng cursive. Grade three pa yata naintro ang bolpen, pero may ibang pasaway akong classmate na nagbobolpen na grade 2 pa lang. Nung grade four umiintermediate pad na. And the rest is hekasi.

Blue bolpen na Panda ang uso way back then, yun bang pagbili mo sa tindahan sumusulat pa pero pag-alis mo nagtatae na kaagad. Yung iba nga scented yung tinta ang sakit sa ulo, katambalan ng mga kisses sa pencil case nilang maraming compartments.

I never did like using blue, di kasi professional ang dating. Kaya nung maggrade five nakablack na ako. Ewan ko ba bakit after many years eh pagbabawalan akong magblack. Yung professor ko sa Panitikan nung fourth year sa college, sabi nya wala pa daw kaming K magblack dahil di pa kami gumagradweyt. Ok fine, pagbigyan na lang natin si lola kaya nagblue ulit ako.

~0~

May nakakabit na malas sa work ko ang pagbili ng bolpen. Ewan ko ba kung bakit pagbigla ko na lang naisip na bumili ng ballpen kahit di ko naman kailangan eh bigla akong natsutsugi sa work.

The first time na nangyari yan sa akin sa work ko sa audit. Bumili ako ng ballpen kasi wala naman talaga kaming mahihitang supplies sa mataray naming admin. Pamasahe nga eh mahirap na ireimburse sa kanya eh, pati ba naman mga creamers pinagdadamot pa sa amin, paano pa kaya kung magrequest kami ng supplies dabah. Bumili ako ng bolpen na Leone ang brand, nakyutan laang ako sa design nya. Wala pang isang linggo kinausap na ako ng Managing Partner, kesyo ibinagsak na ako sa evaluation ng dunung dunungan at ganda gandahan naming Team Lead. Kaya wala syang frienships eh kasi bruha sya. Nakipagdeal ako sa MP na maextend ang aking evaluation period to prove them na bruha talaga ang TL ko. A month later, nagpaalam na ako sa Audit Manager. Sir, burnt out na po ako.

The second time naman na nangyari sakin eh sa work sa tuna company. Sinamahan ko si Larnie mamili ng supplies sa NBS. Nakibuy naman ako ng purple at green na Pilot, infernezz may budget na ako bumili nito ha, for urteh purposes lang naman yon dahil black and red lang ang ginagamit ko pangtickmark sa office. One week away ako that time sa 6th month ko. And then nakipagmeet sa akin yung HR, Accounting manager at VP Finance, I didn't make it daw. Kahit may ilang days pa ako to render eh tinapos ko na lahat ng deliverables ko at di na nagpaabot ng Chinese New Year sa company, sabi ko I'll start it right this year of the rabbit.

And now nasa BPO na ako. I've had so much fun with the people here. Madami kaming nagkakilala mula orientation til now, puro mga bata at batang isip pa. Dala ko pa rin yung purple at green pen ko plus yung black and red na ninenok ko sa office dati. Pinakita ko pa kay Lin yung collection ko ng pens. Aba aba aba ayaw patalbog at bumili rin sya ng gelpens in red, black, blue, purple and green! At aba aba aba ako rin ayaw patalbog, I need to buy that blue one.
Day minus one before my sixth month nasa NBS ako at nakapila para bumili ng pen. Ang tagal magserve ni ateng kasi halukay sila ng halukay ng mga technical pens para sa isang customer. Ewan ko ba at dapat umuwi na lang ako bago umepek ang sumpa pero no I insisted and waited and waited and paid for it and goed (goed talaga?). Mejo kinakabahan paano nga kung sa Monday kausapin na ako ng Operations Manager?

Saturday ng hapon chinat ako ni Ai. Tinatanong kung nagbabasa ba ako ng emails. Check agad. Homg, there it was. Ang pinakaasama asam na regularization letter, hinanap ko kung may postcript na increase pero nasaktan lang ako choz. First time ever to. Kasi naman yung first job ko considered na ako for regularization pero I gave it up for the board exams. The other two past experiences eh minalas malas ako. At ngayon wala na akong kinatatakutang sumpa. Dahil walang sumpa, ang sumpa ay nasa isip ng tao.

Hey congratz to me hahah.

Biyernes, Oktubre 7, 2011

Macchiato

Walang komento:
i ♥ macchiato by Jessi Hagood via Flickr.
or an inverted spade?

Hindi ako nagkape ngayon buong araw. Congratz to me. Hindi naman sa necessity ko ang kape para tumakbo ang aking katawan pero nakasanayan ko lang naman uminom nito araw araw lalo pa't free naman ang coffee sa dispenser.

First days ko sa Solaris hindi ako kumukuha ng coffee. Eh kasi akala ko may bayad. Nagtataka nga ako sa mga officemates ko bakit ang yayaman nila, maya't maya nagkakape. Kaya naman pala bumabox office eh kasi libre. Ever since nakikipila na rin ako.

Nakakalunod sa dami ng kategoryang pagpipilian. Muntik na nga akong kainin eh. Di ko nga madifferentiate yung creamy at sweet, josko sana sinabi na lang nila na creamer at asukal yon. Meron pang latte, espresso at macchiato, pero mostly may bayad kaya dedma to the world ang mga tao. Ayyy free pala ang espresso pero sobrang pait naman kahit one shot lang kaya iniiwasan din. Iniisa isa ko yung mga free coffees until natunton ko na ang fevorit ko pala eh yung sweet and creamy. Naging bestseller nila ito for a while until naging free na rin yung Milo.

Minsan iniinom ko Milo. Minsan Sweet and Creamy. Hanggang sa nagsawa ako at naghanap ng bago. Yung espresso magigising ka talaga hindi dahil sa shot ng caffeine kundi dahil sa sobrang bitter nya. May nakita nga ako dinidilute yun sa hot water pa. Nagkaron tuloy ng idea ang iba, why not ihalo ang espresso sa other drink. Parang yung ginagawa namin sa free iced tea at free lemonade na nagmumukhang beer pag minixup mo. Why not Milo at espresso? At doon nabuo ang aking daily habit. Ano ba ang dapat itawag dyan? Milospresso?

Nagresearch pa tuloy ako ano ba ang suitable na name. Kesa naman mag portmanteau ako (makagamit naman ng big words wagas pero yes nasearch ko rin yan via wikipedia) eh why not magrely sa google powers ko. Nagfloat ang word na macchiato. Uyyy urteh!

Ano ba yang naririnig kong macchiatong yan? According kay ateng Merriam you should fronounce it daw as /mak-kyah-tow/ now say it with me, MACCHIATO! Ayon naman kay ateng Wiki, macchiato means mark or stain. Parang pimples at blemishes lang ganon? So kapag caffe macchiato it's espresso stained with milk. Kung latte macchiato it's frothy milk stained with espresso. Eh pano sa case ng Milo ko? Since more more naman si Milo compared sa one shot ng espresso, lumalabas na yung espresso ang stain. So therefore I shall now call it Milo Macchiato, shushal lang pakinggan ha pero chipanggang chipangga na ang role ko nyan sa panlilimos ng free sa vendo.

At ngayon nga hindi ako nagkape buong araw. Congratz to me. Hindi sa kinakailangan ko sya. Hindi sa naglalaway ako sa kanya. Hindi sa mamamatay ako ate kung kukunin mo sya sa akin. Hindi sa takot akong ipalibing ni Lorna Tolentino. Pero minsan talaga, magigising ka na lang at maiisip mo parang gusto ko mag Lemonade Macchiato lang ngayon. Kahit ngayon lang. Kahit siguro forever.

Kasi yah know too much coffee will kill you, with all the caffeine and stuff. Ang coffee parang love, minsan sweet, minsan creamy, madalas bitter. Buti pa ang water, tasteless, odorless, colorless, at pure... or purified? Josko yung water dito samin macchiato na rin yata.

Sabado, Oktubre 1, 2011

No Other Woman

Walang komento:
I'm not really a fan of drama, lalo pa't Pinoy drama kasi naman yah know may tendencies na repeated na yung story sa ilang milyong telenovela.

At dumating ang aking kinatatakutan, naimbayt ako ng friends manood ng No Other Woman. My first reaction... Seriously?! Apparently seryoso nga sila. I've seen the trailer at least once. At sa litanya lang naman nila ako nadala. Other than that wala akong balak na panoorin ito. Ang kitakits eh sa Gateway alas siete, nalate lang ako ng 15 minutes or so ashuswal pero pagdating ko doon soldout na kagad. Transfer kami sa Ali Mall via the electronic chorva shuttle nila. Good thing at may nag-open na cinema to accommodate daw ang dami ng tao.

Plot:

The story starts with Derek na isang supplier ng furniture ay nilalandi ang isang customer para makabenta. Entra ang isang mahaderang baklang assuming na yaman yamanang babayla ng furniture (inassume ko lang na mahadera sya dahil nasa tsura naman nya). Bibili daw ng isang box ng furniture package sa isang buong resort. Tambling kagad si Derek para mameet ang may-ari na si Tirso. Pinagstay pa sya ha to experience the amenities. Yes pwede na magstay sa hotel pero wala DAW silang furniture. Imagine?!

Nameet nya while nagmimiming galore si Anne, na nakaakabuset ang fake nahulog-ako-sa-motorboat effect. Lumalandi kaagad ang hitad, I lost my bikini top ang drama. Back at home drama dramahan din ang asawang si Cristine, why daw minake hubad yung ring nila. Ekpleyn ang Derek kesyo hinuhubad daw nya yun pag nasa client! Sa next meeting with Tirso nameet nya ulit ang Anne, heiress pala ng resort, pumaParis ang peg. May-I-pitch-in naman ang drama nya sa meeting para makuha si Derek, na supplier. Naglunchdate sila, may tour na naganap, inamin ni Derek na married na sya pero nauwi sa kama ang ending. Nagdeal naman silang di sya magiging mistress, dahil a woman can only be a mistress when there's love involved. Pak!

Uwi ni Derek, di sya like ng father in law nya. Di nya rin like ang father nya. Parang umiikot ang story sa father-son gaps pero no... nililito ka lang sa juicy part ng movie. Apparently, may kabit din ang father in law nya although parang di ko matatawag na mistress yun dahil mukhang hindi WOMAN yung teh sa eksena. Heniweys, lumalim ang landian moment nila ni Anne. Nagregalo pa sya ng bed post (or frame malay ko ba anung tawag dun) to fill up the spaces kasi you'd feel more alone daw may pag spaces.

At the same time umiimbestigate na ang Cristine kay Derek. Muntik na mahuli sila ni Anne na nagdidinner, as in hairline na lang eh nahuli na sila! Pero nalaman pa rin ni Cristine sa dulo nang tumawag si Anne kay Derek (yes borlog si Derek non at nakinig lang si Cristine sa tvoice, I know weird). Iyak iyak syang humingi ng tulong kay inang Carmi. Isa lang naman advice ni miss Carmi, ipack na ang Lucy Torres (talaga lang ha? Lucy Torres ba talaga ang iniispoof ni Cristine sa first half ng movey?) at ilabas na si Gmretchen, dahil sya ang epitomiya ng pagiging bitchessa.

Nagkaron ng confrontation, although pailalim ang tirahan. Una ambon lang na naging ulan, bagyo, at unos... parang umoOndoy ng bitch lines si Cristine. Ininvite pa sa balur para lang ipakita kay Anne kung sino ang orig. Di naman pinatulan ni Anne, pero lumabas na rin sa bibig nya na in lurve na sya. What would you do when the man you're in love with is unfortunately married?! Question ba yan kay Miss Angola? choz

Ayaw pa rin paawat ni Cristine, sumama pa sa resort. Akala mo naman ikinaganda nya ang pagtapak sa teritoryo ng kalaban nya. Pabonggahan ng katawan at panipisan ng swimsuit. At sa wakas nag-aminan din sila, yes kumakabit ang Anne! May pagod na ako drama si Cristine at please don't leave me effect si Anne. In the end pinili ni Derek si Cristine, pero iniwan din sya.

Nagsara ang business ni Derek. Hinabol sya ni Anne para magsorry pero pahabol effect ang Derek, until ayun naaksidente ang sinasakyan nya. Natuhog sya ng mga bakal bakal, parang napanood ko lang yan sa Final Destination ha. Heniweys, dinala sya ni Anne sa hospital. Iniinnerview sya ng nurse ng sabihin nyang di sya ang wifey kaya ayun napilitan syang tawagin si Cristine. Sa chapel nagkita ulit sila, nagsorry ang Anne kay Cristine at humingi ng tawad para kay Derek. That's not for you to decide. Pak!

After gumaling ni Derek, hinanap nya si Anne sa Costa Luz pero galit na binati sya ni Tirso. Piece of advice, if you stop hating your dad then you start acting responsible. Naabutan nyang paalis si Anne para hanapin daw ang sarili nya. Siguro lalandi na naman sa New York. After some time, bumalik ulit sa Pinas ang Anne, kung san nya nakita sa tianggean sila Derek at Cristine, may anak na. Pero ayaw pa rin paawat ang Cristine, kelangan ikiss ang Derek at baby. End.

Hatol:

Hindi sya isa sa mga original stories. Dahil paulit ulit na lang ang mga kwento. Ilang telenovela na ba ang may ganitong plot? Temptation of Wife. My Neighbor's Wife. Basta may wife, masama na kagad yan hahah. Ok fine kung sa aktingan lang naman eh parang di naman ako namove, parang natural lang ang landian nilang lahat onscreen. At may aktingan ba talagang naganap? Parang naghubad lang sila at nagfashion show. Sabi sa twitter account ni @krisaquinoSTD si miss Carmi Martin daw ay nagdeliver ng semi-brilliant na performance. But she's Carmi Martin, she'll be brilliant regardless. Nung humahagulhol sya akala mo umooverflow lang ang Angat Dam.

At ang mga litanya bonggey talaga. Sino bang beks ang scriptwriter nito? Antaba lang ng utak. Rumarub-a-dub-dub, two bitches in a tub. Bitch kung bitch. Double bitch kung double bitch. Baklang bakla! Parang ekwentro nga daw ng dalawang dragonessa! Sya rin ba yung writer nung Iisa Pa Lamang nila Angelica at Claudine?! Kung oo, howell recycled stuff here. Choz

Implikasyon:

Ewan ko ba kung nangyayari ang ganito sa totoong buhay. I mean yah know yung ganito kabonggang agawan. I know kaliwa't kanan (mostly kaliwa choz) may nagaganap na ahasan. Ikapitong utos ng Diyos, thou shall not commit adultery. Pero kabilaan din ang portrayal nito sa media ngayon. Wala naman akong karapatang manghimasok sa buhay ng iba, buhay nyo yan eh. Basta lang ang alam kong nangyayari sa totoong buhay... pag may kabit, binabaril sa SM. Or tinatakong sa mukha sa Market Market!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips