Kung meron lang extra load ang mga organizers sa Cine Adarna sa UP noong gabi ng July 29, siguro yan na ang pinagtetext nya sa mga nakapila sa SRO ng Cinemalaya. Nagkataong isa kami sa umaasang makakuha ng slot sa palabas ng gabing iyon. Kasagsagan ng galit ni Kabayan, o ni Juaning yata, di ko sure, at ume-aegis na ang mga nasa dulo ng pila azzin heto akohohohoh, basang basa sa ulahan. Ganyan.
Sige na po, ligo n u, lapit n me. Malapit na nga naman magstart ang palabas, although late sya ng twenty or thirty minutes or so sa scheduled screening nya. Actually nabilang na kami sa pila... nung una pang 100 na yung babae sa unahan namin sa pila, at supposedly we didn't make the cut na, we're not going to Bollywood dawg pero gumow pa rin kami sa pagpila kahit ligwak na. Nung sunod na count ng cute na usher eh nasa 70 plus na kami kaya lumakas ang loob namin maghintay more, more like 2 hours na hintay to ha. But it was all worth it.
Sa loob ng teatro punung puno ang bulwagan, pati aisle puno ng monoblocs. Sa likod kami umiistanding ovation. At nag lights out na...
Ligo na U, Lapit na Me ang isa sa mga lumahok sa 2011 Cinemalaya. Pinagbibidahan ni Edgar Allan Guzman kung saan sya nanalo ng Best Actor bilang si , at kasama si Mercedes Cabral (ang ateng pinakamaganda daw sa Cannes festival... puro chaka siguro mga tao dun choz... and yes sya nga yung nakahawak sa seemingly jafakes notches ni Coco sa isa pang indie film) bilang si Jennifer Evangelista. Isinulat ni Eros Atalia, isinalin sa pelikula ni Jerry Gracio, at idinirek ni Erick Salud.
Sya si Karl Vladimir Lennon J. Villalobos, tandaan mo ang pangalan na yan. Sa ikinahaba haba eh Intoy din ang tuloy, ewan ko ba san nanggaling yang Intoy pero ang ekpleyn nila sa mahabang nemsung eh dahil sa rallyistang tatay nya. Isang tahimik na tao, hindi masyadong expressive sa kanyang nararamdaman. Feeling ko Cancer din sya eh, dahil yah know may mental affinity kaming mga Cancerians. Tahimik, mapagsarili (in many ways than one yah know), hard shelled as in numanonchalant ang drama pero deep inside dumadyng inside to hold you. Yes relate na relate ako, pero assumption lang yan of course.
Ngayon nagkaron sya ng bagong friend, si Jen, the new hot chick in town. Si Jen mayaman, demanding, impulsive, at may sayad. Sya pa mismo ang lumigaw kay Intoy. Eventually niyaya din nyang magmotmot sila. At dun nagstay ang kalahating part ng kwento, ang motmot adventures. Kinda Love and Other Drugs sa walang kapararakang pagpapakita ng pwet at boobs.
Naging MU sila ni Jen... isang Magulong Usapan. In a relationship pero hindi naman talaga, parang FUBU lang sila, yah know fuck buddies. Di naman nagdemand si Jen ng kahit ano sa kanya, maliban sa sex. At di rin naman sya nagtanong kung nasaang level ba sila. Nung time na handa na syang magtapat ng feelings nya kay Jen, saka naman sya ginulat ni Jen na buntis pala sya... and he's not the father. Homg! Tangina!
Ang mga sumunod na eksena ay pawang mga kaemohan ni Intoy. Gumraduate pa rin sya, kahit nawala na si Jen. Natuto syang mamikap sa QC, uminom, at makipagchismisan sa mashongetz na beks, para maging happy daw. Ewan ko kung magiging happy ako sa mashongetz na beks, pero kung papagulungin nya lang ako sa tawa, as opposed to papagulungin somewhere else yah know. Tsaka kanya kanyang trip yan, wala na lang basagan. Ang worry ko lang eh di pa rin sya nakamove on. Minsan kulang ang isang taon para don, regardless ng three month rule ni Popoy. Isa, dalawa, tatlo, isang dekada, forever and ever.... ang mahalaga makakamove on ka rin eventually. Tapos kung kelan busy ka na, sa work or something, biglang lalabas sya sa harap mo, si Jen. Tangina!
It's a really sweet movie yah know. Napapanahon sa henerasyon ngayon, may social relevance pa choz. Mejo confused lang ako sa timeline nya. Like yung name nya hango sa 70s to 80s. Tapos alam ni Jen yung massacre film ni Kris Aquino na God why me? noong 90s. Tapos yung celphone nya pang 00s hahah. Heniweys, kung aalisin ang time element eh perfect pa rin sya sa generation ngayon. Mejo nakukumpara ko sya sa 500 Days of Summer na isa ring indie film akalain mo yun. Kasi may promise sya ng isang romantic comedy tapos papaduguin ka nya sa dulo. I just hate it that I love it.
Hindi ko lang din nagustuhan yung title. Nung makita ko nung tinext nya Ligo na U Lapit na Me naisip ko nasa gitna siguro na to ng pelikula. Hindi kasi nahuli nung title yung sentimyento ng buong pelikula, siguro kung buong motmot adventures lang eh appropriate syang title. Kung magpapakontes si Ate Charo kung ano ang title nito, siguro sinagot ko Panyo. Dahil sa dami ng ninenok ni Intoy na hanky ni Jen na ginagamit nya para magJO. Yun din yung pramis nyang ireregalo kay Jen, all 365 pieces. At yun din ang regalo nya sana kay Jen nung magpopropose na syang maging sila. Kung si JK ang magtatitle nito siguro magiging Intoy Bater and the Chamber of Secrets (Victoria ba ito choz). Kung si Stephanie naman ang magtatitle nito siguro magigi syang Dimlight, tapos ang cover red na lamp shade on a black field. Winner!
Ipapalabas sya sa big screen sa August 17. I might wanna see it again. Para magdugo ulit ako. God why me?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento