Ham Yumminess NYCviaRachel by via Flickr.
Isipin mo na lang ham yan.
Ang tagal ko nang di nakakausap si Eile. Last time nagkachat kami eh puro IQ test ang pinagsasabi nya. Ngayon naman naninikluhod kaming humihingi ng awa na limusan kami ng pang-Noche Buena. Kelangan Purefoods quality or above. Choz! Marami kasi umaarte this time of the year yah know. Si kuya niregaluhan ng ham ang comment ba naman nya eh yung ham daw galing lang sa bangketa. Kalurks. Pasalamat ka na nga lang at may umiistar of the noche buena feast ka samantalang yung iba walang makain.
Eile: So saan ang inuman ngayong pasko?
Athan: Wala nga eh. Liver lover muna ako. hahah
Eile: Ikaw na!
Athan: Eh ikaw san ang inuman?
Eile: Di ako umiinom eh... strict ang parents ko. Hanggang Tang lang.
Athan: Tang?! Nako nakakalasing kaya yun. Lakas tama. hahah
Eile: Oo nakakakulay pa ng dila.
Athan: And in many colors pa. May violet, may red, may blue, at pinakamatapang ang orange. hahah
Eile: Anong flavor ang blue? Lysol naman ata yun.
Athan: Antibac flavor daw.
Eile: Sarap at healthy pa! Handa naming pasko eh ginayat na ampalaya. Andame kaseng bitter eh. So there.
Athan: Kesa naman ginisang pechay. Gusto mo ba kumain ng pechay? Paskong pasko. Josko! hahah
Eile: Ano ito yung pechay na inasinan lang? Ano ba yan! Sana yung may flavor naman bago ginisa.
Athan: Ibababad muna sa Tang para may tama. hahah
Eile: Sabi na eh. Nasa bahay ka niyan? Ako nasa opis pa. Kakagalit! Parang computeran lang naman dito. Pinapasok pa ko.
Athan: Oh gudlak naman sayo. Kelan kayo pauuwiin? Pag tapos na magslice ng ham? Mehganon?!
Eile: So wrong. Luluwas pa nga ako ng Tuguegarao eh. Mahuhuli na ko niyan ng bus.
Athan: Seryoso? Ang lapit lang ha.
Eile: Sana pwede mong isulat at isend sa MMK
Athan: Oo. Tapos may eksena sa CR na umiiyak ka sa tapat ng urinal kasi naubusan ka ng ham.
Eile: Sana naman na-flush yung urinal.
Athan: Akswali may sumuka sa urinal ng ham kaya ka naiyak.
Eile: Dapat manalo ako ng award nito grabe ang pagtulo ng luha ko dito. As in pang Cannes!
Athan: Hindi lang Cannes pati Grammy makukuha mo. Kasi may musical number sa urinal habang umiiyak ka.
Eile: Duet kame ni Charice! Hello hello baby you called I can't hear a thang...
Athan: Tamaaaa. Nasa urinal din si Charice. Umiihi ng patayo. Homg.
Hulaan ang title ng MMK episode na ito. Just type in MMK <space> <answer> at isend mo lang yan sa 2366. Promo runs til December 24.
~0~
Hindi sa handa sa iyong hapag, o sa mga regalo sa Christmas tree, o sa dami ng ribon, eskoses at bumbilya (wala yata kaming eskoses... ano ba yun ha?) ang sya'ng mahalaga sa araw ng Pasko, kundi sa love na maiseshare mo. Kaya give love on Christmas day. Pero nakakain ba ang love? Meron ba syang pineapple sauce? Isipin mo na lang ham yan, and it will keep you alive. Mehganon?!
Merry Christmas!
Mistletoe by ahmet.surucu via Flickr.A kiss under the mistletoe. Yah know, mistletoe can be deadly if you eat it.
But a kiss can be even deadlier... if you mean it.
~Selena and Bruce
December, 2010
Nagkakantahan na naman ang mga bata sa kalsada. Sa neighborhood nila ate Sha sumising and dance ang mga bata to the tune of All I want for Christmas is Yoohoohoo babeh. Sa kabilang barangay namumudmod na ng mga sobre ang mga choir para daw mahiya ka naman magbigay ng below twenty paysows (kahit below par lang ang singingness nila). Enter si hija with matching kubyertos
Hija: Sa maybahay
Me: Wala, tulog, umalis.
Hija: Eh ikaw po.
Me: Wala nga sabi eh. Single ako lech. Wala akong maybahay. Kelangan ipowerpoint mo ito?! Ayheychu!
Hija: Loser!
Me: Patawaaaaa... on second thought! Shooo! Bumalik ka pag may pitch sense ka na. Your singing is just awful! It was excruciating the whole time, dawg! Choz!
Pasko na naman o kay tulin ng araw. Di na ako nakakapagblog lately. At di na rin ako nagsisimbang gabi. Tama na siguro yung nabuo ko sya last year. Wala naman ako napala. Pinaasa Niya lang ako. Choz lang po! Dapat kasi merong kalakip na caveat ang bawat wishes yah know: BAWAL ANG IMPOSIBLE! Bawal ang world peace, bawal ang condo unit, bawal ang Audi, bawal ang iPad, bawal ang lovelife, bawal ang gamot sa certain Cancers at alcoholism. Wag na makulit. Pag sinabing imposible wag na iwish. Pwede lang NFA rice, sardinas, noodles, Good Morning towels, kalendaryo, at picture frame.
Uso na naman ang SMP dahil kay ibowtomless-ang-saya-boy. Di yan yung samahan ng malalanding pechay, I can still remember nung bata pa ako referred yan as SMC, as in Christmas yah know wag shushunga shunga. Di ko naman pinalaminate ang certificate ko sa lifetime membership dun, pero ang uber korni lang talaga mag-emote na ng iba. Itigil na yan teh, naiimbernez na ang universe. At marami rin ang humahabol jumoin sa club yah know, mga recently singlefied. Cheers to us all!
Well di ko naman kinoconsider na malamig ang Pasko ko, although physically yes malamig na sya pwede nang matulog ng walang bentilador. Di sya malamig kasi I have my friends and family, and they are... omg I'm so nervous... the most important persons in my life yah know.
Kapag winter wonderland ang December mo eh di painitin mo. Kaya nga may chimney eh, magsunog ka ng sinibak na kahoy. But wait there's more, baka di ka na mabisita ni Santa nyan. And I've been a very, very, bad boy this year. Before mag-end ang taon ako naman ay humihingi ng taos pusong I AM SOWRI <in Ate Glo tone> sa mga taong sinaktan ko, yes including you hija sa monologue. Naway mapatawad nyo ako, at ilift na ang seven years curse. Di na po ako magbabasag ng salamin. At di na po ako magpapout. I pramis! At di na ako titikim pag lasing. But I won't do that!
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips